You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya

College of Teacher Education

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga


pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Pamantayang Pagganap Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing


konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
munlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Kasanayan sa Pagkatuto AP9MKE-Ia- 3 -Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan


sa pang-araw-araw na pamumuhay

I. Layunin:Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Nasusuri ang kaibahan ng kakapusan at kakulangan.


2. Naiisa-isa ang mga dahilan ng pagkakaroon ng kakapusan at kakulangan.
3. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malutas ang suliranin sa kakapusan.

II.Paksang Aralin
Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan
Sanggunian: Ekonomiks (Araling Panlipunan)
Modyul para sa mag-aaral ( Pahina-27-30)
https://youtube.com/watch?v=c_fBH8fX1xc&feature=share
Kagamitan: laptop, cardboard, marker, handouts, scorechips,dice,speaker,recitation logs,mga larawan

III.Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
I. Paghahanda

a. Panalangin

Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo para sa ating (Ang mga mag-aaral ay taimtim na mananalangin)
panalangin.

b. Pagbati

Magandang hapon klas! - Magandang hapon din po Ma’am.

c. Pagpuna sa kaayusan ng silid-aralan


(Tahimik na magpupulot ng mga kalat)
Bago kayo maupo ay maaari bang pakipulot ang anumang
kalat sa paligid at pakiayos ang inyong mga upuan at
maaari na kayong maupo.

d. Pagtala ng lumiban

Group leaders,maaari bang kunin ninyo dito sa harapan


ang mga recitation logs at pakipasa sa inyong mga
kamag-aral.Pakibalik naman sa akin ang mga recitation
logs ng mga lumiban sa araw na ito.

Ngayon ay maaari bang pakibasa ng sabay sabay ang mga


dapat tandaan sa klase.
II. Panimula

a. Pagbabalik-aral

Naaalala niyo pa ba ang ating nakaraang paksa?


Sino sa inyo ang makapaglalahad ng ating nakaraang
talakayan?

Mahusay!Maaari bang isa-isahin ninyo ang


-Tungkol po sa mahahalagang konsepto ng ekonomiks
mahahalagang konsepto ng ekonomiks.
ang ating nakaraang talakayan.
Sino naman ang makapagbibigay ng kanyang napag-aralan
-Ang iba’t ibang konsepto ng ekonomiks ay trade
ukol dito?
off,opportunity cost,marginal thinking at incentives.

Magaling! -Napag-aralan po natin na mahalagang isaalang-alang


ang bawat pagpipilian upang magkaroon tayo ng
matalinong pagdedesisyon.
IV.Pagganyak
“Guess The Message”

Dahil lubos na ninyong naunawaan ang ating nakaraang


talakayan ay dadako na tayo sa ating susunod na aralin.

Ngunit,bago natin talakayin ang ating susunod na aralin


ay magkakaroon muna kayo ng isang gawain.May
inihanda akong mga larawan sa loob ng camera na may
kaugnayan sa ating susunod na aralin.

Panuto:Bumunot ng isang larawan at ipaliwanag ang


mensaheng nais iparating nito.

Handa na ba kayo klas?

Opo Ma’am!

(Mga posibleng sagot ng mga mag-aaral)

-Kakapusan sa pera
-kakulangan sa pagkain
-kakulangan sa supply ng bilihin
-kakulangan sa silid aralan
-kakulangan sa tubig
-pagkasira ng yamang dagat

a. Paghahabi sa layunin

Mula sa mga larawan na inyong binigyang


kahulugan,may nahihinuha na ba kayo kung tungkol saan
ang ating paksang aralin sa araw na ito? -Tungkol po sa kakapusan at kakulangan

Mahusay!

Ang ating paksang tatalakayin sa araw na ito ay tungkol


sa kakulangan at kakapusan.

b. Pagtalakay ng mga bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan.
Upang mas lalo pa ninyong maunawaan ang ating aralin
sa araw na ito klas ay magkakaroon kayo ng isang
gawain.Hahatiin ang kalse sa tatlong pangkat.

Maaari bang pumili kayo ng isang miyembro na siyang


bubunot ng inyong magiging paksa at kung sino ang
mauunang mag-uulat.

Unang Pangkat:Pagkakaiba ng Kakapusan at kakulangan


(Venn Diagram)
Ngayon bago kayo magsimula ay maaari bang pakibasa
Ikalawang Pangkat:Dahilan ng Pagkakaroon ng
ang aking inihandang rubrics para sa inyong paglalahad. Kakapusan
(Fishbone Diagram)
Ikatlong Pangkat:Dahilan ng Pagkakaroon ng Kakulangan
(Cause-Effect Graphic Organizer)

Pamantayan Napakahusay Mahusay Kulang sa


10 8 kasanayan
5
Wasto ang
impormasyon
at nakapaloob
ang paksang
aralin.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para sa Ang lahat ng
kasapi ay
paghahanda at limang minuto naman mamaya para sa nakiisa sa
iyong paglalahad sa klase. gawain
May
c. Paglalahad ng gawain kahusayan,
maayos at
Unang Pangkat:Pagkakaiba ng Kakapusan at malinaw ang
presentasyon.
Kakulangan (Venn Diagram)

Kakapusan Kakulangan

Unang Pangkat:Pagkakaiba ng Kakapusan at


Kakulangan
Kakapusan Kakulangan

-Ito ay kalagayan - Ito ay kalagayan kung


kung saan ang mga saan may
Maaari bang magbigay kayo ng mga halimbawa ng pinagkukunang- Suliraning pansamantalang
Panlipunan
kakapusan at kakulangan. yaman ay hindi pagkukulang sa supply
sapat upang tugunan ng mga produkto upang
tugunan ang
ang pangangailangan at
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
kagustuhan ng tao..

-Halimabawa ng kakapusan ay ang mga sumusunod. Ang


mga non-renewable resource tulad ng
nickel,chromite,natural gas at iba pa. Na siyang ginagamit
Paano nagkakaiba ang kakapusan sa kagustuhan?
upang matakbuhin ang isang makinarya o paganahin ang
isang pabrika.

-Ang mga halimbawa naman sa kakulangan ay ang


Mahusay! mask,alcohol,maging ang electric shortage ay maituturing
Ngayon ay ipapaliwanag naman ng ikalawang pangkat na kakulangan sapagkat ito ay panandaliang suliranin
lamang.
ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng suliranin sa
kakapusan at kakulangan -Ang kakapusan po ay isang pangmatagalang suliranin
kaya kinakailangan maghanap ng alternatibo,samantalang
Ikalawang Pangkat:Mga dahilan ng pagkakaroon ng ang kakulangan naman ay panandaliang suliranin lamang
Kakapusan (Fishbone diagram) kung kaya’t maaaring magkaroon muli ng supply nito sa
paglipas ng panahon.

Ikalawang Pangkat:Mga dahilan ng pagkakaroon ng


Kakapusan

Unlimited wants Overpopulation


and needs

Kakapusan

Walang konsepto Non-renewable


Paano ito nakakaapekto sa suliranin ng kakapusan? ng pagtitipid resources
a

Sa papaanong paraan makakahuha ang mga tao ng non-


renewable kung ito ay hindi na maaaring manumbalik
muli sa paglipas ng panahon? Mga dahilan ng Kakapusan:

Walang konsepto ng pagtitipid


-dahil sa maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang
Ano ang kinalaman ng mga pagangailangan at yaman maaaring maubos ang mga ito sa hinaharap.
kagustuhan ng tao sa pagkakaroon ng suliranin sa
kakapusan at kakulangan? Non-renewable resources
-Ang mga likas na yaman na maaaring matagal bago
manumbalik muli o maaaring hindi na muling
magkakaroon.Kaya naman kinakailangan na maghanap
Paano naman naiuugnay ang overpopulation sa suliranin ng ibang alternatibo para dito.
sa kakapusan?
Hindi nauubos ang pangangailang at kagustuhan ng mga
tao.
-Habang nagkakaedad ang tao,mas nagkokonsumo tayo
Ikatlong Pangkat:Mga dahilan ng pagkakaroon ng ng mas maraming produkto o bagay na mas
Kakulangan (Cause-effect Graphic Organizer) nakakadagdag sa pagbabawas ng mga likas na yaman
upang matugunan ang ating pangangailangan.

Overpopulation
-”Malthusian Theory of Population”
Habang tumataas o dumadami ang bilang ng populasyon
ng tao,bumababa naman ang mga mapagkukunang likas
na yaman.

Ikatlong Pangkat:Mga dahilan ng pagkakaroon ng


Kakulangan (Cause-effect Graphic Organizer)

Hoarding

Kakulangan
Pagkakaroon
ng kalamidad
Pamprosesong mga tanong.
Pagtaas ng
Paano ito nagaganap?
demand

Monopolyo
Maaari ba kayong magbigay ng halimbawa.

Mga dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan:

Kadalasan,hindi naman talaga basta basta nauubusan ng


supply ang isang partikular na produkto.Ngunit dahil sa Hoarding
hindi magandang hangarin ng mga kartel ay napipilitan -Ito ang pagtatago ng mga supply na ginagawa ng mga
ang mga mamimili na magpanic-buying kahit hindi kasapi ng kartel na nagiging dahilan ng pagkukulang ng
naman talaga kinakailangan. supply ng isang produkto.

Halimbawa:Dahil sa pandemya,tumaas ang demand sa


facesheild at fasemask.Ngayon ang gagawin ng mga
kasapi ng kartel ay itatago nila ang mga supply upang
maipagbili sa mas mataas na halaga kapag nagkaubusan
na ng supply sa mga pamilihan.
Sa tuwing may kalamidad na dumarating partikular na
ang bagyo,ano ang inyong napapansin?Ano ang
kadalasang naaapektuhan nito?

Tama!Magaling! Pagkakaroon ng kalamidad o natural calamity


-Halimbawa nito ay kapag nagkakaroon ng mga
Paano naman ito nagiging dahilan ng kakulangan? kalamidad katulad ng bagyo,el nino at marami pang iba
maaaring masira ang mga pananim,panandalian tayong
mawalan o kukulangin tayo ng supply ngunit panandalian
lamang.

-Mga pananim po lalo na ang mga palay.Nasisira po ito


Paano naman ito nakakaapekto sa suliranin ng
bunsod sa malakas na hangin at sobrang tubig na naiipon
kakulangan?
sa mga bukid.

Ano naman ang tinatawag na monopolyo?At paano ito


-Kapag nasira po ang mga pananim ay maaaring kaonti
nakakaapekto sa pagkakaroon ng suliranin sa kakapusan? lamang ang maani ng mga magsasaka o hindi na ito
mapakinabangan pa kaya nagkukulang ng supply sa
palay/bigas.

Pagtaas ng demand sa isang produkto


-Kapag naging mabagal ang isang produksyon ,maaaring
magkulang ang supply kaya naman ito ay hindi
makasasabay sa taas ng demand ng mga tao.

Monopolyo
-Ito ang pagkakaroon ng produkto o serbisyo na
pagmamay-ari lamang ng iisang kompanya.
-Halimbawa po nito ay ang Meralco,kapag nagkaroon po
ng power interuption sa kamaynilaan,maaaring marami
ang maging apektado dahil ito po ay tinuturing na
monopolyo ay walang ibang makapagsusupply ng
kuryente kung hindi ang kumpanyang ito lamang.
V.Panlinang na gawain

Gawain 1 “Raise Your Flag!”


Ngayon klas ay magkakaroon kayo ng isang gawain
upang malaman ko kung talagang naunawaan at
naintindihan ninyo ang inyong naging pag-uulat.Mayroon
akong inihandang mga sitwasyon dito na kung saan ay
inyong tutukuyin kung ito ba ay kakapusan o kakulangan.

Panuto:Tukuyin ang bawat pahayag kung ito ay


naglalarawan ng kakapusan o kakulangan.Itataas ninyo
ang flag na may tamang kasagutan sa harapan.Kapag
tama ang sagot ay katumbas ng isang puntos na maaaring
idagdag sa kabuuang puntos ng grupo.

Mga sitwasyon:

1. Ito ay kalagayan kung saan nauubos ang non-


renewable resources.

2. Ito ang kalagayan kung saan panandalian lamang ang -Kakapusan


ating mararanas sa pagkawala ng produkto.

3. Mangyayare ito sa patuloy na pagkaubos ng natural -Kakulangan


gas.

4. Pangmatagalang kalagayan ng pagkaubos ng likas na -Kakapusan


yaman
-Kakapusan
5. Kalagayan na mararanasan ng mga tao kapag nagdaan
ang isang kalamidad.
-Kakulangan
Gawain 2”T-Chart”
Panuto:Suriin ang mga salita na nakalagay sa pisara at
ihanay ito kung saan ito nabibilang.

Bigas ginto Nickel Gasoline


Isda bawang tanso gulay

Kakapusan Kakulangan Kakapusan Kakulangan

Bigas Ginto
Isda Nickel
Bawang Tanso
gulay gasoline

VI. Paglalahat

“Let’s Summar-dice”
Para sa pagbubuod ng ating naging
talakayan.Magkakaroon kayo ng isa pang gawain.
Pagpapasa pasahan ninyo ang dice habang may
background music.At kung sino ang may hawak nito
kapag huminto ang music ang siyang sasagot sa
katanungan.

Bago niya sagutin ang katanungan ay kailangan niyang


ipagulong ang dice upang malaman kung ilan ang
kaniyang magiging puntos na ililista sa recitation log
kapag ito ay nasagot ng tama.

Mga katanungan: -Natutunan ko ang tungkol sa suliranin sa kakapusan at


kakulangan.Dahil dito nauunawaan ko na,na ang pag
1. Ano ang aking natutunan tungkol sa konsepto ng aaksaya o maling paggamit sa pinagkukunan yaman ay
kakapusan? nakapagdudulot ng suliranin sa ating pinagkuknang
yaman.

-Ang kakapusan ay isang pangmatagalang suliranin kaya


kinakailangan maghanap ng alternatibo.Samantalang ang
2. Ibigay ang pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan. kakulangan naman ay ang panandaliang pagkawala ng
isang bagay o produkto.

Mga dahilan ng Kakapusan:


-Walang konsepto ng pagtitipid
3. Isa-isahin ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng
-Non-renewable resources
kakapusan.
-Hindi nauubos ang pangangailang at kagustuhan ng mga
tao.
-Overpopulation

Mga dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan:


4. Isa-isahin ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng -Hoarding
kakulangan. -Pagkakaroon ng kalamidad o natural calamity
-Pagtaas ng demand sa isang produkto
-Monopolyo
VII. Pagpapahalaga

Sa puntong ito klas ay pumili kayo ng isa sa mga


larawang inyong binigyang kahulugan kanina at
magmungkahi kayo ng mga paraan kung papaano
malulutas ang suliraning ito.
(Mga posibleng sagot ng mga mag-aaral)
-Matutong magtipid
-Unahing bilhin ang mga pangangailangan
-maglunsad ng patakaran at programa ayon sa wastong
paglinang ng mgapinagkukunang-yaman

Ngayon klas bakit mahalagang mapag-aralan ninyo ang -Upang magkaroon po tayo ng kamalayan sa mga
tungkol sa kakapusan at kakulangan? maaaring idulot nito kung hindi po natin magagamit ng
wasto ang ating likas na yaman.

Ano ang iyong maimumungkahi upang malutas ang -Kailangan pong magkaroon ng pagkakaisa ang mga tao
suliranin sa kakapusan at kakulangan? sa wastong paggamit ng mga pinagkukunang likas na
yaman upang hindi po magkaroon ng suliranin sa
kakapusan at kakulangan.
Sa papaanong paraan ka makatutulong upang maipakita ang -Hindi po ako magiging aksaya sa lahat ng
malasakit sa pinagkukunang likas na yaman. bagay,produkto at serbisyo na aking ginagamit sa pang-
araw-araw.

-Ito po ay lubhang mahalaga dahil ito po ang kailangan


Bakit mahalaga ang maayos na paggamit ng likas na yaman?
ng tao para mabuhay,kung magiging maaksaya po tayo sa
paggamit ng mga ito ay maaaring maubos ang mga likas
na yaman .
Dahil sa limitado lamang ang ating pinagkukunang-
yaman,maaari itong hindi na mapakinabangan sa susunod
na henerasyon kung hindi ito malilinang ng maayos.Kaya
naman,sana ay magsilbing aral sa inyo ang natutunan
niyo sa araw na ito.

VIII.Pagtataya
Ngayon ay nais kong maglabas kayo ng kalahating papel
para sa inyong pagsusulit.

Panuto:Isulat sa hanay B ang maaaring maging epekto ng


mga sitwasyong nasa hanay A at sa hiwalay na papel ay
magmungkahi ng mga paraan kung papaano ito
masosolusyunan.

(Mga posibleng sagot ng mga mag-aaral)


Hanay A Hanay B
a. labis na pagpuputol ng - -pagkalbo/pagkasira ng mga kagubatan
mga punong kahoy sa -kawalan ng pagkakakitaan
kagubatan. -overpopulation
-pagtaas ng mga presyo ng mga produkto
b. Kawalan ng trabaho -
dahil sa pandemya

c. Pagtaas ng birth rate -


at pagbaba ng death rate.

d. Pagpapanic buying -

IX.Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa mga palatandaan ng


pagkakaroon ng suliranin sa kakapusan at kakulangan
at ito ay inyong ilalagay sa inyong kwaderno.

Inihanda ni: Jennylyn A. Villagracia


Stundent Teacher,BSED 4F

You might also like