You are on page 1of 24

Banghay Aralin sa Kasaysayan ng Daigdig

Grade 8

I. Layunin

A. Naipapamalas ang pang-unawa sa mga mahahalagang pangyayari tungkol sap ag-


usbong, pag-unlad at pagbagsak ng kabihasnang Greek.

B. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal


ng Greece,

C. Naipapaliwanag ang mahahalagang pangyayari sa kabihasnang kalsikal ng


Geece.

II. Nilalaman

A. Paksa: Pag usbong at Pag unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe

B. Kagamitan: Larawan ng ibat-ibang tungkulin sa isang lungsod estado, Mapa ng


Sinaunang Greece

C. Sanggunian: Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig pp. 130-156

III. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain

1. Balik Aral

2. Pagganyak

Ipakita sa klase ang powerpoint presentation ng mga larawan o tanawin sa


kasalukuyang Greece. Itanong sa mga mag aaral kung anong bansa ang ipinapakita
nito.

2. Panlinang na Gawain

1. Pangkatin ang klase sa apat. Ipagawa ang sumusunod na hakbang bilang


paghahanda.

Pangkat 1: Panahong Hellenic

Pangkat 2: Ang banta ng Persia/Panahon ni Pericles


Pangkat 3: Ang Digmaang Peloponnesian

Pangkat 3: Kabihasnang Greek

3. Pangwakas na Gawain

1. Pagpapahalaga

2. Paglalahat

3. Paglalapat

Ipasagot ang mga sumusunod.

a. Anong mga demokratikong institusyon ang maituturing na direktang impluwensiya ng


sinaunang Greek?

b. Magkatulad ba ang umiiral na demokrasya noon at sa kasalukuyang panahon?


Ipaliwanag ang sagot?

IV. Pagtataya

Gawin ang aktibit sa pahina 125 at ilagay sa inyong sagutang papel.

V. Kasunduan

1. Isulat sa iyong kwaderno ang mga kontribusyon ng kabihasnang Greek sa


arkitektura, pagpipinta at pilosopiya.

REFLECTION

The above example of lesson plan is a semi detailed lesson plan in World
History. The topic is very broad so I limit the objectives that I can measure in just one
day. It follows the three domains of learning: cognitive, affective and psychomotor. As
teacher, it is important to follow these three domains in order to measure and attain the
desired outcome from the student. The materials used are easily found and make
because it is only a power point presentation. In the discussion proper, same routine is
implemented and I include the motivation to engage the student in the teaching process.
In the modern classroom scenario, teacher only a facilitator of learning and to attain this
I gave the student their activity and they are the one who will discuss the topic they had
assigned with them.
SAMPLE OF BRIEF LESSON PLAN

Banghay Aralin Kasaysayan ng Daigdig


Grade 8
I. Layunin
1. Nasusuri ang ambag ng Renaissance sa ibat ibang larangan
2. Napapahalagahan ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa panahon ng Renaissance
3. Nasusuri ang epekto ng palimbagan sa paglaganp ng Renaissance
4. Nakakalikha ng isang paanunsiyo na maghihikayat na pahalagahan ang ambag ng paglaganap ng
Renaissance
II. Nilalaman
1. Paksa: Ang Panahon ng Renaissance
2. Babasahin: Ang Panhon ng Renaissance, pp. 221-225 ng batayng aklat
3. Mga Kagamitan: Batayang Aklat, mga larawan ng mga art piece na gawa noong Panahon ng
Renaissance, kartolina at iba pang gamit pangguhit
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
2. Pagganyak (Pagpapakita ng Larawan ng mga art piece noong panahon ng Renaissance
B. Panlinang na Gawain
1. Bumuo ng apat na pangkat at bawat pangkat ay pupunan ang retrieval chart. Pumili ng
lider na tatakay sa bawat ambag
2. Talakayin sa klase ang epekto ng palimbagan sa paglaganap ng Renaissance sa
pamamagitan ng isang concept map
C. Paglalahat
D. Paglalapat (Gumawa ng isang paanunsiyona hihikayat sa mga mamamayan na
pahalagahan ang mga mabag ng Renaissance)
IV. Pagtataya
Panuto: Pagtambalin ang may akda sa hanay A sa mga sumulat ng mga ito sa hanay B. Isulat
lamang titik ng tamang sagot sa patlang.
A B
_____1. Anthony at Cleopatra a. Miguel De Cervantes
_____2. Gargantua and Pantagruel b. Desiderius Erasmus
_____3. In Praise of Folly c. Francois Rabelais
_____4. Don Quixote De la Mancha d. Niccolo Machiavelli
_____5. The Prince e. William Shakespeare
V. Takdang Aralin
Ipasagot ang mga sumusunod na tanong
1. Sino si Martin Luther Ano ang naging sanhi ng pagpoprotesta?

REFLECTION
The above example of lesson plan is a semi detailed lesson plan in World History. The
topic is very broad so I limit the objectives that I can measure in just one day. It follows the three
domains of learning: cognitive, affective and psychomotor. As teacher, it is important to follow
these three domains in order to measure and attain the desired outcome from the student. The
materials used are easily found and make because it is only a power point presentation. In the
discussion proper, same routine is implemented and I include the motivation to engage the
student in the teaching process. In the modern classroom scenario, teacher only a facilitator of
learning and to attain this I gave the student their activity and they are the one who will discuss
the topic they had assigned with them.
Examples of lesson plan used (detailed, semi-detailed)
Enero 01, 2018

Example of Detailed Lesson Plan

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang 9 - Ekonomiks

I.Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Nasusuri ang ugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.

2. Nabibigyang halaga ang konsepto ng consumption at savings sa pag-iimpok.

3. Naipapakita ang ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, pagkonsumo at


ang “7 Habits of a Wise Saver” sa pamamagitan ng iba’t-ibang pangkatang gawain na
itatanghal ng mga mag-aaral.

II. Nilalaman

Paksa: Yunit III: Makroekonomiks

Aralin 3: Ugnayan ng Pangklahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo

Sanggunian: Ekonomiks, Araling Panlipunan: Modyul para sa mga Mag-aaral

Pahina: 259-263

Mga Materyales: mga kagamitang biswal, power point presentation, laptop, projector,
pisara at yeso

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1.Panalangin
Magsitayo ang lahat.
Simulan natin ang araw na ito sa (Ang mga mag-aaral ay magsisitayo upang
pamamagitan ng isang maikling panalangin. simulan ang panalangin)
Francis, maaari mo bang pangunahan ang
pagdarasal?

2.Pagbati
Magandang Umaga 9-Gold!
Magandang Umaga rin po Binibining de
3.Pagsisiyasat ng Kapaligiran Jesus! Welcome to 9-Gold! Mabuhay!
Bago kayo magsiupo, pakipulot ang mga kalat
na nakikita sa inyong paligid. Matapos pulutin
ang mga kalat, mangyari na ayusin ang
inyong mga upuan. Pakitago ang mga bagay (Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat
na walang kinalaman sa ating asignatura. at aayusin ang kanilang mga upuan)

4.Pagtatala ng Liban

Divine, mayroon bang lumiban sa klase


ngayon?

Magaling! Bigyan ang inyong mga sarili


ng hooray clap. Wala po. Ang lahat po ay naririto.

5.Balik-aral
(Gagawin ng mga mag-aaral ang naturang
Bago tayo dumako sa ating istilo ng pagpalakpak)
aralin magkakaroon muna tayo ng balik aral.
Ano nga ba ang tinalakay nating paksa noong
nakaraang pagkikita?

Mahusay! Sa pamamagitan ng pagsusukat ng Ma’am, ang tinalakay po natin ay ang


Pambansang Kita, nakakapagbigay ito ng kahalagahan ng pagsusukat ng pambansang
ideya patungkol sa antas ng produksiyon ng kita at kung paano ito naging batayan sa pag-
ekonomiya sa isang partikular na taon at unlad ng ekonomiya ng bansa.
naipapaliwanag kung bakit mababa o malaki
ang naging pag-unlad ng bansa.

Mayroon pa ba kayong ibang ideya?

Magaling! Salamat. Bukod sa kahalagahan ng


pagsusukat ng pambansang kita, ano pa ang Sa pamamagitan po ng paghahambing ng
ating tinalakay? Pambansang Kita sa loob ng ilang taon
nakikita po kung anong direksyon mayroon
Tama. Mahusay! ang ekonomiya ng isang bansa kung may pag-
unlad na bang nagaganap.
Paano nga ba nagkakaiba ang GNI at GNP?
Ang pagkakaiba po ng GNI at GNP.

Ang Gross National Income po ay sinusukat


Magaling! Ang Gross National Income ay gamit ang salapi ng isang bansa samantala
tumutukpy sa kabuuang pampamilihang ang Gross Domestic Product ay sinusukat
halaga ng mga produkto at serbisyo na kasama ang mga kita ng mga dayuhan sa loob
nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. ng bansa.
Samantala ang Gross Domestic Product
naman ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihamg halaga ng lahat ng tapos na
produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng
isang takdang panahon sa loob ng isang
bansa.

Tunay na marami kayong natutunan sa ating


nakaraang talakayan. Ako ay humanga sa
ipinakita ninyong galing. Mahusay 9-Gold.
Bigyan ang inyong mga sarili ng Good Job
Clap.
(Gagawin ng mga mag-aaral ang naturang
istilo ng pagpalakpak)
B.Pagganyak

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


(PAGTAGLINETAGLINE-IN!)

Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong Opo.


aralin. Handa na ba kayo? Ihanda ang sarili
para sa talakayan ngayong araw na ito. Pero
bago ang lahat tayo ay magkakaroon ng isang
laro. Kung saan ang bawat grupo ay bibigyan
ko ng materyales na magagamit para sa ating
boards up. Ang bawat pangkat ay may
itatalagang lider upang isulat ang
napagkasunduang sagot batay sa tagline na
makikita sa larawan sa projector. Kung sino
ang unang pangkat na makapagpakita ng
tamang sagot ang siyang makakakuha ng
puntos na idadagdag sa grado sa pangkatang
gawain. Matapos malaman ang bawat sagot,
isulat o tandaan ang mga ito upang
makatulong sa inyo sa pagsagot sa mga
ibabato kong ilang mga katanungan ukol dito.
Nauunawaan ba? Nakakasunod pa ba?

Opo.

BPI

BDO

Landbank

Metrobank
PAG-IBIG Fund

Mga halimbawa po ng banko.


Ano ang inyong napansin sa mga nakalap na
kasagutan?

Marami pong perang dinadala sa bangko.


Tumpak! Ano ang unang pumapasok sa
inyong isip kapag naririnig mo ang salitang
bangko?

Karaniwan po dito dinadala ng ibang tao lalo


Tama! Ano pa ang inyong mga ideya?
na ng mayayaman yung mga salaping
kanilang kinita sa tuwing sila ay sumesweldo.
Sa bangko po nila ito ipinapatago upang
magkaroon ng savings.

Tama. Magaling! Sa bangko nila itinatago o


iniimpok ang kanila mga kinitang salapi.

Bukod sa pag-iimpok ng pera, saan o paano


ba natin ginagamit ang mga kinitang salapi?
Ibig sabihin ang pera ay ginagamit natin sa
Ginagamit po nating panggastos.
papaanong paraan?

Ginagamit po natin ang pera sa pagbili ng


Tama! Ang pera ang ginagamit nating upang
ating mga pangangailangan at kagustuhan.
kumonsumo ng produkto at serbisyong
kinakailangan natin sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Kasama na rito ang ating mga
luho at nais mga bilhing bagay.
Samakatuwid ang salaping mula sa kita ng tao
ay iniipon at ito rin ang ginagamit na
panggastos.
C.Pagtalakay

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-
ating aralin sa araw na ito? iimpok at Pagkonsumo po.

Magaling! Ang ating tatalakayin sa araw na ito


ay patungkol sa Ugnayan ng Pangkalahatang
Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo.

Ngayon ay aalamin natin kung papaano nga ba


nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok at
pagkonsumo.

Sa inyong palagay, ang salapi ba ay maaaring


maubos? Opo. Lalo na po kung hindi ito pinapalago.
Nauubos po kaagad ang pera dahil po sa
mataas na presyo ng bilihin.

Tama, ang pera ay maaaring maubos kaagad.


Saan nanggagaling ang pera at paano Madalas na ang pinanggagalingan ng pera ay
nagkakaroon ng pera ang isang tao? ang mga kita o sweldo po ng tao sa kanilang
mga trabaho.
Mahusay! Ito ay mula sa kita ng mga tao. Ano
nga ba ang kita? Sa paanong paraan
nagkakaroon ng kita ang tao? Batay po sa ating mga nakaraang talakayan,
ang kita po ang salaping tinatanggap ng mga
Tama! Napakausay! Natatandaan pa ang manggagawa kapalit ng pagtatrabaho.
konsepto ng kita.
Ang kita ay maaaring gastusin sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao. O yung Ito po ang pagbili at paggamit ng mga
tinatawag nating pagkosnsumo. Ano ang produkto o serbisyo na magbibigay
pagkonsumo? kapakinabangan sa tao.

Magaling! Sa konsepto ng pagkonsumo ay


mayroon tayong tinatawag na impulse buyer. Isang uri po ng mamimili na gastadora.
Mayroon ba kayong ideya patungkol dito? Yung bili lang po ng bili, hindi iiisip na
kakailanaganin pa niya ng pera kinabukasan.
Walang pakialam kung maubos man ito
Tama. Kung mayroong mga taong nais mag- kaagad.
impok mayroon ring mga impulse buyer, kung
saan basta may pera bili nalang nang bili
hanggang maubos ito. Kapagka wala ng pera,
saka maaalala ang kanyang iba pang
pangangailangan. Nabubuhay sila as one day
millionaire.

Subalit bukod sa paggastos ng pera, ano pa ang


ibang bagay na maaaring gawin sa pera?

Magaling! Ito ay maaaring itago sa bangko


upang maging savings. Dahil nabanggit ninyo Iniipon po ito. Maaari po itong itabi o itago
ang salitang savings alamin natin kung ano ang sa bangko bilang savings.
kahulugan nito. Batay sa impormasyon sa
inyong aklat ayon kay Roger Farmer, ano ang
kahulugan ng savings?

May iba pa bang kahulugan na nabanngit?

Sinasabi niya po na ang savings ay paraan ng


pagpapaliban ng gastos.
Gaano kahalaga ang pag-iimpok?
Opo. Ayon naman po kina Meek, Morton at
Schug, ang ipon o savings ay kitang ginamit
sa pagkonsumo o hindi ginastos sa
Maaari ka bang kumita kapagka ikaw ay nag- pangangailangan.
iipon? Ang mga perang nakatabi ay maaaring
madagdagan pa. At upang may magamit na
salapi sa panahon na lubos itong kailangan.

Tama. Mahusay! Mayroon tayong tinatawag na


investment kung saan ito ay ipon na ginagamit Opo, dahil nadadagdagan po ang savings
upang kumita. Sa tingin ninyo, papaano habang tumatagal.
nagkakaroon ng economic investment?
Tama. Ang isang tao ay maaaring maglagay ng
kanyang ipon sa mga Financial intermediaries.
(Ang guro ay may ipapakitang pigura) Sa pamamagitan po ng paglalagak ng pera sa
isang negosyo.

Batay sa nakitang impormasyon sa pigura,


paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga
konseptong nakikita sa pigura?

Mahusay ang naging pag-obserba batay sa


inpormasyon sa pigura. Ang Financial
Intermediaries ang siyang tagapamagitan sa
nag-iipon ng pera at sa nais umutang o
magloan. Kung saan, sa mga Financial
Intermediaries dinadala ng mga taong nag-
iimpok ang kanilang pera. Samantala ang mga
umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang
nahiram na pera sa pagbili ng ari-arian o di
Ang nag-iimpok at nangungutang ay
kaya ay para maging dagdag na puhunan sa
nakabase sa mga Financial Intermediaries.
kanilang negosyo.

Kung ikaw ay mag-iimpok, itatago mo ba ito


sa bangko o gagawa ka nang iyong sariling
alkansiya?

Magaling. Kung itatago nang matagal na


panahon sa alkansiya ang pera, maaaring
lumiit ang halaga nito dahil sa implasyon.
Bukod dito, maaari itong magdulot ng
kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan.
Mas mabuti na ilagak ito sa matatag na bangko
o iba pang Financial Intermediaries upang
bumalik sa pamilihan ang salaping iniimpok.

Upang higit na malaman kung paano mas


magiging wais at matalinong indibidwal na
nag-iimpok. Ating talakayin ang 7 Habits of a
Wise Saver. Iiisa-isahin natin ang mga Mas pipiliin ko po na mag-ipon sa bangko
naturang gawi, kung saan kayo ang kaysa sa alkansiya. Sa bangko mas ligtas ang
magbibigay ng mga ito at ipapaliwanag ito pera at maaari itong dumami.
base sa inyong pang-unawa. Maaari ring
magbigay ng halimbawang sitwasyon ukol sa
mga ito. Handa na ba kayo?

Tama. Mahusay! At karagdagan, alamin kung


sino ang may-ari ng bangko at sino ang mga
namamahala nito. Sumunod, ano ang
pangalawang gawi ng isang wise saver?

Mahusay! Isa pang mahalagang bagay na dapat


tandaan ang isa pang mahalagang bagay dapat
basahin at unawain ay ang term at condition ng
bangko upang di malito sa mga patakaran at
proseso na mayroon ang naturang bangko. Iba
pang gawi na dapat taglayin ng isang wise Ang una po ay kilalanin ang iyong
saver? bangko.
Magsasaliksik po ako sa internet upang
malaman ang katayuan ng bangko kung ito
ba ay nalulugi o maayos naman ang
pamamalakad.

Mahusay! Ito rin ay mabisang paraan upang


makaiwas sa mga mapagsamantalang
kalakaran ng bangko.
Ang sumunod po ay alamin ang produkto
ng iyong bangko. Ang unang bagay na
dapat malaman ay kung saan inilalagay ang
mga perang iimpukin. Ito po ay maaaring
ipagatanong sa mga namamahala ng bangko.

Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa


Magaling! Ano ang kasunod? iyong bangko. Dapat na piliin ang ankop na
bangko upang itugma ang serbisyo sa
pangangailangan ng nag-iimpok. At dapat
ring klaruhin ng mabuti ang mga sinisingil at
bayarin ng bangko.

Eksakto! Ano pa ang ibang gawi? Mayroon


pang natitirang dalawa.
Ingatan ang bank records at siguruhing
up-to-date. Palaging i-update ang passbook
at mga CTD (Certificate of Time Deposit) sa
tuwing gagawa ng transaksyon sa bangko. At
ipaalam kaagad sa bangko kung mayroong
pagbabago sa contact details upang
Mahusay! Karagdagang impormasyon, ang maiwasan na maipadala ang sensitibong
kahulugan nito ay Philippine Deposit impormasyon sa iba.
Insurance Corporation. Ano ang panghuling
gawi ng wise saver? Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng
bangko at sa awtorisadong tauhan
nito. Huwag dapat mag-alinlangan na
magtanong sa mga tauhan ng bangko ng
magpakita ng identification card at humingi
palagi ng katibayan ng transaksyon.
Mahusay! Huwag agad maniniwala sa mga
alok ng mga taong di mo pa naman lubusang
kilala. Naunawaan ba? Mayroon ba kayong
mga katanungan?
Alamin ang tungkol sa PDIC deposit
insurance. Ang PDIC ay gumagarantiya ng
hanggang Php500, 000 sa deposito ng bawat
depositor. Ang investment product, dinayang
account, at depositing nagmula sa hindi
ligtas at unsound banking practices ay hindi
kabilang sa segurong ibinibigay ng PDIC.

Maging maingat. Lumayo sa mga alok na


masyadong maganda para paniwalaan.
Upang makaiwas sa mga taong
mapanlamang sa kapwa.

Wala po.
D.Pangkatang Gawain:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ngayon ay tutungo na tayo sa inyong
pangkatang gawain. Ang lahat ba ay nasa
kani-kaniyang pangkat na kinabibilangan?
Ngunit bago ang lahat ay ipapaliwanag ko
muna sa inyo ang mga pamantayan kung sa
paanong paraan ko mamarkahan ang
presentasyon ng bawat grupo. Ang bawat
pangkat ay bubunot ng kanilang paksang
ipapakita at bibigyan sila ng lima hanggang
walong minuto upang ito ay kanilang
paghandaan. Una at Ikalawang pangkat

ROLE PLAY
(Magtatanghal ng isang maikling dula na
nagpapakita ng mga halimbawa ng 7 Habits
of Wise Saver)

Ikatlong Pangkat

POSTER MAKING
(Sa pamamagitan ng pagguhit ay ipapakita
nila ang Ugnayan ng Pangkalahatang Kita,
Pag-iimpok at Pagkonsumo. Ito ay
ipapaliwanag nila sa klase.)

Ikaapat na Pangkat

TULA-RAP
(Bubuo ng isang tula na naglalaman ng tatlo
hanggang limang saknong, kung saan
pagkatapos ng tula ay gagawan rin ito ng rap
na bersyon. Ito ay patungkol sa ugnayan ng
kita, pag-iimpok at pagkonsumo)
Ikalimang Pangkat

LIKHAWIT
(Lalapatan ang musika ng paggalaw ng
katawan sa pamamagitan ng pagsayaw. Ito ay
patungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita,
pag-iimpok at pagkonsumo.)
E.Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1.Batay sa ating pinag-aralan, paano mo ngayon


masasabi na magkaka-ugnay ang Ang salapi po na galing sa kita ng isang tao ay
pangkalahatang kita, pag-iimpok at maaaring ipunin at gamitin sa pagbili ng ating
pagkonsumo? Tama. Mahusay mga pangangailangan at kagustuhan.

2.Kung ikaw ay mag-iimpok, saan mo ito Kung ako po ay mag-iimpok, ito po ay aking
ilalagak? Sa bangko ba o sa alkansiya? iipunin sa bangko sapagkat higit po itong
makatutulong sa negosyo at pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.

IV.Pagtataya

A.Isulat ang salitang SAVINGS kung ito ay may kinalaman sa pag-iimpok


at EXPENDITURES naman kung ito ay paraan ng pagkonsumo o paggastos.

_______1. Laptop

_______2. PAG-IBIG Fund

_______3. Landbank

_______4. Burger

_______5. PNB
B.Ilagay sa patlang ang salitang “WERPA” kung ang ipinahahayag ay tama
at “PETMALU” naman kung ito ay mali.

_______1. Maaring makipagtransaksiyon sa labas ng bangko at di kilalang tauhan ng


bangko.

_______2. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.

_______3. Iwasan na mag-update ng mahalagang impormasyon sa bangko at ingatan


ang mga bank records.

_______4. Unawain kung saan inilalagak ang mga perang iyong iniimpok.

_______5. Kilalanin kung sino ang may-ari ng bangko at pati na rin ang mga taong
namamahala nito.

V.Kasunduan

1. Paano nagaganap ang konsepto ng implasyon?

2.Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng Price Index? Lagyan ng paliwanag o kahulugan ang bawat
uri ng Price Index na nakalap.

You might also like