You are on page 1of 4

FILIPINO 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

TOPIC Pagpapakilala, Mga Kagamitan, Daloy ng Klase, Patakaran sa Klase, Pamantayan sa


Pagmamarka, Paglalahad sa Deskripsyon ng Kurso, Pagbibigay ng Diagnostic Test

Pagpapahalaga sa Pagdiwang ng Buwan ng Wika


(Documentary: iWitness,FB Live, Classroom Trivia)

WEEK 1 DURATION 180 mins

After studying this module, you will be able to:

1. Nauunawaan ang mga patakaran sa klase, pamantayan sa pagmamarka at ang daloy ng klase.
2. Nalilinang ang mga kaalaman na nakikita sa documentary na napanood.
3. Naipapahayag ang saluubin ng mga mag-aaral sa pagpapahalaga ng pagdiwang ng Buwan ng Wika.
4. Nababalikan ang mga naunang kaalaman ng asignaturang Filipino sa pamamagitan ng Diagnostic Test.
5. Nasusukat ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaaral.

PAGPAPAKILALA - Unang-una ay bubuo ng isang panalangin ang klase at ang panalanging ito ay gagamitin
bago mag-umpisa ang klase. (3-5 minuto)
- Ang bawat isa ay magpapakilala sa pamagitan ng isang malikhaing paraan
- Sa pamagitan ng apat (4) na taludtud o linya na may tugma ay ipapakilala ang kanilang
sarili sa klase na pinapaluuban ng kanilang magandang katangian. (3-5 mins. ang
pagbuo)
- Mula sa guro may kaunting pagpapaalala at pagpapahalaga sa kanilang pangalan bago
magpapakilala ang guro

KAGAMITAN Dapat ang mga mag-aaral ay may nakahandang mga kagamitan tulad ng mga sumusunod:
✔ Ballpen
✔ Papel or notebook para sa subject Filipino 01 (for Fili files)
✔ Laptop, cellphone, desktop, headphones

DALOY NG KLASE - Ang klase ay may 1 hr or 1 ½ hr.


- Dapat ang sarili ay handa bago mag-umpisa ang guro na magsasalita
- 3-5 mins ang guro ay mag-uumpisa sa klase
- Walang tatayo tuwing may klase at nagsasalita ang guro ( depende sa sitwasyon
*emergency* tulad ng pangangailangang pisyolihikal)
- Kung ang guro ay nagsasalita dapat makikinig ang mga mag-aaral
- Magtatalakay ang guro ng paksa ay sa loob lamang ng 45 mins.
- Ang natirang 10 mins ay maaaring magkaroon ng clarifications ang mga mag-aaral sa
mga paksang hindi nauunawaan
1
FILIPINO 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

- Sa loob na talakayan ng guro ay maaring magtanong ngunit sa isang magalang na


paraan. Maaring magsalita ng “Ëxcuse me Po Ma’am” at ilahad ang tanong at kung ang
iba ang may tanong maghintay kung matapos ang guro sa sagot.
- Maaaring may biglaan pagtawag sa mga pangalan ng bawat isa at ang sagot nito ay
maging kabilang sa puntos ng klase.

PATAKARAN SA KLASE
- Mas mabuting naka-online na minuto bago ang klase
- Ang klase ay magkikita ng isang beses lamang at ang natirang panahon ay para sa mga
gawain
( MFW class – Monday – meeting WF – paggawa sa mga Gawain)
(T-Th class – Tuesday – meeting Thurs – paggawa sa mga Gawain)
- Kung pumasok sa klase ng 5-10 mins ang guro ay magmamarka ng LATE
- 11 mins up ay maging ABSENT naman ang isang mag-aaral
- Dapat nakahanda na ang LOAD (good for the day), hind imaging excuse ang LOAD at
CONNECTIONS upang bigyan ng palugit ang isang mag-aaral kung ano ang kanyang
naiwan o na miss sa klase.
- Dapat may mga kagamitan na inihanda sa mesa kung saan ka nakaupo upang walang
tatayo sa klase para kukuha pa ng masuuslatan
- Dapat handa ang sarili bago uupo at sasali sa klase
Ito ang mga dapat tandaan sa KAHANDAAN NG SARILI:
✔ Walang tuwalya na nakapatong sa ulo kung naligo
✔ Dapat walang papasok sa klase na kagigising lamang
✔ Dapat “fresh” kung nakaharap sa cam (nagsuklay at maayos na ang hitsura)
✔ Walang naka-sleeveless
✔ Walang kakain habang nasa klase
- Walang malalaswang larawan o larawang nakakaattract sa kaklase bilang background sa
sumasali (attended) sa klase na maging dahilan ng ingay.
- Walang tatayo sa klase upang magstretching lalong-lalo na kung may guro
- Dapat nakaupo nang tama upang harapin ang cam
- Dapat ang lahat na mga GAWAIN ay maipapasa sa takdang panahon (deadline)
- Para sa huling magpasa sa mga GAWAIN ay may bawas sa BAWAT ARAW
(note: depende sa guro kung ilan ang ibabawas)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
- May tatlong bahagi ang pagmamarka
- 25% class standing, 25% major exam at 50% performance task
- Sa buong midterm may puntos and attendance ng 50 points ngunit mababawasan kung
Late – 5 points at Absent – 10 points
- Maaring may dalawang PT ang klaseng ito. Isa ang Impromptu at isa ang Written para
sa Midterm at Finals

PAGLALAHAD SA DESKRIPSYON NG KURSO


- Ito ay Filipino 01 (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)
- Sa asignaturang ito mauunawaan ng mga mag-aaral nang may masusing
pagsasaalang-alang ang mga linggwsitiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa
lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito

2
FILIPINO 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

- Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang


Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
- Inaasahan ng kursong ito ang isang “title proposal” bilang output

DIAGNOSTIC EXAM

PAGPAPAHALAGA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA

- Manonood ng Documentary: iWitness


- Live Streaming ng isang pagapagsalita

- Classroom Trivia sa klase

- Iba pang gawain sa klase

Deadline: Agosto

Batayan sa Paggrado:

Value ng WP na nakita – 10 pts


Creativity /kagandahan ng larawan - 5 pts
Kaugnayan ng larawan sa Text - 10 pts
25 pts

TEMA NG BUWAN NG WIKA 2021

3
FILIPINO 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Inihanda ni:

Charlotte G. Ablen
Instructor, Senior High School

You might also like