You are on page 1of 7

Rehiyon VI – Kanlurang Bisayas

Sangay ng Capiz
Mataas na Paaralang Nasyunal ng Pontevedra
Pontevedra, Capiz

Paaralan: Pontevedra National High School Baitang: 9


Pangalan ng Guro: RAMELA B. BAULITE Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Grade 9 Petsa/Oras: May 19, 2023 8:30-9:30 AM Markahan : IKAAPAT NA MARKAHAN
Daily Lesson Log
Pangkat: Grade 9 – Aquino Inusisa ni: MRS. ROSANA A. BILLONES

I. Mga Layunin
Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at
A. Pamantayang Pangnilalaman
puwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang ekonomiya
B. Pamantayan sa Pagganap
nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


C. Mga Kasanayang sa Pagkatuto a. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura AP9MSP-IVe9
b. Nabibigyang-halaga ang ginagampanan ng sektor ng agrikultura; at
c. Nakagagawa ng advocacy campaign upang palakasin ang sektor ng agrikultura.

II. Nilalaman/Paksa Sektor ng Agrikultura

III. Mga Kagamitan  Ekonomiks (Araling Panlipunan 9) Modyul para sa Mag-aaral, pahina 405-409
A. Sanggunian  MELC (Araling Panlipunan), pahina 3-5
 Ekonomiks (Araling Panlipunan 9) Modyul para sa Mag-aaral, pahina 405-409
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
 MELC (Araling Panlipunan), pahina 3-5
2. Mga pahina sa Kagamitang  Ekonomiks (Araling Panlipunan 9) Modyul para sa Mag-aaral, pahina 405-409
Pangmag-aaral  MELC (Araling Panlipunan), pahina 3-5
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning Result
Laptop, PowerPoint presentation, telebisyon, kagamitang biswal
B. Iba pang kagamitang Panturo

IV. Pamamaraan GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Pagbabalik-aral mula sa tinalakay na aralin. Mag-aaral 1: Tinalakay po natin kahapon ang tungkol sa
pambansang kaunlaran.
1. Ano ang tinalakay natin kahapon?

Tama! Tinalakay natin kahapon ang tungkol sa pambansang kaunlaran. Mag-aaral 2: Ang pambansang kaunlaran ay tumutukoy sa
estado ng bansa na kung saan ang bawat dimensyon sa buhay
ng tao ay maunlad.
2. Ano naman ang pambansang kaunlaran?
Mag-aaral 3: Malalaman natin kung may kaunlaran ang isang
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Magaling! Ako’y nagagalak at naaalala pa ninyo ang ating tinalakay kahapon. bansa kung ang bawat pamumuhay ng tao sa bansa ay maunlad
at/o pagsisimula ng bagong aralin. at ang lahat ng pangangailangan ng nito ay natutugunan.
Dagdag pa nito, masasabi natin na maunlad ang bansa kung
3. Paano naman natin malalaman kung may kaunlaran sa bansa?
mataas ang Gross National Income ng bansa at nakikita ng
lubos ang mga positibong pagbabago ng bansa.

Napakahusay! Lubos na naunawaan ninyo ang araling tinalakay natin kahapon.


Ngayon, alam kong handa na kayo sa panibago nating aralin. Ngunit bago
iyon, nais ko munang ipakita sa inyo ang ating layunin sa araw na ito.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Pagpapabasa sa layunin ng makikita sa pisara. Babasahin ng isang mag-aaral.

Gawain 1: 3Ms! (Makinig, Mag-isip, Makibahagi)


Panuto: Habang pinapakinggan ang awiting “Magtanim ay ‘Di Biro”, mag-isip
ng limang (5) bagay o ideya na maaari mong i-konek sa awitin. Maaaring itala
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa ang limang bagay o ideya na naisip. Pagkatapos, sagutan ang mga
sa bagong aralin pamprosesong tanong.
1. Ang ipinapahiwatig ng awitin ay tungkol sa pagtatanim, na
kung saan ang gawaing ito ay sadyang hindi madali,
nakakangalay at nakakapagod sa buong katawan.
2. Nakadepende ang sagot sa mag-aaral.
3. Base sa limang bagay o ideya na naisip ko, ang tema ng
Pamprosenong Tanong: awitin ay napapabilang sa sektor ng agrikultura.
1. Base sa napanood, ano ang ipinapahiwatig ng awitin?
2. Ano ang limang bagay o ideya ang naisip mo habang pinapakinggan ang
awitin at bakit mo naisip mo ang limang bagay o ideya na ito?
3. Base sa limang bagay o ideya na naisip mo, sa anong sektor ng ekonomiya
nabibilang ang tema ng awitin?

Magaling! Ang ipinapahiwatig ng awitin ay tungkol sa pagtatanim na kung


saan ang gawaing ito ay lubos na hindi madali, at kailangan ng lakas ng buong
katawan upang matapos ang gawain.

Sa puntong ito, atin nang tuklasin ang panibagong aralin tungkol sa Sektor ng
Agrikultura.

A. Pagpapakilala ng Aralin: Paksa: Sektor ng Agrikultura


B. Pagtatalakay ng Aralin

Ang Agrikultura ay ang paglinang at ang pagpaparami ng mga halaman,


hayop, pati na rin ang mga isda at kagubatan. Ito ang pinagkukunan natin ng
ating mga pangunahing pangangailangan.
D. Pagtatalakay ng bagong Sektor ng Agrikultura Babasahin ng mga mag-aaral ang makikita sa PowerPoint
konsepto at paglalahad ng a. Paghahalaman presentation.
bagong kasanayan Ito ay ang pagtatanim o pag-aalaga ng mga halaman na nagbubunga ng
mga materyal na ginagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay.
Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog,
tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako at abaka.
https://medium.com/@mariadaisyredoble/sektor-agrikultura

b. Paghahayupan
Ang paghahayupan ay parte ng agrikultura na tumutukoy sa pag-aalaga
ng iba’t ibang hayop tulad ng baboy, manok, kambing, baka at iba pang hayop.
Ito rin ay mahalagang parte ng agrikultura dahil makatutulong ito sa pag-
suplay ng pangangailangan natin sa karne at iba pang pagkain. Isa itong
alternatibong pagkakakitaan ng mga magsasaka bukod sa pagtatanim ng palay
at mga gulay.
https://mimaropa.da.gov.ph/media-resources-stories/may-pag-unlad-sa-
paghahayupan

c. Pangingisda
Ito ay isang uri ng hanapbuhay sa dagat, ilog, lawa, o kahit sa mga batis
na mayroong mga isda, maliit man o malaki. Itinuturing ang Pilipinas bilang
isa sa mga bansang may pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo.

d. Paggugubat
Ang paggugubat o pagtotroso ay isa sa mga pangunahing pang-
ekonomikong gawain sa agrikultura. Dito nakukuha ang mga produkto katulad
ng plywood, table at troso.

Gampanin ng Agrikultura

1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.


2. Pinagkukunan ng pagkain at materyal sa mga industriya.
3. Nagsisilbing “market” o pamilihan ng mga produkto sa industriya.
4. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
5. Pinagkukunan ng karagdagang tulong ng ibang sektor ng ekonomiya.

Unang Pangkat Ikatlong Pangkat


Pangkatang-Gawain: Paghahalaman Pangingisda
F. Paglinang ng kabihasaan Panuto: Magbilang mula una hanggang apat upang makabuo ng apat na
pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng envelope na naglalaman ng sektor ng
agrikultura. Tukuyin kung anong sektor ng agrikultura ito sa pamamagitan ng
pagbuo ng puzzle sa loob ng envelope at iulat sa klase ang sektor na nakuha.
Matapos buoin ang puzzle, sagutin ang gabay na tanong. Gawin ang gawain sa
loob ng 15 minuto.

Gabay na Tanong: Ano sa tingin niyo ang problemang kinakaharap ng sektor


na iyong nakuha?

Krayterya sa Pag-uulat Ikalawang Pangkat Ikaapat na Pangkat


Iskor Paghahayupan Paggugubat
Nilalaman
Maayos ang pagtatalakay ng paksa at malinaw na nailalahad ang mga 20
mahahalagang konsepto ng paksa.
Kooperasyon
Bawat miyembro ng pangkat ay nagtutulungan, ang gawain ay 15
naisakatuparan at natapos sa tamang oras.
Pagsagot sa Tanong 15
Malinaw at mahusay ang pagkakasagot sa tanong.
KABUUAN 50

Napakahusay! Ako’y nagagalak at mahusay ninyong naisagawa ang inyong


gawain at talagang may natutunan kayo sa ating tinalakay tungkol sa sektor ng
agrikultura. Bigyan ng masigabong palakpak ang bawat isa.

Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapaunlad ng sektor ng Mag-aaral: Bilang isang mag-aaral, makatutulong ako sa
agrikultura? pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng
pagsali o makilahok sa mga organisasyong may kaugnayan sa
sektor ng agrikultura, pagpapalawak sa sariling paghahalaman
G. Paglalapat ng aralin sa pang- sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman sa bakanteng
araw-araw na buhay lote, pag-aalaga ng mga hayop na magbibigay kabuhayan, hindi
pagtapon ng basura sa dagat o sa lugar na pinamamahayan ng
isda upang magkaroon ng masigla at malinis na mapagkukunan
ng produkto, at patuloy na pagtatanim ng mga punong-kahoy sa
paligid.
Bakit mahalagang maunawaan mo ang sektor ng agrikultura? Mag-aaral 1: Mahalagang maunawaan ko ang sektor ng
agrikultura sapagkat ang sektor na ito ay nagsisilbing
pundasyon n gating pagkain at seguridad sa pagkain at isa din
ito sa mga nagiging instrumento sa pagpapaunlad ng ekonomiya
ng bansa.

Mag-aaral 2: Mapapahalagahan ko ang ginagampanan ng


H. Paglalahat ng aralin
sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga
Paano mo mapapahalagahan ang ginagampanan ng sektor ng agrikultura? lokal na magsasaka at pagtangkilik sa mga lokal na produkto,
pagpapanatili sa kalinisan sa tubig sa pamamagitan ng hindi
pagtapon sa anumang makasisira sa kalinisan nito, at higit sa
lahat, kailangan nating alagaan maging ang ating kapaligiran
sapagkat tayo rin ang siyang nakikinabang sa mga bagay,
pagkain, o produkto na ibinibigay ng sektor ng agrikultura.

Pagtataya sa Natutunan: Tama o Mali


Mga Sagot:
Panuto: Maghanda ng ¼ sheet of paper. Basahin at unawaing mabuti ang
isinasaad ng teksto. Tukuyin kung tama o mali ang pahayag. Isulat ang 1. MALI
TAMA kung ito ay nagpapakita o nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa sektor 2. MALI
ng agrikultura at MALI naman kung hindi. 3. TAMA
1. pagtapon ng basura sa ilog 4. MALI
2. pagtangkilik sa internasyonal na produkto 5. TAMA
I. Pagtataya ng aralin 3. paggamit ng lambat na may malaking butas sa pangingisda 6. TAMA
4. illegal logging o illegal na pagputol ng punong-kahoy 7. MALI
5. regular na pagdidilig sa mga halaman sa bahay 8. TAMA
6. pagkonsumo sa mga produktong lokal 9. TAMA
7. pag-aabuso sa mga alagang hayop 10. MALI
8. pakikilahok sa mga organisasyon na may kaugnayan sa sektor ng agrikultura
9. pagtatanim ng mga halaman sa bakanteng lote
10. pagtapon ng dinamita sa pangingisda

J. Karagdagang aralin para sa


takdang- aralin at remediation Pangkatang-Gawain: Advocacy Campaign!
Panuto: Panatilihin ang grupo bawat pangkat. Gumawa ng advocacy campaign
upang palakasin ang sektor ng agrikultura. Ang gawa ay i-upload sa social
media sites (Facebook, YouTube, TikTok) upang maging boses ng mga
kabataan at mag-aaral.
Pamantayan sa Paggawa
Pamantayan PUNTOS MARKA
Nilalaman
Malinaw na naipapahiwatig ng pagpapahalaga sa 25
sektor ng agrikultura tungo sa pambansang
kaunlaran.
Pagkamalikhain
Nagpapakita ng malikhaing paggamit ng digital na 20
kagamitan at paggawa.
Orihinalidad 30
Ang likha ay batay sa sariling pagkakagawa.
Kaugnayan sa Paksa
Maayos na nailalahad ng mensahe at malinaw ang 25
detalyeng ipinapahayag ng paksa.
KABUUAN 100

Inihanda ni: Inusisa ni:


RAMELA B. BAULITE MRS. ROSANA A. BILLONES
AP Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like