You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-B MIMAROPA
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
CLUSTER 2
LORETO-SANTOS LANZANAS CENTRAL SCHOOL

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4


PAKITANG TURO
Ika-24 ng Marso, 2023

Guro Realyn Grace C. Parcon Baitang 4


Petsa Ika-24 ng Marso, 2023 Asignatura Araling Panlipunan
Araw at Oras Biyernes/8:50-9:30 AM Kuwarter Ikatlong Markahan, Linggo 5

Most Essential Learning Competencies


I. Mga Kasanayan sa MELC: *Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa: pangkapayapaan
Pagkatuto AP4PAB- IIIe-f-5-6

( Isulat ang code sa bawat 1. Nailalarawan ang mga tungkuling pangkapayapaan.


kasanayan) 2. Naisasagawa ang mga tungkulin sa sarili upang mapanatili ang kapayapaan at
katiwasayan sa komunidad na kinabibilangan.
3. Napapahalagahan ang mga tungkuling pangkapayapaan bilang mamamayan.

II.Paksang-Aralin
A. Paksa: ANG PAMAHALAAAN AT SERBISYONG PANLIPUNAN
Mga Programang Pangkapayapaan

B. Pagpapahalaga Nabibigyang halaga ang pag-aaral

III. KAGAMITANG
PANTURO
Sanggunian MELC, T.G. pp. 126-130, L.M. pp. 284-289

Karagdagang kagamitan mula CLAS Araling Panlipunan 4, Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo
sa LRDMS

Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint


Cartolina
Chalk board
Mga larawan
Lapis
Papel
Bond paper

IV. Pamamaraan GAWAING-GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Balik –Aral sa Panalangin


nakaraang Aralin o
pasimula sa bagong Lahat ay tumayo para sa ating panalangin (Si Kiefer ang mangunguna sa panalangin.)
na pangungunahan ni Kiefer.
aralin
(8 minuto)
Pagbati
Magandang umaga, mga bata! Magandang umaga din po, Bb. Rea!

Kumusta kayo? Okay lang naman po kami.

Handa na ba kayong matuto sa ating


aralin sa Araling Panlipunan? Opo!
Pagbibigay ng mga alituntunin

Ano-ano ang mga alituntuning dapat


sundin sa loob ng silid-aralan?
1. Umupo nang tuwid sa upuan.
2. Huwag maingay at makinig sa guro.
3. Makilahok sa talakayan at pangkatang
gawain.

Pagbaybay

Bago tayo dadako sa ating aralin, tayo


muna ay magbabaybay ng 5 salita upang
mas lalo ninyong mapalawak ang inyong
talasalitaan. (Babaybayin ng mga bata ang 5 salita)
1. Kapayapaan 1. Kapayapaan
2. Komunidad 2. Komunidad
3. Kaayusan 3. Kaayusan
4. Kaligtasan 4. Kaligtasan
5. Ahensiya 5. Ahensiya

Balik-aral

Naalala niyo pa ba kung ano ang ating


tinalakay noong nakaraang linggo? Opo, Guro.

Kung gayon, ano ito? Guro, tungkol po ito sa kahalagahan ng


edukasyon sa iyong/ating sarili at sa bansa

Tama! At ano na nga uli ang kahalagahan


ng edukasyon sa iyong/inyong sarili at sa
bansa? Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa
isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan
ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon,
magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad.

Dahil din sa edukasyon ay mas mapapalago ang


ekonomiya ng ating bansa dahil sa mga
empleyado na magtatrabaho sa mga iba't ibang
kumpanya.

Tama!

Gayon pa man, upang masukat ang inyong


husay at memorya batay sa ating
nakaraang aralin, nais kong kumuha kayo
ng isang malinis na kuwaderno at gawin
ang nakahandang gawain na nasa
powerpoint presentation.

Panuto: Sumulat ng tatlong pangungusap


patungkol sa kahalagahan ng edukasyon
at ibahagi ito sa klase, sa paraang patula.

Naiintindihan ba? Opo!

Kung gayon, bibigyan ko lamang kayo ng


tatlong minuto.

Paghawan ng Balakid

Balikan natin ang mga salitang binaybay


natin kanina.
Ano ang kahulugan ng mga salitang ito?
Ating isa-isahin upang mas mapalawak
pa ninyo ang inyong talasalitaan.

1. Kapayapaan 1. Ito ay ang kalagayan ng pagkakaroon


2. Komunidad ng katahimikan at katiwasayan. Ito ang
3. Kaayusan katayuan sa panahon na walang gulo,
4. Kaligtasan away, alitan, o digmaan.
5. Ahensiya 2. Ito ay tinatawag din na pamayanan na
tumutukoy sa isang lugar na kung saan
naninirahan ang isang grupo o pangkat
ng mga tao.
3. Ito ay tumutukoy sa pagiging malinis o
tamang pagkasunod-sunod.
4. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng
pagiging "ligtas", ang kondisyon ng
pagiging protektado laban sa pisikal,
panlipunan, espirituwal, pinansiyal,
pampolitika, emosyonal, trabaho,
sikolohikal, pang-edukasyon o iba pang
mga uri o kahihinatnan ng kabiguan,
pinsala, kamalian, aksidente,
kapahamakan o anumang kaganapan
na maaaring ituring na hindi kanais-
nais.
5. Ito ay isang organisasyon na hindi
lamang pampubliko kundi pati mga
pampribado. Ito ang mga sangay na
tumutugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan hindi lang sa trabaho,
kundi maging sa mga pang aaabuso,at
kung ano – ano pang mga problema ng
mamamayan.

B. Paghahabi sa layunin Magpapalaro ang guro ng four pics one


ng aralin word.
(4 minuto) (Sinimulan na ng mga mag-aaral ang kanilang
Tukuyin kung ano nais ipahiwatig ng gawain.)
mga larawan.

(Sinimulan na ng mga mag-aaral ang kanilang


gawain.)

Batay sa inyong ginawa at maliban sa


programang pang-edukasyon, ano pa kaya
ang ibang itinaguyod na paglilingkod ang
pamahalaan na nakatutulong sa
mamamayan?
Base sa aming ginawa, ito po ay patungkol sa
Programang Pangkapayapaan.
C. Pag- uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Ipapakita ng guro ang mga
aralin (Presentation) sumusunod na larawan ng mga
(3 minuto) naglilingkod sa bansa, lalawigan,
bayan, at barangay. (Gagawin ito
ng guro sa paraan na naka puzzle
photo) (Sinimulan na ng mga mag-aaral ang kanilang
gawain.)

Nasiyahan ba kayo mga bata? Opo!

D.Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Ano-ano ang inyong nakita? (ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
bagong kasanayan No I magkakaiba – iba)
(Modeling)
(3 minuto) Sino sa inyo ang malimit na nakakakita ng (ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
mga nasa larawan? magkakaiba – iba)

Sa palagay ninyo, ano ang kanilang mga (ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
tungkulin? magkakaiba – iba)

Ano-ano ang kanilang mga ginagawa? (ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
magkakaiba – iba)

Paano sila nakatutulong sa komunidad? (ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
magkakaiba – iba)

Isusulat ng guro ang mga sagot sa pisara


at ipapaliwanag at iuugnay ang mga
kasagutan ng mga bata sa aralin.

E.Pagtalakay ng bagong Siyang tunay na ang kapayapaan ay


konsepto at paglalahad ng nararanasan sa isang komunidad kung ang
bagong kasanayan #2 mga kasapi nito ay nagkakaunawaan at
nagkakaisa ng mithiin. May mga
(15 minuto) pagkakataong hindi nakakamit ang
kapayapaan dahil sa di pagkakaunawaan (ang mga mag aaral ay makikinig ng mabuti)
lalo na sa mga lugar na nakararanas ng
kaguluhan. Gayon din, nakaaapekto ang
kaguluhan sa kalagayang pang-
ekonomiya ng isang komunidad.

Upang mapanatili ang kaayusan at


kaligtasan ng mga mamamayan, may mga
ahensiya ang pamahalaan na tumutugon
sa pangangailangang ito. Nagpapatupad (ang mga mag aaral ay makikinig ng mabuti)
din ito ng mga programang
pangkapayapaan upang maiangat ang
kalagayang pang-ekonomiya ng mga
kasapi ng komunidad.

At narito ang ilang Ahensiyang pang


Kapayapaan:

Sandatahang Lakas ng Pilipinas


(Armed Forces of the Philippines,
(ang mga mag aaral ay makikinig ng mabuti)
AFP). Ang Sandatahang Lakas ng
Pilipinas ang pangunahing lakas na
tagapagtanggol ng bansa. Tungkulin
nitong ipagtanggol ang bansa laban sa
mga kaaway o mananakop, lokal man o
banyaga, at pagpapanatili ng kaayusan at
katahimikan sa bansa.

Hukbong Katihan (Army). Ay ang mga


tagapag tanggol sa bansa laban sa
(ang mga mag aaral ay makikinig ng mabuti)
dayuhang mananakop, mga taong nais
mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa at
sila ang tumutulong sa mga tao sa oras ng
sakuna

Hukbong Dagat (Navy) Hukbong. Ang


hukbong dagat ay bahagi ng militar ng
(ang mga mag aaral ay makikinig ng mabuti)
isang bansa na lumalaban sa anyong tubig
sa pamamagitan ng mga sasakyang
pandagat o bapor.

Himpapawid (Air Force) Ang hukbong


himpapawid ay ang sangay ng militar ng
isang bansa na lumalaban habang nasa
himpapawid. Binubuo ang puwersang
(ang mga mag aaral ay makikinig ng mabuti)
panghimpapawid ng mga eruplanong
katulad mga eruplanong pandigma at mga
eruplanong pambomba

Tatalakayin ng guro ang mga sumusunod:


a. Ano ang ibig sabihin ng salitang
1. Ito ay ang kalagayan ng pagkakaroon
kapayapaan?
ng katahimikan at katiwasayan. Ito ang
katayuan sa panahon na walang gulo,
away, alitan, o digmaan.

b. Sino-sino ang mga taong


2. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
nagpapatupad ng kapayapaan at
kaayusan? (Armed Forces of the Philippines, AFP
Hukbong Katihan (Army)
Hukbong Dagat (Navy) Hukbong
Himpapawid (Air Force)

c. Ano ang mangyayari kung wala


3. Maaaring walang katahimikan at
ang mga taong ito?
katiwasayan po!

Maaari din pong magkaroon ng


digmaan, gulo, away o alitan.

(ang mga sagot ng mga bata ay maaaring


magkakaiba – iba)

F.Paglinang sa Kabihasnan Lagyan ng tsek (√) kung nakatutulong sa


(Tungo sa Formative pagpapanatili ng kapayapaan at ekis (x)
Assessment) kung hindi.
(2 minuto)
1. Kaguluhan sa Timog Mindanao 1. x
2. Pakikipagsabwatan sa mga
2. x
magnanakaw
3. Banggaan ng motorsiklo at kotse 3. x
sa kalsada 4. /
4. Paglalagay ng mga ilaw-trapiko 5. /
sa malalaking kalye
5. Pagpapatupad ng mga polisiya
hinggil sa kapayapaan
G. Paglalapat ng aralin sa
pang araw araw na buhay Ang klase ay mahahati sa tatlong pangkat.
(2 minuto)
At magbubunutan ng mga kwestiyon na
kanilang sasagutan.

Pangkatang Gawain:

Pangkat 1: Ano ang magagawa mo para (Sinimulan na ng mga mag-aaral ang kanilang
makapag-ambag sa kapayapaan at gawain.)
katiwasayan ng bansa?

Pangkat 2: Ilarawan ang mga programang (Sinimulan na ng mga mag-aaral ang kanilang
pangkapayapaan at kung paano sila gawain.)
nakakatulong sa komunidad.

Pangkat 3: Bakit mahalagang magkaroon (Sinimulan na ng mga mag-aaral ang kanilang


ng kapayapaan sa bansa? gawain.)

H. Paglalahat ng Aralin Magbigay ng programang


(2 minuto) pangkapayapaan na ipinatupad sa iyong
komunidad at isulat rin ang epekto nito sa (Sinimulan na ng mga mag-aaral ang kanilang
mga mamamayan. gawain.)

I. Pagtataya ng Aralin
(5 minuto) 1. Ano ang ibig sabihin ng salitang 1. A
kapayapaan? 2. A
a. Ito ay ang kalagayan ng 3. C
pagkakaroon ng katahimikan at 4. 4-5. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
katiwasayan. Ito ang katayuan sa (Armed Forces of the Philippines, AFP
panahon na walang gulo, away, Hukbong Katihan (Army)
alitan, o digmaan. Hukbong Dagat (Navy) Hukbong
b. Ito ay tinatawag din na Himpapawid (Air Force)
pamayanan na tumutukoy sa
isang lugar na kung saan
naninirahan ang isang grupo o
pangkat ng mga tao.
c. Ito ay tumutukoy sa pagiging
malinis o tamang pagkasunod-
sunod.
d. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng
pagiging "ligtas", ang kondisyon
ng pagiging protektado laban sa
pisikal, panlipunan, espirituwal,
pinansiyal, pampolitika,
emosyonal, trabaho, sikolohikal,
pang-edukasyon o iba pang mga
uri o kahihinatnan ng kabiguan,
pinsala, kamalian, aksidente,
kapahamakan o anumang
kaganapan na maaaring ituring na
hindi kanais-nais.

2. Anong ahensiya ang nangangasiwa sa


pagsugpo sa mga krimen at paghuli sa
mga taong lumalabag sa batas?
a. Philippine National Police
b. Department of Health
c. Philippine Telecommunication
d. Department of Education

3.Ano ang mangyayari kung wala ang


mga ahensiyang pangkapayapaan?
a. Mayroong katiwasayan.
b. Magiging masaya ang lahat.
c. Maaaring magkaroon ng digmaan, gulo,
away o alitan.
d. Lahat ng nabanggit!

Para sa bilang 4 – 5, Ibigay ang apat na


ahensiyang pangkapayapaan na
nagpapatupad ng kapayapaan at
kaayusan?

J. Karagdagang gawain Mga bata, upang mas lalo pang


para sa takdang maintindihan ang aralin, gawin ang (Kokopyahin ng mga bata ang naka flash sa
aralin nakahandang gawain sa inyong bahay. monitor)
(1 minuto)
Panuto: Manuod ng balita at magtala ng
mga pangyayari na tinugunan ng
ahensiyang pang kapayapaan.

Inihanda ni

REALYN GRACE C. PARCON


Student Intern

Sinuri ni:

JAY- AR L. GARCIA
Guro I

You might also like