You are on page 1of 1

Klase sa pisika

Ang guro na si Padre Millon ay bata pa at malalim ang kaalaman sa pilosopiya, Ito
ang kanyang unang beses magturo ng pisika.
Ang kanilang aralin ay tungkol sa salamin. Mga parte ng salamin, kung saang mga
materyales ito ginawa, at kung paano ito gumagana.
Unang estudyante na tinanong ni Padre Millon ay isang antukin, hindi ito
naintindihan nung estudyante. Inulit-ulit ng guro ang aralin na parang plakang
tinigil at pinaandar ulit sa ponograpo at muling tinanong ang estudyante.
Si Pelaez, isang batang mahilig gumawa ng kalokohan sa kanyang mga kamag-aral
ay binulungan ang estudyante ng maling sagot. Ginamit ito ng estudyante at
nagsitawa ang buong klase kasama ang guro.
Tinawag naman ngayon si Pelaez ng guro at siya’y tumayo, tinapakan ni Pelaez
ang paa ni Placido hangga’t siya ay mapasigaw.
(Ginawa ito ni Pelaez upang mailipat kay Placido ang atensyon ng guro)
Tinanong si Placido ng mga tanong, at dahil siya ay isang mahusay na estudyante,
nasagot niya ng tama ang mga sagot ngunit nalito siya sa huli.
Nagresulta dito ang mga parusa ng guro na panglalait, pagmumura, penitencia
(Ang pag aamin sa mga maling gawain sa isang pari), 15 na liban sa klase, at
mababang grado dahil sa kanyang maling sagot.
Dahil sa pagkainis ni Placido ay sinagot niya ang pari “Maaaring markahan ninyo
ako nang ano mang marka nguni’t wala kayong karapatan umaglahi sa akin!”
Umalis si Placido sa klase nang walang paalam at natahimik ang buong klase dahil
hindi nila inaakalan na magagawa niya ito dahil nga siya ay isang mahusay na
estudyante,
Ang guro ay sumermon lang nang sumermon hanggang matapos ang kanilang
klase nang wala siya naituro at walang natutunan ang kanyang 234 na estudyante
sa kanilang aralin.

You might also like