You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya

College of Teacher Education

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga


pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Pamantayang Pagganap Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing


konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
munlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Kasanayan sa Pagkatuto AP9MKE-Ii- 19Napahahalagahan ang mga salik ng


produksyon at ang implikasyon nito sa pangaraw- araw
na pamumuhay

I. Layunin:Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Nabibigyang kahulugan ang produksiyon.


2. Nasusuri ang mga salik ng produksiyon bilang batayan sa matalinong paggamit ng mga ito
3. Naipahahayag ang damdamin tungkol sa mahalagang papel ng iba’t ibang salik ng produksiyon.

II. Paksang Aralin


Saik ng Produksiyon
Sanggunian: Ekonomiks (Araling Panlipunan)
Modyul para sa mag-aaral ( Pahina-85-93)
Kagamitan: laptop, cardboard, marker, handouts, scorechips
III.Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
I. Paghahanda

a. Panalangin

Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo para sa ating (Ang mga mag-aaral ay taimtim na mananalangin)
panalangin.

b. Pagbati
-Magandang hapon din po Ma’am.
Magandang hapon klas!

c. Pagpuna sa kaayusan ng silid-aralan


(Tahimik na magpupulot ng mga kalat)
Bago kayo maupo ay maaari bang pakitingnan ang ilalim
ng inyong upuan at pakipulot ang mga kalat at
pagkatapos ay pakitapon ito sa basurahan

Maraming salamat.
Maaari na kayong umupo.
Mga dapat tandaan sa klase:
Ngayon ay maaari bang pakibasa ng sabay sabay ang mga
 Pakinggan at unawain ang paksang tinatalakay
dapat tandaan sa klase.  Itaas ang kanang kamay kung may gustong
itanong o nais sabihin
 Respetuhin ang opinyon ng bawat isa

d. Pagtala ng lumiban
Group leaders,maaari bang kunin ninyo dito sa harapan
ang mga recitation logs at pakipasa sa inyong mga
kamag-aral.Pakibalik naman sa akin ang mga recitation
logs ng mga lumiban sa araw na ito.

II. Panimula

e. Pagbabalik-aral

Naaalala niyo pa ba ang ating nakaraang talakayan?

Mahusay!

Ano na nga ulit ang tungkol dito?


-Tungkol po sa karapatan at tungkulin ng mamimili.
Tama,Magaling!

Bakit natin kailangan malaman ang ating mga karapatan


bilang mga konsyumer o mamimili ?
-Ito po ang nagsisilbing gabay ng mga mamimili sa
Napakahusay! kanilang transaksyon sa mga pamilihan.

-Upang hindi tayo basta basta madaya sa pamilihan at


maipaglaban natin ang ating mga hinain.

IV.Pagganyak
“What’s Next?”
Ngayon,bago tayo dumako sa ating susunod na aralin ay
magkakaroon muna kayo ng isang gawain.

Panuto:Mahahati ang klase sa apat na pangkat.Bawat


pangkat ay mabibigyan ng task card na mayroong mga
larawang nakapaloob dito.Pagsunod-sunurin ang mga
larawan ayon sa tamang ayos nito.Kapag natapos na ay
pumalakpak ng tatlong beses at idikit ang mga ito sa
pisara.

Pangkat 1
Pangkat 1

Pangkat 2
Pangkat 2

Pangkat 3
Pangkat 3

Pangkat 4
Pangkat 4

a. Paghahabi sa layunin
-Hindi po masyado
Nahirapan ba kayong buuin ang mga larawan na ito?

Ano ang inyong pinagbatayan upang mabuo ito ayon sa -Inayos po namin ito ayon sa kung papaano ito
pagkakasunod-sunod nito? pinoproseso.

Mula sa inyong naging gawain,may nahihinuha na ba -Tungkol po sa produksiyon.


kayo kung tungkol saan ang paksa natin sa araw na ito?

Mahusay!

Ang pag-aaralan natin sa araw na ay tungkol sa


Produksiyon.

Sino ang makapagbibigay ng pakahulugan sa salitang ito?


-Ito po ang paraan kung papaano nililikha ang mga bagay
na ating ginagamit sa pang-araw-araw.
b. Pagtalakay ng mga bagong konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan.

Upang mas mabigyang linaw ang ating paksa sa araw na


ito ay iuulat ninyo ang iba’t ibang salik ng
produksiyon.Ngayon ay pumili kayo ng tig -isang
representative upang bumunot ng inyong magiging paksa
at kung sino ang mauuna.

Unang pangkat:Lupa
Ikalawang Pangkat:Paggawa
Ikatlong Pangkat:Kapital
Ikaapat na Pangkat:Entreprenuership
Ngunit bago kayo mag-umpisa ay maaari bang pakibasa
ang pamantayan na king inihanda para sa inyong pag- Pamantayan Napakahusay Mahusay Kulang sa
uulat 10 7 kasanayan
5
Wasto ang
impormasyon
at nakapaloob
ang paksang
aralin.
Ang lahat ng
kasapi ay
nakiisa sa
gawain
May
kahusayan,
maayos at
malinaw ang
Ngayon ay bibigyan ko lamang kayo ng tatlong minuto
presentasyon.
upang ito ay paghandaan at limang minuto naman
mamaya para sa paglalahad.

Unang Pangkat:Lupa
Unang Pangkat:Lupa bilang Salik ng Produksiyon

-Sa ekonomiks,ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa


tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng
bahay.Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa
ibabaw at ilalim nito,pati ang mga yaman tubig,yamang
mineral,at yamang kagubatan.

Bakit sinasabing ang lupa ay naiiba sa lahat ng salik?


-Hindi tulad ng ibang salik,ang lupa ay naiibang
katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang
Ano ang tawag sa kabayaran sa paggamit ng lupa? bilang.Samakatwid,ang wastong paggamit ng lupa ay
mahalaga.
-Malaki man o maiit ang sukat nito,kailangan tiyakin ang
Ikalawang Pangkat:Paggawa pagkakaroon ng produktibong paggamit.
-Upa ang kabayaran sa paggamit ng lupa at ibang likas na
yaman na tinatanggap ng mga landlord.

Ikalawang Pangkat:Paggawa bilang Salik ng Produksiyon

-Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay


hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi gagamitin
Bakit kailangan ng mga manggagawa sa paglikha ng at gagawing produkto.
isang produkto?

-Nangangahulugan ito na kailangan ang mga


manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na
materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo.
Ano ang pagkakaiba ng dalawang uri ng lakas-paggawa? -Ang lakas paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao
sa produksyon ng kalakal o serbisyo.

Dalawang Uri:
1. ) White collar job-mga manggagawang may
kakayahang mental kung saan ginagamit nila ang
kanilang isip kaysa sa lakas ngkatawan sa paggawa.Ang
Ano naman ang tinatanggap ng mga mangagawa bilang katawagang ito ay unang ipinakilala ni Upton
kabayaran sa kanilang serbisyo? Sinclair,isang Amerikanong manunulat noong 1919.
2. ) Blue collar job-manggagawang may kakayahang
pisikal kung saan mas ginagamit nila angkanilang lakas
Ikatlong Pangkat:Kapital ng katawan kaysa ang isip sa paggawa.
-Sahod-halaga ng salapi na tinatanggap ng mga
manggagawa bilang kabayaran sa kanilang serbisyo.

Ikatlong Pangkat:Kapital bilang Salik ng Produksiyon


-Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng
iba pang produkto.Mas magiging mabilis ang paggawa
kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin
angmga manggagawa.
-Ang mga kagamitang ito na ay gawa ng tao ay ginagamit
sa paglikha ng panibagong kalakal ay isang halimbawa ng
kapital.Ito rin ay maaaring iugnay sa salapi at
imprastruktura tulad ng mga gusali,kalsada,tulay pati na
ang mga sasakyan.
-Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi
-Bakit kailangan mangalap ng mga bansa ng malaking lamang nakadepende sa lupa at lakas-paggawa.Ayon sa
kapital? Arikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “The
Contribution of Capital to Economic Growth”(1962),ang
kapital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng pagsulong ng
isang bansa.
-Sa makabagong ekonomiya,nangangailangan ang mga
Ikaapat na Pangkat:Entrepreneurship
bansa na mangalap ng malaking kapital upang makamtan
ang pagsulon.Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa
proseso ng produksiyon ay tinatawag na interes.

Ikaapat na Pangkat:Entrepreneurship bilang Salik ng


Produksiyon
Anu-ano ang gampanin ng entrepreneur sa produksiyon? -Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang
tao na magsimula ng isang negosyo.

-Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga


salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at
serbisyo.Siya rin ang nag-oorganisa,nagkokontrol at
nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na
makakaapekto sa produksiyon.Taglay niya rin ang pag-
Anu-ano naman ang mga katangiang dapat taglayin ng
iisip na maging malikhain,puno ng inobaisyon at handa sa
isang isang entrepreneur upang magtagumpay?
pagbabago.
-Ayon kay Joseph Schumpeter,isang ekonomista ng ika-
20 siglo,napakahalaga ng inobasyon para sa isang
entrepreneur,ipinaliwanag niya na ang inobasyon ay
patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyag
produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng
isang bansa.
Katangian na dapat taglayin ng matagumpay na
entrepreneur:
-kakayahan sa pangangasiwa ng isang negosyo
-matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa
pamilihan
-may lakas ng loob humarap at makipagsapalaran sa
kahihinatnan ng negosyo.
Tubo o profit-tumutukoy sa kita ng entrepreneur matapos
magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo.
V.Panlinang na gawain

“Input ft. Salik”

Dahil naunawan na ninyo ang ating paksa sa araw na ito


ay dadako na tayo sa ating susunod na gawain.

Panuto:Isulat sa kahon ng input ang mga bagay o sangkap


upang mabuo ang larawan mula sa inyong naunang
gawain at tukuyin kung anong salik ng produksiyon ang
mga ito.
Produkto Input Salik
Produkto Input Salik -harina -lupa
-asukal -lupa
-panadero -paggawa
-tubig -lupa
-gatas -lupa
-oven -kapital
-mangangasiwa -entrepreneur

-isda -lupa
-factory worker -paggawa
-kamatis -lupa
-makinarya -kapital
-mangangasiwa -entrepreneur

-kahoy -lupa
-pako -kapital
-martilyo -kapital
-karpentero -paggawa
-mangangasiwa -entrepreneur
-sinulid -kapital
-makina -kapital
-karayom -kapital
-mananahi -paggawa
-gunting -kapital
-mangangasiwa -entrepreneur

VI. Paglalahat
“Produkwestiyon”

Sa puntong ito klasay dadako na tayo sa susunod na


gawain. 1 2
Panuto:Pumili ng isang numero at sagutin ang
katanungan sa likod nito. Produkwestiyon

3 4
Mga katanungan: Mga posibleng sagot ng mga mag-aaral:
-Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng
1. Ibigay ang kahulugan ng pagkonsumo. produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
salik upang makabuo ng produkto.

-Ang apat na salik ng produksiyon ay


2. Isa-isahin ang apat na salik ng produksiyon?
lupa,paggawa,kapital at entrepreneurship.

-Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay


3. Ano ang pagkakaiba ng input at output?
tinatawag na input samantalang ang output ay ang
produkto ng pagsama-sama ng mga salik .

4. Ibigay ang mga kabayaran sa bawat salik ng -tubo ang kabayaran na tinatanggapng entrepreneur
produksiyon. matapos ang lahatng kaniyang gastos sa pagpapatakbo ng
negosyo.Upa naman ang kabayaran sa paggamit ng lupa
at ibang likas na yaman na tinatanggap ng mga
landlord.Samantalang sahod naman ang tinatanggap ng
mga manggagawa bilang kabayaran sa kanilang serbisyo
at ang panghuli ay interes na tinatanggap naman ng mga
kapitalista sa pagpapautang ng kaniyang salapi na
ginagamit sa produksiyon.
VII. Pagpapahalaga

“Concept Mapping”

Panuto:Punan ng angkop na salik ng produksiyon ang


concept map at isulat sa loob ng bilog ang kahalagahan
ng bawat isa sa proseso ng produksiyon.

Lupa

Salik/ Ito ay mahalaga sapagkat


Kahalagahan dito nanggagaling ang mga
sangkap sa pagbuo ng
isang produkto.

Paggawa Kapital
Mga Salik ng
Salik/ Produksiyon Salik/
Mahalaga ang gampanin ng
mga manggagawa sapagkat
Ang kapital ay isa sa
Mga Salik ng mga salik sa
Kahalagahan Kahalagahan ang kanilang paggawa ng
produkto at serbisyo ating Produksiyon pagtamo ng
tumutustos sa ating pagsulong ng isang
pangangailangan Entrepreneur bansa.
Ang inobasyon o patuloy
Salik/ napagbabago ng
entrepreneur sa kaniyang
Kahalagahan produkto ay serbisyo ay susi
sa pagtamo ng pagsulong ng
isang bansa.
-Ang produksiyon ang pangunahing dahilan ng
Ngayon ano naman ang kahalahagan ng produksiyon sa pagkakaroon ng trabaho ng mga manggagawa at ito rin
mga mamamayan at sa ekonomiya ng bansa? ang batayan ng isang maunlad na ekonomiya.

VIII.Pagtataya

Para sa inyong pagsusulit,maglabas ng kalahating papel at


sagutan ang mga katanungan na nasa pisara.

A. Isulat kung tama o mali ang mga sumusunod:


1. Ang mababang pasahod sa manggagawa ay
-mali
nakakatulong sa produksiyon
2. Ang makinarya ay isang uri ng kapital.
-tama
3. Ang tagumpay ng isang entrepreneur ay tagumpay ng
-tama
ekonomiya.
4. Ang lupa ang nagbibigay ng hilaw na sangkap para sa -tama
produksiyon.
5. Ang mga manggagawang may kakayahang mental ay -mali
tinatawag na blue collar job.

B. Punan ng tamang sagot ang bawat katanungan.


1. Ano ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa -sahod
ipinagkaloob na paglilingkod?
2. Ginagamit din itong tayuan ng pagawaan. -lupa
3. Ito ay nakakatulong sa pagpapadali ng produksiyon. -kapital
4. Ito ang tawag sa paggawa gamit ang isip.
5. Tawag sa paggawa gamit ang bisig -mental
-manwal
IX.Takdang Aralin

Para sa inyong takdang aralin,magsaliksik ukol sa iba’t


ibang organisasyon ng negosyo.Isulat ito sa inyong
kwaderno at sagutin ang mga gabay na tanong
1. Pano nagkakaiba-iba ang bawat uri ng negosyo?
2. Aling negosyo ang madaling pasukin at bakit?

Inihanda ni: Jennylyn A. Villagracia


Stundent Teacher,BSED 4F

You might also like