You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
District 3
ALANGILAN CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Batangas City

DETAILED LESSON PLAN


IN
FILIPINO 4

___________________________

I. LAYUNIN
MELC: Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay, paghahambing,
pasukdol) sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa
sarili, ibang tao at katulong sa pamayanan
F4WG-IIa-c-4
a. Natutukoy ang kahulugan ng pang-uri
b. Natutukoy ang kaantsan ng pang uri
II. PAKSA
Gamit ng Pang-uri – Kaantsan ng pang-uri

A. Kagamitan
PowerPoint presentation, TV, Laptop
B. Sanggunian: LM and TG of Filipino 4, PIVOT Grade 4

III. PAMAMARAAN
1. Panalangin

2. Pagganyak
Magbigay ng pang-uri at gamitin sa pangungusap.

3. Paglalahad/Pagtalakay

Tandaan:
Kaantasan ng Pang-Uri
1.Lantay- Ang isang pangngalan o panghalip ay inilalarawan lamang.
Hindi ito inihahambing sa ibang panghalip o pangngalan.
Halimbawa:
Ang paglalaro ng mga online games ay nakakaaliw.
2. Pahambing- Ginagamit ang pahambing na antas upang ihambing ang
katangian ng dalawang pangngalan o panghalip. Maaaring
magkatulad or di magkatulad ang mga ito.

- Magkatulad
Halimbawa:
Magkasingbait sina Luisa at Ricardo.
- Di magkatulad
Halimbawa:
Mas mabait is Noel kaysa kay Nora.
3. Pasukdol- Sa paghahambing ng tatlo o higit pang pangngalan o
panghalip, ginagamit ang kaantasang ito. Sinasabit nito na ang
katangian ng isang pangngalan o panghalip ang pinakamatindi o
nakahihigit sa lahat. Ang mga katagang ginagamit sa pasukdol ay
sakdal, ubod, napaka, hari ng, pinaka, walang kasing- at lubha.

Halimbawa: Ubod nang tamis ang halo-halo sa restawran.

4. Paglalahat
Ano ang Pang-uri?
Kailan ginagamit ang pang-uri?

5. Paglalapat
Panuto: Isulat ang angkop na salita sa patlang.
1. Si Susan ay _________________________.
2. Si Lois ay __________________ kaysa kay Loretta.
3. Ang internet ay ______________________ para sa mga bata.
4. Siya ang ____________________.
5. Kilala ang mga cheetah bilang____________.
IV. Pagtataya
Punan ang mga patlang ng tamang kaantasan ng pang-uri.

You might also like