You are on page 1of 29

QUARTER 2

WEEK 4 – DAY 1
Layunin:

Nagagamit nang wasto ang pang-uri


(Lantay, Pahambing, Pasukdol) sa
paglalarawan ng tao, bagay, sarili at
iba pang tao at katulong sa
pamayanan.
(F4WG-IIa-C-4)
Basahin at unawain ang tula tungkol sa bata na magalang. Tukuyin ang
mga salitang pang-uri sa tula

ANG BATANG MAGALANG


(ni Joven Locsin)
Ang batang magalang, kailanman, saan man
Kinatutuwa at lugod ng sinuman
Mabining kumilos, salita’y magalang
May kababaang-loob, kilos-mapitagan.
ANG BATANG MAGALANG
(ni Joven Locsin)
Sa loob ng silid ay tahimik siya
Pagtawag ng guro“po” ang sagot niya
“Ano po iyon Ma’am?” tanong agad niya.
“Kung may iniuutos, sabihin po nila.”

Sadyang malumanay kung mangusap siya


Kung siya’y nakikiusap, “maaari po ba?”
Kung may tinatanggap,“salamat po” aniya
Anupa’t magalang ang bawat tugon niya.
Ang mga salitang pang-uri ang
ginamit sa tula?

magalang May kababaang-loob

mabini tahimik mapitagan

malumanay
Ano ang pang-uri?

Ang pang-uri ay salitang


naglalarawan o nagbibigay turing
sa mga pangngalan o panghalip.
Tukuyin ang pang-uri sa mga pangungusap:

Ang babae ay maganda.maganda


Mabangis ang tigre. mabangis
Ang bata ay tahimik na nakaupo.
tahimik
Gamitin ang mga sumusunod na
pang-uri sa pangungusap.

1. mabango 4. mabait
2. maaliwalas 5. masayahin
3. malinis
Paglalahat:
Ano ang pang-uri?
- ay salitang naglalarawan o
nagbibigay turing sa mga
pangngalan o panghalip.
Pagtataya:
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod
na salita.
1. Tahimik
2. Mapagmahal
3. Malumanay
4. Masayahin
5. magalang
QUARTER 2
WEEK 4 – DAY 2
Balik-aral:
Ano ang pang-uri?
- ay salitang naglalarawan o
nagbibigay turing sa mga
pangngalan o panghalip.
Layunin:

Nagagamit nang wasto ang pang-uri


(Lantay, Pahambing, Pasukdol) sa
paglalarawan ng tao, bagay, sarili at
iba pang tao
(F4WG-IIa-C-4)
Tatlong uri ng Pang-uri:
1. Lantay
2. Pahambing
3. Pasukdol
1. Lantay na Pang-uri – Tumutukoy sa
katangiang sarili ng pangngalan at
panghalip na tinuturingan.

Halimbawa:
Mataas ang nakuha kong marka sa Filipino.
Marangal ang mga Filipino.
Ang tanawin ay kalugod-lugod.
2. Pahambing – Tumutukoy sa pangtutulad ng
dalawang tao, bagay, hayop,
pook, o pangyayari. Gumagamit ng panlaping
kasing, sing, at mga salitang tulad ng di
gaanong, tulad, kapwa, gaya, higit, lalo, mas, o
di hamak.
Halimbawa:
Magkasintaas ang marka natin sa
Filipino.
Higit na mataas ang kapatid niya kaysa
sa kanya.
Mas magaling siya sa Math kaysa
English.
Pasukdol – Tumutukoy sa kahigitan at
pamumukod-tangi ng isang bagay kaysa
sa karamihan o sa lahat.
Gumagamit ng mga panlaping napaka,
lubha, pinaka, at mga salitang ubod, reyna
ng, hari ng, at iba pa.
Halimbawa:
Pinakamataas ang marka na nakuha ko
sa Filipino sa aming klase.
Ubod sa ganda ang tanawin sa Camiguin
Island.
Lubhang maraming tao ang dumalo sa
miting sa plasa.
QUARTER 2
WEEK 4 – DAY 3
Layunin:

Nagagamit nang wasto ang pang-uri


(Lantay, Pahambing, Pasukdol) sa
paglalarawan ng tao, bagay, sarili at
iba pang tao at katulong sa
pamayanan.
(F4WG-IIa-C-4)
GAWAIN:
Panuto: Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang
mga panguring naka-kulay pula.
__________1. Si Richard ang pinakamabait sa tatlong
magkakapatid.
__________2. Wagas ang pagmamahal ng mga anak sa
kanilang magulang.
__________3. Di-gaanong malaki ang bahay nila sa nayon di-tulad
sa bahay nila sa bayan.
__________4. Ang tanawin sa kanilang bukid ay kalugudlugod.
__________5. Magkasintaas ang magkapatid.
GAWAIN:
Panuto: Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang
mga panguring naka-kulay pula.
__________1.
pasukdol Si Richard ang pinakamabait sa tatlong
magkakapatid.
__________2.
lantay Wagas ang pagmamahal ng mga anak sa
kanilang magulang.
__________3. Di-gaanong malaki ang bahay nila sa nayon di-tulad
Paghahambing
sa bahay nila sa bayan.
lantay
__________4. Ang tanawin sa kanilang bukid ay kalugudlugod.
__________5. Magkasintaas ang magkapatid.
paghahambing
GAWAIN
Panuto: Itala sa wastong hanay sa ibaba ang bilang ng mga pangungusap na
kinabibilangan ng kaantasan nito.

1. Mas magaan ang panyo kaysa balabal.


2. Higit na bata si Jerry kaysa kay Freddie.
3. Pinkamalusog si Nelson sa tatlong magkakapatid.
4. Tahimik na bata si Roel.
5. Ako na ang may pinakamagarang bahay dito.
6. Higit na maunlad ang bukas na darating.
7. Masaya ang buhay sa probinsya.
8. Ubod ng saya ang kaarawan ni Nena.
9. Di masyadong matigas ang ice cream gaya nitong ice drop.
10. Kami ay mabuting mamamayan.
Susi ng Pagwawasto:
PERFORMANCE OUTPUT:
Panuto: Sumulat ng maikling talata tungkol sa Ang Aking Pamilya. Gamitan ng pang-uri
ayon sa kaantasan nito.

You might also like