You are on page 1of 37

Moodle Gabay sa Asignatura

UNANG MARKAHAN

FILIPINO
Salamin ng Kahapon:
Bakasin Natin Ngayon
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Para sa Mga Mag-aaral

Pagbati sa iyo! Natitiyak ko na marami kang matututuhan mula sa mga aralin na iyong
pag-aaralan sa asignaturang ito. Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga gawain at
mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa iyo sa paggamit ng Filipino 8
Moodle Classroom. Nawa ay maging kawili-wili para sa iyo ang pagsasagot ng mga nilalaman
ng Moodle Classroom. Huwag kang mawalan ng pag-asa kung nahihirapan sa pagsasagot.
Buo ang aming tiwala sa iyong kakayahan na matatapos mo ang mga iniatas na gawain!
Mabuhay ka!
- Mga May-akda
Jayson R. Salvador
Maria Reyell S. Zacal
April S. Amasa
Marineth S. Agellon

2
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Tungkol sa mga May-akda

Kung ikaw ay may katanungan o nais linawin tungkol sa nilalaman ng mga aralin sa Filipino
8 – Salamin ng Kahapon.Bakasin natin Ngayon (Unang Markahan), maaring makipag-
ugnayan sa sumusunod:

G. Jayson R. Salvador
Siya ay kasalukuyang guro mula sa Pag-asa National
High School. Ang mga tinuturuan niya ay mga nasa
ikawalong baitang.

https://www.facebook.com/jayson.r.salvador/

jayson.salvador005@deped.gov.ph

09059643597

Gng. Maria Reyell S. Zacal

Siya ay kasalukuyang guro mula sa


Dasmarinas Integrated High School. Ang
mga tinuturuan niya ay mag-aaral ng
Junior High School na nasa Baitang 10

Maria Reyell Samia Zacal

mariareyell.zacal@deped.gov.ph

09215991466

3
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Gng. April S. Amasa

Siya ay kasalukuyang guro mula sa


Dasmarinas Integrated High School. Ang
mga tinuturuan niya ay mag-aaral ng
Junior High School na nasa Baitang 8

Ma’am April Amasa

april.amasa@deped.gov.ph
`
09166333869/ (046) 436-3600

Bb. Marineth S. Agellon

Siya ay kasalukuyang guro mula sa


Francisco E. Barzaga Integrated High
School. Ang mga tinuturuan niya ay
mag-aaral ng Junior High School na
nasa Baitang 8

tchr.mrnth
marineth.agellon@deped.gov.ph
09056877044

4
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Mga Panuntunan sa Paggamit ng Moodle Classroom ng Filipino 8

Narito ang mga alituntunin na dapat mong sundin sa paggamit ng ating Moodle
Classroom:

1. Basahing mabuti ang mga aralin at gawaing nakatakda sa bawat modyul. Huwag
magmadali upang lubos na maunawaan ang aralin.

2. Siguraduhing nasagutan ang lahat ng mga gawain na naibigay sa iyo bago lumipat sa iba
pang gawaing nakapaloob sa modyul.

3. Maging magalang sa guro at kapwa mag-aaral sa tuwing magbibigay ng mensahe at


komento.

4. Tiyakin na wasto ang paggamit ng gramatika at mga baybay ng salita upang mahasa ang
kakayahan sa asignaturang Filipino.

5. Kung sakaling ikaw ay nahihirapang sagutin ang mga gawain sa bawat modyul, maaari
kang magtanong sa iyong guro. Maaari ka ring magpatulong sa iyong magulang at iba pang
kasama sa bahay.

Kapag sinunod mo ang mga alituntunin na ito, tiyak kong magiging matagumpay ang
iyong pag-aaral! Umaasa kami, na sa pamamagitan ng mga Aralin sa MOODLE
CLASSROOM na ito, makararanas ka nang makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
nang malalim na kasanayan na naayon sa mahahalagang kompetensi ng kurso/
asignatura. Kaya mo ito!

5
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Mga Icon sa Moodle Classroom ng Filipino 8

Ang sumusunod ay ang mga icon sa moodle classroom ng Filipino 8:

6
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

7
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Mga Bahagi ng Aralin

Ang sumusunod ay ang mga bahagi ng aralin ng Filipino 8:

PANIMULA (INTRODUCTION)
Ang bahaging ito ay naglalaman ng tatalakaying panitikan at gramatika. Ito ay naglalaman din
ng mga dapat na matutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa aralin.

PAGPAPAUNLAD (DEVELOPMENT)

Dito makikita ang iba't ibang mga gawain at pagtalakay na kaugnay ng aralin.

PAGPAPALIHAN (ENGAGEMENT)
Naglalaman ng performance task ng aralin.

PAGLALAPAT (ASSIMILATION)
Malikhaing paglalahat mula sa mga natutuhan. Maaaring isang tanong, gawain o iba pa na
susubok sa natutuhan sa kabuoan ng aralin.

8
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Unang Markahan:
Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon

Deskripsyon ng Asignatura

Kumusta ka? Batid ko na nananabik ka na sa mga bagong aralin na iyong


matututuhan para sa unang markahan ng Filipino 8. Kaya naman ay atin na itong
sisimulan!
Sa kursong ito, iyong maipamamalas ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang
teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at mga akdang pampanitikang rehiyunal,
pambansa, saling-akdang Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na
literasi.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Sa pagtatapos ng kabuoang aralin, ang sumusunod na layunin ay inaasahang matamo:

Aralin Kompetensi Gawaing Pampagkatuto


Aralin 1: Karunungang- 1. Naiuugnay ang 1. Pagpapaliwanag sa mga
Bayan mahahalagang kaisipang halimbawa ng
(UNANG LINGGO) nakapaloob sa mga karunungang-bayan
karunungang-bayan sa 2. Pagtalakay tungkol sa
mga pangyayari sa tunay karunungang-bayan
na buhay sa kasalukuyan 3. Pag-uugnay ng
(MELC) karunungang-bayan sa
pangyayari sa tunay na
buhay
4. Pagbuo ng
karunungang-bayan
Aralin 2: Pagbibigay 2. 1.Nabibigyang- 1. Pagtalakay tungkol sa
Kahulugan sa kahulugan ang mga talinghaga
Talinghaga talingahaga, eupemistiko 2. Pagbibigay kahulugan
(IKALAWANG LINGGO) o masining na pahayag sa matatalinghagang
na ginamit sa iba’t ibang pahayag
uri ng panitikan gaya ng
tula, balagtasan, alamat,
maikling kuwento at
epiko ayon sa
kasingkahulugan o

9
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

kasalungat na kahulugan
(MELC)

Aralin 3: Paghahambing 1. Naisusulat ang sariling 1. Pagtalakay tungkol sa


(IKATLONG LINGGO) bugtong, salawikain, paghahambing
sawikain at kasabihan na 2. Paggamit ng
angkop sa kasalukuyang
paghahambing sa
kalagayan (MELC)
2. Nagagamit ang pangungusap
paghahambing sa 3. Pagsulat ng sariling
pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,
bugtong, salawikain, sawikain at kasabihan
sawikain o kasabihan gamit ang paghahambing
(eupemistikong pahayag)
(MELC)

Aralin 4: Pag-unawa sa 1. Nakikinig nang may 1. Pagtalakay sa


akdang Binasa pag-unawa upang kahalagahan ng dating
(IKAAPAT NA LINGGO) mailahad ang layunin ng kaalaman at karanasan sa
napakinggan-
binasa
maipaliwanag ang
pagkakaugnay-ugnay ng 2. Pag-unawa sa
mga pangyayari (MELC) halimbawa ng tula
2. Napauunlad ang 3. Paggawa ng liham
kakayahang umunawa sa
binasa sa pamamagitan
ng paghihinuha batay sa
mga ideya o pangyayari
sa akda-dating kaalaman
kaugnay sa binasa
(MELC)

Aralin 5: Pagsulat ng 1. Naisusulat ang talata 1. Pagsulat ng isang


Talata na: (a) binubuo ng paglalarawan
(IKALIMANG LINGGO) magkakaugnay at 2. Pagtalakay sa talata at
maayos na mga
mga bahagi nito
pangungusap, (b) may
simula, gitna at wakas, at 3. Pag-unawa sa
(c) nagpapahayag ng halimbawa ng teksto
sariling sariling palagay o 4. Pagbuo at pagsulat ng
kaisipan. (MELC) talata

Aralin 6: Hudyat ng 1. Nagagmit ang mga 1. Pagtalakay sa mga


sanhi at Bunga hudyat ng sanhi at bunga hudyat ng sanhi at bunga
(IKAANIM NA LINGGO ng mga pangyayari (dahil, 2. Pagbibigay ng sanhi at
sapagkat, kaya, bunga
bunga batay sa sitwasyon
nito, at iba pa) (MELC)

10
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

3. Pagsulat ng
pangungusap na taglay
ang sanhi at bunga
Aralin 7: Opinyon at 1. Naibabahagi ang 1. Pagbibigay ng sariling
Pananaw sariling opinyon o opinyon at paniniwala
(IKAPITONG LINGGO pananaw batay sa 2. Pagtalakay tungkol sa
napakinggang pag-uulat
opinyon at paniniwala
(MELC)
3. Paggamit ng opinyon at
pananaw sa iba’t ibang
sitwasyon
Aralin 8: Hakbang sa 1. Naipaliliwanag ang 1. Pagtalakay tungkol sa
Paggawa ng mga hakbang sa mga hakbang sa
Pananaliksik paggawa ng pananaliksik pananaliksik
ayon sa binasang datos
(IKAWALONG LINGGO 2. Paglalahad ng hakbang
sa isang sitwasyon

Aralin 1

A. Pamagat
Aralin 1: Karunungang-Bayan

B. Introduksyon

Ang buhay ng tao ay napapaloob sa mga paniniwalang nagsisilbi nating gabay


sa ating pang-araw-araw na buhay. Kabilang sa mga gabay na ito ay ang mga
karunungang-bayan na nagbibigay ng direksyon sa ating mga paniniwala at
pamantayan bilang tao at pamayanan.
Sa araling ito, inaasahang maiuugnay ang mahahalagang kaisipang
nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.

C. Pagpapaunlad

KARUNUNGANG-BAYAN
Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain,
sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong. Karaniwan ang mga ito ay
nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahabang tula.

1. Salawikain – Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng


kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang
kabataan tungo sa kabutihan.
Halimbawa:

11
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Aanhin pa ang damo


Kung patay na ang kabayo.

2. Sawikain/Idyoma – ang mga sawikain o idyoma ay mga salita o pahayag na


nagtataglay ng talinghaga.
Halimbawa:
bagong tao – binata
bulang-gugo – gastador

3. Kasabihan – karaniwang ginagamit sa pagpuna sa ng isang tao upang ito ay


maitama.
Halimbawa:
Tulak ng bibig Utos na sa pusa
Kabig ng dibdib Utos pa sa daga

4. Bugtong – inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan at ito ay nangangailangan ng


mabisang pag-iisip.

Ang bugtong ay mayroon din na sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng


dalawa hanggang apat na taludtod.
Ang unang (dalawang) linya ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa
kapaligiran.
Ang huling (dalawang) linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging katangian
ng bagay na binabanggit sa naunang linya.

May dalawang uri ng bugtong


Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas
nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga tagalog ang
pinakamayaman sa bugtong.
1. Mga talinghaga (o enigma), mga suliraning ipinahahayag sa isang metapora o ma-
alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-
nilay para sa kalutasan.
2. Mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyang
gamit sa tanong o sagot.

Apat na katangian ng tunay na bugtong:


1. Tugma
2. Sukat
3. Kariktan
4. Talinhaga (pinakamahalagang katangian)

12
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Halimbawa: Sagot
1. Nagtago si Pedro, labas din ang ulo. Pako
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao. Atis
3. Nanganak ang birhen itinago ang lampin. Saging

5. Palaisipan – ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng


mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.

Halimbawa
Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Juan, lumundag ang
isa, ilan ang natira?
May isang bola sa mesa, tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang
di man lang nagalaw ang sombrero?

6. Bulong – ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang


ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at masamang espiritu.

Halimbawa
Huwang magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-
uutusan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang mga pangyayari sa buhay sa bawat


bilang, pagkatapos ay hanapin sa loob ng kahon ang kaugnay na karunungang-bayan.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

____________ 1. Labis ang lungkot na nararamdaman ni Ken sa pagpanaw ng


kanyang malapit na kaibigan dahil hindi niya ito nadalaw manlang nang nabubuhay
pa dahil sa hindi nila pagkakaunawaan.
____________ 2. Kahit nagpupuyos sa galit ang kaniyang dibdib ay hindi niya
magawang pagsalitaan ito ng masama.
____________ 3. Tumagos sa puso ng mga miyembro ang sinabi ng kanilang
pinuno.
____________ 4. Dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit ni Mang Tonyo sa
kaniyang mga nasasakupan ay hindi siya nahirapang bumangon muli mula sa
pagkabigo.
____________ 5. Agad siyang naniwala sa sinabi ng kaniyang kapit-bahay kaya
naman siya ay naligaw ng landas.

a. Kung anong buka ng bibig, siyang laman ng dibdib.


b. Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.
c. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi
makararating sa paroonan.
d. Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
e. Makapito mong isipin, bago mo salitain

13
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

D. Pagpapalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Panuto: Bumuo ng salawikain, sawikain at
kasabihan tungkol sa tunay na buhay.

Salawikain Sawikain Kasabihan

Pamantayan sa Pagmamarka
Ang nabuong salawikain, sawikain at kasabihan ay angkop sa
katotohanan ng buhay 7
Wastong paggamit ng wika at gramatika 3
Kabuoan 10

E. Paglalapat

Panuto: Sagutin ang tanong nasa ibaba at ipost ito sa forum.


1. Sa kasalukuyang panahon, mahalaga pa bang pag-aralan ang mga karunungang-
bayan kahit talamak na ang paggamit ng teknolohiya at pangingibang-bayan?

F. Mga Sanggunian
Mga Aklat
Filipino Ikawalong Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020
Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)

14
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Aralin 2

A. Pamagat
Aralin 2: Pagbibigay Kahulugan sa Talinghaga

B. Introduksyon
Ang araling ito ay naglalayong makapaglinang ng sariling kakayahan na
makapagbigay-kahulugan sa mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na
ginamit sa iba’t ibang uri ng panitikan gaya ng tula, balagtasan, alamat, maikling
kuwento at epiko ayon sa kasingkahulugan o kasalungat na kahulugan.
Panimulang Gawain: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Isulat ang hinihinging
kasagutan sa patlang.
1. Ano ang tawag sa bulkan na ito?
_____________________________________________
2. Saang lalawigan o probinsiya matatagpuan ang bulkang ito?
_____________________________________________
3.Ano-ano ang alam mo tungkol sa bulkang ito? Magbigay ng dalawang katangian
nito. _________________________________________

C. Pagpapaunlad
TALINGHAGA

Ang talinghaga ay ang paraan ng pagsasalita na may lalim na


pagpapakahulugan bilang repleksyon ng mga tunay na pangyayari sa buhay ng tao.
Ang mga talinghagang ito ay nagbibigay ng lalim sa kahulugang nais ipahiwatig nito.
Maliban sa bibliya, marami ring talinghaga ang matatagpuan sa mga tula, alamat,
epiko at iba pang uri ng akdang pampanitikan.

15
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Gawain sa Pagkatuto bilang 1: Piliin ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na


nakaitim ang pagkakasulat at kasalungat na kahulugan naman ang mga salitang
nakahilig sa loob ng kahon.

1. Ang aking pamilya ay nakaranas ng masaklap na pangyayari ngayong taon.


2. Ang datu ang siyang nangangasiwa sa kaniyang nasasakupan.
3. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at nangangatog na nagtanong kung ano ang
nangyari.
4. May ibig ipakahulugan ang kaniyang pagsulyap sa akin.
5. Ipinagbunyi ng marami ang kaniyang pagbabalik sa tribo.

a. pagtingin
b. pinuno ng isang tribo
c. ikinalungkot
d. nanginginig
e. kalmado
f. masamang pangyayari

Basahin at aralin ang alamat tungkol sa Bulkang Mayon.

Daragang Magayon
ni Damiana Eugenio
Katulad ng lahat ng alamat, nangyari ang kuwentong ito noong unang panahon.
Naganap ito sa payapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na
pinamumunuan ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si
Dawani ay namatay sa panganganak.
Kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog -isang anak na babaeng walang
kapares sa kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon. Hindi tuloy nakapagtataka
kung bakit dumadayo ang napakaraming manliligaw mula sa ibang tribu, kabilang na
ang nasa malalayong bayan, upang mabihag ang puso ng dalaga. Ngunit wala ni isa
sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit
ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datu ng
Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang
kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.
Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang
binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang
mangangaso at datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na
ginto, perlas, at iba pangkayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha
ang loob ng dalaga. Isang katangi-tanging binatilyo ang nagpakita si Rawis: si Ulap,
ang tahimik ngunit matapang na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan. Naglakad siya
nang malayo upang makita ng sarili niyang mga mata ang ipinagbunying kagandahan
ni Daragang Magayon.Ngunit hindi katulad ng ibang manliligaw, nagdahan-dahan si
Ulap. Tiniisniya ang magnakaw lamang ng mga sulyap mula sa malayo habang
nagtatampisaw si Daragang Magayon sa ilog ng Yawa. Pagkatapos ng isang maulang

16
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

gabi, pumunta ulit si Magayon sa Ilog Yawa upang magtampisaw. Nadulas siya sa
batuhan at nahulog sa malamig na ilog.
Dagli-dagling sumaklolo si Ulap at binuhat ang nangangatog na dilag pabalik sa
dalampasigan. Ito ang naging simula ng pag-iibigan ni Daragang Magayon at ni
Ulap.Ilang beses pang nagtagpo si Ulap at si Daragang Magayon. Hanggang sa isang
araw, sinundan ni Ulap si Magayon sa pag-uwi. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog,
buong lakas nang loob na ibinaon ni umiwas ng tingin. Dahil dito, napagtanto ni Datu
Makusog na umiibig ang kaniyang nag-iisang anak, kaya’t hindi na siya nagpahayag
ng kahit anong pagtanggi. Tuwang-tuwa si Magayon at si Ulap. Binalak nilang gawin
ang kasalan pagkalipas ng isang buwan upang mabalitaan ni Ulap ang kaniyang mga
kababayan, at upang makapaghandanang husto para sa pagdiriwang. Mabilis na
kumalat ang magandang balita. Nakarating agad ito kay Pagtuga, na namula sagalit.
Nang mangaso si Datu Makusog, dinakip siya ni Pagtuga. Nagpadala si Pagtuga ng
mensahe kay Magayon, nagbabantang papatayin ang kaniyang ama at maghahasik
ng digmaan saka niyang bayan kung hindi siya pakakasalan. Sinunod ni Magayon ang
kahilingan ni Pagtuga, labag man sa kaniyang kalooban. Agad-agad na inihanda ang
kasalan. Nang malaman ni Ulap ang masaklap na pangyayari, nagmadali siya pabalik
ng Rawis kasama ang pinakamagigiting niyang mandirigma. Kasisimula pa lamang ng
seremonya nang dumating sina Ulap. Sa halip naisang pagdiriwang para sa kasal,
isang madugong labanan ang naganap. Napuno ang langit ng mga palaso. Napuno
ang hangin ng tunog ng nagkikiskisang bolo. Nagtuos si Ulap at si Pagtuga, isang
labanan para sa kamay ng nag-iisang si Magayon.
Nadaig at napaslang ni Ulap si Pagtuga. Masayang sinalubong ni Magayon si Ulap,
akmang yayakapin —nang biglang isang ligaw na palaso ang tumama sa likod ng
dalaga. At habang sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw-hininga niyang iniibig, bigla
siyang sinibat sa likod ng isang kawal ni Pagtuga. Agad na hinataw ni Datu Makusog
ang kawal ng kaniyang minasbad, isang matalim na bolo. Pagkatapos ng mabilis na
pangyayaring iyon, tumahimik ang lahat ng mandirigma. Tumigilang digmaan. Sa halip
na marinig ang kasiyahan ng isang pagdiriwang ng kasalan, mga hikbi at hagulgol
para sa mga pumanaw ang lumutang sa hangin. Kahit na halos walang makita dahil
sa walang-tigil na pagluha si Datu Makusog, naghukay siya nang naghukay. Nang
matapos, nilibing niya ang kaniyang nag-iisang anak na si Magayon, at ang nag-iisa
nitong pag-ibig na si Ulap, nang magkatabi at magkayakap. Habang lumilipas ang
mga araw, unti -unting tumaas ang lupang pinaglibingan kina Ulap at Magayon.
Tumaas ito nang tumaas, at di nagtagal, sinamahan ito ng pagyanig ng lupa at
pagtilapon ng nagbabagang mga bato. Naniniwala ang mga matatanda na kapag
nangyayari ito, ginagalit ni Pagtuga ang bulkan upang maibalik sa kaniya ang mga
kayamanang iniregalo niya kay Magayon—mga regalong inilibing kasama ng dalaga
sang-ayon sa mga lumang paniniwala. May mga araw kung kailan natatakpan ng mga
ulap ang tuktok ng bulkan. Sinasabi ng mga matatanda na kapag nangyayari ito,
hinahalikan ni Ulap si Magayon. At kung pagkatapos nitoay marahang dumampi ang
ulan sa magiliw na libis ng bulkan, naniniwala ang mga matatandang lumuluha si Ulap.

17
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Gawain sa Pagkakatuto bilang 2: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.


1. Isa-isahin ang mga tauhan sa kuwento.
2. Alamin ang iba’t ibang suliranin na nabanggit sa alamat.
3. Isa-isahin ang mga matatalinghagang salita o pangungusap na nagpapakita ng
talinghaga at ibigay ang kahulugan nito.

D. Pagpapalihan
Gawain sa Pagkatuto bilang 3: Bumuo ng sariling karunungang-bayan na
maiuugnay sa alamat na binasa.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman ng binuong karunungang-bayan 10
Gumamit ng mga talinghaga 5
Wastong gamit ng wika at gramatika 5
Kabuoan 20

E. Paglalapat
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong na nasa ibaba. Ipost ang iyong sagot sa
bahagi ng forum.

1. Sa iyong sariling pananaw, mahalaga ba na pag-aralan pa rin ang alamat bilang isa
sa mga akdang pampanitikan ng ating bansa? Bakit?

F. Mga Sanggunian
Mga Aklat

Filipino Ikawalong Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020
Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)

18
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Aralin 3

A. Pamagat

Aralin 3: Paghahambing

B. Introduksyon

Ang araling ito ay naglalayong mapaghambing ang iba’t ibang aral mula sa
piling akdang pampanitikan upang makilala at maunawaan ang gintong aral na
nakapaloob sa mga ito. Ito rin ay naglalayong magamit ang paghahambing sa pagbuo
at pagsulat ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong
pahayag) na angkop sa kasalukuyang kalagayan.

C. Pagpapaunlad
PAGHAHAMBING
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa
pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.

Dalawang Uri ng Paghahambing

1. Pahambing na Magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay


may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing,
at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa, at pareho.

Halimbawa:
Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha sila.

2. Paghahambing na Di-Magkatulad
a. Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.
Ginagamit ang higit, lalo, mas, di-hamak.
Halimbawa:
Si Ana ay mas mayaman kay Paulo.

b. Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.


Ginagamit ang di-gaano, di-gasino, di-masyado.
Halimbawa:
Di-gaanong matangkad si Alex kumpara sa kanyang kapatid.
Di-lubhang maliwanag sa panig na iyon ng kagubatan kaysa sa nilakaran naming
kanina.

19
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Gawain sa Pagkatuto bilang 1: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na


paghahambing. Isulat ang sagot sa patlang.

1. _________________ (Gusto, Mas gusto, Di gusto) kong magbasa kaysa manood


ng telebisyon kapag wala kong ginagawa,
2. _________________ (Higit na maganda, Di-gaanong maganda, Parehong
maganda) ang pananaw naming magkaibigan sa buhay dahil ito ang turo ng aming
magulang.
3. Ako ay ___________________ (higit na matanda, matanda, tumatanda) kaysa sa
aking mga kalaro kaya’t pinipilit kong maging mabuting halimbawa sa kanila.
4. _________________ (Mahirap, Di-hamak na mahirap, Higit na mahirap) ang
buhay ng aking magulang kumpara sa magandang buhay na ibinigay nila sa akin
ngayon.
5. Ang aking tatay at nanay ay ____________________ (magsimbait, mabait, mas
mabait) kaya’t mahal na mahal ko silang dalawa.

Gawain sa Pagkatuto bilang 2: Sumulat ng limang pangungusap na naghahambing


tungkol sa larawan.

https://clipartstation.com/pagmamahal-sa-pamilya-clipart-6/

D. Pagpapalihan
Gawain sa Pagkatuto bilang 3: Sumulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain at
kasabihan na nagpapakita ng pagkukumpara ng dalawa o higit pang bagay, tao o
pangyayari.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman 10
Nakagamit ng paghahambing 5
Kabuoan 15

E. Paglalapat

Panuto: Dugtungan ang pahayag na nasa ibaba upang mabuo ang diwa.
Natutuhan ko na ang paghahambing ay _____________________________
_____________________________________________________________

20
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

F. Mga Sanggunian
Mga Aklat

Filipino Ikawalong Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020
Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)

21
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Aralin 4

A. Pamagat
Aralin 4: Pag-unawa sa Akdang Binasa

B. Introduksyon
Mahalagang nauunawaan ng bawat mambabasa ang mga akdang binabasa.
Kailangan ang lalim sa pang-unawa upang makita at maintindihan ang detalye ng
bawat akdang binabasa. Sa araling ito, kayo ay inaasahang malinang ang kakayahang
umunawa sa mga binasa sa pamamagitan ng paghihinuha batay sa (a) mga ideya o
pangyayari sa akda at (b) mga dating kaalaman kaugnay sa binasa.

Panimulang Gawain: Gamit ang iyong sariling kaalaman, magbigay ng limang


bagay na maaari mong iugnay sa salitang pinag-uusapan.

COVID 19

C. Pagpapaunlad
Ang pang-unawa ay mas nahahasa sa tulong ng dating kaalaman o ng mga karanasan
ng mambabasa. Sa pamamagitan ng dating kaalaman o ng mga karanasan,
naihahambing at naiuugnay ng mambabasa ang kontekstong ipinakikita ng isang
akda.

1. Ang dating kaalaman o mas kilala bilang prior knowledge ay tumutukoy sa mga
kaalalamang nakaimbak sa ating kaisipan na nakuha mula sa mga bagay na ating
nakita, narinig at nabasa.
2. Ang ating mga karanasan ay isang malaking tulong upang mas madaling
maunawaan ang isang akda. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga detalyeng
ipinakikita ng isang akda, naiuugnay natin ang mga konseptong ito sa ating personal
na karanasan.

22
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Gawain sa Pagkatuto bilang 1: Mula sa dating kaalaman, ibigay ang kahulugan ng


tula sa pamamagitan ng pagpuno sa patlang. Pagkatapos ay ibigay ang kahalagahan
ng tula sa buhay ng isang tao na batay sa iyong karanasan.
Ang tula ay _________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Ang kahalagahan ng tula ay ____________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Basahin ang tulang nasa ibaba. Damhin ang mensaheng ipapakita ng tula.

SULAT NI NANAY AT TATAY SA ATIN


ni Rev. Fr. Ariel F. Robles

Maaaring mapakinggan ang tula sa


https://www.youtube.com/watch?v=_I0fK4T8Xm0

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng


sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang
matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo
naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na


parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?


kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit
hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

23
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin Sa ilalim ng kama


kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip
na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na
akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at


intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng


karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,


Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal
hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko


sa kanya na pagpalain ka sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Gawain sa Pagkatuto bilang 2: Sagutan ang mga tanong na nasa ibaba batay sa
iyong pag-unawa sa akda.
1. Kanino iniaalay ang tulang akda?
2. Ano-ano ang mga kahilingan ng nanay at tatay?
3. Ano-ano ang mga ginawa ng mga magulang para sa kanilang mga anak?
4. Ano sa tingin mo ang layunin ng may-akda sa pagsulat sa akdang ito?
5. Kung ikaw ang magulang, tama lang bang ihanay sa mga anak ang kanyang
kahilingan?

D. Pagpapalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa ng isang liham na tutugon sa sulat ng
nanay at tatay. Ilagay sa liham ang iyong naiisip at nadarama patungkol sa mga
konseptong nabanggit.
Pamantayan sa Pagmamarka
Kaugnayan sa paksa 7
Wastong mekaniks sa pagsulat 3
Kabuoan 10

24
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

E. Paglalapat
Panuto: Sagutin ang katanungan na nasa ibaba at ipost sa bahagi ng forum ang iyong
magiging sagot.

1. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong magulang?

F. Mga Sanggunian
Mga Aklat
Filipino Ikawalong Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020
Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)

25
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Aralin 5

A. Pamagat
Aralin 5: Pagsulat ng Talata

B. Introduksyon
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makasulat ng talata na: (a) binubuo ng
magkaka-ugnay at maayos na mga pangungusap, (b) may simula, gitna at wakas, at
(c) nagpapahayag ng sariling sariling palagay o kaisipan.

Panimulang Gawain: Sumulat ng paglalarawan tungkol sa iyong sarili. Gamiting


gabay ang mga tanong sa bawat bilang.

1. Ano-ano ang katangian mo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano-ano ang iyong pangarap?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Paano mo tutuparin ang iyong mga pangarap?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

C. Pagpapaunlad
Ang talata ay isang sulatin na binubuo ng mga pangungusap na tumutukoy sa
piling paksa o tema. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi:

Simula - ito ang nagbibigay buhay at direksyon sa paksang pag- uusapan sa isang
talata.
Gitna - pagbuo ng paksa na ipinakikita sa pamamagitan ng paghahambing,
pagbibigay-depinisyon o pagsusuri. Sa bahaging ito ay makikita ang lalim ng
pagtalakay sa paksang pinag-uusapan.
Wakas - nagpapakita ng pagsasara sa usapin, tema o paksang pinag-uusapan. Dito
rin nagbiigay ng konklusyon, rekomendasyon o paglalagom sa paksang pinag-
uusapan.

26
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Gawain sa Pagkatuto bilang 1: Mula sa iyong natapos na gawain sa Panimulang


Gawain, nagtataglay ba ito ng bahagi ng talata na dapat nating isaalang-alang?
Patunayan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos ay


tukuyin ang (a) simula, (b) gitna at (c) wakas sa bawat talata.

Ako si Magiting
Ni: Consolacion P. Conde
Gintong Pamana Wika at Panitikan
Batayang Aklat sa Filipino- Ikalawang Taon
Nina Lolita R. Nakpil at Leticia F. Dominguez, PhD

Nangingiti kayo, sapagkat narito ako sa inyong harapan, nagbubuka ako ng


bibig at pilit long pinalalaki ang aking maliit na tinig!
Tunay, ako’y musmos pa lamang kung inyong pagmamasdan. Subalit ang
aking puso ay singhugis at sinlaki rin ng inyong puso. Ang aking dibdib ay sintibay na
rin ng inyong dibdib. Pahat man ang aking diwa ay nakauulinig ang aking pandinig at
nakakikita ang aking mga mata. Nadarama ko ang agay-ay ng hangin, ang init ng
araw, ang pintig ng buhay. Nalalasahan ko ang linamnam ng ligaya at tamis ng tuwa.
Nanamnam ko ang pait ng apdo at saklap ng dalamhati. Nahuhulo ko rin ang ganda
ng kabutihan at ang kapangitan ng kasamaan.
Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inakay ng isang batang lalaki ang
isang matandang ina. Sa kalaparan ng mataong lansangan ay tumawid sila; at ang
matanda ay nalayo sa panganib at sa kamatayan. Aniko sa sarili, gayondin ang dapat
kong gawin!
Ngunit kangina, sa tindahan ng Intsik sa panulukan ay naghilakbot ako sa aking
Nakita. Mga binatilyong kagaya ko, datapwa’t may hawak na bote ng alak at sa mga
bulang kanilang nilalagok ay unti-unti silang nangawala sa kanilang mga sari-sarili.
Maya-maya pa’y naghalibasan sa isa’t isa. Ang ilan ay nangalugmok at
nangahandusay. Ang iba’y sugatang nagsipanakbuhan. O! kasuklam-suklam na
panoorin. Naibulong ko lamang: A, hindi ko sila dapat pamarisan!
Katutunghay ko pa lamang sa pahayagang ngayon ay aking dala. Isang
panawagan sa kabataan ang magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa
pagsasanggalang sa kalagayan ng bayan. Kaya naman ako…upang mapabilang sa
kabataan ay naririto ngayon at dumudulog sa inyo! Opo, ako…. Akong si Magiting ay
naririto upang ilaan ang aking sarili sa paglilingkod sa Lupang Tinubuan!
Bakit kayo nagingiti? Bakit nga? Bakit Ninyo ako pinagmamasdan mula ulo
hanggang paa? Bakit? A, dahil ba sa ako’y isang pilay? At putol ang isang paa? Iyan
ba ang dahilan kung bakit nag-aatubili kayong ako ay tanggapin? Iyan ba ang sanhi
kung bakit minamaliit Ninyo ang aking alok na paglilingkod?

27
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Mga ginoo, nagkakamali kayo! Ako’y naririto upang magpatala – upang


lumaban; hindi…. upang tumakbo!

Simula:

Gitna:

Wakas:

D. Pagpapalihan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Bumuo ng tatlong talata na pumapaksa tungkol sa


diskriminasyon. Ang bubuoing talata ay dapat makasunod sa rubrik na nasa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka
Binubuo ng magkakaugnay at maayos na pangungusap 5
Nagpapakita ng simula, gitna at wakas 5
Taglay ang katangian ng isang mabuting talata 5
Kabuoan 15

E. Paglalapat
Panuto: Sagutin ang katanungan na nasa ibaba
1. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talata?

F. Mga Sanggunian
Mga Aklat
Filipino Ikawalong Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020
Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)
Nakpil et.al. 2000. Gintong Pamana Wika at Panitikan Batayng Aklat sa Ikalawang
Taon: SD Publications, Inc.

28
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Aralin 6

A. Pamagat

Aralin 6: Hudyat ng Sanhi at Bunga

B. Introduksyon

Maraming paraan ang ginagamit sa pagpapahayag ng tema o paksa sa isang


pangungusap. Isang paraan sa pagbuo ng pangungusap at talata ay ang
pagpapahayag ng sanhi at bunga. Ang araling ito ay tumutukoy sa mga ginagamit na
hudyat upang maipakita ang sanhi at bunga.

Panimulang Gawain: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, magbigay ng tatlong


epekto o bunga ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Epektong Dulot ng COVID- 19

C. Pagpapaunlad
MGA HUDYAT NG SANHI AT BUNGA NG MGA PANGYAYARI
1. Sanhi – Ito ay ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari. Mga
Hudyat na nagpapahayag ng sanhi: sapagkat, dahil/dahil sa/dahilan sa, palibhasa,
ngunit, at kasi
Mga Halimbawa:
1. Nagkasakit ang mga tao dahil sa maruming kapaligiran.
2. Sa kasalukuyan maraming Pilipino ang umuwi sa probinsya sapagkat nais nilang
makaiwas sa lumalaganap na sakit.
3.Nagkakaisa at nagtutuungan ang sambayanan kasi isang paraan ito upang
masolusyunan ang suliranin ng lipunan.

2. Bunga – Ito ay ang tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari.


Mga Hudyat na nagpapahayag ng bunga: kaya/kaya naman, kung/kung kaya, bunga
nito, tuloy
Mga Halimbawa:

29
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

1. Malungkot si Aling Nena kung kaya nililibang na lamang niya ang sarili sa
pagtatanim ng mga bulaklak.
2. Sa kasalukuyan ay eco bag na ang ginagamit ng mga tao na lalagyan ng pinamili
bunga nito nabawasan na ang paggamit ng plastic bag.
3. Nakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak nina Mang Melchor at Aling Ana tuloy
masaya sila at natupad ang pangarap nila na matapos ng pag-aaral ang lahat ng
anak.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magbigay ng sanhi at bunga ayon sa sitwasyon na


nakalagay sa bawat bilang. Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

Sitwasyon Sanhi Bunga


1. Pagkasira ng Kalikasan

2. Pagkalat ng sakit

3. Kahirapan

4. Distance Learning

5. Pag-alis ng bansa
upang maghanap-buhay

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 Panuto: Basahin ang maikling sanaysay, pagkatapos


ay ihanay sa talahanayan na nasa ibaba ang sanhi at bunga.

"Mga Sanhi at Bunga ng Corona Virus."


Ang Corona Virus ay isang nakahahawang sakit na kumakalat mula sa isang tao
patungo sa isa pa sa pamamagitan ng pisikal na pakikipag-ugnay. Ang sakit na ito ay
nakaaapekto sa milyon-milyong mga tao sa buong mundo at libu-libo ang namatay.
Ang sakit na ito ay nagsimula mula sa Tsina at kumalat sa buong mundo.
Ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng sakit na ito ay ang paggalaw ng mga tao na
nagmula sa China patungo sa kani-kanilang mga bansa. Kung ang mga taong ito ay
nanatili na lamang muna sa bansa at hindi na lumipat ng iba pang bansa ay maaaring
hindi na kumalat ang virus na nakaapekto hindi lamang sa bansang China kundi sa
buong mundo.
Ang mga kahihinatnan ng Corona Virus ay tunay na nakaapekto sa buong mundo.
Maraming mga bansa ang lubos na naapektuhan lalo at higit ang kalagayan ng
kanilang ekonomiya. Isa sa mga apektado nito ay ang mga bansang gumagawa ng
langis at iba pang mga bansa na nagsusuplay ng produkto dahil sa lockdown. Ang
edukasyon ng kabataan ay naapektuhan din ng sobra.

30
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Sanhi Bunga
1.
2.
3.

D. Pagpapalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sumulat ng limang pangungusap na nagpapakita
ng paggamit sa mga hudyat ng sanhi at bunga. Salungguhitan ang sanhi at bilugan
ang bunga.

Pamantayan sa Pagmamarka
Gumamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga 7
Wasto ang gamit ng gramatika 3
Kabuoan 10

E. Paglalapat

Panuto: Dugtungan ang pahayag upang mabuo ang diwa. Ipost sa bahagi ng forum
ang iyong sagot.

Makatutulong ang paggamit ng hidyat ng sanhi at bunga sa _______________ upang


___________________________.

F. Mga Sanggunian
Mga Aklat

Filipino Ikawalong Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020
Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)

31
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Aralin 7

A. Pamagat
Aralin 7: Opinyon at Pananaw

B. Introduksyon
Maraming paraan upang maipahayag natin ang ating nararamdaman tungkol
sa isang bagay, isyu o paksa. Ang pagpapahayag na ito ay maaaring galing sa ating
mga sariling paniniwala, pananaw o paninindigan. Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
makapagbahagi ng iyong sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-
uulat.

Panimulang Gawain: Basahin at unawain ang halimbawa ng editoryal sa ibaba.

Ang Bilanggo at ang Lipunan

Lipunan na rin ang magdidikta sa magiging buhay ng mga tinaguriang kriminal


makalaya man sila. Tunay man silang nagkasala o inosente, hindi mabubura sa
kanilang pagkatao ang tatak ng bilanggo. Gustuhin man nilang ituwid ang kanilang
buhay, mahirap na para sa kanila. Bilang mga tunay na Kristiyano, ipanalangin natin
ang mga bilanggo sa ngayon. Hindi ba’t kabilang din sa mga gawaing korporal ang
pagdalaw at pagdarasal sa kanila? Maaaring hindi natin nalalaman ngunit marami sa
kanila ang nagsisisi at umaasa na lamang sa pag-ibig at awa ng Diyos. Tulungan natin
silang magbagong buhay at makadama ng kapayapaan sa Panginoon sa likod ng mga
rehas na bakal.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gamit ang editoryal sa itaas, isa-isahin ang iyong
paniniwala o opinyon tungkol dito.

C. Pagpapaunlad
Bilang malayang bansa, tayo ay may karapatang makapagpahayag ng ating
sariling pananaw o paniniwala tungkol sa iba’t ibang isyu sa ating lipunan. Subalit
dapat nating tandaan, na ang pagpapahayag ng paniniwala at opinyon ay dapat
dinaraan sa responsableng pamamaraan. Ito ay dapat ibinabahagi sa paraang
sensitibo at hindi makasasakit sa iba.
May mga pahayag na ginagamit sa pagsaad ng opinyon o pahayag tulad ng sa
pananaw ko, sa totoo lang, labis akong naninindigan, kumbinsido ako, sa palagay ko,
sa tingin ko, sa totoo lang at iba pa. Sa pagbibigay ng opinyon makabubuti kung may

32
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-


timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap ang isang opinyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamit ang mga larawan sa ibaba, ihayag ang iyong
paniniwala o opinyon tungkol sa paksa at mensaheng inihahayag ng bawat larawan.

1. 2.

D. Pagpapalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang isang batas na
naiasakatuparan sa ating bansa. Pagkatapos ay ilahad mo ang iyong paniniwala at
opinyon tungkol dito.

Republic Act 10533


AN ACT ENHANCING THE PHILIPPINE BASIC EDUCATION SYSTEM BY
STRENGTHENING ITS CURRICULUM AND INCREASING THE NUMBER OF
YEARS FOR BASIC EDUCATION, APPROPRIATING FUNDS THEREFORE AND
FOR OTHER PURPOSES
SEC. 4. Enhanced Basic Education Program. — The enhanced basic education
program encompasses at least one (1) year of kindergarten education, six (6) years
of elementary education, and six (6) years of secondary education, in that sequence.
Secondary education includes four (4) years of junior high school and two (2) years of
senior high school education.

Ang batas na ito ay nagsaad ng higit na pagpapaunlad sa kaalaman at


kakayahan ng bawat indibidwal at mag-aaral. Isinasaad sa konstitusyon na
kinakailangan ang isang mag-aaral ay kukuha ng isang taon para sa kindergarten,
anim na taon para sa elementarya. Karagdagang dalawang taon ng pag-aaral para sa
sekondarya, apat na taon sa Junior High School at dalawang taon para sa Senior High
School. Bilang mag-aaral sa kasalukuyang panahon, ano ang iyong pananaw tungkol
dito?

33
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman ng pahayag 7
Wasto ang gamit ng wika at gramatika 3
Kabuoan 10

E. Paglalapat
Panuto: Sagutin ang katanungan na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa bahagi ng
forum.
1. Bakit mahalaga na magpahayag ng sariling opinyon at pananaw tungkol sa paksa?

F. Mga Sanggunian
Mga Aklat
Filipino Ikawalong Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020
Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)

34
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

Aralin 8

A. Pamagat

Aralin 8: Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik

B. Introduksyon

Ang pananaliksik ay isang uri ng sulatin na nangangailangan ng mahabang


panahon ng pagsasagawa. Ito ay nangangailangan ng maayos na paghahanda,
sistematikong pagtatala at pagsulat at pagkatapos, susundan ng malinaw na
paglalahad. Inaasahang maipaliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik
ayon sa binasang datos.

Panimulang Gawain: Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Ano-anong impormasyon


ang maaari mong maiugnay tungkol sa ideya o mensaheng sinasabi ng larawan.

C. Pagpapaunlad

Mga Hakbang sa Pananaliksik

1. Unang Hakbang
a. Pumili at maglimita ng paksa. Ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili,
mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng
kongklusyon.

2. Ikalawang Hakbang
b. Magsagawa ng pansamantalang balangkas.
I. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa.
II. Ilahad ang layunin.
III. Itala o ilista ang mga tanong.
IV. Pangatuwiranan ang kahalagahan ng paksa.

3. Ikatlong Hakbang
c. Magtala ng sanggunian (mangalap sa internet o silid-aklatan). Huwag takdaan ang
bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian, pitong sanggunian ang minimum.

4. Ikaapat na Hakbang

35
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

d. Mangalap ng datos. Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya
lamang ng nabasa ay sapat na. Makatutulong ang paggamit ng index card sa
pagtatala ng mga sanggunian.

5. Ikalimang Hakbang
e. Bumuo ng konseptong papel. Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang
sasaliksikin. Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik
na magbibigay-linaw sa isusulat.

6. Ikaanim na Hakbang
f. Gumawa ng dokumentasyon. Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na
paglalahad ng sanggunian at bigyang-pansin ang paggamit ng wastong bantas.

7. Ikapitong Hakbang
g. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

Gawain sa Pagkatuto bilang 1: Ilahad ang iyong magiging hakbang sa sitwasyon na


nasa ibaba.

Sitwasyon:
Unang araw ng klase, binigyan kayo ng gawain ng inyong guro tungkol sa
pananaliksik. Ito ay ang pangangalap ng impormasyon tungkol sa sinaunang panitikan
ng bansa. Ano-anong hakbang ang iyong gagawin upang maisakatuparan ang
gawaing ibinigay ng guro?

D. Pagpapalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Mayaman sa kulturang Pilipino ang ating bansa,
kaya ganon na lamang ang paghanga sa atin ng ibang lahi. Isa sa kulturang Pilipino
na sumasalamin sa atin ay ang “Strong Family Ties” o ang matibay na pagkakabuklod-
buklod ng pamilya. Magkaroon ng pananaliksik tungkol dito upang patunayan ang
kulturang ito.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman ng sinaliksik na kultura 8
Maayos na pagkakahanay ng kaisipan 4
Wastong gamit ng wika at gramatika 3
Kabuoan 15

36
Filipino 8 – Gabay sa Asignatura

E. Paglalapat
Panuto: Sagutin ang katanungan na nasa ibaba. Ipost ang iyong sagot sa bahagi ng
forum.
1. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng pananaliksik?

F. Mga Sanggunian
Mga Aklat

Filipino Ikawalong Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020
Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)

37

You might also like