You are on page 1of 9

Pangkalahatang Pananaw (Big Picture): ULOb.

Nasusuri ang mga


uri, kayarian, kailanan, kasarian at kakanyahan, ng mga
pangngalan.

Paglinang Ng Talasalitaan (Metalanguage)


Sa bahaging ito, ang ilan sa mga salitang makikita sa pagtalakay sa
pangngalan ay binigyang kahulugan para sa ikauunawa ng lahat. Tingnan ang ibang
pakahulugan sa sumunod na pahina sa Pangunahing kaalaman.

Filipino - English
 Pangngalan - Noun
 Pangngalang palansak - Collective noun
 Pangngalang pambalana - Common noun
 Pangngalang Pantangi - Proper noun
 Pangngalang Basal - Abstract noun
 Pangngalang tahas - Concrete noun
 Panlapi - Affix
 Palagyo - Nominative
 Kaukulang palayon - Objective case

Pangunahing Kaalaman (Essential Knowledge)


Upang lubos mong maunawaan ang mahalagang kaisipang tatalakayin sa
bahaging ito ng iyong aralin, basahin ang mga sumusunod na talakayan sapagkat ito
ay magbibigay sa iyo ng mahalagang kaisipan sa pagtuturo ng kurso.

Mga Bahagi ng Pananalita

1. Ang Pangngalan
Tayo ay may ibat ibang pamamaraan sa pakikipagtalastasan kung kaya’t tayo
ay dapat na may sapat na kaalaman sa bahagi ng pananalita. Ang pangngalan ay ang
unang-una nating dapat na matutunan upang matukoy natin ang mga bagay na may
kinalaman sa pakikipagkomunikasyon.
Ang Pangngalan ay kabilang sa salitang pangnilalaman (content words) na
nababatay sa kahulugang pansemantika at linggwistikang istruktural ay tumutukoy
lamang sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari.
Sa pananaw na pansemantika, ang pangngalan ay isang pasalitang simbolong
tumutukoy sa tao, bagay, pook o pangyayari; samantalang ang pangngalang batay sa
linggwistikang istruktural ay tumutukoy lamang sa tao, bagay, pook o pangyayari.
Sa bahaging ito ng talakayan, ay pag-aaralan ang mga nominal na mga salita.
Makilala ang mga uri, kailanan, kasarian at kakanyahan ng pangngalan upang lalo
pang lumawak ang kaalaman sa pangnilalamang bahagi ng pananalita.

2. Ang mga Pananda/ Marker


Bago mo lubusang mapag-aralan ang mga bagay na may kinalaman sa
pangngalan bilang bahagi ng pananalita, kailangan mo munang pag-aralan ang
pangngalan upan lalo pang lumawak ang kaalaman sa pangnilalamang bahagi ng
pananalita.

2.1. Pananda o Marker ang tawag sa mga pantukoy na “ang” “ng” at “sa”
upang matukoy na ang sinusundang salita ay isang pangngalan.
2.2. Panandang ang/si (nominatib) - ito ay mga signal na nagsasabi na ang
sinusundang pangngalan ay nasa anyong simuno.

Halimbawa:
ang bata si Luigi ang mga tindera

2.3. Panandang ng/ni (posesib) – ito ay mga panandang nagpapakilala ng


pagmamay-ari.
Halimbawa:
Kwintas ni Salvi bahay ng kapatid niya

2.4. Panandang sa/kay (objektiv) – ito ay may panandang gamit sa layon ng


pang-ukol, pook o direksyon o tuwirang layon.

Halimbawa:
Hindi nabigo ang pagtitiwala nila kay Tyra
Silay nagpunta sa SM Tarlac.

3. Uri ng Pangngalan
Ang pangngalan ay nauuri batay sa wastong gamit nito. Ito ay may pangkalahatang
uri:

3.1. Pantangi – ito ay tumutukoy sa tanging ngalan ng tao, bagay, pook o


pangyayari.
Halimbawa: Suzuki Aurora Province
Jose P. Laurel Aga Muhlach

3.2 Pambalana – ito ay tumutukoy sa kalipunan o balanang ngalan ng tao,


bagay, pook o pangyayari.
Halimbawa: motorsiklo sacred heart
3.3. Tahas – tumutukoy sa mga bagay na materyal o mga bagay na nakikita at
nahahawakan.
Halimbawa: tao hayop materyales

tahas na palansak – ito ay tumutukoy sa pangkat ng isang uri ng


tao o bagay.
Halimbawa:
Buwig kaing kangkong
tahas na di – palansak – ito ay tumutukoy sa mga bagay na hindi
materyal, o may kinalaman.
Halimbawa: saging bulaklak kamera

3.4. Basal – ito ay tumutukoy sa mga bagay na hindi materyal, walang


pananaw.
Halimbawa:
kabutihan kagandahan pag-ibig

4. Kayarian ng Pangngalan
Makikilala ang mga kayarian ng pangngalan ayon sa kategoryang payak, inuulit,
maylapi, tambalan.

4.1. Payak – binubuo lamang ng salitang-ugat, walang panlapi o katambal na


salita man lang.
Halimbawa: balsa diwata reyna

4.2 Maylapi – tinatawag ding hinango sapagkat may pinaghanguan ang


nabuong
salita. Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.

Halimbawa:

Panlapi Salitang-ugat Nabuong salita

pag- an aral pag-aralan


an sulat sulatan
mag walis magwalis

4.3. Inuulit – inuulit ang pangngalan kung inuulit ang bahagi ng salita o pantig.
Maari ding Kabuuan ng salita.
Halimbawa:
oras – oras buwan-buwan iiyak

4.4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa o maaring manatili


ang kahulugan o may ibang kahulugan.

Halimbawa: bahaghari tawang dimonyo


Silid-aklatan balat-sibuyas
5. Kasarian ng Pangngalan
Kasarian ang tawag sa pagtukoy sa gender ng pangngalan kung ito ay
panlalaki, pambabae, walang kasarian at di-tiyak.

Halimbawa:
Isahan Dalawahan Maramihan

Ang mag-aaral ang dalawang mag-aaral ang mga mag-aaral


ina mag-ina mag-iina
babae dalawang babae mga babae

6. Kaukulan ng Pangngalan

Kaukulan ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang, nagpapakita ng gamit


nito sa pangungusap at batay sa mga gamit nito ay mauri ang kaukulan ng
pangngalan.

6.1. Palagyo – ito ay ginagamit kapag ang pangngalan ay ginagamit bilang


simuno, pamuno sa simuno, pangngalang pantawag, kaganapang pansimuno
o pamuno sa kaganapang pansimuno.

Halimbawa:
(gamit bilang simuno)
Si Linda, ang pinakamabait na anak nina Mang Berting.
Ang guro at ang abogado ay may mahalagang tinalakay.
Ang mga empleyado ay nasasabik na Makita ang kanilang pangulo.

(Gamit bilang pamuno sa simuno)


Halimbawa:
Si Linda, ang butihing anak, ay tumulong sa pangangailangan ng kanyang mga
magulang.
Si Kris Aquino, ang tanyag na artista, ay may ipapalabas na bagong pelikula.

(Gamit bilang pangngalang pantawag)

Halimbawa:
Fiona, kuhanin moang mga sinampay sa labas.
Maglaba ka ng mga maruruming damit, Celia.

(Gamit bilang kaganapang pansimuno)

Halimbawa:
Si Ednalyn ay isang nars.
Si Marithel ay abogado ng organisasyon.

(Gamit bilang pamuno sa kaganapang pansimuno)


Halimbawa:
Ang batang nakapula ay si Karen, ang pamangkin ni Leth.
Ang nagsasalita ay si Leisaiah, ang tagapangasiwa ng organisasyon.

6.2. Palayon – nasa kaukulang palayon ang pangngalan sa pangungusap kung


gamit ito bilang layon ng pandiwa at layon ng pang-ukol.
Layon ng Pandiwa
Halimbawa:
Ang Mabait na ina ay nagtataguyod ng Mabait na anak.
Ang kagandahang loob ng mga Pilipino ay hinahangaan ng mga turista.
Layon ng Pang-ukol
Halimbawa:
Itabi mo ang para sa mga bata.
Ang para kay Leth ay nasa kusina.

Tulong Sa Sarili (Self-Help)


Maaaring sumangguni sa mga sumusunod na resorses upang higit
namaunawaan ang aralin:

Darilag, R. et al. (2002). Bantayog. Manila. Innovative Educational Materials, Inc.

Dupale, H. et al. (2012). Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino. Malabon


City. Jimcyzville Publications.

Sukatin (Let’s Check)


Sukatin ang sariling kakayahan sa tulong ng gawain sa ibaba.

Gawain 1
A. Tumbasan ng nararapat na pangngalan ang mga nakasalungguhit na salita sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
________________1. Nagtangkang halayin ng matandang lalaki ang batang
gusgusin.
________________2. Malulusog ang mga alagang tandang ni Celo.
________________3. Ang napiling reyna ng Santakrusan ay si Mariel.
________________4. Nasaksihan ng batang babae ang karumal-dumal na
pagpaslang
sa kanyang mga magulang.
________________5. Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga abogado para sa
depensa
ng kanilang kliyente.
B. Isulat ang kasarian ng mga nakasalungguhit na pangngalan.
________________1. Si Sabel ay tinangkang ligawan ng may asawang si John Lloyd.
________________2. Lubhang masasarap ang mga inihandang pagkain ng may
kaarawan.
________________3. Nakita niyang nangongopya ang kanyang mag-aaral kayat
ipinatawag ito ng guro.
________________4. Nagmamadaling bumaba ang lolo sa sasakyan.
________________5. Mabait daw talaga ang nakatirang babae sa tapat.

Gawain 2
Isaayos ang mga nakatalang salita kung saan sila nabibilang.
Alitaptap mukhang – anghel tindera
Luka-luka pangulo sundalo
Mag-anak gamugamo mag-iina
Kabundukan binatilyo bagumbayan

Payak Maylapi Inuulit Tambalan

Tukuyin ang uri ng pangngalan kung tahas na palansak o basal.

________________1. Nagdala ng kumpol na bulaklak ang binatang mangingibig.


________________2. Ang kanyang tunay na kabutihan ay namayagpag sa kanyang
katauhan
________________3. Isang kaing na saging ang nagpakalma sa matandang matsing.
________________4. Ang taglay na katalinuhan ay nagdala sa kanya sa rurok ng
tagumpay.
________________5. Kapayapaan at pagmamahal sa kapwa ang susi ng tunay na
pakikipagkapwa-tao.
Suriin (Let’s Analyze)
Kung tapos ng masagutan nang wasto ang mga unang gawain, ikaw ay maari
nang magpatuloy sa pagsasagawa sa kasunod na gawain.

Gawain 1
Punan ng nawawalang salita ang mga sumusunod na pangungusap. Isaalang-
alang ang gamit ng kaukulan ng pangngalan.
1. Maraming __________ ang nagtungo sa departamento upang mamili. (simuno)
2. Si Perlita ay __________ sa kanilang paaralan.
3. Ang mga hindi naimbitahang panauhin ay nagnakaw ng __________ (layon ng
pandiwa)
4. Ipakita mo ang para sa __________ upang mapatunayang totoo ang iyong sinasabi.
(layon ng pang-ukol)
5. Si Estrelita, ang _________ay nagsagawa ng kanyang maitim na balakin sa
kanilang
samahan. (pamuno sa simuno)

Gawain 2
Bumuo ng limang pangungusap gamit ang kaukulang palagyo.
1.__________________________________________________________________
__2.________________________________________________________________
____3.______________________________________________________________
______4.____________________________________________________________
________5.__________________________________________________________
__________

Gawain 3
Bumuo ngsampung pangungusap, salungguhitan at suriin ang kayarian, kaukulan at
uri ng iyong pangngalang napili. Tingnan ang talahanayan sa ibaba bilang gabay.

Pangungusap Kayarian Kaukulan Uri


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Tandaan (In a Nutshell)


Sikaping madagdagan pa ang iyong kaalaman sa mga bahagi ng paksang
tinalakay. Upang malaman kung nabatid mo ang kahalagahan ng paksang iyong
napag-aralan, Ikaw ay inaasahang gawin ang mga sumusunod:

Gawain 1. Gumawa ng Graphic Organizer na nagpapakita sa kabuuang anyo ng


pangngalan.

Gawain 2:
1. Itala ang mga mahahalagang kaalaman na iyong natutunan sa yunit na ito.
a.____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________

b.____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________

c.____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________
2. Itala ang iyong mga pamamaraan kung paano mo mapakinabangan ang iyong
Natutunan sa pagtuturo ng kurso.
a.____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________

b.____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________

Talaan ng mga katanungan at sagot. Sa bahaging ito, ikaw ay inaasahang magtala


ng mga katanungan ukol sa paksang natalakay. Maaari mo itong ibahagi sa iyong
instruktor/propesor gamit ang Quipper o iba pang social media platform. Pagkatapos
mong makuha ang sagot sa mga katanungan ay maari mo itong itala sa talahanayan
na makikita sa ibaba. Ito ay upang punan ang mga kakulangan sa pagitan ng mga di
malinaw na konsepto at sa dati mo nang natutunan.

Ikaw ba ay may mga katanungan ?


Mga katanungan/Isyu Sagot
1.

2.

3.

4.

5.

Mga mahahalagang teksto

pangngalan kaukulan ng pangngalan kayarian ng pangngalan

kasarian ng pangngalan simuno pamuno sa simuno

kaganapang pansimuno pamuno sa kaganapang kaganapang pansimuno


pansimuno
layon ng pandiwa layon ng pang-ukol palagyo

You might also like