Professional Documents
Culture Documents
FILIBUSTERISMO
EJORCADAS, CHARLOTTE #
KABANATA 13:
Ang Klase sa
Pisika
Mga Tauhan:
• Padre Millon – guro sa Pisika
• Placido- mag-aaral
• Juanito – mag-aaral
buod
Ang kabanatang ito ay nagsimula sa paglalarawan ng
silid aralan ng klase sa pisika. Ipinakita rito ang
pagpapahalaga ng mga guro sa mga kagamitan na nasa loob
ng isang aparador na may salamin at nakasusi. Ang mga
gamit na nasa loob ng aparador ay nagsisilbing tila palamuti
lamang sapagkat ni hindi ito nagagamit o nahahawakan man
lamang ng mga mag aaral. Hindi lamang ang mga gamit na ito
ang halos walang gamit kundi pati ang mga guro na nagtuturo
sa paaralang ito. Tulad na lamang ni Padre Millon na isang
batang Dominiko na nagtapos ng pilosopiya sa kolehiyo ng San
Juan de Letran ngunit itinalaga bilang guro ng pisika.
buod
Ang uri ng pagtuturo ni Padre Millon ay nakabatay sa
kung ano ang ipinapakita ng mga mag aaral. Ang una niyang
sinubok ay ang antuking mag aaral. Ngunit dahil hindi ito
nakikinig ay hindi ito nakasagot. Ininsulto ito ng guro at
matapos ay tinawag si Pelaez matapos na marinig na ito ay
tumugon ng pabulong sa kanyang huling tanong. Sapagkat
madalang pumasok sa paaralan ay halos maisagot si Pelaez at
tinatapakan ang paa ng kamag aral na si Penitente upang
humingi ng sagot.
buod
Napalakas ang boses ni Placido sa pag dikta ng sagot
kaya naman siya ang binalingan ng guro. Maging si Placido ay
nalito sa kanyang tugon kaya naman inulan ito ng guro ng
mura. Nasakatan si Placido sa lahat ng masasakit na narinig
mula sa guro kaya't ito ay umalis ng walang paalam. Nagulat
ang lahat sa kanyang ginawa at natapos ang klase ng ang
lahat ay puno ng pagtataka. Natapos ang klase sa
pamamagitan ng isang sermon mula sa guro at umuwi ang
lahat ng mag aaral ng walang anumang natutunan.
TATLONG ARAL
• Bilang isang estudyante mahalaga ang pagrespeto sa ating mga
guro at mga taong tinalaga bilang awtoridad, kahit sila’y may
ipinapakitang hindi maganda.
Manindigan