You are on page 1of 62

Moodle Gabay sa Asignatura

IKAAPAT NA MARKAHAN
5
FILIPINO
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Para sa Mga Mag-aaral

Pagbati sa iyo! Natitiyak ko na madami kang matututuhan mula sa mga aralin na iyong
pag-aaral sa asignaturang ito. Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga gawain at
mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa iyo sa paggamit ng Filipino 5
Moodle Classroom. Nawa ay maging kawili-wili para sa iyo ang pagsasagot ng mga nilalaman
ng Moodle Classroom. Huwag kang mawalan ng pag-asa kung nahihirapan sa pagsasagot.
Buo ang aming tiwala sa iyong kakayahan na matatapos mo ang mga iniatas na gawain!
Mabuhay ka!
- Mga May-akda

2
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Tungkol sa mga May-akda

Kung ikaw ay may katanungan o nais linawin tungkol sa nilalaman ng mga aralin sa Filipino
5 - (Ikalawang Markahan), maaring makipag-ugnayan sa sumusunod:

Gng. Maria Jeddah C. Buiza

Siya ay kasalukuyang guro sa Francisco


E. Barzaga Memorial School. Ang
kasalukuyan niyang tinuturuan ay mga
nasa Ikalimang Baitang na mga mag-
aaral.
https://www.facebook.com/mariajedda
h.buiza
0919 3603086

mariajeddah.buiza@deped.gov.ph

Gng Jane T. Vallejo

Siya ay kasalukuyang guro mula sa


Ramona S. Tirona Memorial School. Ang
kasalukuyan niyang tinuturuan ay mga
nasa Ikalimang Baitang na mga mag-
aaral.
https://www.facebook.com/AnjeLovejal

09150888136

` jane.vallejo001@deped.gov.ph

3
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Gng. Rona M. Terre


Siya ay kasalukuyang guro sa Francisco E.
Barzaga Memorial School. Ang kasalukuyan
niyang tinuturuan ay mga nasa Ikalimang
Baitang na mga mag-aaral.
https://www.facebook.com/ronamendezabalterre/

09193356973

rona.terre@deped.gov.ph

Gng. Nellie R. Ganipan


Siya ay kasalukuyang guro sa Francisco E.
Barzaga Memorial School. Ang kasalukuyan
niyang tinuturuan ay mga nasa Ikalimang
Baitang na mga mag-aaral.
https://www.facebook.com/nelz.ganipan

0919 3958810

nellie.ganipan002@deped.gov.ph

4
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Mga Panuntunan sa Paggamit ng Moodle Classroom ng Filipino 5

Narito ang mga alituntunin na dapat mong sundin sa paggamit ng ating Moodle
Classroom:

1. Basahing mabuti ang mga aralin at gawaing nakatakda sa bawat modyul. Huwag
magmadali upang lubos na maunawaan ang aralin.

2. Siguraduhing nasagutan ang lahat ng mga gawain na naibigay sa iyo bago lumipat sa iba
pang gawaing nakapaloob sa modyul.

3. Maging magalang sa guro at kapwa mag-aaral sa tuwing magbibigay ng mensahe at


komento.

4. Tiyakin na wasto ang paggamit ng gramatika at mga baybay ng salita upang mahasa ang
kakayahan sa asignaturang Filipino.

5. Kung sakaling ikaw ay nahihirapang sagutin ang mga gawain sa bawat modyul, maaari
kang magtanong sa iyong guro. Maaari ka ring magpatulong sa iyong magulang at iba pang
kasama sa bahay.

Kapag sinunod mo ang mga alituntunin na ito, tiyak kong magiging matagumpay ang
iyong pag-aaral! Umaasa kami, na sa pamamagitan ng mga Aralin sa MOODLE
CLASSROOM na ito, makararanas ka nang makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
nang malalim na kasanayan na naayon sa mahahalagang kompetensi ng kurso/
asignatura. Kaya mo ito!

5
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Mga Icon sa Moodle Classroom ng Filipino 5

Ang sumusunod ay ang mga icon sa moodle classroom ng Filipino 5:

6
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

7
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Mga Bahagi ng Aralin

Ang sumusunod ay ang mga bahagi ng aralin ng Filipino 5:

PANIMULA (INTRODUCTION)
Ang bahaging ito ay naglalaman ng tatalakaying panitikan at gramatika. Ito ay naglalaman din
ng mga dapat na matutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa aralin.

PAGPAPAUNLAD (DEVELOPMENT)

Dito makikita ang iba't ibang mga gawain at pagtalakay na kaugnay ng aralin.

PAGPAPALIHAN (ENGAGEMENT)
Naglalaman ng performance task ng aralin.

PAGLALAPAT (ASSIMILATION)
Malikhaing paglalahat mula sa mga natutuhan. Maaaring isang tanong, gawain o iba pa na
susubok sa natutuhan sa kabuoan ng aralin.

8
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Ikatlong Markahan

Deskripyon ng Asignatura

Ang modyul na ito ay isinulat upang matutuhan mo ang paggamit ng pang-abay sa


paglalarawan ng kilos at napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan
o kronolohikal na pagsunod-sunod ng mga pangyayari. Ang pagbibigay ng angkop na
pamagat sa tekstong napakinggan ay inaasahang magagawa sa araling ito.

Pamantayang Pangnilalaman
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos (F5WG-IIIa-c-6)

2. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (Kronolohikal na


pagsusunod-sunod) F5PN-IIIb-8.4

Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng isang ulat o panayam/ Nakapag-uulat ng impormasyong
napakinggan at nakabubuo ng balangkas ukol dito

9
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Sa pagtatapos ng kabuuang aralin, ang sumusunod na layunin ay inaasahang matamo:

Aralin Kompetensi Gawaing Pampagkatuto


Aralin 1: Uri ng 1. Nagagamit ang iba’t ibang 1.1 Paghahawan ng Balakid
Pangungusap uri ng pangungusap sa
pagsasalaysay ng 1.2 Pagsagot sa mga
napakinggang balita Katanungan
(UNANG LINNGO)
F5WG-Iva_13.1

2. Naibibigay ang
mahahalagang pangyayari.

F5PB-IVi-14

Aralin 2 1. Nakagagawa ng dayagram 1. Pagsagot sa mga


Sanhi at Bunga/ ng ugnayang sanhi at bunga Katanungan
Paggawa ng Buod mula sa tekstong napakinggan. 2. Pagbibigay ng buod

(IKALAWANG F5PN-Iva-d-22
LINGGO)
2. Nakapagbibigay ng lagom o
buod ng tekstong
napakinggan.

F5PN-IVg-h-23
Aralin 3: Iba’t ibang 1. Nagagamit ang Iba’t ibang 1. Pagsagot sa mga pagsasanay
Uri g Pangungusap Uri ng Pangungusap sa tungkol sa iba’t ibang uri g
sa Pagdedebate Pakikipag-Debate Tungkol sa pangungusap
Isang Isyu
2. Pagbuo ng isang debate
(IKATLONG
F5WG-IVb-e-13.2
LINGGO)
2. Nakapagbibigay ng
Maaaring Solusyon sa Isang
Naobserbahang Suliranin

F5PS-IVe-9

3. Natutukoy ang Paniniwala


ng May-akda ng Teksto sa
Isang Isyu

F5PB-IVb-26

Aralin 4: 1. Napaghahambing ang 1.Pagbuo g Pangungusap


Paghahambing ng Iba’t ibang Dokumentaryo.

10
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

iba’t ibang 2. Pagtukoy sa pamagat ng


Dokumentaryo F5PD-IVe-j-18 pelikula o teleserye.

2. Nakapagbibigay ng
Maaaring Solusyon sa Isang
naobserbahang suliranin.
(IKAAPAT NA
LINGGO)
F5PS-IVe-9

3. Natutukoy ang Paniniwala


ng may-akda ng teksto sa
isang isyu

F5PB-IVb-26

Aralin 5: Pagsusuri 1. Nagagamit ang ibat ibang 1. Pagtukoy sa uri ng


ng Isang Produkto uri ng pangungusap sa pangungusap
pagsali sa isang 2. Pagbuo ng mga uri ng
(IKALIMANG usapan(chat). pangungusap batay sa
LINGGO) nakatalang sitwasyon
F5WG-IVf-j-13.6

2. Nagagamit ang ibat ibang


uri ng pangungusap sa
pagkilatis ng isang
produkto.

F5WG-IVd-13.3
Aralin 6: Paggawa 1. Nakapagbibigay ng 1. Pagsulat ng komposisyon
ng Sariling Maaaring Solusyon sa Isang
Naobserbahang Suliranin
Komposisyon
F5PS-IVe-9

(IKA-ANIM NA
LINGGO)

Aralin 7: Pagsulat 1. Nakasusulat ng maikling 1. Pagsulat ng isang balita o


ng Balita balita, editoryal, at iba pang ediitoryal
bahagi ng pahayagan 2. Pagsagot sa mga katanungan
(IKA-PITONG sa nabasang balita o editorial.
F5PU-Ia-2.8,
LINNGO)

11
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

F5PU-IIIj-2.11 3. Pagtukoy ang iba’t-ibang


bahagi ng pahayagan.
F5PU- IVe-h-2.11

Aralin 8: Pagsulat 1. Nakasusulat ng iskrip 1. Pagsulat ng iskrip para sa


ng Iskrip para sa para sa radio broadcasting radio broadcasting at teleradyo.
Radio Broadcasting at teleradyo.
o Teleradyo 2. Pagtukoy ang mga
F5PU-IVc-i-2.12 mahahalagang pamantayan na
dapat sundin sa pagsulat ng
(IKA- WALONG
2. Nagagamit ang iba’t-ibang iskrip sa radio broadcasting.
LINNGO) uri ng pangungusap sa
rmal pakikipanayam/interview. 3.Pagiisa-isa ang iba’t-ibang uri
ng pangungusap sa
F5WG-IVc-13.5 pakikipanayam/interview.

12
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Aralin 1

A. Pamagat

Aralin 1: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang


balita

B. Introduksyon

Ang modyul na ito ay isinulat upang matutuhan mo ang paggamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang balita.

Inaasahan din na maibigay mo ang mahahalagang pangyayari sa binasa/napakinggang balita.


Ito ay iyong mababatid sa tulong ng iba’t ibang Gawain na nakapaloob sa araling ito.

Panimulang Gawain: Magandang buhay sa inyong lahat. Simulan na natin ang unang Aralin
sa Ikaapat na markahan. Bago mo basahin ang balita tungkol sa “Panukalang pagtatanim ng
2 puno, sa bawat magtatapos na mag-aaral pasado sa Kamara” sagutan mo muna ang
paghahawan ng balakid upang lalong maunawaan ang babasahing balita.

Paghahawan ng Balakid:

Gawain 1.1

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita bago ang patlang. Piliin ang iyong sagot sa mga
salita na nasa ibaba.

1. Dalawang panukalang *pamantayan* batas para sa reforestation efforts ng gobyerno ang


sabay na pinalusot ng House of the Representatives.

2. Obligahin *siguruhin* ang mga estudyante't mga magulang na magtanim nang mas
maraming puno.

3. Miyerkules nang kumpirmahin *siguruhin* ng Kamara ang pagpasa sa House Bills 6930 at
6931.

4. Kung papasa rin sa Senado at mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi ito ang
unang dalawang batas na mag-oobliga sa mga mamamayang Pilipino na magtanim ng puno
bilang bahagi ng kanilang responsibilidad *gampanin*

5. Tumutugon *sumasagot* sa responsibilidad ng kabataan sa pagtatanim ng puno.

Mga Pagpipilian:

Sumasagot pamantayan gampanin siguruhin

C. Pagpapaunlad

13
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Ating paunlarin ang mga natutuhan mo sa panimula ng araling ito. Ipagpatuloy ang
pagbabasa at panonood sa susunod na mga gawain. May inilaang gawain saiyo upang lubos
na maunawaan ang aralin.

Pagbasa sa Balita:

Ngayon alam kong handing handa ka nan ga sa ating aralin. Nasubukan mo na bang
magtanim? Ano ang iyong mga itatanim? Ano ang pakiramdam kapag nagtatanim ka?
Basahin mo ang balita tungkol sa “Panukalang pagtatanim ng 2 puno kada graduating
student/magulang, pasado sa Kamara.”

Panukalang pagtatanim ng 2 puno kada graduating student, magulang pasado sa


Kamara
James Relativo (Philstar.com) - August 26, 2020 - 7:21pm

MANILA, Philippines — Dalawang panukalang batas para sa "reforestation" efforts ng


gobyerno ang sabay na pinalusot ng House of the Representatives, bagay na mag-oobliga
sa mga estudyante't mga magulang na magtanim nang mas maraming puno.
Miyerkules nang kumpirmahin ng Kamara ang pagpasa sa House Bills 6930 at 6931, para
itakda ang mga sumusunod na "civic duties" para sa environmental protection at
preservation.
Sa botong 222-0-0, oobligahing magtanim ng dalawang puno ang mga magulang sa kada
isang anak na palalakihin. Ibig sabihin, anim na puno ang dapat nilang itanim kung tatlo ang
kanilang magiging supling.
Oras na maging batas, kikilalanin 'yan bilang "Family Tree Planting Act" ng gobyerno.
Ganito rin naman halos ang nilalaman ng kahalintulad na panukalang batas na HB 6931,
na mas tumutugon naman sa responsibilidad ng kabataan sa pagtatanim ng puno.
Kikilalanin naman itong "Graduation Legacy For Reforestation Act" kung tuluyang
maisasabatas.
Kung papasa rin sa Senado at mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi ito ang
unang dalawang batas na mag-oobliga sa mga mamamayang Pilipino na magtanim ng
puno bilang bahagi ng kanilang responsibilidad.
Sa Section 8 ng Republic Act 10176, inuutusan ng estado ang sumusunod: "All able-bodied
citizens of the Philippines, who are at least twelve (12) years of age, shall be required to
plant one (1) tree every year."
https://images.app.goo.gl/nLkTGzjXM8hW2C1K6

14
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Sa pagsagot mo sa mga katanungang ito, ano anong uri ng pangungusap ang iyong mga
ginamit upang maisalaysay ng maayos ang iyong mga kasagutan? Tatalakayin natin
ngayon ang paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap.

Narito ang mga Uri ng Pangungusap

Mga Uri ng Pangungusap

Ang Pangungusap ay kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may
patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot.

Paturol o Pasalaysay Pautos

Padamdam Patanong

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Katanunga

Panuto:

1. Tungkol saan ang balita?


a. Civic Duties
b. Reforestation
c. Pagtatanim ng 2 puno kada graduating student.

2. Ilang puno ang kailangang itanim magulang sa bawat anak nila?


a. 1 puno kada isang anak
b. 6 na puno
c. 2 na puno

3. Oras na maging batas ang panukalang ito, Ano ang itatawag dito?
a. “Family Tree Planting Act’
b. "All able-bodied citizens of the Philippines, who are at least twelve (12) years of age,
shall be required to plant one (1) tree every year."
c. “reforestation”

5. Sa Section 8 ng Republic Act 10176, ano ang iniuutos ng estado?


.
a. “Family Tree Planting Act’
b. "All able-bodied citizens of the Philippines, who are at least twelve (12) years of age,
shall be required to plant one (1) tree every year."
c. "Graduation Legacy For Reforestation Act"

5. Ano naman ang itatawag kapag naisabatas na ang HB 6931?.


a. "Graduation Legacy For Reforestation Act"
b. "All able-bodied citizens of the Philippines”
c. “Family Tree Planting Act”

15
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Pasalaysay
Ito ay pangungusap na nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari.
Nagbibigay ito ng impormasyon o kaalaman. Nagtatapos ito sa bantas na
tuldok (.)
Halimbawa: Naipagpapatuloy pag-aaral sa kabila ng pandemia.
Patanong
Ito ay pangungusap na nagtatanong o humihingi ng kasagutan. Nagtatapos
ito sa tandang pananong (?)
Halimbawa: Saan mo gustong mamasyal pagkatapos ng pandemia?
Pautos
Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng pag-uutos o nakikiusap.
Nagtatapos ito sa tuldok (.)
Halimbawa: Huwag ipagbigay alam ang iyong password sa iba.
Padamdam
Ito ang pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa
tandang padamdam (!)
Halimbawa: Mabuhay ang mga Pilipino!

Panoorin ang Video clip ng mga Uri ng Pangungusap


https://www.youtube.com/watch?v=qZy-AxeZrH8
MGA URI NG PANGUNGUSAP (paturol o pasalaysay, patanong, pautos at padamdam) @Teacher
Zel July 18, 2020
https://www.youtube.com/watch?v=qZy-
AxeZrH8&t=82shttps://www.youtube.com/watch?v=qZy-AxeZrH8&t=82s

D. Pagpapalihan
Sa pagkakataon namang ito, ipagpatuloy mo ang pag-aaral at pagkatuto sa ating nasimulang
aralin. May mga nakalaang gawain upang lubos na matutuhan ang aralin

Pagkatapos talakayin sa pagpapaunlad ang paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa


pagsasalaysay ng balitang napakinggan/nabasa, ngayon naman dito sa pagpapalihan
susubukan nating mas kilalanin pa ang mga uri ng pangungusap.

16
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Gawain 1.3A

Panuto: Piliin sa ibaba ang tamang uri ng pangungusap sa bawat patlang, ayon sa
ipinapahayag na damdamin ng bawat pangungusap.

Pasalaysay padamdam pautos patanong

1. Kumusta po kayo?
2. Naku! Marami na ang nagkakasakit dulot ng COVID 19.
3. Pakisagot na lang po base sa inyong kaalaman o karanasan.
4. Maraming salamat po!
5. Masaya ang kumain nang samasama.

Gawain 1.3B

Panuto: Lagyan ng tamang gamit ng bantas ang mga sumusunod na pahayag.


1. Pakitapon ang basura sa tamang tapunan__________
2. Naunawaan ba Ninyo ang ating aralin________
3. Naku nasira ang laptop ko______
4. Sa panahon ngayon kailangan nating mag-ingat________
5. Kailan kaya ako maaaring makapamasyal______

E. Paglalapat- Uri ng Pangungusap


Mahusay! Nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Sa pagkakataong ito, iyong sasagutin ang
mga tanong ukol sa mga napag-aralan mo sa buong aralin.

Ano-ano ang apat na uri ng pangungusap?

1. __________________________

2. __________________________

3. __________________________

4. __________________________

17
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Aralin 2

A. Pamagat

Aralin 2: Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong


napakinggan.

Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan.

B. Introduksyon

Magandang araw muli sa inyo mga mag-aaral! Sa araw na ito ay magkakasama tayo upang
matuto ng bagong aralin. Alam kong masaya kayo at natutuwang tumuklas ng bagong
kaalaman para sa linggong ito.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin para sa ikalawang linggo ng pagkatuto na
kung saan mapag-aaralan natin ang tungkol sa paggawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at
bunga mula sa tekstong napakinggan at makapagbigay ng lagom o buod.

Input ng Guro: Pagtatalakay sa Sanhi at Bunga

Sanhi at Bunga
Ang sanhi ay ang pagbibigay-dahilan o paliwanag sa mga pangyayari.
Mga pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi ng mga pangyayari:

• Dahil/ dahilan Kasi naging


• Sapagkat/pagkat Palibhasa
Ang bunga ay ang resulta o kinalabasan ng pangyayari. Ito ay ang epekto dulot ng
pangyayari. Madaling maunawaan ang kuwentong binasa kung mapag-uugnay natin ang
naging dahilan at kinalabasan ng mga pangyayari sa binasa.
Mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga ng mga pangyayari:

• kaya/ kaya naman bunga nito


• kung/ kung kaya tuloy
Halimbawa:
Sanhi bunga
Kumain ng chocolate si Joshua kaya sumakit ang ngipin niya.
Sanhi bunga
Nadapa at nasugatan si Kris kaya iyak siya ng iyak.
Sanhi bunga
Nag-aral ng mabuti si John kaya mataas ang nakuha niyang marka.
Panoorin ang video ng Sanhi at Bunga
https://www.youtube.com/watch?v=wtRUUoxzJlg

18
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Gawain 2.1A

Panuto: Kilalanin kung sanhi o bunga ang may salungguhit. Isulat ang sanhi kung ang
nakasalungguhit ay nagbibigay ng dahilan o paliwanag sa mga pangyayari. Bunga naman
kung ang nakasalungguhit ay epekto o resulta ng pangyayari.
____1. Si Mutya ay isinilang na malambot at nakabalukyot ang isang paa
kung kaya naman habambuhay siyang lumpo.
____ 2. Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro dahil sa kanyang
pagkalumpo.
____ 3. Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa
niyang tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa loob niya.
_____ 4. Pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog ng piyano kung kaya
natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino
sa musika.
_____ 5. Siya ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang
pambihirang kakayahan sa pagtugtog.

Gawain 2.1B Kilalanin ang Sanhi at Bunga

Panuto: Piliin ang salitang Sanhi kung ang tinutukoy ng parirala ay sanhi ng pangyayari
at Bunga kung tumutukoy naman sa Bunga ng pangyayari.

1. Nakihalobilo si Oscar sa bayan


2. kaya siya nahawaan ng COVID 19 virus.
3.Si Joel ay maghapong naglaro ng online games
4.kaya hindi niya nasagutan ang modules.
5. Dumadami ang kaso ng COVID 19
6.dahil sa patuloy na paglabas at pakikihalubilo ng mga tao.
7. Bumaha sa ilang lugar ng Cavite
8. sapagkat maraming basura ang itinatapon sa mga ilog.
9. Nagdasal at nagpasalamat si Bea
10. dahil silang lahat ay malakas at malusog ang pangangatawan.

Sanhi Bunga

19
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

C. Pagpapaunlad

Ating paunlarin ang mga natutuhan mo sa panimula ng araling ito. Ipagpatuloy ang
pagbabasa at panonood sa susunod na mga gawain. May inilaang gawain saiyo upang lubos
na maunawaan ang aralin.

Ang Batang Maikli ang Isang Paa

Pinoy Collection

Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at
nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa
mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay
na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng
panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.
“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa
kanya. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin.
Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang
kalagayan nang maluwag sa loob niya.
Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba’t ibang
instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.
Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog
ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa
musika. Maraming mga guro sa musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang
maging estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang piyanista.
Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon.
Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na
siya tinutukso ngayon. Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat
ay nagkakagusto sa kanyang pambihirang kakayahan sa pagtugtog.

Maaaring panoorin ang video clip upang lalong maunawaan ang kwento.Video Clip ANG
BATANG MAIKLI ANG ISANG PAA, Precy Mendoza, Feb 8,
2021https://www.youtube.com/watch?v=3CSPXAk8j2k

20
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Gawain 2.2 Pagsagot sa mga Katanungan mula sa binasang parabula.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan

1. Hindi natanggap ni Mutya ang kaniyang kalagayan


a. Tama
b. Mali

2.Sa kabila ng kaniyang pisikal na kalagayan, ano ang natuklasan niyang talent sa
kaniyang paglaki?
a.Pagtugtog ny piyano
b. Pagguhit
c. Pagsasayaw

3. Ano ang kapansanan ni Mutya?


a. Bulag
b. Lumpo
c. Putol ang isang paa

4. Ano ang naranasan ni Mutya sa kaniyang mga kalaro at kaklase?


a. Pag-alalay
b. Panunukso
c. Pagmamahal

5. Hindi hadlang ang ating kapansanan sa buhay para magtagumpay sa buhay


a. Tama
b. Mali

D. Pagpapalihan

Sa pagkakataon namang ito, ipagpatuloy mo ang pag-aaral at pagkatuto sa ating


nasimulang aralin. May mga nakalaang gawain upang lubos na matutuhan ang aralin.

Input ng Guro: Paraan ng Pagusulat ng Buod

Talakayin naman natin ngayon kung ano ang mga paraan sa pagbubuod ng isang kwento
o talata. Pag-aralan ang mga ito at sagutin ang kasunod na Gawain.
Buod- Pagsasalaysay ng mga pangyayari na naganap sa isang kwento sa paraang mas
madali itong maintindihan ng mga mambabasa. Tinatawag ding lagom, diwa o sumaryo ng
teksto. Ito ay siksik at pinaikling bersyon ng tekstong nabasa o napakinggan.

Mga Paraan sa Pagsulat ng buod


1. Basahin at unawaing Mabuti ang binasa o pinakinggan. Alamin ang pangunahing diwa
o pinakapaksa nito.
2. Alamin ang mga kasagutan sa tanong na ano, saan, sino, kalian at bakit.

21
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

1. Iwasan ang pagdaragdag ng sariling opinion o pagbibigay ng halimbawa


at iba pang detalye.
2. Ilahad ito sa maliwanag at magalang na pamamaraan.
3. Gawing payak at tuwiran ang paglalahad.

Halimbawa:

Iba’t ibang baryant na ng COVID 19 ang lumabas sa iba’t ibang bansa maging sa
Pilipinas. Ayon sa mga eksperto, mas mabilis na makahawa ang mga baryant na ito.
Walang pinipiling edad ang sakit na ito. Maaaring bahagya lamang ang epekto sa
iba ngunit delikado at nakamamatay para sa mga matatanda at mga taong may iba
pangkaramdaman gaya ng diabetes, asthma, hypertension, sakit sa puso, baga,
kanser at iba pa.

Sagot:
Iba’t ibang baryant ng COVID 19 ang kumakalat sa kasalukuyan. Wala itong pinipiling edad.
Pagbibigay ng Buod o Lagom ng Tekstong Napakinggan, Titser Myrene Apr 6, 2021
Video clip https://www.youtube.com/watch?v=RnHN3tHHW_M

Gawain 2.3 Pagbibigay ng Buod

Panuto: Ilahad ang buod ng mga sumusunod na kwentong iyong mababasa.

Ilahad ang buod ng mga sumusunod na kwentong iyong mababasa. 1. Mula


sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at
nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa
mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo.
Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya
ang mga magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng
panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.

Buod:

22
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

2. Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa kanya.
Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin.
Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang
kalagayan nang maluwag sa loob niya.
Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba’t ibang
instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.
Buod: ______________________________________

3. Pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang


man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa musika ang
humahanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang piyanista.
Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon.
Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na
siya tinutukso ngayon. Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat
ay nagkakagusto sa kanyang pambihirang kakayahan sa pagtugtog.
Buod: ____________________________________________

E. Paglalapat

Mahusay! Nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Sa pagkakataong ito, iyong


sasagutin ang mga tanong ukol sa mga napag-aralan mo sa buong aralin.

Ano ang mga natutuhan mo sa Ikalawang Linggo ng Ika-apat na Markahan? Ibahagi


ito sa pamamagitan ng pagsusulat ng patalata.

23
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Aralin 3

A. Pamagat

Aralin: . Nagagamit ang Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pakikipag-Debate Tungkol sa


Isang Isyu
Nakapagbibigay ng Maaaring Solusyon sa Isang Naobserbahang Suliranin
Natutukoy ang Paniniwala ng May-akda ng Teksto sa Isang Isyu

B. Introduksiyon.

Maligayang pagbabalik mga mag-aaral. Nasa huling yugto na kayo sa inyong aralin.
Isinulat ang modyul na ito, upang magagamit mo ang iyong kakayahan sa iba’t ibang uri ng
pangungusap sa pakikipag-debate tungkol sa isang isyu, Makapagbigay ng maaaring
solusyon sa isang naobserbahang suliranin.

Inaasahan na matukoy mo ang paniniwala ng may-akdang teksto sa isang isyu at


mapaghambing mo ang iba’t-ibang dokumentaryo

Panimulang Gawain

Gawain 3.1 Pagkilala sa Uri ng Pangungusap

Basahin ang pangungusap, isulat ang uri ng pangungusap kung ito


ay pasalaysay, patanong, pakiusap, o padamdam na tinutukoy.
1. Maraming tao ang nagsimba noong pista. ____
2. May palaro bas a plasa? ___________
3. Papasukin mo ang mga bisita natin._____________
4. Maaari po bang humingi ng tubig?
5. Naku! Nadulas ang bata sa palosebo

C. Pagpapaunlad
Ating paunlarin ang mga natutuhan mo sa panimula ng araling ito. Ipagpatuloy ang
pagbabasa at panonood sa susunod na mga gawain. May inilaang gawain saiyo upang lubos
na maunawaan ang aralin

Panuto: Basahin ang debate na pinamagatang “Ang Palaaral at Di-Palaaral, Yaman ng


Bansa? Pagkatapos Mabasa, sagutan ang mga katanungan.

24
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Tagapamagitan: Sa oras na ito masusing pakinggan ang debate ng dalawang pangkat


ang Palaaral at Di-Palaaral.

Palaaral: Alam naming kami ay nagdudulot ng kasiyahan sa guro, magulang, lipunan


pamayanan at bansa dahil sa aming pagsusunog ng kilay naabot namin ang kaalamang
minimithi ng bawat isa. Kami iyong madalas nasa loob ng silid-aralan at masusing isinisilid
sa isip ang aralin. Kami iyong kapag tinanong ng guro ay bumubukal sa isipan ang
kasagutan. Kami rin ang taga sa panahon dahil madaling makakuha ng hanapbuhay. At
naku! Kabilang kami sa tagapag-paunlad ng bansa! Kayo, ganun din ba?

Di-Palaaral: Oo kabilang din kami sa tagapagpaunlad ng bansa. Bagamat mahina ang


aming ulo. Laging uwi ay itlog, kalabasa at palakol sa magulang namin. Naku! Tingnan
ninyo pagdating ng panahon. Yaman din kami di ba? Paano? Kahit sa panahong di
nakakakuha ng mataas na marka at Biyernes santo ang mukha kung kulelat sa mga aralin.
Isipin din ninyo ang aming kabutihan. Pakisuriin nga ninyo na bagamat kami ay
natataguriang “Physically Fit” but Mentally Absent” Mayroon kaming natatagong talino na
magpapaunlad ng sarili, tahanan, pamayanan at bansa. Alam ba ninyo, mahina ang ulo
namin ngunit may lakas at natatagong galing naman ngunit may lakas kami na kung
minsan ito ang kailangan din naman, di ba?

Tagapamagitan: Tama kayong dalawa kasi sabi nga kapag walis ay binigkis nagdudulot
ng kasaganaan at katagumpayan ng pamilya at bansa.

Gawain 3.2 Pagsagot sa mga Katanungan

Panuto: Piliin ang tamang sagot

1. ang debate ay tungkol sa “Ang Palaaral at Di-Palaaral, Yaman ng Bansa?”


a. Tama
b. Mali

2. Proposisyon ang tawag sa paksang pagtatalunan o pagdedebatihan ng dalawang


koponan. Pahayag ito na layuning patunayan ng bawat koponan kung anuman ang
kanilang panig.
a. Tama
b. Mali

3. Alam naming kami ay nagdudulot ng kasiyahan sa guro, magulang, lipunan


pamayanan at bansa dahil sa aming pagsusunog ng kilay naabot namin ang
kaalamang minimithi ng bawat isa. Alin dito ang matalinhagang salita?

25
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

a. guro, magulang, lipunan pamayanan at bansa


b. Nagdudulot ng kasiyahan sa guro.
c. Pagsusunog ng kilay.
d. Kaalamang minimithi ng bawat isa

4. Ang Debate ay isang masining na pagtatalo sa paraang paligsahan o tagisan ng


dalawang koponan na magkasalungat ang panig hinggil sa isang paksa. Dito ibinibigay ng
magkatunggaling koponan ang kanilang katuwiran, opinion, at katibayan ukol sa paksa
a. Tama
b. Mali

5. Anong uri ng pangungusap ang ginamit sa debate?


a. Pasalaysay
b.Patanong
c. Padamdam
d. lahat ng nabanggit

Input ng Guro : Mga Dapat Tandaaan sa Paghahanda ng Debate

Ang Debate ay isang masining na pagtatalo sa paraang paligsahan o tagisan ng dalawang


koponan na magkasalungat ang panig hinggil sa isang paksa. Dito ibinibigay ng
magkatunggaling koponan ang kanilang katuwiran, opinion, at katibayan ukol sa paksa.
Proposisyon ang tawag sa paksang pagtatalunan o pagdedebatihan ng dalwang
koponan. Pahayag ito na layuning patunayan ng bawat koponan kung anuman ang
kanilang panig.

Mga Dapat Tandaan sa paghahanda ng Isang Debate

1. Pangangalap ng datos
Kailangan ang mga katibayan ukol sa pagksang pagtatalunan anuman ang
panig – sang-ayon o hindi sang-ayon ang koponan. Gagamitin ito sa
pagmamatuwid o pangangatuwiran kaya nararapat lamang ang mga datos
sa mga mapagkakatiwalaan at napapanahong sanggunian.

26
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

2. Balangkas
Ito ang paghahanay at pagsusunod-sunod ng mga katuwiran. Binubuo ito ng
panimula, katawan, at wakas.
Panimula – sa bahaging ito ipinapahayag ang paksa, ang kahalagahan ng paksa sa
kasalukuyan, mga kailangan sa

➢ pagbibigay ng katuturan ng talakay at pagpapahayag ng isyu.


➢ Katawan – binubuo ng mga tatlo o apat lamang na isyu. Ang bawat
isyu naman ay binubuo ng mga katuwiran at mga patunay na
magpapatibay at makapagpapatotoo sa pinapanigan.
➢ Wakas – ito ang buod ng mga isyung binigyan ng patunay

3. Pagpapatunay ng katuwiran
Magbigay ng mga datos o katibayan na magpapatunay sa iyong panig.

D. Pagpapalihan

Sa pagkakataon namang ito, ipagpatuloy mo ang pag-aaral at pagkatuto sa ating


nasimulang aralin. May mga nakalaang gawain upang lubos na matutuhan ang aralin.

Gawain 3.3 Pagbuo ng isang Debate

E. Paglalapat

Mahusay! Nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Sa pagkakataong ito, iyong sasagutin ang
mga tanong ukol sa mga napag-aralan mo sa buong aralin.

Gawain 3.4 Pagbuo ng Debate

Panuto: Bumuo ng isang maikling debate sa isyung,”Alin ang higit na Mahalaga, Ang
Wikang Filipino o English?” Ang Rubrik sa ibaba ang magiging batayan sa pagbibigay ng
grado.

27
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Rubrik sa Pagsasagawa ng Debate sa Klase


5 4 3 2 1

Nakapaglahad ng paniniwala o opinion

Malinaw na nailahad ang paniniwala o opinion ukol sa


pinagtatalunan.

Gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa paglalahad


ng paniniwala o opinion

5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay pa

4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

3- Katanggap-tanggap

Gawain 3.4 Pagbuo ng Isang Debate

Panuto: Pagdedebatihan ang isyu tungkol sa “Pagpapatayo ng Malalaking Pabrika


sa Lunsod ng Cavite”. Maari kang pumili kung Pro o sang-ayon ka dito. Con o Kontra
naman kung hindi ka sumasang-ayon sa pagpapatayo ng mga pabrika. Huwag
kaligtaang gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap.

Ilista ang mga ebidensiya o Patunay na susuporta sa paksa


Pro o paayon

Mga dahilan
Con o Kontra

Pro o paayon

Con o Kontra

28
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Aralin 4

A. Pamagat

Aralin: . Nagagamit ang Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pakikipag-Debate Tungkol sa


Isang Isyu
Nakapagbibigay ng Maaaring Solusyon sa Isang Naobserbahang Suliranin
Natutukoy ang Paniniwala ng May-akda ng Teksto sa Isang Isyu

B. Introduksiyon.

Sa araling ito, matututuhan mong makapagbigay ng maaaring solusyon sa isang


naobserbahang suliranin at kung paano napaghahambing ang Iba’t ibang
Dokumentaryo/Natutukoy ang Paniniwala ng May-akda ng Teksto.

Sa mga akdang pampanitikan tulad ng kuwento, matutukoy ang problema sa dinaranas


na suliranin ng pangunahing tauhan. Ito ay lalong magpapatibay sa pagkakahawak ng
manunulat sa atensyon ng kanyang mambabasa na maaasahang hindi titigil hangga’t hindi
niya nakikita kung ano ang naging kalutasan ng suliranin .

Panimulang Gawain:

Basahin ang kwento sa ibaba. Matapos mabasa, sagutin ang mga katanungan ukol dito
Bordi Geocadin Kidney, Bago na!
https://www.sgribd.com
Tagumpay ang isinasagawang operasyon ng mga dalubhasang doktor sa National Kidney
Institute kay Bryan “Bordi” Geocadin, ang 12-anyos na batang nagkaroon ng di-
pangkaraniwang sakit sa bato. Ayon kay NKI Executive Director Filoteo Alano, ang
matagumpay na operasyon kay Bordi ay bunga na rin ng ipinamalas na determinasyon ng
bata na malagpasan ang kanyang karamdaman. “Humanga kami sa kanyang ipinakitang
lakas ng loob sa halos limang oras na operasyon upang palitan ang kanyang bato na may
misteryosong depekto,” sabi pa ni Alano. Sinabi naman ni Dr. Enrique Una, kabilang sa walo
kataong dalubhasang doktor na umopera kay Bordi, bagaman hindi magkatugma ang ipinalit
na bato sa katawan ng bata, tiniyak nila na ang batong nanggaling sa ama nitong si Brydon
ay “aayon” sa sistemang katawan ni Bordi. “Malaki ang aming paniniwala na pagkatapos ng
dalawang linggong obserbasyon, ang bagong bato sa katawan ni Bordi ay sasang-ayon sa
kanyang katawan,” wika ni Dr. Una. Sa ngayon, ang bata ay nasa recovery room na ng
ospital at umaasa sa kanyang tuluyang paggaling. Umaasa rin si Bordi na paggaling niya ay
makalaro ang kanyang paboritong child actor na si Vandolph, ang anak ng pamosong
komedyanteng si Dolphy at aktres na si Alma Moreno. “Sana, dumalaw rito si Vandolph para
kami ay makapaglaro at makapagkuwentuhan at pagkatapos ay magkasalo kaming kakain
ng alimango, sugpo at bagoong,” pabulong na hiling ni Bordi sa kanyang tiyahing si Honey
Geocadin Vidal. Samantala, taos-pusong pinasalamatan ni Bordi at ng buong pamilya
Geocadin ang mga taong nagmamalasakit sa bata para malagpasan nito ang krisis na
naganap sa kanyang buhay.

29
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Gawain 4.1 Pagsagot sa mga Katanungan mula sa Kuwento

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot

1. Ano ang kahilingan niya pagkagaling niya sa operasyon?


a. hiniling n iyang makalaro at makasalo sa pagkain si vandolph
b. hinihiling niyang makapiling ang buong pamilya
c. hinihiling noiyang makapunta sa ibang bansa

2. Ano ang naging suliranin ni Bordi Geocardin?


a. Nagkaroon siya ng di pangkaraniwang sakit sa bato
b. Nagkasakit ng cancer
c. Nagkaroon siya ng sakit sa puso

3. Tagumpay ang isinagawang operasyon ng mga dalubhasang doktor sa National Kidney


Institute kay Bryan “Bordi” Geocadin, ang 12-anyos na batang nagkaroon ng di-
pangkaraniwang sakit sa bato.
a. Tama
c. Mali

4. Paano nasolusyunan ang suliranin/problema ni Bordi?


a. Ang bagong bato ay galing sa kanyang ama.
b. Ang bagong bato ay galing sa kanyang kapatid.
c. Ang bagong bato ay galing sa kanyang kaibigan

5. Ang debate ay tungkol sa bagong kidney ni Bordi Geocadin


a. Tama
b. Mali

Input ng Guro: Pagtatalakay sa Angkop na Solusyon sa Isang Naobserbahan

Pagbibigay ng Angkop na solusyon sa Isang Naobserbahan

Kung malay kang mag-isip walang dud ana makahanap ka ng solusyon. Ang kahulugan ng
problema/ suliranin ay parang isang bagau]y na labis na iyong inalala. Ang mga solusyon
naman ay ang mga bagay na positibo o maaaring panglutas para dito.

Sa pagbibigay ng angkop na solusyon sa isang suliraning naobserbahan:


1. Alamin ang tunay na suliranin at pinaka-ugat nito.
2. Aamin ang mga paraan upang maging madali ang paglutas nito
3. Isaalang-alang ang maaaring ibunga ng bawat sitwasyon
4. Pag-aralan ang posibleng solusyon
5. Isipin ang mga taong maaaring makatulong sa paglutas nito. Isipin ang maaat=ring
kalabasan o kahihinatnan nito

30
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

C. Pagpapaunlad

Ating paunlarin ang mga natutuhan mo sa panimula ng araling ito. Ipagpatuloy ang
pagbabasa at panonood sa susunod na mga gawain. May inilaang gawain saiyo upang lubos
na maunawaan ang aralin

Panuto:Basahin at unawain ang teksto sa ibaba upang masagutan ang mga katanungan.
Bidasari

Suhay 5, Wika at Pagbasa nina Deogracia DC. Santos, Mary Jane S. Burce,
Ritcher B. Diaz, Janice M. Monton, Shirley B. Salgado

Noong unang panahon, ang kahariaan ng Kembayat ay madalas na sinasalanta ng


isang dambuhalang ibong garuda. Ang ibong ito ay hindi nagkakasiya sa pagkain ng mga
pananim at mga hayop. Kinakain din nito ang sinumang taong makita. Naliligalig ang
buong kaharian tuwing dumarating ang dambuhalang ibon. Isang araw, muling sumalakay
ang ibong garuda. Nagtakbuhan ang mga tao upang magtago. Sa pagkalito, naiwan ng
sultana ang kaniyang bagong silang na sanggol sa bangka. Mula noon, hindi na Nakita pa
ang kaniyang anak. Inisip na lamang ng lahat na baka kinain na ito ng garuda.
Wala silang kamalay – malay na ang munting sanggol pala ay nakaligtas. Nakita ito ni
Dyuhura, isang mayamang negosyante mula sa kahariang Indrapura, at inuwi upang
alagaan ng kaniyang asawa. Pinangalanan nila ang sanggol na Bidasari. Buong
pagmamahal na pinalaki ng mag-asawa si Bidasari. Lumaki itong isang magandang
dalaga at maligaya sa piling ng nakilalang mga magulang. Samantala, ang sultan ng
Indrapura na si Sultan Mongindra ay bagong kasal pa lamang noon kay Lila Sari. Nag-
aalala si Lila Sari na baka makita ng kaniyang asawa si Bidasari at ipalit ito sa kaniya
bilang sultana.
Minsan ay inanyayahan ni Lila Sari sa palasyo si Bidasari ngunit kaniya itong
ikinulong sa isang silid na hindi maaaring makita ng sultan. Pinarurusahan ni Lila Sari si
Bidasari araw-araw upang mamatay. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang pahirap sa
kanya, ipinagtapat niya sa malupit na sultana ang tungkol sa gintong isdang nag-aalaga sa
kaniyang kaluluwa. Ang isdang ito ay nasa pangangalaga ng kaniyang nakilalang mga
magulang.
Ibinigay ni Dyuhira ang Gintong isda kay Lila Sari bilang kapalit ng Kalayaan ni
Bidasari. Ikinuwintas ito ni Lila Sari. Nakakuwintas sa sultana ang gintong isda sa buong
maghapon at ibinabalik lamang ito sa tubig pagsapit ng gabi. Kaya’t sa araw ay mistulang
patay si Bidasari at nabubuhay lamang kapag ibinabalik na sa tubig ang isda.
Ipinagpagawa ni Dyuhura ng magarang palasyo sa gubat si Bidasari at doon ay
mag-isa itong naninirahan.
Isang araw, habang nangangaso si Sultan Mongindra, nakita niya ang magandang
palasyo sa gubat. Pumasok siya sa loob nito at doon Nakita niya ang natutulog na si
Bidasari. Pilit niyang ginigising ang dalaga ngunit hindi niya ito magising ang magandang
dilag.
Nang sumapit ang gabi, nagising si Bidasari. Nagkausap sila ni Sultan Mongindra.
Isinalaysay lahat ni Bidasari sa sultan ang ginawang kalupitan ng kaniya ng asawa nito.
Sinabi rin ni Bidasari ang tungkol sa gintong isda na nangangalaga sa kaniyang buhay at
ngayon ay hawak na ni Lila Sari.
31
Galit na galit ang sultan sa ginawa ng kaniyang asawa. Umuwi siya sa palasyo at
kinuha ang gintong isda kay Lila Sari. Pinarusahan ng sultan si Lila Sari at pinalayas niya
ito sa palasyo.
Ilang araw ang nakalipas ang marangyang kasalan nina Sultan Mongindra at
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Nang sumapit ang gabi, nagising si Bidasari. Nagkausap sila ni Sultan Mongindra. Isinalaysay
lahat ni Bidasari sa sultan ang ginawang kalupitan ng kaniya ng asawa nito. Sinabi rin ni
Bidasari ang tungkol sa gintong isda na nangangalaga sa kaniyang buhay at ngayon ay hawak
na ni Lila Sari.
Galit na galit ang sultan sa ginawa ng kaniyang asawa. Umuwi siya sa palasyo at
kinuha ang gintong isda kay Lila Sari. Pinarusahan ng sultan si Lila Sari at pinalayas niya ito sa
palasyo.
Ilang araw ang nakalipas ang marangyang kasalan nina Sultan Mongindra at Bidasari.
Kabilang sa inanyayahan ng sultan at sultana ang Kembayat. Kasama ang anak na si Sinapati.
Laking pagkamangha ng marami nang makita ang malaking pagkakahawig nina Bidasari at
Sinapati. Ipinagtapat ni Dyuhura na hindi niya tunay na anak si Bidasari.
Nagalak ang lahat. Sa wakas ay Nakita rin ng sultan at sultana ng Kembayat ang
nawawala nilang anak. Nabatid ni Sultan Mongindra na ang ka niyang pinakasalan ay tunay
palang prinsesa.

Gawain 4.2A Pagsagot sa Katanungan

Panuto: Piliin ang tamang sagot

1. Sino ang tunay na mga magulang ni Bidasari/


a. Sultan at sultana ng Kembayat
b. Dyuhura, isang mayamang negosyante mula sa kahariang Indapura

2. Paano napunta sa kamay ni Lila Sari ang gintong isda?


a.ibinigay ni Dyuhira ang gintong isda kay Lila Sari bilang kapalit ng kalayaan ni Bidasari
b. Ninakaw ni Lila Sari ang gintong isda

3. Paano nagkakila-kilala sina Bidasari at ang tunay niyang ama at ina?.


a. kusang natuklasan ni Bidasari na sultan at sultana ang kanyang mga magulang
b. malaki ang pagkakahawig ni Bidasari at Sinapati. Ipinagtapat ni Dyuhura na hindi niya tunay
anak na anak si Bidasari

D. Pagpapalihan

Sa pagkakataon namang ito, ipagpatuloy mo ang pag-aaral at pagkatuto sa ating nasimulang


aralin. May mga nakalaang gawain upang lubos na matutuhan ang aralin.

Input ng Guro: Mga Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula

32
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Ang Dokumentaryo ay isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng mga


katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan, political o historical.
Nilalayon ng dokumentaryo na irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para makapagbigay ng
aral o makagawa ng isaang pangrekord na kasaysayan.

Katangian ng Dokumentaryong Pantelebisyon

1. Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung saan nagpopokus ito sa pagkilos


ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga tao,
lugar at pangyayari ay totoong nagaganap at kadalasang napapanahon. Ito rin ay naglalahad
ng katotohanan sa mga nagaganap sa loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang
ukol sa kahirapan.

2. Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng dokyumentaryo. Layunin
nitong irekord ang panlipunang kaganapan na itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa
lipunan. Sa pamamagitan nito, layunin din nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu
mga tinatangkilik at marahil ang ating simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan
silang maipaalam sa atin ang nagaganap sa ating lipunan upang magkaroon tayo ng aksyon
ukol dito. Halimbawang layunin nito ay mamulat tayo sa iba pang buwis buhay na hanapbuhay
ng mga Pilipino dahil sa kahirapan.

3.Anyo- ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang
mga diskusiyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat
dito. May mga pagkakataon na ang iskrip dito at ang mga aksyon ay mula sa mga umiiral na
mga pangyayari.

4. Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon
ng pageedit nito. Ang isa sa mga mahalagang sangkap ay ang mga non-actors o ang mga
‘totoong tao’ sa paligid na walang ginagampanang anomang karakter. Ang lugar din ay aktwal
na hindi gaya ng mga nasa pelikula na nasa loob ng studio. Maaaring tingnan ang iba’t-ibang
Uri ng anggulo sa Dokyumentaryong Pampelikula.

5. Uri ng Karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang epekto nito sa
tao na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga nasalikod ng
dokyumentaryo sa mga makakapanuod nito ay hindi magpokus sa mga artista kundi sa
pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito sa paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng
kamera na alamin ng manunuod ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng karanasang
tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.

33
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Mga Halimbawa: Rated K, Matanglawin, Kapuso Mo Jessica Soho, Pinoy Meets World, I-
Witness

Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may malaking


impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang
kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay
yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay
ang mga dokumentaryong pampelikula na ating napapanood.

1. Sequence Iskrip – Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa


pelikula. Dito makikita ang layunin ng kuwento.

2. Sinematograpiya – Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa


mga manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.

3. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at


linya ng mga dayalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga manonood.

Gawain 4.3 Ibigay ang hinihinging kasagutan

Sa pagkakataon namang ito, ipagpatuloy mo ang pag-aaral at pagkatuto sa ating nasimulang aralin.
May mga nakalaang gawain upang lubos na matutuhan ang aralin

1. May dalawang bahagi ito: aestetiko at ang epekto sa tao na maaaring magtulak sa kanya para
gumawa ng aksyon. Anong katangian ito?
a. Estilo at/o Teknik
b. Uri ng karanasan

2. . Anong anyo ng dokumentaryo ang nahuhugis habang nasa proseso na kung saang ang mga
diskusyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawinay pinipili kung akma o karapat-dapat dito?
a. anyo
b. paksa

3. Ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod ng paksa sa dokyumentaryong pantelebisyon.
a. Paksa
b. Layunin

4. Tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon ng pageedit nito.


a. Anyo
b. Estilo

5. Ito ang pokus ng dokyumentaryong pantelebisyon kung saan tinatalakay ito sa kabuuan.
a. Estilo at/o Teknik
b. Layunin

34
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

E. Paglalapat

Mahusay! Nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Sa pagkakataong ito, iyong


sasagutin ang mga tanong ukol sa mga napag-aralan mo sa buong aralin.

Gawain 4.4

Panuto: Isulat sa bawat patlang kung ang larawan ay nagpapakita ng isang halimbawang
dokumentaryong pantelebisyon o dokumentaryong pampelikula.

1. 2.
_______________________________ __________________________

3. 4.

_____________________________ ___________________________________

5.

__________________________________

35
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Aralin 5

A. Pamagat

Aralin: . Nagagamit ang ibat ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan(chat)

Nagagamit ang ibat ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto.

Paniniwala ng May-akda ng Teksto sa Isang Isyu

B. Introduksiyon.

Mapagpalang Araw sa iyo! Ang araw na ito ay isang makabuluhang aralin ang iyong
bagong matututunan. Ang iyong mapanuring pag-iisip ay muling mahahasa dahil matututunan
mo ang paggamit ng ibat ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan o chat at
gayundin ang sa pagkilatis ng isang produkto. Ikaw ba ay nakahanda na? O, handa ka na ba?
Halina at matuto!

Panimulang Gawain

Sa kasalukuyang panahon malaki na ang naging pagbabago sa ating mundo lalo


na sa larangan ng teknolohiya. Katulad na lamang sa ating paggamit ng internet sa pakikipag-
ugnayan sa ating mga kabigan at mga mahal sa buhay na malayo sa atin. Naging mabilis ang
ating komunikasyon dahil sa paggamit ng internet apps tulad ng sikat na sikat na facebook at
messenger. Sa pamamagitan ng messenger madali nating nakakausap sa pamamagitan ng
chat ang ating gustong kausapin nasa malayo man o malapit siyang lugar gayundin sa pagsali
sa iba pang usapan katulad na lang sa loob ng tahanan o paaralan. Alam niyo ba na hindi
ninyo namamalayan na sa pakikipagchat o sa pagsali ninyo sa mga usapan ay nagagamit na
pala ninyo ang iba’t ibang uri ng pangungusap. Tignan ang halimbawang dayalogo.

36
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

`Dayalogo at Chat Box

May nakita ba kayong mga uri ng pangungusap na ginamit sa dayalogo at chat box? Anu-ano
ang mga ito?Ano ang pagkakaiba ng usapan sa dayalogo at chat box?

Gawain 5.1 Pagbuo ng Angkop na Pangungusap

Panuto: Bumuo ng mga uri ng pangungusap batay sa nakatalang sitwasyon sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon (response template).

1. Nais mong ikuwento sa iyong kapatid ang tungkol sa Paru-paro Festival.


2. Nais mong ipahayag ang iyong damdamin ukol sa nakuhang mong grado. .
3. Nais mong magtanong sa iyong guro ang tungkol sa pagbabalik muli sa paaralan

37
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

4. Bilang lider ng grupo Nais mong sabihin sa iyong kaklase ang


gagawin ninyong pangkatang Gawain ukol sa Earthday.

5. Nais mong ipalaam sa iyong dayuhang kaibigan kung gaano


kaganda ang bansang Pilipinas.

C. Pagpapaunlad

Ating paunlarin ang mga natutuhan mo sa panimula ng araling ito. Ipagpatuloy ang
pagbabasa at panonood sa susunod na mga gawain. May inilaang gawain saiyo upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Gawain 5.2 Pagbuo ng Pangungusap Batay sa Larawan

Panuto:Pagbuo ng Pangungusap Batay sa Larawan. I-type ang itong sagot sa 4 na larawan


sa response template.

Pasalaysay Padamdam Patanong Pautos

38
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

D. Pagpapalihan

Sa pagkakataon namang ito, ipagpatuloy mo ang pag-aaral at pagkatuto sa ating


nasimulang aralin. May mga nakalaang gawain upang lubos na matutuhan ang aralin.

Gawain 5.3 Pagtukoy sa Uri ng Pangungusap

Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito. Piliin ang
letra ng tamang sagot.

1. Ang abaka ay isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging.


a. Padamdam
b. Pautos
c. Pasalaysay
d. Patanong

2. Ang bilao ay yar isa rattan o mas kilala sa tawag na yantok.


a. Patanong
b. Pasalaysay
c. Pautos
d. Padamdam

3. Woo! Ang ganda ng pagkagawa ng silya at mesa.


a. Pautos
b. Pasalaysay
c. Padamdam
d. Patanong

4. . Rosa, kunin mo ang walis tinting sa kusina.


a. Padamdam
b. Pautos
c. Patanong
d. Pasalaysay

5. . Bakit kailangan nating gumamit ng pamaypay?


a. Pasalaysay
b.Patanong
c. Padamdam
d. Pautos

39
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

E. Paglalapat

Mahusay! Nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Sa pagkakataong ito, iyong


sasagutin ang mga tanong ukol sa mga napag-aralan mo sa buong aralin.

Gawain 5.4 Pagbibigay ng hinihinging Kasagutan

Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan. I – tayp ang kyong sagot sa response template

A. Natutuhan ko sa araw na ito na may ibat ibang uri ng pangungusap ito ay ang mga
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

B. Pahahalagahan ko ang produkto ng Pilipinas sa pamamagitan ng


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

40
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Aralin 6

A. Pamagat :

Aralin : Pagbibigay ng Maaaring Solusyon sa Isang Naobserbahang Suliranin

B. Introduksiyon

Magandang araw sa iyo! Alam mo ba na sa linggong ito ay matututo kang sumulat ng


sarili mong komposisyon gamit ang mga bagong natutuhang salita. Para sa iyo ba ay
mahalaga pa rin ang pagsusulat ng komposisyon? Ito ay isang uri ng gawaing
pangkomunikasyon na bahagi ng iyong pag-aaral hanggang ngayon. Mahalaga ang
pagsusulat dahil dito ay malaya mong nailalahad ang iyong ideya. Pamilyar ka ba sa mga
dayagram, tsart at mapa? Marunong ka bang sumuri ng mga nakalahad ditong impormasyon?
Kaya muli, isang kapaki-pakinabang na aralin ang iyong bagong matututunan. Ang iyong
mapanuring kaisipan ay muling mahahasa lalo na sa kasanayang pagsusulat ng komposisyon
o sulatin.

Panimulang Gawain

Input ng Guro: Pagtatalakay sa Komposisyon

Ang komposisyon ay itinuturing na mabisang pinakapayak na paraan ng pagsulat ng natatanging


karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nababasang
akda o napanood na pagtatanghal. Ito ay binubuo ng mga talata.
tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_komposisyon
Halimbawa 1:

¹Noong Hulyo 12, 2000, isang kagimbal-gimbal na trahedya

ang nangyari sa Payatas na kilala sa tawag na Lupang Pangako

sa Lungsod ng Quezon. ²Umabot sa halos 12,000 naghihikahos

na pamilya ang napinsala ng gumuho ang dambuhalang bundok

ng basura. ³Ang kanilang mahirap na pamumuhay ay dinagdagan

pa ng isang kalunos-lunos na sakuna. 4Tinatayang umabot sa 217

tao ang namatay sa pangyayaring ito at maraming pamilya ang

nawalan ng bahay.

41
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Ang iyong nabasang artikulo ay binubuo ng mga talata. Ang Talata ay nagtataglay ng magkakaugnay
na pangungusap na tumatalakay sa isang paksa. May apat na pangungusap ito at ito ay magkakaugnay.

Ang unang pangungusap sa talatang iyong nabasa ay nagsisilbing paksang pangungusap. Ang mga
sumusunod naman na mga pangungusap ay mga impormasyon o detalye na nagbibigay patunay sa
paksang pangungusap.

Halimbawa 2:

Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos. Kung ihahambing nga naman sa iba pang nilikha sa daigdig, walang
pag-aalinlangang masasabi na ang tao ang nakahihigit sa lahat. Ang paniniwalang ito ay maibabatay sa mataas
na antas ng pag-iisip ng tao. Bunga nito, at ng iba pang tanging kakayahang ibinibigay ng Diyos sa tao, may mga
tungkuling iniatang ang Diyos sa balikat ng bawat tao.
www.coursehero.com/file/16076389/Filipino/
Alin ang paksang pangungusap ng talata?

Alin-alin naman ang mga pangsuportang pangungusap?

Gawain 6.1 Pagtukoy sa Paksang Pangungusap

Panuto: Tukuyin ang paksang pangungusap at ang mga pansuportang pangungusap sa


talata.

1. Alin ang paksang pangungusap ng talata?


2. Alin -alin naman ang mga pansuportang pangungusap sa talata.
Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos. Kung ihahambing nga naman sa iba pang nilikha
sa daigdig, walang pag-aalinlangang masasabi na ang tao ang nakahihigit sa lahat. Ang
paniniwalang ito ay maibabatay sa mataas na antas ng pag-iisip ng tao. Bunga nito, at ng
iba pang tanging kakayahang ibinibigay ng Diyos sa tao, may mga tungkuling iniatang ang
Diyos sa balikat ng bawat tao.
www.coursehero.com/file/16076389/Filipino/

42
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

C. Pagpapaunlad

Ating paunlarin ang mga natutuhan mo sa panimula ng araling ito. Ipagpatuloy ang
pagbabasa at panonood sa susunod na mga gawain. May inilaang gawain saiyo upang lubos
na maunawaan ang aralin.

Input ng Guro: Pagtatalakay sa panuntunang sinusunod sa pagsulat ng talata o


komposisyon.

May mga panuntunang sinusunod sa wastong pagsulat ng talata o komposisyon.

• Isulat ang pamagat sa gitna sa gawing itaas ng sulatang papel.


• Lagyan ng espasyo sa pagitan ng pamagat at mga talata.
• Gamitin ang malaking titik sa simula ng mahahalagang salita sa pamagat/simula ng
bawat pangungusap, simula ng mga pangngalang pantangi at sa pagsusulat ng
pamagat.
• Gamitin ang wastong bantas sa hulihan ng bawat pangungusap.
• Ipasok ang unang pangungusap ng talata/komposisyon.
• Magkaroon ng palugit sa magkabilang panig ng papel.
• Nararapat na magkaroon ng panimulang talata (paliwanag tungkol saan ang talata)
at talatang ganap (dito ilagay ang paksang pangungusap at pansuportang
pangungusap).

Gawain 6.2

Panuto: Magsulat ng isang makabuluhang komposisyon na binubuo ng 3 hanggang 4 na


talata na tumatalakay sa sariling karanasan o obserbasyon sa inyong pamayanan sa
kasalukuyang panahon. Maaari ninyo itong lagyan ng pamagat. Gamitin ang rubrik sa ibaba
para maging gabay Ninyo sa pagsulat ng komposisyon.

43
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

D. Pagpapalihan

Sa pagkakataon namang ito, ipagpatuloy mo ang pag-aaral at pagkatuto sa ating


nasimulang aralin. May mga nakalaang gawain upang lubos na matutuhan ang aralin.

Gawain 6.3

Panuto: Ngayong tapos na nating pag-aralan ang tungkol sa pagsulat ng komposisyon, punan
ng angkop na salita ang patlang upang masukat ang inyong natutunan sa aralin

Itinuturing na isang mabisang pinakapayak na paraan ng pagsulat ng natatanging karanasan,


pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran ang paggawa
ng ___________________________________________________
Ito ay binubuo ng mga ___________________________na kung saan ito ay may
na pangungusap na tumatalakay sa iisang ________________________________

paksa komposisyon magkakaugnay talata

E. Paglalapat

44
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Mahusay! Nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Sa pagkakataong ito, iyong


sasagutin ang mga tanong ukol sa mga napag-aralan mo sa buong aralin.

Panuto: Ibigay ang iyong natutuhan sa Aralin 6

45
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Aralin 7

A. Pamagat :

Aralin : Pagbibigay ng Maaaring Solusyon sa Isang Naobserbahang Suliranin

B. Introduksiyon

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin para sa ikapitong linggo ng pagkatuto
na kung saan matututunan mo ang pagsulat ng maikling balita o editorial at matutukoy mo rin
ang iba’t-ibang bahagi ng pahayagan. Gayundin mapapahalagahan mo ang kasanayan ng
isang batang katulad mo sa pagbabasa ng balita para alam mo ang mga mahalagang
pangyayari sa loob at labas ng bansa. Mahahasa sa araling ito ang iyong kasanayan sa
pagsulat at pagbibigay ng opinion ukol sa mga napapanahong isyu.

Panimulang Gawain:

Magandang araw sa inyo mga mag-aaral! Sa araw na ito ay magkakasama tayo


upang matuto ng bagong aralin. Alam kong masaya kayo at natutuwang tumuklas ng bagong
kaalaman para sa linggong ito.

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sinusundang salita sa pangungusap. I-drag ang tamang
salita sa patlang.

1. Tuloy-tuloy ang pagpoprodyus ng mga produktong pagkain ng aming pabrika sa kabila


ng pandemya.
2. Maraming pribadong sektor ang nagpapaabot ng tulong para sa mga kababayan nating
nawalan ng trabaho nang dahil sa pandemyang dala ng COVID19.
3. Mabilis na naipamahagi ang ayuda sa mga mamayan ng Cavite dahil sa inisyatibo ng
mga namumuno.
4. Marami sa ating mga kababayan Pilipino ang sumang-ayon sa pagpapabakuna para na
rin sa kanilang sariling proteksiyon laban sa banta ng virus.
5. Kailangang maging handa ang bansa sa banta ng pandemya anumang oras.
tulong

Limitadong miyembro tulong sakit pananggalang

paggawa

46
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

C. Pagpapaunlad
Ating paunlarin ang mga natutuhan mo sa panimula ng araling ito. Ipagpatuloy ang
pagbabasa at panonood sa susunod na mga gawain. May inilaang gawain saiyo upang lubos
na maunawaan ang aralin.

Pagbasa ng Teksto

Bong Go: ‘Pinas may potensiyal sa paggawa ng bakuna, iba pang gamot
sa mga sakit

Pilipino Star Ngayon, April 17, 2021-12:00AM


Manila, Philippines: Naniniwala si Senator Christopher
“Bong” Go na malaki ang kakayahan ng Pilipinas sa paggawa at
pagpoprodyus ng bakuna laban sa virus o iba pang gamot sakit at
aniya’y napapanahon na ito para maisakatuparan.
Kaya naman pinuri ni Go ang pagsisikap ng national
government, sa tulong ng mga pribadong sektor, na mapalakas ang
kapabilidad ng Pilipinas para makalikha at kalauna’y maging
prodyuser ng bakuna.
Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health,
ang inisyatiba ay hindi lang magpapalakas sa local vaccine supply,
bagkus ay makatutulong sa produksiyon ng bakuna sa world market
sa hinaharap.
Dahil dito, welcome kay Go ang aktibong partisipasyon at
pagpapakita ng interes ng iba’t-ibang pharmaceutical companies na
local na makapagmanupaktura ng COVID-19 vaccines.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na tinatalakay na
ito ng Board of Investments sa mga kompanya na nais maging
prodyuser ng COVID 19 vaccines sa bansa.
“Hindi natin alam kung ano pa ang mga idudulot na
problema ng COVID-19 sa susunod na mga buwan. Hindi rin antin
alam ano pang pandemya ang haharapin natin sa susunod na mga
taon. Mas maging proactive at handa tayo”, sabi ni Go.
Naunawaan ba ninyo ang balitang inyong binasa?
Ngayon naman ay sagutan natin ang mga katanungan tungkol dito
upang masukat kung gaano ninyo ito naunawaan.

Gawain 7.2 Pagsagot sa Tanong Mula sa Kuwento

47
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Panuto: Isulat ang iyong kasagutan sa box.

1. Ano ang paksa ng binasa ninyong balita?


2. Ano ang pinaniniwalaan ni Senate Committee on Health, Bong Go na kayang-kayang
gawin ng mga Pilipino?
3. Anong ahensiya ang kaagapay ng national government sapagpapalakas ng
kapabilidad na makalikha ng bakuna laban sa COVID-19?
4. Malaki ba ang naging epekto ng COVID-19 sa pamumuhay ng mga Pilipino?
Magbigay ng halimbawa.
5. Bakit kailangan nating magpabakuna laban sa COVID-19?

1.

2.

3.

4.

5.

Panoorin ang Video tungkol sa Radio Broadcasting

https://www.youtube.com/watch?v=EHTV1a19QkA

Input ng Guro: Pagtatalakay sa Iba’t – ibang Bahagi ng Pahayagan o Diyaryo

Tandaan Natin:
Ang balita ay ang kaalaman o impormasyong nagaganap sa araw-araw sa loob
at labas ng bansa. Maaaring magmula ang balita sa radio, telebisyon, diyaryo o
pahayagan. Ang diyaryo o pahayagan ay may iba’t-ibang bahagi upang maging maayos
ang pagbibigay ng balita.

48
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Narito ang iba’t-ibang bahagi ng pahayagan o diyaryo:


1. Pangmukhang Pahina-tinataglay nito ang pangalan ng diyaryo o pahayagan at
mga pangunahing balita sa araw na iyon.

2. Balitang Pandaigdig -mga balitang nagaganap sa iba’t-ibang panig ng mundo ang


tinataglay ng balitang ito.

3. Balitang Panlalawigan- mga balitang nagaganap sa mga lalawigan o rehiyon sa


ating bansa ang nilalaman ng bahaging ito.

4. Pangulong Tudling 0 Editoryal – tinatagalay nito ang opinion o kuro-kuro ng


patnugot tungkol sa napapanahong isyu.

49
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

5. Anunsiyo Klasipikado – Dito makikita ang mga anunsiyo para sa iba’t-ibang uri ng
hanapbuhay, serbisyo, bahay, lupa, sasakyan, at iba pang kagamitang ipinagbibili o kaya’y
pinauupahan.

6. Lifestyle-tinataglay nito ang mga artikulo tungkol sa pinakausong pananamit, sikat na


kainan, pasyalan, pamumuhay, tahanan, paghahalaman, kalusugan at iba pa.

7. Isports- balitang pampalakasan ang nilalaman ng bahaging ito.

8. Libangan – mga balita tungkol sa artista, ipapalabas na pelikula, programa sa


telebisyon, concert, play, at iba pa. Naririto rin ang crossword puzzle, komik istrip at
horoscope.

50
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

D. Pagpapalihan

Ngayong alam n’yo na ang mga bahagi ng pahayagan gayundin ang mga katangian o
dapat taglayin ng isang balita, subukin naman natin ang inyong kakayahan sa pamamagitan
ng susunod na gawain

Gawain 7.3 Pagtukoy sa mga Bahagi ng Pahayagan

Panuto: Tukuyin ang bahagi g pahayagan. Piliin ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa
larawan.

1.
a. Editorial
b. Isports
c. Anunsiyo Klasipikado

2.
a. Pangmukhang Balita
b. Editoryal
c. Isports

3. 3.
a. Isports
b. Libangan
c. Editoryal

51
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

4.

a. Isports
b. Editoryal
c. Pangmukhang Balita

5.
a. Isports
b.Libangan
c. Editoryal

E. Paglalapat
Mahusay! Nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Sa pagkakataong ito,
iyong sasagutin ang mga tanong ukol sa mga napag-aralan mo sa buong aralin.

Ang aking natutuhan sa aralin ito ay ang mga sumusunod

52
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Aralin 8

A. Pamagat

Aralin : Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo.

Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pakikipanayam/interview.

B. Introduksiyon

Magandang araw sa inyo mga mag-aaral! Sa araw na ito ay magkakasama


tayo upang matuto ng bagong aralin. Alam kong masaya kayo at natutuwang tumuklas
ng bagong kaalaman para sa linggong ito.

Panimulang Gawain

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin para sa ikawalong linggo ng pagkatuto
na kung saan tuturuan naming kayo kung paanong magsulat ng iskrip para sa radio
broadcasting o teleradyo. Matututunan mo rin kung ano-ano ang mga pamantayang dapat
nating tandaan sa pagsulat ng iskrip. Gayundin, mapag-aaralan natin ang iba’t-ibang uri ng
pangungusap na maaari nating gamitin sa pakikipanayam o interview

Basahin at Unawain

Basahin natin sa ibaba at unawain ang isang bahagi ng iskrip sa radio broadcasting.

RONDA BALITA

5-MINUTONG RADYO BALITAAN

RADYO DASMARIÑAS

IKA-18 NG ABRIL 2021

PAHINA 1 NG 7

1MUSICFADE IN…ESTAB…FADE UNDER FOR

2ANCHOR: MAGANDANG ARAW DASMARIÑAS.

53
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

3<SNEAK IN OBB>

4ANCHOR: AKO SI BERNADETTE LUNA, ANG MAGHAHATID SA

5 INYO NG PINAKAMAINIT AT PINAKASARIWANG BALITA.

6MUSIC FADE UP…FADE TO BED FOR HEADLINES

7ANCHOR: SA ULO NG MGA NAGBABAGANG BALITA.

8MUSIC FADE UP…FADE TO BED FOR HEADLINES

9ANCHOR: UMAATRAS SA BAKUNA, HINDI PIPILITING

10 MAGPATUROK

11<SNEAK IN SFX:BREAKER>

12ANCHOR: BAGYONG BISING LALO PANG LUMAKAS, TUMBOK

13 ANG LUZON AT VISAYAS.

14<SNEAK IN SFX: BREAKER>

15ANCHOR: AT PARA SA BALITANG SHOWBIZ, K-DRAMA SWAK

16 DAW PARA SA MGA MAY MENTAL FATIGUE.

-MORE-

RONDA BALITA

5-MINUTONG RADYO BALITAAN

54
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

RADYO DASMARIÑAS

IKA-18 NG ABRIL 2021

PAHINA 2 NG 7

1MUSIC FADE UP…FADE UNDER FOR

2ANCHOR: PARA SA DETALYE, TINIYAK NG DEPARTMENT OF

3 HEALTH NA HINDI NILA PINIPILIT ANG MGA TAONG

4 UMAATRAS SA BAKUNA LABAN SA COVID-19. AYON KAY DOH 5

UNDERSECRETARY MARIA ROSARIO VERGEIRE, MAY MGA

6 TAO TALAGA NA AYAW MAGPATUROK SA MISMONG

7 ISKEDYUL NILA SA PAGPAPABAKUNA. DAGDAG PA NIYA

8 KASAMA ANG MGA ITO SA TINATAWAG NILANG DEFERRALS – 9

“REFUSING NO, REFUSING ON THE DAY OF VACCINATION

10 ITSELF”. SA KABILA NITO, KINAKAUSAP PA RIN UMANO NG 11 MGA

COUNSELORS ANG MGA TUMATANGGI UPANG

12 MAKUMBINSING MAGPATUROK.

-MORE

Gawain 8.1 sagutin ang mga Katanungan

55
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Panuto: Pamilyar ba kayo sa binasa ninyong iskrip? Tingnan natin kung naunawaan ninyo
ang bahagi ng iskrip sa radio broadcasting na inyong binasa. Ibigay ang hinihinging
kasagutan
1. Ano-ano ang mga impormasyong nakasulat sa pinakaitaas na kanang bahagi ng iskrip?
a. 5-MINUTONG RADYO BALITAAN
RADYO DASMARIÑAS
b. RONDA BALITA
5-MINUTONG RADYO BALITAAN
RADYO DASMARIÑAS
IKA-18 NG ABRIL 2021
PAHINA 1 NG 7
c. IKA-18 NG ABRIL 2021
PAHINA 1 NG 7
d. RADYO DASMARIÑAS
IKA-18 NG ABRIL 2021
2. Ayon sa balita, ano ang tawag sa mga taong tumatangging mabakunahan sa mismong
araw na dapat sila ay magpabakuna?
a. Positibo
b. Deferrals
c. Pasyente
d. Wala sa nabanggit

3.Sino ang pangunahing nagsasalita sa radio broadcasting?


________________________________

4. Ito ang mga ulo ng balitang i-bo-broadcast sa Iskript: Umaatras sa bakuna, hindi pipiliting
magpaturok; Bagyong Bising lalo pang lumakas, tumbok ang Luzon at Visayas; K-Drama
swak daw para sa mga may mental fatigue.
a. Tama
b. Mali

5. Kinakausap pa rin ng mga couselors ang mga ayaw ,magpabakuna upang


makumbinsing magpabakuna.
a. Tama
b. Mali

C. Pagpapaunlad

Ating paunlarin ang mga natutuhan mo sa panimula ng araling ito. Ipagpatuloy ang
pagbabasa at panonood sa susunod na mga gawain. May inilaang gawain saiyo upang lubos
na maunawaan ang aralin.

Panoorin ang Video tungkol sa Pagsulat ng Iskrip

https://www.youtube.com/watch?v=eZ3gabQZEcQ&t=193s

56
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Input ng Guro: Pagtatalakay sa Iskrip para sa Broadcasting o Teleradyo

TANDAAN NATIN:

Ang Radio Broadcasting ay isang paraan upang mapadalhan ng impormasyon ang


mga tao tungkol sa mga isyung/balitang panlipunan at iba pang makabuluhang pangyayari.
Ang Iskrip para sa Broadcasting o Teleradyo ay manuskrito ng gagawin ng isang
announcer o tagapagbalita sa isang programa sa radio.
Narito ang ilang pamantayang dapat nating sundin sa pagsulat nito:

• Ang isang broadcast ay maaaring maglalaman ng balitang international,


national, local, sports o showbiz news. Ang pagkakasunod-sunod ng mga
balita ay ayon sa kahalagahan nito-mas mahalagang balita mas mauuna.
Pinakahuling ilalagay sa iskrip ang balitang isports o showbiz.

• Naglalagay din ng isang infomercial sa pagitan ng pagbabalita na


tumatalakay sa isyung pangkalusugan, pangkapaligiran, pampolitika at iba
pang isyung pampamayanan.

• Makikita sa pinakataas sa kanang bahagi ang heading na naglalaman ng


programa, oras ng pag-ere nito, petsa ng pag-ere, station ID at pahina ng
iskrip.

• Kapag may kompetisyon karaniwang ginagamit ang A4 bond paper, Arial


font style,12 ang laki ng mga letra at numero, at dobleng espasyo.

• Lahat ng hindi sasabihing bahagi at instructions ay nakasulat sa


makakapal/malalaking titik, at nakasalungguhit samantalang nakasulat din
sa malalaking titik pero normal na letra lamang ang gagamitin para naman
sa mga bahaging babasahin ng anchors at tagapagbalita

57
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

• Upang hindi magkamali ang magbabasa ng iskrip siguraduhing walang mali sa


pagkakatype nito.

• Iwasan natin ang pagdadaglat ng mga salita halimbawa: Atty., Gng.,

• Ang mga numero ay isinusulat ng pasalita samantalang ang mga acronym ay


isinusulat sa kung paano ito babasahin. Halimabawa: D-E-N-R, DEP-ED.

• Gumamit ng mga salitang madaling maintindihan ng mga tagapakinig.

• Huwag maging paliguy-ligoy, ginagamit din dito ang isang pangungusap katumbas
ng isang talata. Pinakamahaba na ang apat na pangungusap para sa isang balita.
a. Unang pangungusap-pinakamahalagang bahagi ng balita.
b. Ikalawang pangungusap – susuporta sa unang pangungusap. Maaari tayong
gumamit ng attribution tulad ng ayon kay, ayon sa…
c. Ikatlong pangungusap – karagdagang impormasyon na magpapatibay pa lalo sa
detalye ng balita
d. Ikaapat na Pangungusap – iba pang impormasyon na may kinalaman sa balita.

• Inilalagay natin ang panandang -MORE- kapag may kasunod pa ang pahina at # o
30 naman kapag tapos na ang iskrip sa pinakaibabang bahagi ng pahina.

Gumagamit din tayo ng iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pakikipanayam o


interview upang makapagsulat tayo ng balita.

Gawain 8.2 Pagsulat ng Iskrip

Panuto:Magsulat ng radio broadcasting iskrip gamit ang mga sumusunod na balita.


Pagsunud-sunurin ang balita ayon sa kahalagahan nito. Tularan lamang ang
halimbawang nasa Radio Broadcasting Iskrip at nasa TANDAAN NATIN, maaari mo
na ding gayahin ang heading nito. I-type ang iyong sagot sa loob ng box

58
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

D. Papapalihan

Ngayong alam n’yo na ang ilang pamantayan na dapat nating sundin sa pagsulat ng
iskrip sa radio broadcasting gayundin ang iba’t-ibang uri ng pangungusap na maaari nating
gamitin sa pakikipanayam, sagutan naman natin ang mga sumusunod na gawain.

Gawain 8.3 Pagtukoy sa Uri ng Pangungusap

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa mga sumusunod na
pangungusap/katanungan. I-drag ang tamang sagot.

1. Totoo po bang may balak pa kayong tumakbo bilang mayor sa susunod na


eleksiyon?
2. Pakibigyan n’yo nga po kami ng mga halimbawa ng programang sa tingin ninyo ay
isandaang porsiyento ng naisagawa o naisakatuparan ng kasalukuyang
adminstrasyon.
3. Ano-ano po ba ang mga paghahandang isinasagawa ng inyong nasasakupan para
sa darating na bagyo?
4. Siguradong magiging masaya ang mga kabataan natin sa panukala ninyong iyan
Governor!
5. Marami sa mga kababayan natin ang may agam-agam sa pagpapabakuna.

patanong pautos padamdam pasalaysay

E. Paglalapat

Mahusay! Nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Sa pagkakataong ito, iyong


sasagutin ang mga tanong ukol sa mga napag-aralan mo sa buong aralin.

Isang pagbati sa inyo mga bata dahil alam n’yo na kung paanong magsulat ng
iskrip para sa radio broadcasting. Ngayon naman ay tingnan natin kung nakuha ninyo
ang mahahahalagang kaaalaman para sa linggong ito.

Ang _____________ ay isang paraan upang mapadalhan ng impormasyon ang mga tao
tungkol sa mga isyung _________ at iba pang _________________pangyayari.
Sa pakikipanayam o interview ginagamit na ang iba’t-ibang uri ng pangungusap
tulad ng ________, _______, _________, at ________.

59
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

Sanggunian

Aklat

Agarrado, P., Francia M., Guerrero III, P. & Gojo Cruz, G. (2016). Alab Filipino,

Quezon City, Philippines, FEP Printing Corporation.

Bagong Filipino Tungo sa Gllobalisasyon, Soledad M. Austria

Lalunio, Lydia P. Ph.D., Ril, Francisca G., Hiyas sa Wika, SD Publications, Inc.,
Quezon City Philippines

Liwanag, Lydia, B., Hiyas sa Wika 6, Dane Publishing House, Inc., Mindanao
Avenue Extension, Quezon City, Philippines

Alab Filipino 5 (Batayang Aklat), pahina 83, 106-107,118-119

Alab ng Wikang Filipino, ni Susana U. Sacarias

1. Website
2. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/04/17/2091780/bong-go-
pinas-may-potensyal-sa-paggawa-ng-bakuna-iba-pang-gamot-sa-mga-sakit
3. https://www.google.com/search?q=pagbabakuna+sa+covid+19&sxsrf=ALeKk014Ij-
Lj3ZXeP2ccXUBRKQd-
i5fSA:1618628446734&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjm29zspITwA
hVCc3AKHTn8A_4Q_AUoAnoECAEQBA&biw=1366&bih=657#imgrc=7_ZvG5ZmGZ
gOEM
4. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/04/16/2091415/crawford-
naghihintay-kay-pacquiao

1. https://philnews.ph/2020/11/17/radio-broadcasting-script-tagalog-halimbawa-
at-iba-pa/

2. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2021/04/18/2091974/umaatras-sa-bakuna-di-pipiliting-magpaturok-
doh

3. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2021/04/18/2091963/bising-lalo-pang-lumakas-luzon-visayas-tumbok

4. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/showbiz/2021/04/18/2092006/k-
drama-swak-sa-mga-may-mental-fatigue-na

60
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

5. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2021/04/19/2092115/bank-account-sa-bawat-pinoy-isinulong

6. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/showbiz/2021/04/19/2092209/paolo-matagal-nang-gustong-makatrabaho-si-
heart

7. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2021/04/18/2091967/pananakot-sa-mga-ospital-itinanggi-ng-doh

Mga Larawang Ginamit (Website)

https://www.google.com/search?q=picture+of+a+thin+and+sick+child&tbm=isch&ved
=2ahUKEwiAosfq-NTsAhWJHaYKHS_iDYEQ2-
cCegQIABAA&oq=picture+of+a+thin+and+sick+child&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAA
QQzoFCAAQsQM6AggAOgcIABCxAxBDOgQIABAeOgQIABAYUI6hAVid-
gFg9YYCaABwAHgAgAHuB4gBiVSSAQ8yLjkuNy4xLjcuNC4xLjGYAQCgAQGqAQt
nd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient=img&ei=XymYX8D2L4m7mAWvxLeICA&bih
=600&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH921PH921#imgrc=Az9BSLfH-
xwPrM&imgdii=OMeDkS_sjewYVM

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+maruming+ilog+pasig&tbm=isch&ve
d=2ahUKEwiv5-C_-9TsAhUEY5QKHT1mCskQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+maruming+ilog+pasig&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCA
A6BggAEAUQHjoECAAQHlCnV1i-
hgFgu4wBaABwAHgAgAF6iAHnCpIBBDEzLjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8A
BAQ&sclient=img&ei=KyyYX--
lFITG0QS9zKnIDA&bih=600&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH921PH921#imgrc=QD
N-Alok2b28qM

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+mga+pasyente+ng+Covid-
19&tbm=isch&ved=2ahUKEwj58PfI-9TsAhWMG6YKHSPFBiUQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+mga+pasyente+ng+Covid-
19&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BggAEAUQHjoGCAAQCBAeOgUIABCxA1CPiAJ
Y-
YMDYJWIA2gAcAB4AIABe4gB0xuSAQQzNy40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWf
AAQE&sclient=img&ei=PiyYX_nZI4y3mAWjipuoAg&bih=600&biw=1366&rlz=1C1CH
BF_enPH921PH921#imgrc=QnP-p983zt6sPM&imgdii=Nna2VHGxYuWSdM

https://www.scribd.com/presentation/354575712/Fil6-q1-week7day2

www.google.com/search?q=walis+tingting+philippines&tbm=isch&ved=2ahUKEwjC
7dDMxYrwAhVqzY

61
Filipino 5 – Gabay sa Asignatura

www.google.com/search?q=native+table+philippines&tbm=isch&ved=2ahUKEwjDwb
q9xYrwAhWKuJQKHeHcCaIQ2-cCegQIABAA&oq=native+table+philippines

www.google.com/search?q=abaca+slippers+philippines&tbm=isch&ved=2ahUKE
widnsW4xorwAhVFXZQK

www.google.com/search?q=barong+tagalog+philippines&tbm=isch&ved=2ahUKEwi
BofzMx4rwAhVE25Q https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-
problema-at-solusyon.html

62

You might also like