You are on page 1of 8

10

Activity Sheet sa
Filipino
Kuwarter 3 – MELC 8
Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita Batay
sa Ginamit na Panlapi
Filipino 10
Learning Activity Sheet Blg. 8
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet Blg. 8 na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Arlene P. Celestial


Tagasuri: Carlito C. Talaban at : Maricar T. Caiñela
Tagaguhit:
Tagalapat: Felizardo S. Valdez III
Division of Guimaras Management Team:
Ma. Roselyn J. Palcat
Nordy D. Siason, Jr.
Elleda E. De la Cruz
Carlito T. Talaban
Arthur J. Cotimo
Felizardo S. Valdez III
Marve E. Gelera

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet Blg. 8 na ito ay nabuo sa
pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Guimaras sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang
kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng
isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet Blg. 8 na ito ay binuo upang


matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon,
na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet Blg. 8 na ito ay binuo upang matulungan
ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 3, Linggo 2

Pangalan ng Mag-aaral:_____________________ Grado at Seksiyon: ___________


Paaralan:___________________________________Petsa: ________________________

FILIPINO 10 GAWAING PAMPAGKATUTO Blg. 8

Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita Batay sa Ginamit na Panlapi

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa ginamit na panlapi


(F10PT-IIIb-77)

Panimula (SusingKonsepto)
Ang wika ay dumaraan sa transisyon ng pag-unlad ng estruktura at
pagbabago ng anyo. Ang prosesong ito ang simula ng pagsibol ng isang bagong salita
dahilan ng pagdagdag ng letra na nagdudulot ng bagong kahulugan ng isang salita.

Bawat salita ay mayroong tiyak na kahulugan. Ngunit, maaaring mabago


ang tiyak na kahulugan ng isang salita dahil sa panlapi.

Ang araling ito ay naglalayong mabigyang-kahulugan ang mga salita batay


sa ginamit na panlapi.

Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng


DepEd at Educational Sites)
Ambat, V. C., et.al (2015). Filipino-Ikasampung
Baitang, Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City:
Vibal Group, Inc.
Mga Gawain

1. Mga Panuto

A. Basahin ang kahulugan ng Panlapi at mga Konsepto kaugnay dito

Sa linggwistika, ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa


isang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o anyo ng salita.

Panlaping Makauri
Ito ang tawag sa mga panlaping ikinakabit sa mga salitang
naglalarawan o pang-uri. Nagkakaroon ito ng kahulugan sa tuwing
isinasama sa salitang-ugat.

Pag-aralan ang mga panlaping makauri na nasa talahanayan.

Panlaping makauri Kahulugan kapag ikinabit sa


salitang naglalarawan Halimbawa

ma pagkamayroon mabait, matapang


maka- kumakampi, kinahihiligan makabayan, maka-pop
mala- tila, parang, kagaya malareyna, malarosas
mapag- ugaling taglay mapagpanggap,
mapagdamot
mapang- katangiang taglay o mapanghalina
kakayahan mapang-akit
pala ginagawang madalas palahingi, palabigay

Paglalarawan Gamit ang Panlaping Makauri

Sadyang mapagbigay ang mag-inang Rosa at Ana, samantalang


malabuwaya sa kasakiman sina Delia at Elena.
Ang salitang bigay ay nangangahulugang iniabot, kaloob. Nang
nilapian ng mapag- ay nagbago ito ng kahulugan, naging paglalarawan
sa ugaling taglay, ang pagiging laging nagbibigay.
Ang salitang buwaya ay isang reptile.Nang ikinabit ang panlaping
(mala-) ay nagkaroon ito ng bagong kahulugan.Hindi na ito tumutukoy
sa mismong hayop.Ibinatay na sa katangian ng buwaya ang kahulugan
ng salita, ang pagiging ganid ng buwaya.Samakatuwid, ang kahulugan
ng salitang malabuwaya ay labis na ganid.
2. Pagsasanay/Aktibidad
A. Panuto: Gawin ang Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan sa pahina 256-
257 ng Filipino- Ikasampung Baitang,Modyul Para sa Mag-aaral.

B. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa


pangungusap batay sa ginamit na panlapi. Isulat ang sagot sa
talahanayan sa ibaba.
1. Natapos nang gawin ni Ana ang kanyang takdang-aralin.
2. Malaking kahihiyan sa pamilya Cruz ang nangyaring insidente sa
kanilang dalagang anak.
3. Malaki ang galit na naramdaman ni Allan sa kanyang kaibigan dahil
inagaw nito ang kanyang sinisinta.
4. Pinakamatanda si Ben kaya siya pinagkatiwalaan sa kanilang pangkat.
5. Umalis ang aking kaibigan na hindi man lang nagpaalam.

Salitang-Ugat Panlapi Kahulugan


1.
2.
3.
4.
5.

3. Mga Batayang Tanong


Panuto: Matapos isagawa ang gawain, sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.

a. Ano-ano ang batayan sa pagbibigay-kahulugan sa mga salita sa


mga pagsasanay?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
b. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga uri ng panlapi sa pagbibigay
kahulugan ng isang salita?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik
Basahin muli ang anekdota na “ Mullah Nassreddin”, pahina 256 ng
Filipino- Ikasampung Baitang,Modyul Para sa Mag-aaral. Batay sa binasang
akda, magbigay ng limang (5) mga salita na may panlapi at bigyan ito ng
sariling pagpapakahulugan. Sa talahanayan sa ibaba, makikita sa Hanay A ang
mga sagot para sa mga salitang may panlapi at sa Hanay B naman para sa
iyong sagot sa sariling pagpapakahulugan nito.

A- Mga Salitang may Panlapi B- Sariling Pagpapakahulugan


1.Pinakamahusay
2. Mapagbiro
3. Katulad
4.Magsasabi
5. sasabihin

BATAYAN SA PAGBIBIGAY ISKOR AT RUBRIK PARA SA PAGBIBIGAY-


KAHULUGAN SA MGA SALITA BATAY SA GINAMIT NA PANLAPI
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nagsisimula
(3) (2) (1)
5 o higit pang angkop na 3-4 na angkop na mga 1-2 angkop na mga
Nakapagbibigay mga salitang may salitang may panlapi salitang may panlapi
ng mga salitang panlapi
may panlapi
Sariling Napakalinaw ng Malinaw ang Hindi masyadong
Pagpapakahulu- pagpapakahulugan ng pagpapakahulugan sa mga malinaw ang
Gan mga salita salita pagpapakahulugan sa
mga salita
Kabuoan

Iskala Interpretasyon

6-----------Napakagaling
4-5 ----------Magaling
2-3 ------------Medyo may kagalingan

Repleksiyon
Ngayon ay natutuhan mo ang tungkol sa pagbibigay-kahulugan sa
mga salita batay sa ginamit na panlapi, ibahagi ang iyong nalalaman sa
aralin sa pagdugtong ng iyong kaisipan upang mapuno ang pangungusap sa
ibaba.

Ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit


sa______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Nag-iiba ang kahulugan ng isang salita


kapag:_________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Salitang-Ugat Panlapi Kahulugan
1. Tapos na
2. Hiya Ka, an
3. Laki ma
4. matanda pinaka
5. alis um
Susi sa Pagwawasto

You might also like