You are on page 1of 10

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga

HINDI IPINAGBIBILI1

5
FILIPINO Kuwarter 1
Linggo 6 (MELC 7)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Inihanda ni:

BELINDA R. ROSAGARON
T-III/ TUGBUNGAN ELEMENTARY SCHOOL

BELINDA R. UY, T-III

Paaralang Elementarya ng Tugbungan
2

ASIGNATURA FILIPINO 5 KUWARTER 1 LINGGO ARAW _______________________

AT BAITANG dd/mm/yyyy

CODE F5PS-IIh-c-6.2
KASANAYANG Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga
PAMPAGKATUTO pangungusap.

ARALIN NATIN
Layunin: Naisasalaysay muli ang Napakinggang Teksto sa tulong ng mga pangungusap.
Paksa: Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga Pangungusap.

(Lunsaran)
Ano ang Talambuhay?

 Ang Talambuhay – ay salaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao, mula sa

kanyang kapanganakan hanggang sa kasalukuyan, o hanggang sa kanyang
kamatayan. Inilalahad sa Talambuhay kong paano napagtagumpayan ng tao ang
mga hamon sa kanyang buhay.

Paano nakakatulong ang mga pangungusap sa pagsasalaysay muli ng

napakinggang teksto?

 Nakakatulong ang mga pangungusap sa pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto

sa paraang napapadali nito ang pagbubuo at pag-aayos ng mga pangungusap na dapat
isalaysay.
 Upang mapatunayan ito, narito ang isang teksto na isang Talambuhay. Pakinggan ito
nang mabuti sa tulong ng naatasang mambabasa. (Humingi ng tulong sa kasamahan
na maaaring bumasa para sa iyo).

“Liwanag sa Dilim: Ang kuwento ni Roselle Ambubuyog”

Si Maria Gennette Roselle R. Ambubuyog ay pinanganak noong ika-12 ng Enero, 1980
sa Maynila. Anak siya nina Gemme F. Ambubuyog at Deanna B. Rodriguez. Naging masaya
at tahimik ang unang mga taon ng kaniyang kabataan, kasama ang kaniyang mga magulang
at tatlong kuya na sina Glemm, Glenn, at Gary.

Noong anim na taong gulang si Roselle, nagkasakit siya at binigyan ng apat na gamot.
Bumuti ang kanyang pakiramdam, subalit pagkatapos ng dalawang linggo, muli siyang
nagkasakit. Tinawag na Steven Johnson’s Syndrome, o labis na reaksyon ng katawan sa mga
gamot na kaniyang ininom ang kaniyang sakit. Dahil dito, nawala ang kaniyang paningin. Dinala
siya ng kaniyang mga magulang sa iba’t-ibang doktor, subalit hindi na muling nakakita si
Roselle.

Sa kabila nito, sinikap ni Roselle at ng kaniyang mga magulang na maipagpatuloy ang

dati niyang buhay. Umalis ang kaniyang ama mula sa dati niyang trabaho upang tulungan si
Roselle na muling matutuhan ang mga pang araw-araw na gawain. Nakabalik siya sa pag-aaral
at nagtapos bilang balediktoryan ng Paaralang Elementarya ng Batino noong 1992 at

BELINDA R. UY, T-III

Paaralang Elementarya ng Tugbungan
3

sa Paaralang Sekondarya ng Ramon Magsaysay noong 1996. Pagkatapos nito, nagtungo siya
sa Pamantasang Ateneo de Manila upang mag-aral ng Matematika.
Nagbunga ang pagsisikap ng buong pamilya, dahil noong 2001, nagtapos si Roselle
bilang balediktoryan mula sa Pamantasang Ateneo de Manila. Sa kaniyang talumpati bilang
balediktoryan, pinasalamatan niya ang kaniyang buong pamilya, lalo na ang kaniyang ama, na
nagsilbing mga bituin sa kaniyang paglalakbay. Pagkatapos nito, nagpakadalubhasa siya sa
Matematika sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ngayon, isa siyang konsultant para sa isang kompanyang gumagamit ng makabagong
teknolohiya upang gumawa ng kagamitan para sa mga taong may kapansanan. Nagagamit
niya ang kaniyang karanasan at kaalaman para tulungan ang ibang taong katulad niya.

Pagtatasa ng Pagkatuto1: Ano ang Talambuhay?

Pagtatasa ng Pagkatuto2: Paano nakakatulong ang mga pangungusap sa pagsasalaysay muli
ng napakinggang teksto?

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Gawain 1: Gawin mo!

Panuto: Ibigay ang wastong sagot sa mga tanong.

1. Ano ang buong pangalan ni Roselle Ambubuyog?

2. Kailan siya ipinanganak?
3. Ano ang sakit na dumapo kay Roselle sa kadahilan labis na pag-inom ng gamot?
4. Saan nagtapos si Roselle bilang balidiktoryan noong 2001?
5. Paano si Roselle nakakatulong sa ibang tao sa kabila ng kanyang kawalan ng paningin?

Gawain 2: Kaya Ko!

Panuto: Isalaysay muli ang napakinggang teksto (Liwanag sa Dilim: Ang kwento ni Roselle
Ambubuyog) sa pamamagitan ng pagsulat ng limang (5) pangungusap. Gawing gabay ang
rubriks sa ibaba. (5 puntos)

RUBRIK SA PAGSULAT NG SALAYSAY

5 4 3 2 1
NILALAMAN
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 lawak at lalim ng pagtatalakay
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
ORGANISASYON
 lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
 pagkakaugnay ng mga idea
5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong ng pagsasanay
3-Katanggap-tanggap

BELINDA R. UY, T-III

Paaralang Elementarya ng Tugbungan
4

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

Sa Pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto, mahalagang isaalang-alang ang mga

gabay na pangungusap sa paraang napapadali nito ang pagbubuo at pag-aayos ng mga
pangungusap na dapat isalaysay.

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !

(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Isalaysay muli ang napakinggang teksto (Makinig at Mag-ingat) sa pamamagitan ng
pagsulat ng limang (5) pangungusap. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba. (10 puntos)
RUBRIK SA PAGSULAT NG SALAYSAY

10 8 6 4 2
NILALAMAN
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 lawak at lalim ng pagtatalakay
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
ORGANISASYON
 lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
 pagkakaugnay ng mga idea
5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong ng pagsasanay
3-Katanggap-tanggap

“Makinig at Mag-ingat”

Kamakailan lamang ay hinagupit ng kalamidad ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

May mga sinalanta ng bagyo, malalakas na ulan, lindol, at mga pagguho ng lupa. Maraming
nagbuwis ng buhay sa mga nasabing kalamidad.ikinalungkot ng buong bayan ang pagsawi ng
maraming buhay. Kung sila sana ay naging masunurin at nakinig sa mga paalala ng
pamahalaan kaugnay ng paparating na daluyong ng tubig, marahil sila at ang iba pa ay
nakaligtas.
Kaya nga sadyang mahalaga ang maging handa at makinig sa mga paalala upang tayo
ay makaiwas sa anumang sakuna. Lagi nating tatandaan na ako, ikaw, tayo, ang buhay natin
ay mahalaga. Ang pakikiisa sa kaligtasan at kabutihan ng lahat ay makakamit kung tayo ay
laging handa.

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang
papel para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLet.

BELINDA R. UY, T-III

Paaralang Elementarya ng Tugbungan
5

Sanggunian ALAB FILIPINO 5 Batayang Aklat pp. 74-75; p.12 at p. 34

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in reference
to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.

Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

BELINDA R. UY, T-III

Paaralang Elementarya ng Tugbungan
6

Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa

BAITANG AT
PANGALAN SEKSYON

ASIGNATURA KUWARTER LINGGO ARAW

____________________________________

Petsa

Pagsasalaysay muli ng Napakinggang Teksto sa tulong ng mga

PAKSA
Pangungusap.
KASANAYANG Naisasalaysay muli ang Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga
PAMPAGKATUTO Pangungusap.

ARALIN NATIN
Paksa: Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga Pangungusap.

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano ang talambuhay?

What is Digestion?
_________________________________________________________________________

Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Paano nakatutulong ang mga pangungusap sa

pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto?
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

BELINDA R. UY, T-III

Paaralang Elementarya ng Tugbungan
7

Sanayin Natin!

Gawain 1: Gawin mo!

Panuto: Ibigay ang wastong sagot sa mga tanong.

1. Ano ang buong pangalan ni Roselle Ambubuyog?

_________________________________________________________________
2. Kailan siya ipinanganak?
_________________________________________________________________

3. Ano ang sakit na dumapo kay Roselle sa kadahilan labis na pag-inom ng gamot?
_________________________________________________________________

4. Saan nagtapos si Roselle bilang balidiktoryan noong 2001?

_________________________________________________________________

5. Paano si Roselle nakakatulong sa ibang tao sa kabila ng kanyang kawalan ng

paningin?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Gawain 2: Kaya Ko!

Panuto: Isalaysay muli ang napakinggang teksto (Liwanag sa Dilim: Ang kwento ni Roselle
Ambubuyog) sa pamamagitan ng pagsulat ng limang (5) pangungusap. Gawing gabay ang
rubriks sa ibaba. (5 puntos)
RUBRIK SA PAGSULAT NG SALAYSAY

5 4 3 2 1
NILALAMAN
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 lawak at lalim ng pagtatalakay
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
ORGANISASYON
 lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
 pagkakaugnay ng mga idea
5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong ng pagsasanay
3-Katanggap-tanggap

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

BELINDA R. UY, T-III

Paaralang Elementarya ng Tugbungan
8

Sukatin ang iyong natutuhan!
Panuto: Isalaysay muli ang napakinggang teksto (Makinig at Mag-ingat) sa pamamagitan ng
pagsulat ng limang (5) pangungusap. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba. (10 puntos)

RUBRIK SA PAGSULAT NG SALAYSAY

10 8 6 4 2
NILALAMAN
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 lawak at lalim ng pagtatalakay
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
ORGANISASYON
 lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
 pagkakaugnay ng mga idea
5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong ng pagsasanay
3-Katanggap-tanggap

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

BELINDA R. UY, T-III

Paaralang Elementarya ng Tugbungan
9

10

Susi sa Pagwawasto

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: ( Maaaring magkaroon ng ibang sagot ang mga

mag-aaral dahil ang lahat ng sagot ay batay sa
kanilang sariling reaksyon o opinyon.)
Pagtatasa ng Pagkatuto 2:

Sanayin Natin!

Gawain 1: Gawin mo!

Mga Sagot:
1. Maria Genette Roselle R. Ambubuyog
2. Ipinanganak siya noong Ika-12 ng Enero,1980
3. Steven Johnson’s Syndrome
4. Nagtapos siya sa Pamantasan ng Ateneo de Manila
5. Nakakatulong siya bilang konsultant para sa kompanyang gumagamit ng
makabagong teknolohiya para sa mga taong may kapansana.

Gawain 2: Kaya Ko!

Sagot:
1.) Si Roselle R. Ambubuyog ay kilalang may kapansanan na nakakatulong sa
ibang tao. 2.) Ang buo niyang pangalan ay Maria Genette Roselle R.
Ambubuyog. 3.) Ipinanganak siya noong Ika-12 ng Enero, 1980. 4.) Nagkaroon
siya ng sakit na Steven Johnson’s Syndrome. 5.) Nakakatulong siya sa ibang
tao bilang consultant sa kompanyang gumagamit ng makabagong teknolohiya
para sa mga taong may kapansanan.

SUBUKIN NATIN!
Sagot:
1.) Kamakailan lamang ay hinagupit ng kalamidad ang ilang lugar sa Visayas at
Mindanao. 2.) May mga sinalanta ng bagyo, malalakas na ulan, lindol, at mga
pagguho ng lupa. 3.) Maraming nagbuwis ng buhay sa mga nasabing kalamidad
na ikinalungkot ng buong bayan ang pagsawi ng maraming buhay. 4.) Kung sila
sana ay naging masunurin at nakinig sa mga paalala ng pamahalaan kaugnay
ng paparating na daluyong ng tubig, marahil sila at ang iba pa ay nakaligtas. 5.)
Kaya nga sadyang mahalaga ang maging handa at makinig sa mga paalala
upang tayo ay makaiwas sa anumang sakuna. 6.) Lagi nating tatandaan na ako,
ikaw, tayo, ang buhay natin ay mahalaga. 7.) Ang pakikiisa sa kaligtasan at
kabutihan ng lahat ay makakamit kung tayo ay laging handa.

BELINDA R. UY, T-III

Paaralang Elementarya ng Tugbungan

You might also like