You are on page 1of 6

Ang kabanatang ito ay

nagsimula sa
paglalarawan ng silid
aralan ng klase sa pisika.
Ipinakita rito ang
pagpapahalaga ng mga
guro sa mga kagamitan na
nasa loob ng isang
aparador na may salamin
at nakasusi. Ang mga
gamit na nasa loob ng
aparador ay nagsisilbing
tila palamuti lamang
sapagkat ni hindi ito
nagagamit o
nahahawakan man
lamang ng mga mag
aaral. Hindi lamang ang
mga gamit na ito ang
halos walang gamit kundi
pati ang mga guro na
nagtuturo sa paaralang
ito. Tulad na lamang ni
Padre Millon na isang
batang Dominiko na
nagtapos ng pilosopiya sa
kolehiyo ng San Juan de
Letran ngunit itinalaga
bilang guro ng pisika.
Ang uri ng pagtuturo ni
Padre Millon ay
nakabatay sa kung ano
ang ipinapakita ng mga
mag aaral. Ang una
niyang sinubok ay ang
antuking mag aaral.
Ngunit dahil hindi ito
nakikinig ay hindi ito
nakasagot. Ininsulto ito
ng guro at matapos ay
tinawag si Pelaez
matapos na marinig na ito
ay tumugon ng pabulong
sa kanyang huling tanong.
Sapagkat madalang
pumasok sa paaralan ay
halos maisagot si Pelaez
at tinatapakan ang paa ng
kamag aral na si Penitente
upang humingi ng sagot.
Napalakas ang boses ni
Placido sa pag dikta ng
sagot kaya naman siya
ang binalingan ng guro.
Maging si Placido ay
nalito sa kanyang tugon
kaya naman inulan ito ng
guro ng mura. Nasakatan
si Placido sa lahat ng
masasakit na narinig mula
sa guro kaya't ito ay
umalis ng walang paalam.
Nagulat ang lahat sa
kanyang ginawa at
natapos ang klase ng ang
lahat ay puno ng
pagtataka. Natapos ang
klase sa pamamagitan ng
isang sermon mula sa
guro at umuwi ang lahat
ng mag aaral ng walang
anumang natutunan.

El Filibusterismo
Kabanata XIII
Ang Klase sa Pisika
Submitted by:
Wilfred Louis P. Limos

You might also like