You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING


PANLIPUNAN VI

Name JERMALYN E. LARANG Kwarter Ikatlo


Antas ng Baitang VI Linggo Ika-walo

I. Layunin:
A. Pamantayang naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga
Pangnilalaman Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at
hamon ng kasarinlan

B. Pamantayan sa nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribosyon ng mga nagpunyaging mga


Pagganap Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan

C. Mga Pamantayan MELC: Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes
sa Pagkatuto
1. naiisa-isa ang mga ahensya ng pamahalaan na nagtatanggol sa pambansang interes
ng mga Pilipino;
2. nailalarawan ang tungkulin ng mga ahensya ng pamahalaan na nagtatanggol sa
pambansang interes ng mga Pilipino
3. napapahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes

II. Nilalaman
III. Kagamitang Panturo Araling Panlipunan CLAS 3 – Linggo 8-, MELC
A. Sanggunian CLAS
(155) Grade 6 Q3 W8 Pagtatangol sa Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa -
YouTube
1. Curriculum guide MELC
2. Kagamitang pang CLAS Baitang 6, Ikatlong kwarter, Linggo 1
mag-aaral
3. Karagdagang Power point presentation, laptop, larawan
kagamitan
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral

Panimulang gawain I. Panimulang Gawain


1. Panalangin
Sa ngalan ng ama, ng anak at ng
Mga bata tayo’y manalangin
espiritu santo…….
2. Pagbati Magandang hapon rin po sa inyo.
Magandang hapon mga bata!
(Sasabihin ng mga bata ang
3. Checking of Attendance lumiban sa klase)
May lumiban ba ngayong araw?

4. Classroom Rules (Iisa-isahin ng mga bata ang


Alamin muna natin ang mga dapat at hindi pamantayan sa loob ng klase)
dapat gawin habang tayo ay nagkaklase.

_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

A. Balik-aral sa A. Balik-Aral
nakaraang aralin at/o
Bago tayo magpatuloy na magsimula sa
pagsisimula ng
bagong arali n. panibagong yugto ng ating pag-aaral, ating balikan
at sariwain muna sa ating ala-ala ang nakaraan
ninyong aralin.

Panuto: Piliin sa kaliwang bahagi ang mga


programa at patakaran na ipinatupad ng bawat
pangulo. (WORDWALL)

Sa araling ito inaasahan na inyong maututunan ang


mga sumunod:
a. naiisa-isa ang mga ahensya ng pamahalaan na
nagtatanggol sa pambansang interes ng mga Pilipino;
2. nailalarawan ang tungkulin ng mga ahensya ng
pamahalaan na nagtatanggol sa pambansang interes
ng mga Pilipino
3. napapahalagahan ang pagtatanggol ng mga
Pilipino sa pambansang interes

B. Paghahabi sa layunin Mga bata may inihanda akong bidyo kung saan
ng aralin mapapanuod ninyo ang isang balita. Suriin at
pakinggang mabuti ito upang masagutan ang ilang
katanungan mamaya pagkatapos ng bidyong inyong
napanuod.
Handa na ba kayong manuod?
Opo!
Kung ganon, lahat ay tumahimik at atin ng simulan
ang panunuod.

Naunawaan ba ninyong mabuti ang inyong Opo.


napanuod?
Ang balita po ay tungkol sa
Tungkol saan ang balita na inyong napanuod? “Taiwanesse na itinaboy ng mga
Philippine Coast Guard”
_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

Tama. Bakit sa palagay ninyo itinataboy sila ng ating


mga Coast Guard? Sapagkat sila po ay nasa teritoryo
na ng ating bansa.
Mahusay, Chloe!

C. Presentatsyon ng Masdan ang mga larawan.


Bagong Aralin

Alam nyo ba kung ano ang mga ito? Mga logo po ng iba’t bang
ahensya ng ating pamahalaan.
Tama.
Ito ay mga logo ng iba’t ibang ahensya ng
pamahalaan tulad ng Armed Forces of the
Philippines, Philippine Navy, Philippine Airforce
Philippine Marine, Philippine National Police, , and
Department of Environment and Natural Resources o
Kagawaran ng Kapaigiran at Likas na Yaman.
Ito ang mga logo ng pamahalaan na nagtatanggol sa
pambansang interes at hanggangan ng teritoryo ng
ating bansa.
Ang mga bansa ay may mga ipinatutupad para sa
kaayusan at kapayapaan. Sa ating bansa, ito ay
nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas na ayon sa
Artikulo II, Seksyon 4, ang pangunahing tungkulin
ng ating pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan
ang sambayan at mamayan.
Ngunit may pagkakataon na kailangan tulungan ng
mamayan ng estado upang ipagtanggol ito laban sa
mga kaaway ng bansa na naaayon sa batas. May mga
batas din na nagtatakda ng lawak ng hanggang ng
teritoryo ng Pilipinas at batas upang ipagtanggol ang
ating pambansang interes.

D. Pagtatalakay ng Upang lubos niyong maunawaan ang ating aralin,


bagong konsepto at may ipapakilala ako sa inyo na isang bagong
paglalahad ng bagong kaibigan. Siya si Pedra at ang kanyang magik kalesa.
kasanayan #1 Pakinggan natin sya habang naglalakbay sa iba’t
ibang ahensya ng ating pamahalaan.

_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

Opo.
Handa ba kayong makinig sa kanya?
Maari rin kayong mag tala ng mga mahahalagang
impormasyon na inyong mapapakinggan.
May pagkakataon na ihihinto ko sandali ang inyong
panunuod upang magbigay ng ilang katanungan.
(Unang Pagtigil) Ma’am, Hukbong
Ano ang unang ahensya ng pamahalaan ang nakita Pamhimpapawid o Philippine
Airforce.
nila Petra at ng magik kalesa?
Tama.
Ang Hukbong Pamhimpapawid o Philippine
Airfoce ay isa sa ahensya ng pamahalaan kung saan
binabantayan nito ang ating himpapawid na sakop ng
Pilipinas.
(Paghinto ng bidyo)
Ano ang ikalawang ahensya ng pamahalaan ang
muling nakita ni Pedra?
Isa po sa ahensya na napuntahan
Magaling. ni Pedra ay ang Hukbong
Pandagat o Philippines Navy.
Ang Hukbong Pandagat o Philippine Navy ay
nagbabantay sa mga bahaging tubig ng bansa.
Binabantayan ang mga baybayin nito na ligtas sa
anumang panganib. Hinuhuli rin nila ang mga
smuggler o mga taong nagpupuslit ng kalakal nang
walang karampatang buwis.
Alam ninyo ba na maliban sa Hukbong Pandagat ay
may isa ring ahensya na nagbabantay ng ating
karagatan? Ito ay ang Philippine Coastguard.

Sila ay nagbabantay din ng ating karagatan. Hinuhuli


rin nila ang mga ilegalistang lumalabag sa
panghuhuli ng isda. Tulad ng pagdidinamita at
paggamit ng maliliit na lambat. Hinuhuli rin nila ang
mga dayuhang illegal na pumapasok sa ating bansa.
Gusto nyo pa bang makita kung saang ahensya
makakapunta di Pedra?
Halika na at atin ng panuorin ang paglalakbay ni Opo, ma’am!

_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

Pedra.
(Paghinto ng bidyo)
Ano naman ang nakita ni Pedra sa ahensya ng ating
pamahalaan sa katihan?
Magaling. Nakita po nila ang Hukbong
Katihan o Philippine Army.
Ang Hukbong Katihan o Philippine Army ay
tungkuling ipagtanggol ang bansa sa anumang
paglusob at labanan.

Tara na at muli nating sundan sila Pedra sa kanilang


paglalakbay.

(Paghinto ng bidyo)
Ano ang sumunod na ahensya ng pamahalaan ang
nita nila Pedra?
Tama. Ma’am nakita rin po nila ang
ahensya ng Pambansang Pulisya
Tungkulin ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas o ng Pilipinas o Phiippine National
Phiippine National Police ang panatilihin ang Police.
katahimikan at kaayusan sa loob ng bansa.

Alamin pa natin ang ibang ahensya ng ating


pamahalaan sa pamamagitan ni Pedra.
(Paghinto ng bidyo)
Ano ang isa pang ahensya ang kaniyang nakita?
Tama!
Ma’am ang nakita po nila ay ang
Ang AFP o Armed Forces of the Philippines ay AFP o Armed Forces of the
tungkuling panatilihing malaya ang bansa sa panloob Philippines.
at panlabas na panganib.
Halika ating alamin ang huling ahensyang makikilala
nila Pedra.
Ano naman ang huling ahensyang nakilala nila
Pedra?
Ma’am ang DENR o Department
Ang tungkulin naman ng DENR o Department of of Environment and Natural
Environment and Natural Resources ay pangalagaan Resources.
ang likas na yaman ng ating bansa.
Nasiyahan at natuto ba kayo sa panunuod at
pakikinig sa ating bagong kaibigan na si Pedra at ang
kanyang magik kalesa?
Opo!
Kung ganon, subukin nga natin ang inyong mga
nalaman.
Anu-ano ang iba’t ibang ahensya ng ating
pamahalaan na napuntahan ni Pedra at ang magik
Maam, Hukbong
mahika? Maverick, magbigay ka nga ng isa. Panghimpapawid o Philippine
(Tatawag ang guro ng iba pa ang guro upang Airforce

_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

maibigay ang lahat ng ahensyang nabanggit sa


kwento.) (Magbibigay ang mga bata ng
sagot ayon sa kanilang
Ngayon nalaman na ninyo ang iba’t ibang ahensya ng natatandaan)
ating pamahalaan na nagtatanggol sa pambansang
interes ng ating bansa.
Bakit mahalaga na ipagtanggol ang pambansang
interes at teritroyo ng ating bansa?
Napakahusay ng iyong sagot.
Mahalaga na ipagtanggol ang
Narito ang mga dahilan kung bakit mahalagang pambansang interes at teritoryo
ipagtanggol ang pambansang interes at teritroyo ng ng ating bansa upang
ating bansa. mapangalagaan at maprotektahan
ang sariling atin.
Una, mapangalangaan ang mga mamamayan na
naninirahan sa teritoryo ng Pilipinas.
Ikalawa, mapangalagaan ang Lupang Sinilangan
kung saan tayo namulat at kung sino tayo, kung ano
ang ating salinlahi at iba pa.
Ikatlo, maraming pakinabang ang mga Pilipino sa
teritoryong sakop ng Pilipinas na maaari nating
matamasa bilang mga Pilipino.
Ika-apat, marami tayong magagandang mga tanawin
na dinarayo ng mga turista at sagana sa likas na
yaman ang Pilipinas.

E. Pagtatalakay ng bagong Pangkatang Gawain


konsepto at paglalahad ng
Pamantayan sa Pangkatang Gawain
bagong kasanayan #2
 Pumili ng lider sa bawat pangkat.
 Makiisa sa mga Gawain.
 Gumawa ng tahimik at huwag magpalipat-
lipat ng upuan habang gumagawa.
 Pumili ng isang kasapi na mag-uulat sa
harapan nang natapos na gawain.
 Kung tapos na sa inyong gawain,
pumalakpak ng tatlong beses
at sabihin kung anong pangkat.

Rubrics para sa pagmamarka ng pangkatang


gawain:

_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

Ngayon tapos na ang lahat, manatiling nakaupo sa


inyong mga upuan upang mapakinggan ang bawat
pangkat para sa kanilang mga taga ulat.
(Pagkataposng pag-uulat bibigyang puri ang bawat

_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

pangkat at mamarkahan ang kanilang mga gawa


batay sa rubrik na ipinakita ng mga bata.)

F. Paglinang sa kabihasan Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang


(Tungo sa Formative sinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi
Assessment) wasto ang ang sitwasyong nais isaad sa Mga sagot:
pagtatanggol ng mga mamayan sa Pambansang
Interes ng bansa. 1.
1. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan para
sa sambayanan ay nakasaad sa Saligang batas ng
Pilipinas, Artikulo II Seksiyon 2.
2. Tungkulin ng Philippine Navy na hulihin ang
mga smuggler o mga taong nagpupuslit ng kalakal
nang walang karampatang buwis. 3.
3. Walang karapatan ang mga Pilipino na galugarin
at gamitin ang yamang dagat ng bansang Pilipinas. 4.
4. May mga batas na nagtatakda upang ipagtanggol
ang pambansang interes ng bansang Pilipinas
5.
5. Kailangang ipagtanggol ng mamamayan o estado
ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.

G. Paglapat ng aralin sa Mula sa ating napag-aralan ngayong araw, kung kayo (Magbibigay ng kasagutan ang
pang- araw-araw na ang papipiliin, alin sa mga ito ang gusto ninyong mga bata ayon sa kanilang
buhay tutularan or gustong gawin paglaki ninyo? Bakit? natutunan at nagustuhan. )

H. Paglalahat ng aralin Tandaan na ang ating bansa ay binunuo ng mga


ahensiyang nagtatanggol sa teritoryo at pambansang
interes ng bansa tulad ng;

1. Hukbong Katihan o Philippine Army- tungkulin


na ipagtanggol ang bansa sa digmaan o anumang uri
ng rebelyon na may layuning pabagsakin ang ating
pamahalaan.
2. Hukbong Pandagat o Philippine Navy /Coast
Guard – nangangalaga ng ating karagatan.
3. Hukbong Pamhimpapawid o Philippine
Airforce- nangangalaga sa ating himpapawid.
4. Pambansang Pulisya ng Pilipinas o Phiippine
National Police ang panatilihin ang katahimikan at
kaayusan sa loob ng bansa
5. Armed Forces of the Philippines o Hukbong
Sandatahang Lakas ng Pilipinas- Tungkuling
panatilihing malaya ang bansa sa panloob at panlabas
na panganib.
6. Department of Environment and Natural
Resources o DENR – nangangalaga at
nangangasiwa ng likas na yaman ng bansa.
I. Pagtataya ng aralin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
patlang bago ang bilang.

_____1. Sila ang tanod sa himapapwid. SInisiguro


nilang walang dayuhan o kaaway na maaaring banta
sa kapayapaan ng bansa.
_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

A. Hukbong Sandatahan ng Pilipinas


B. Hukbong Panghimpapawid
C. Hukbong Pandagat
D. Hukbong Katihan

____ 2. Trabaho nila ang magpatrolya sa ating


karagatan araw at gabi upang matiyak na walang
dayuhang makapasok sa bansa.

A. Hukbong Sandatahan ng Pilipinas


B. Hukbong Panghimpapawid
C. Hukbong Pandagat
D. Hukbong Katihan

_____ 3. Alin sa sumusunod ang may tungkuling


tiyakin ang ganap na kapangyarihan ng estado, ang
integridad ng pambansang teritoryo, at panatilihing
malaya ang bansa sa panloob at panlabas na
panganib?

A. Hukbong Sandatahan ng Pilipinas


B. Hukbong Panghimpapawid
C. Hukbong Pandagat
D. Hukbong Katihan

______ 4. Sino-sino ang dapat mangalaga sa


kalayaan ng bansa at magpahalaga sa pagtatanggol
sa pambansang interes?
A. mamamayan at pamahalaan
B. magsasaka at mangingisda
C. mga dayuhan sa bansa
D. mga mananakop ng bansa

______ 5. Mula pagkabata ay pangarap na ni Juan na


maging sundalo at maglingkod sa bayan kaya’t nag-
aral siyang mabuti. Nakatapos siya at nagsanay sa
Hukbong Katihan ng bansa. Paano niya
mapahahalagahan ang pagtatangol sa pambansang
interes?
A. Hangarin ang pinakamataas na posisyon sa hukbo.
B. Maglingkod sa bayan kung makatatanggap ng
sahod.
C. Tumupad sa tungkuling kanyang sinumpaan
bilang sundalo.
D. Maghanap ng ibang mga kasamang maaaring
magtanggol sa pambansang interes.

_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY

A. Karagdagang gawain
para sa takdang aralin

Index of Mastery: 5 = ________


4 = ________
3 = ________
2 = ________
1 = _________
0 =_________

Inihanda ni:

JERMALYN E. LARANG
Teacher I

Inobserbahan nina:

AILYN C. ACOSTA
Master Teacher I

ANTONIETA M. CAYANAN
Master Teacher I

JOY V. DAGARAGA, PhD


Principal II

_____________________________________________________________________________________________________

School Address: Old Buncag, Bgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan
Cellphone No.: 0950 848 6960
Email Address: 111486@deped.gov.ph

You might also like