You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Schools Division of Calamba City
Calamba East District
CALAMBA ELEMENTARY SCHOOL
Calamba City

SDO/School Calamba City Grade Level VI


LESSON Name of Teacher DANEILO F. DELA CRUZ, JR Learning Area Filipino 6
EXEMPL
Teaching Date and Time Abril 11 - 14, 2023 Quarter Third Quarter
AR
No. of Days LIMA
I. MGA LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
unawa sa napakinggan.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan


C. Pinakamahalagang Pangkasanayan Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng
pangungusap F6WG-IVa-j-13
D. Enabling Competencies
II. NILALAMAN Paksa:
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng
pangungusap Ayon sa Kayarian
III. MGA KAGAMITAN
A. Pinagkunan Filipino - K to 12
a. Pahina sa TG
b. Pahina sa LM
c. Pahina ng Aklat
Karagdagang kagamitan Kagamitan: powerpoint presention,
IV. MGA BAHAGI
A. Unang Araw Panimulang Gawain:

Pag-aralan ang mga sumusunod:

Ang mga bulaklak sa hardin Ako ay nakahiga, nang siya ay


umalis.

Panuto: Suriin ang dalawang grupo ng pahayag.


_____1. Ano ang masasabi nyo sa unang pahayag?
_____2. Ano ang masasabi ninyo sa pahayag na may
salungguhit?
_____3. Ano ang masasabi ninyo sa pahayag na walang
salungguhit?
_____4. Ano ang pagkakaiba ng may salungguhit na pahayag sa
kasama nitong walang salungguhit?
PARIRALA
Ang parirala ay isang lipion ng mga salitang walang paksa o
simuno at panaguri at wla ring buong diwa o kaisipan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Schools Division of Calamba City
Calamba East District
CALAMBA ELEMENTARY SCHOOL
Calamba City
Halimbawa:
Ang mga bulaklak sa hardin
Ang mga estudyante sa eskwelahan
Nagsipaglinis ng bakuran
Ang mga hayop sa gubat
Sumasayaw sa palatuntunan
B. Ikalawang Araw SUGNAY
Ang sugnay ay isang lipon ng mga salitang may simuno o paksa
at panaguri. Maaaring buo at hindi buo ang diwang ipinapahayag
ng sugnay.
May dalawang uri ng sugnay: sugnay na makapga-iisa at
sugnay na di makapag-iisa.
Sugnay na makapag-iisa
Ang sugnay na makapag-iisa ay isang uri ng sugnay na may
simuno o paksa at panaguri at nagatataglay sa kanyang sarili ng
buong diwa o kaisipan.
Halimbawa: (may guhit ang sugnay na makapag-iisa.)
Ako ay nakahiga, nang siya ay umalis.
Tumira ka sa akin, at pag-aaralin kita.
Lahat ay uuwi sa Pilipinas.
Sugnay na di-makapag-iisa
Ang sugnay na di-makapag-iisa
Halimbawa: (may salungguhit)
 Kung ako’y mayaman, hindi na ako magtatatrabaho.
 Yumaman sila dahil sa pagkapanalo sa Lotto.
Ang paggamit ng pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan
ay tinatawag na subordinasyon at koordinasyon.
Nangangailangan ito ng pagtiyak at paglilinaw ng mga
kaisipan, ng ugnayan ng mga ito o istruktura kaya tiyaking
gumamit ng mga tamang pangugnay sa mga kaisipang
pinagbubuklod.
Sa sugnay na di magkatimbang o makapag-iisa ginagamit ang
pangatnig na panubali bilang pang-ugnay gaya ng: kung, kapag,
o pag. Ang dahil sa, sapgkat at palibhasa ay mga pangatnig
na pananhi. Ang kaya, kung gayon, at sana ay mga pangatnig
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Schools Division of Calamba City
Calamba East District
CALAMBA ELEMENTARY SCHOOL
Calamba City
na panlinaw.
Halimbawa:
 Kapag hindi nagpadala ng pera ang kanyang ama hindi siya
makakapag-aral sa pasukan.
Ang mga pangatnig na; at, pati, o ngunit, at, subalit ay
karaniwang ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang sugnay na
makapag-iisa o maglatimbang na yunit.
Halimbawa:
 Sila ay nagsasayaw habang sila’y kumakanta.
 Naaprobahan ang pagtaas ng buwis subalit marami ang hindi
sumasang-ayon dito.
TANDAAN:
Ang sugnay na di- makapag-iisa ay hindi buo ang kaisipan,
samakatuwid, hindi makatatayo sa sarili, samantalang ang
sugnay na makapag-iisa ay mkatatayong mag-isa sapagkat buo
ang diwa o kaisipang ipinapahayag nito.

C. Ikatlong Araw Uri ng Pangungusap Ayon Sa Kayarian


1. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan.
Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri.
May apat itong kayarian:
a. payak na simuno at payak na panaguri
b. payak na simuno at tambalang panaguri
c. tambalang simuno at payak na panaguri
d. tambalang simuno at tambalang panaguri.

Mga halimbawa:
a) Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng
kriminalidad sa bansa.
b) Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa
darating na pista.
c) Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga
pader sa paaralan.
d) Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang
ng Buwan ng Wika.

2. Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang


sugnay na makapag-iisa:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Schools Division of Calamba City
Calamba East District
CALAMBA ELEMENTARY SCHOOL
Calamba City
Halimbawa:
a) Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng
magandang proyekto para sa mga kabataan ng kanilang pook.
b) Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng
pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit
sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga
maysakit sa gabi.

D. Ikaapat na Araw 3. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang


sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-
makapag-iisa.

Halimbawa:

a) Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral


ng inyong magulang.

b) Ang batang na putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.

4. Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o


mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit
pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

a) Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat


na tayoay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa
kabilang buhay.

b) Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na


kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa
amin.

c) Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang


makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay matahimik at
lumigaya.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Schools Division of Calamba City
Calamba East District
CALAMBA ELEMENTARY SCHOOL
Calamba City

E. Ikalimang Araw

V. REPLEKSYON PYTHAGORAS GALILEI DIAMOND ONYX CITRINE


5 _______ _______ _______ _______ _______
4_______ _______ _______ _______ _______
3_______ _______ _______ _______ _______
2_______ _______ _______ _______ _______

0_______ _______ _______ _______ _______


#OF CASES: _________ _______ _______ _______ _______
MEAN _______ _______ _______ _______ _______
MPS _________ _______ _______ _______ _______

Ang mga mag-aaral ay susulat ng kanilang personal na repleksyon


gamit ang mga sumusunod na katanungan Nalaman ko na ang
___________________________.
Natuklasan ko ang kahalagahan ay ____________________________.

Prepared by: Noted:

DANEILO F. DELA CRUZ, JR JOCELYN V. REYES


Teacher II Principal IV

Checked by:

ADORA V. LEONANO
Master Teacher II

You might also like