You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA
ARALING PANLIPUNAN 9
November 16, 2023

Guro: Bb. Rochelle F. Mariano


A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sector ng ekonomiya at
mga patakarang pang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa
tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad
B. Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sector ng ekonomiya at mga
patakarang ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-
unlad.
C. Pamantayan sa pagkatuto
Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran (AP9MSP-
IVa-2).

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga salik na maaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya
ng bansa
2. Napapahalagahan ang gampanin ng mga salik tungo sa pagsulong ng
ekonomiya
3. Naisasagawa ang pag- uulat tungkol sa pagsulong ng ekonomiya.

II. Nilalaman
Paksa: Mga palatandaan ng pag- unlad
Sanggunian: Araling Panlipunan 9, Ekonomiks: Modyul para sa mag-aaral, pp.345-347.
Mga Kagamitan: Makukulay na Papel, Manila paper, TV, Projector, Speaker
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

a) Panalangin
Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo para sa
ating panalangin. Sa ngalan ng Ama, Anak, at ng - Panginoong Aming Diyos…
Espiritu, Santo. Amen. Amen.
b) Pagbati
Magandang Umaga sa ating lahat! - Magandang Umaga Bb.
Mariano!
Maaari na kayong umupo.

c) Pagtala ng mga lumiban sa klase


Meron bang lumiban sa araw na ito? -Wala po maam.
Magaling! Palakpakan ang inyong mga sarili!

d) Pamantayan sa Klase
 Makinig sa Guro
 Itaas ang kanang kamay kapag gustong
sumagot
 Bawal gumamit ng telepono.
 Makilahok sa klase

Maaasahan ko ba ito sa inyo class?


Opo maam!

e) Pagpasa ng takdang Aralin


Ipasa ang inyong takdang aralin sa harapan. Inaasahan na ipasa ng mga
mag-aaral ang kani-kanilang
takdang aralin.
B. Balik Aral
Noong nakaraang linggo natalakay natin ang tungkol
sa mga bumubuo sa sector ng pananalapi.
- Opo Ma’am.
Ibigay ang mga uri ng mga bangko.

 Commercial banks

 Thrift banks
Tama! Magaling!

 Rural banks

 Specialized Government
Banks

C. Pagganyak
Gawain:PAIKOTIN MO AKO!
Panuto: Papaikutin ang kahon na may lamang mga
katanungan, kasabay nito ang pagpapatugtog ng
musika,habang tumutugtog ang mag-aaral ay sasayaw,
kapagtumigil ang pagtugtog, titigil din ang pag ikot ng
kahon, kung saan tumigil ang kahon ang mag-aaral ay
bubunot ng mga tanong na may kinalaman sa pag-unlad
at sagutan ito.

1.May pag-unlad ba kung may mga nagtataasang gusali


at naglalakihang kalsada?

2.May pag-unlad ba kung may mga makabagong


teknolohiya at makinarya?
3.May pag-unlad ba kung ang bayan ay naging
lungsod?

4.May pag-unlad ba kung may mataas na pasahod?

5.May pag-unlad ba kung may trabaho ang mga


mamamayan?

Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga pahayag ang higit mong nararanasan sa


inyong lipunan? - Para po sa akin ito po ang
pag-unlad kung may mga
makabagong teknolohiya at
makinarya dahil sa aming
lugar mayroon na pong mga
makabagong makinarya na
aming ginagamit sa aming
sakahan.

2. Kailan mo masasabi na maunlad ang isang bansa? -Masasabi ko na maunlad


ang isang bansa kung ito po
ay naging moderno tulad ng
pagkakaroon ng
makabagong kagamitan.
Tama! Magaling!

D. Panlinang na Gawain
Gawain: IULAT MO!
Panuto: Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat,
bawat pangkat ay bibigyan lamang ng 10 minuto upang
mag handa at 2 minuto naman para sa pag-uulat. Bawat
mag-aaral ay bubunot ng makukulay na papel na siyang
mag sisilbing basehan ng inyong grupo, bawat pangkat
ay bibigyan ng iba’t ibang paksa para sa pag-uulat.

Bughaw- Likas na Yaman


Dilaw- Yamang Tao
Puti- Kapital
Pula- Teknolohiya at Inobasyon

Rubriks
Mga Batayan 5 4 3

1. Nilalaman Naibibigay ng May kaunting Maraming


buong husay kakulangan kakulangan sa
ang hinihingi ang nilalaman ang
ng takdang nilalaman na ipinakita sa
paksa sa ipinakita sa pangkatang
pangkatang pangkatang gawain.
gawain. gawain.
2. Buong husay Naiulat at Di gaanong
Presentasyon at malikhaing naipaliwanag naipaliwanag
naiulat at ang ang
naipapaliwana pangkatang pangkatang
g ang gawain sa gawain sa
pangkatang klase. klase.
gawain sa
klase.
3. Naipapamalas Naipapamala Naipamamala
Kooperasyon ng buong s ng halos s ang
miyembro ang lahat ng pagkakaisa ng
pagkakaisa sa miyembro iilang
paggawa ng ang miyembro sa
pangkatang pagkakaisa paggawa ng
gawain. sa paggawa pangkatang
ng gawain.
pangkatang
gawain.
E. Pagsusuri
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang masasabi ninyo sa ating aktibiti ngayon? -Masaya maam dahil marami
kaming natutunan ngayon

2. Maari mo bang sabihin kung ano ang mga -Masasabi kong may pag-
palatandaan na may pag-unlad ang isang bansa? unlad ang isang bansa sa
dahil ang mga tao ay
nakakaranas ng pagbabago
mula sa mababa patungo sa
mataas na antas ng
pamumuhay.

3. Sa iyong palagay maunlad na ba ang Pilipinas?


-Sa aking palagay ang
Pilipinas ay isa sa mga
umuunlad na bansa at
marami pa itong gagawin
tungo sa hangarin na pag-
ulad.
Tama! Magaling!
F. Paghahalaw

1. Paglalahat
Mga Palatandaan ng Pag-unlad -Ang pag-unlad ay
pagbabago mula sa mababa
tungo sa mataas na antas ng
pamumuhay. Isa itong
kaisipang maaring may
kaugnayan din sa salitang
pagsulong.

Mga Salik na maaring makatulong sa pagsulong ng


ekonomiya -Malaki ang naitutulong ng
1.Likas na Yaman likas na yaman sa pagsulong
ng ekonomiya lalong lalo na
sa yamang-lupa, tubig,
kagubatan at mineral.

2.Yamang Tao -Isa ring mahalagang salik


na tinitingnan sa pagsulong
ng ekonomiya ang lakas-
paggawa.
3.Kapital -Sinasabing lubhang
mahalaga ang kapital sa
pagpapalago ng ekonomiya
ng isang bansa.

4.Teknolohiya at Inobasyon -Sa pamamagitan ng mga


salik na ito, nagagamit ng
mas episyente ang iba pang
pinagkukunang yaman
upang maparami ang mga
nalilikhang produkto at
serbisyo.

2. Pagpapahalaga
 Bakit mahalaga ang kontribusyon ng mga
salik na ito sa pagsulong sa ekonomiya ng -Mahalaga ang mga ito
isang bansa? upang mapaunlad pa ang
ating bansa.

 Bilang isang mag-aaral o kasapi ng pamilya,


paano ka makakatulong sa pagsulong sa -Sa pamamagitan ng
ekonomiya ng ating bansa? pagtangkilik ng mga
produktong gawa ng ating
bansa.
Magaling!

3. Paglalapat
Panuto: Itala ang mga salik na nakatutulong sa
pagsulong ng ekonomiya ng bansa gamit ang konsep
mapping chart. Isulat ito sa inyong kalahating papel.

Pagsulong
? ng ?
Ekonomiya

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat
katanongan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.

A. Likas na Yaman E. Gold


B. Yamang tao F. Kagubatan
C. Capital Mga sagot:
D. Teknolohiya at Inobasyon 1. A
2. F
1. Malaki ang naitutulong ng mga ___________ sa 3. D
pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na sa mga yamang 4. C
lupa, tubig, kagubatan at mineral. 5. B

2. Ang mga ito ay nagagamit ng mas episyente at


pinagkukunang yaman upang mas maparami ang
nalilikhang produkto at serbisyo.

3. Ang likas na yaman ay merong apat na salik. Alin dito


ang hindi napabilang sa apat na salik.

4. Ito ay sinasabing lubhang mahalaga sa pagpapalago


ng ekonomiya ng isang bansa.

5. Ang lakas-paggawa na ito ay mahalagang salik na


tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya.

V.Takdang Aralin
Ibigay ang kahulugan ng mga estratehiya na
makakatulong sa pag-unlad ng bansa.

a. Mapanagutan
b. Maabilidad
c. Makabansa
d. Maalam

Inihanda ni: Iniwasto ni:

ROCHELLE F. MARIANO DERBIE PADOJINOG


Nagpakitang-turo Gurong Tagapamatnubay

You might also like