You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

FIL 103: Masining na Pagpapahayag


Wastong Gamit ng Salita
Miyembro ng Pangkat 4:
1. Bautro, Jamaica Mae M.
2. Concepcion, Marianne
3. Dalisay, Rose Ann
4. Magos, Maynard
5. Masongsong, Mabel
6. Ong-goy, Joanna Mae
7. Silva, Trisha Mae
8. Vergara, John Erickson

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 103

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Mabigyang-linaw ang mga kamalian sa loob ng pahayag
• Magamit nang wasto ang mga salita sa pangungusap
• Matukoy ang kahalagahan ng angkop na pananalita at tamang balarila sa
pagbuo ng masining na pahayag
II. Nilalaman
Paksa: Wastong Gamit ng Salita
III. Kagamitang panturo:
Sanggunian: Filipino 103
Kagamitan: Powerpoint presentation, Visual aids, white board at video presentation
IV. Pamamaraan
Gawain ng guro Gawain ng estudyante
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal Magandang umaga din po!

Magandang umaga sa ating lahat! Bago


natin simulan ang ating aralin, tayo’y
magdarasal muna.
Sa ngalan ng Ama, ng anak
Tinatawag ko po si Bb. Caren upang at ng espiritosanto… AMEN.
pangunahan ang pagdarasal.
2. Pagbati
Magandang umaga muli. Bago kayo CTE
magsi-upo ay mangyaring ayusin ang Aayusin ng mga magaaral ang
hanay ng inyong mga upuan at pulutin kanilang upuan.
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

ang kalat sa ilalim ng inyong mga upuan


habang pinapanatili ang katahimikan.
Ngayon ay maaari na kayong magsiupo.
Ipapakilala ko muna sa inyo ang aking
sarili at aking mga kasama. Marahil ang
iba sa inyo ay kilala na ako at alam na
kung anong nilalang ako. Sa mga di pa
nakakakilala sa akin, ako ay isang patay
na bumangon sa hukay o tawagin nyo na
lamang akong bangkay o “zombie”.
Kakaiba kami dahil hindi tulad ng ibang
bangkay, malinaw ang aming mga
isipan. Bakit kami bumangon muli? Ito ay
dahil ang ilan sa inyo ay hindi pa rin alam
ang gamit ng ilang mga salita. Hindi kami
mananahimik.
3. Pagtatala ng mga Lumiban
Bago natin umpisahan ang lahat,
magtatala muna ang Sekretarya ng klase
kung sino ang wala sa ating klase
ngayon.
Sino ba ang wala sa araw na ito?
Wala. Magaling, kumpleto kayong lahat!
4. Balik-Aral
Wala pong liban sa araw na ito.
Bago natin kilalanin ang bagong paksa
na ating tatalakayin, ating balikan ang
naunang paksa na itinalakay ng huling
pangkat.
Sino ang maaaring magbahagi ng
kanyang natatandaan. Ang paksang tinalakay noong
nakaraan ay ang tungkol sa mga
Tama. Tunay na mahuhusay kayong
bahagi ng pananalita.
tagapakinig.
Mga Bahagi ng pananalita ang ating
huling tinalakay.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Bumalik tayo sa aking nabanggit
kanina. Kaming mga bagkay o
“Zombie” ay may inihandang
kaunting hamon sa inyo.

Mekaniks:
1. Ang klase ay mahahati sa CTE
dalawang (2) pangkat. Ang
hanay na ito ang unang
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

pangkat at ang kabila naman


ay ang ikalawang pangkat.
Pumili ng lider ang bawat
pangkat.
2. Kanina ay naglagay kami ng
mga papel nang palihim sa
ilalim ng inyong mga upuan.
Naglalaman ito ng mga titik na
kailangan buuin ng inyong
mapipiling lider.
3. Bawal munang silipin o tingnan
ang ilalim ng inyong mga
upuan hangga’t hindi ko pa
hinuhudyatan.
4. Sa loob ng 3 minuto ay
hahanapin ninyo ang mga
letrang nakatago sa inyong
mga upuan at bubuuin ito ng
inyong lider. Maaari ninyong
tulungan ang pinuno para
mabuo ang parirala ngunit ang
maaari lamang tumayo ay ang
lider.

Malinaw ba ang lahat?


Opo.
Maghanda sa loob ng 3,2,1…Magsimula
na.

Mahuhusay, nabuo ninyo nang tama ang


parirala. Ang nanalo ay ang Pangkat _.

Ano sa tingin ninyo ang ating tatalakayin


sa araw na ito?
Wastong Gamit ng Salita
C. Pagtatalakay

Wastong Gamit ng Salita


I. NG AT NANG
dalawang kataga na maaaring makasira
sa global na diwa ng pangungusap.
Maaari rin namang di makasira kung ang
pagbabatayan ay ang tunog ng mga
katagang ito. Magkagayon man may
magkahiwalay na tungkulin at kahulugan
ang dalawang kataga na lubos na
nagkakadiwa kapag mapasama sa mga
salita sa loob ng pangungusap.

CTE
Ng - ang katagang ito ay ginagamit kung
ang susunod na salita sa loob ng
pangungusap ay pangngalan. Ang ng ay
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

sinusundan ng pangngalan (halimbawa:


ng bahay) at siyang nagiging tuwirang
layon ng pangungusap.
Halimbawa:
Ang bata ay bumili ng tinapay.

Ang ng ay nagsisilbi ring pang-angkop


sa pagitan ng dalawang salita kung ang
sinusundan nitong salita ay nagtatapos
sa patinig at ang sumusunod na salita ay
pangngalan o iba pang bahagi ng
pananalita maliban sa pandiwa.

Halimbawa:
batang babae - pangngalan
inang mabait - pang-uri
lalaking duwag - pang-uri

Ang ng ay nagsisilbi namang panghalip


na pamanggit kung ang sumusunod na
salita ay isang pandiwa. Sa pagiging
panghalip na pamanggit, ito ay
nagsisilbing simuno ng pangungusap
ngunit nasa uring sugnay na di
makapag-iisa.
Halimbawa:
Ang batang nahulog ay nagkasakit. -
Panaguring pandiwa
panghalip na pamanggit na naging
simuno ng pangungusap

Ang pangungusap ay binubuo ng


dalawang sugnay:
1. Sugnay na nakapag-iisa. Ang bata ay
nagkasakit.
2. Sugnay na di nakapag-iisa. ng
nahulog
Ng - panghalip na pamanggit ang
gumanap ng tungkuling simuno sa loob
ng pangungusap dahil ang panghalip ay CTE

nagiging simuno. Nahulog - ito ang


panaguri
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Nang - Ito ay katagang maaaring gamitin


bilang panimula ng pangungusap
Ginagamit din bilang o di kaya'y
tagapag-ugnay ng mga pangungusap.
Sa ibang pangungusap ipinakikita ang
gamit ng nang kung nasasagot nito ang
tanong na paano ginawa ang isang
bagay.

1. Ginamit ang nang bilang panimula ng


pangungusap.
Halimbawa:
Nang dumating ang Tsunami, walang
nagawa ang mga tao kaya’t maraming
namatay.
2. Sinasagot ang tanong kung paano
ginagawa ang isang bagay,
Halimbawa:
Siya ay natutulog nang pabaluktot kapag
malamig ang panahon.
Siya ay nagsalita nang paangil..
3. Gamit sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
Siya'y naging matagumpay mula nang
paspasan na ang kanyang pagaaral.
Nang ang salarin ay nagtapat, napadali
ang pagkalutas ng kanyang kaso.
Paliwanag: Ang dalawang (2) pahayag
na pinaghiwalay ng nang ay
mapupunang may magkadugtong na
kaisipan.

Unang pahayag - Siya'y naging


matagumpay.
Ikalawang pahayag Mula nang puspusan
na ang kanyang pag-aaral.
II. May at Mayroon

May - Ginagamit ang katagang ito sa


loob ng pangungusap kung ang salitang CTE

sumunod dito ay bahagi ng pananalita,


sa at mga, maliban sa panghalip panao.
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Ang mga katagang ito sa ganung sarili


kung nag-iisa ay walang kahulugan
ngunit kapag napasama sa mga salita sa
loob ng pangungusap ito'y nagkakaroon
ng kahulugan.

Halimbawa:
Ang Pilipinas sa ngayon ay may
problemang pampamahalaan.
(pangngalan)

Ang mga magulang ay may matinding


suliranin sa mga anak.
(pang-uri)

May kahapon dumating na dadalo sa


seminar.
(pang-abay)

Kapuna-punang sa kasalukuyan ay may


mga mag-aaral na para bang wala sa
loob ang pag-aaral.
(kataga)

Kagabi, naramdaman kong may


lumalakad sa bubungan namin.
(pandiwa)

Ang taong ito ay may sa pusa kung


kumilos.
(kataga)

Sa padala ko ay may para sa iyo.


(pang-ukol)

Mayroon - katagang kung ginagamit ay


sinusundan din ng bahagi ng pananalita.
Ang kaibahan lamang sa gamit ng may, CTE
bago isunod ang bahagi ng pananalita
may nakasingit na kataga sa pagitan ng
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

mayroon at ng susunod na bahagi ng


pananalita. Dito na rin maaaring gamitin
ang panghalip na panao ngunit di mo na
maaaring gamitin ang mga katagang sa
at mga upang isunod sa mayroon
Magagamit ding panimulang
pangungusap tulad ng may. Sa
matalinghagang pahayag ang mayroon
ay nangangahulugang angking
kayamanan o angking ari-arian.

Halimbawa:
1. Ako ba ay mayroon pang pag-asa sa
buhay?
2. Mayroon ding lumalakad sa bubungan
namin tuwing gabi.
3. Mayroon siyang kinaibigang di
nakikita.
4. Sila ang kinikilalang mayroon sa
barangay namin.

III. KONG AT KUNG


Mga katagang sa pagiging halos
magkasintunog ay maipagkakamalang
maaaring
pareho lamang ang tungkuling
ginagampanan sa loob ng pangungusap
bagamat may
sadyang kani-kanilang tungkulin.

Kong - Ito ay ginagamit lang nagsasaad


ng pag-aari.
- Hindi ito maaaring gamitin bilang
panimula ng pangungusap.
- Isinasaad ding ang kilos ay ginawa
mismo ng katawan.
Halimbawa:
Matagal kong pinagmasdan ang kanyang
mukhang napakaamo.
Ibig kong bumili ng bagong damit CTE
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Kung
Ito ay maaaring gamitin na panimula ng
pangungusap Sa diwa ng
pangungusap ito ay nagsasaad ng pag-
aalinlangan o pasubali. Ang katagang ito
ay
kilos na hindi kindles ng katawan ngunit
sa Ingles ang katumbas ay If. Ginagamit
din ang kung sa hugnayang
pangungusap

Halimbawa:
Kung wala kang magandang sasabihin
sa kapwa huwag ka na lamang
magsalita.
Uunlad pa rin ang bansa natin kung
magtutulungan ang bawat isa.

IV. Raw at Daw


Ito'y dalawang katagang maibibilang sa
ponemang malayang nagpapalitan dahil
bagamat may magkaibang titik sa
parehong posisyon taglay naman nila
ang parehong kahulugan. Parehong
tumutukoy sa diwang walang
kasiguruhan.

Raw
Ito ang ginagamit kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa patinig at
sa malapatinig na w at y.
Nagpapahiwatig ito ng kahulugang
walang katiyakan.

Halimbawa:

patinig
Ang tao raw na matalino ay malayo ang
mararating.
CTE
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

malapatinig
Nakapanghihinayang isipin na ang mga
punongkahoy raw sa bundok Cordillera
ay unti-unti na ring nauubos.

Magiliw raw sa kapatid si Jeriko.


Ang tamaraw raw ay halos di nalalayo sa
kalabaw ang ayos.

Daw
Ito ay ginagamit tulad ng raw kung ang
diwa ng pangungusap ay nagsasaad ng
walang katiyakan. Sa loob ng
pangungusap ginagamit ito kung ang
simsandang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa w at y.

Halimbawa:

katinig

Ayon sa mga dalubwika, umunlad man


ang globalisasyon, may katiyak
daw na ang Pilipinas ay di maiiwan.

Karapatan daw ng taong bayan ang


magtanong sa sinuman, sa ikasalam
ng katotohanan
V. Iwan at Ewan
Halimbawa ang mga ito ng pares
minimal dahil bagamat halos
magkasintunog at may magkaibang titik
sa parehong posisyon, sila rin ay may
magkaibang kahulugan.

Iwan - Nangangahulugan ito ng paglisan


o pag-alis ng isang tao sa isang lugar
malayo man o malapit.
CTE
Halimbawa:
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Iwan mo siya kung kinakailangan.


Bakit ba nais mo akong iwan tuwina?
Ewan - Maaaring mangahulugan ng
isang ekspresyon na may pahiwatig ng
pagkainis.

Halimbawa:
Ay! Ewan.
Ewan ko sa'yo, makulit ka

VI. Sila at Sina


Ang mga ito'y panghalip at pantukoy na
kapwa tumutukoy sa tao at kapwa
maaaring unang salita ng pangungusap
o di kaya'y nasa gitna ng mga salita sa
loob ng pangungusap. Sa kabila nito
kadalasang namamali ang gamit ng mga
kabataan.

Sila - Ito'y bahagi ng pananalitang


panghalip na kinakatawan ang ilang
bilang ng mga tao. Maaaring makita sa
unahan o sa gitna ng mga salita sa loob
ng pangungusap.
Halimbawa:
Sila ang bago kong mga kaibigan.
Sa makalawa pupunta na sila sa Estados
Unidos.
Sina Ito'y salitang tumutukoy sa
maraming tao. Kapag ginamit ang
pannukoy na sina palagi nang ito'y
sinusundan ng mga pangalan ng tao.
Makikita ang sina sa unahan o sa gitna
ng pangungusap.
Halimbawa:
Sina John at Luis ang matalik kong mga
kaibigan.
Sa ating bansa ang mga
makapangyarihan ay sina Pang. Arroyo
noon at Pang Aquino ngayon. CTE

VII. Nila at Nina


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Nila - Salitang panghalip na


kumakatawan sa marami o grupo ng
mga tao. Kung ginagamit sa loob ng
pangungusap hindi na sinusundan ng
pangalan ng tao.
Halimbawa:
Siya man ay naging kaibigan nila nang
magbakasyon sila sa Caramoan.
Binigyan nila ng regalo ang nanay na
nagdaos ng ikawalumpong kaarawan.

Nina - Salitang pantukoy na maramihan


na kung isinusulat ay dinudugtungan ng
pangalan ng tao.
Halimbawa:
Kami ay namasyal nina Jun at Rose sa
mga matanawing lugar ng Bohol.
Ganoon na lamang ang pagpupunyagi
nina mama't papa na kaming
magkakapatid ay makapagtapos ng pag-
aaral.

VIII. Isa't isa


Tumutukoy sa pariralang isa at isa pa.
Hindi ito inuulit na salita na dapat lagyan
ng gitling sa pagitan dahil may katagang
at sa pagitan ng inulit na salitang isa.
Inilagay ang kudlit upang mapasama sa
unang salita ang at.
Halimbawa:
Isa't isang nagdatingan sa bahay ang
mga panauhin
Tuwang-tuwa ako na isa't isa ay may
iniregalo.

IX. Iba't iba


Tumutukoy ito sa pariralang iba at iba.
Tulad ng isa't isa di ito ginigilingan dahil
sa pagitan ng inulit na salitang iba ay
may katagang at. Isinama rin sa unang
salita ang at, at kudlit ang ipinalit sa a. CTE
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Halimbawa:
Ang mga pahayag niya'y iba't iba kayat
nakakapag-alinlangang paniwalaan.
Iba't iba ang binili ko sa palengke.

X. Ibang-iba
Nilalagyan ito ng gitling dahil inulit ang
salitang Iba. Batay sa tuntunin kung may
kahulugan ang kaputol na salita dapat na
ito'y gitlingan sa pagitan ng dalawang
magkaparehong salita kung
paghihiwalayin.
Halimbawa:
Ibang-iba siya sa kanyang kapatid sa
pag-uugali at talino.
Ibang-iba siya sa dati sa kanyang
ikinikilos.

XI. Sari-sari
Ginigitlingan ang salitang ito kung
ginamit sa loob ng pangungusap bilang
pang-uri. Ika nga'y kung inilalarawan nito
ang isang bagay.
Halimbawa:
Ang itinayo ni nanay nang mag-retire ay
isang sari-sari store,
XII. Sarisari
Ang salitang ito ay hindi ginigitingan
kung ang tinutukoy mismo ay
pangngalan o mga bagay bagay na iba-
Mahalaga po ang paggamit ng
ibang klase. wastong salita sa masining na
Halimbawa: pagpapahayag sapagkat hindi
mauunawaan ng mambabasa ang
Sa palengke ako bumili ng sarisari para ideya ng manunulat sa kanyang
sa ihahanda namin sa Penafrancia masining na pahayag kung mali
Fiesta. ang gramatika o pagkakagamit ng
salita sa pangungusap.

XIII. Paruparo
Isang salitang pangngalan na di rin
nilalagyan ng gitling kapag isinusulat CTE
dahil walang kahulugan ang kaputol nito.
Katulad ito ng salitang GAMUGAMO,
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

hindi pwedeng paghiwalayin dahil wala


namang salitang GAMO na may
kahulugan sa sarili.
IX. IBA PANG HALIMBAWA
Para sa karagdagan pang kaalaman,
may ipapanood kaming isang video clio
sa inyo.
D. Paglalahat
Hangad naming bawat isa sa inyo
ay alam na ang wastong gamit ng
salita.
Bakit mahalaga ang paggamit ng
wastong salita sa pagsulat?
Sino ang nais magbahagi ng
kanyang napagtanto?
Napakahusay! Tama ang inyong
mga sagot.
Ang isang masining na pahayag
ay hindi mauunawaan ng
mambabasa kung mali ang gamit
ng salita ng manunulat.
E. Pagsusulit
Kumuha ng papel at sagutan ang
pagsusulit sa loob ng 5 minuto.
Panuto: Punan ang patlang sa
pamamagitan ng paggamit ng wastong
salita sa pangungusap.
1. Si Angeline ay nagsalita
___malumanay.
2. Nagdala __ rosas si Marco.
3. Tinanggap niya __ bukal sa
loob ang kanyang pagkatalo.
4. Balita ko, si Mhielo __ay may
naiibigan na.
5. Ang panahon __ bukas ay
hindi magiging maganda.
6. Naaliw __ ang mga hurado at
manonood sa ginawang
presentasyon ng unang
kalahok.
7. Mas masaya sana ang pasko
__ kapiling kita.
8. Nais __ makamit ang matamis
mong “oo”.
CTE
9. Nakasama ko __ James,
Daniel, Enrique at Mccoy sa
panaginip ko.
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
City of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

10. Ang gagaling __ Ben at Allegra


magsayaw.
11. Ang taong ito ay__ sa pusa
kung kumilos.
12. Marami sa kanyang mga
kaklase ang __ mga dalang
pamaypay.
13. Ang batang iyan ay nanggaling
sa pamilyang ___ sa buhay.
14. __ ang kanyang sinasabi
kaya’t mahirap paniwalaan.
15. Nagbabantay si John ng __
store pagkakatapos ng klase.

Sagot:
1. nang
2. ng
3. nang
4. raw
5. daw
6. raw
7. kung
8. kong
9. sina
10. nina
11. may
12. may
13. mayroon
14. Sarisari
15. sari-sari

CTE

You might also like