You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

IKATLONG MARKAHAN
IKATLONG LINGGO

I. LAYUNIN
Natatalakay ang kahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maaunlad, mapayapa at mapagkalingang
pamayanan.

B. Pamantayan sa pagganap
Naipakikita ang tunay na paghanga at pagmamalaki sa mga sakripisyong ginawa
ng mga Pilipino.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa
pamamagitan ng pamomodelo ng kanilang pagtatagumpay.

II. NILALAMAN
Aralin: Pagbibigay halaga sa Magaling at Matagumpay na Pilipino sa pamamagitan ng
Pagmomodelo ng kanilang Tagumpay

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: EsP-CG pahina 83 ng 153, EsP6PPP-IIIc-d-35
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo

III. PAMAMARAAN
ALAMIN NATIN
UNANG ARAW

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Pagsisimula ng bagong aralin


Gawain: “Catch the Ball”
a. Ihahagis ng guro ang bola na may nakadikit na tanong sa mga mag-aaral.
b. Ang mag-aaral na makakasalo nito ay syang magtatanong sa katabi nya.
Tanong: Ano ang pambansang pagkakaisa?
Bakit mahalaga ang magkaroon tayo ng pagkakaisa sa ating bayan?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Maraming mga Pilipino ang dapat nating tularan na nagtagumpay sa iba’t-ibang
larangan na nagbigay karangalan sa ating bayan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Bagong aralin


Gawain: “Guess Who”
a. Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga nagtagumpay na Pilipino.
b. Huhulaan ng mga mag-aaral ang mga ito.
c. Ang makasagot ay bibigyan ng guro ng ribbon.
d. Isagawa sa loob ng 2 -3 minuto lamang.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Pangkatang Gawain:
1. Hatiin ang mag-aaral sa apat na pangkat.
2. Bigyan ng guro ang bawat pangkat ng kani-kanilang gawain.
3. Babasahin ng tahimik at may pag-unawa ng mga mag-aaral ang artikulo
ibibigay ng guro.
4. Isasagawa sa loob ng 3 minuto lamang.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Gawain: “Modelo Ko..Itatala Ko”
1. Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng talaan ng mga mahuhusay na Pilipinong
nagtagumpay sa iba’t-ibang larangan.
2. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung sino ang may pinakamaraming
bilang na nais maging modelo ang matagumpay na Pilipino.
3. Ang nahirang na may pinakamaraming bilang ay bibigyan ng mga mag-aaral
maikling pag-uulat. (Bakit sya ang nahirang ng nakararami?)
4. Isagawa ito ng 3-5 minuto lamang.

F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)


Sumulat ng talata na pinamagatang “Susi ng Tagumpay”.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Sagutan ang sitwasyon sa ibaba. Ipaliwanag ang sagot.
a. Ibig mag-aral ni Raul ngunit maliit ang kita ng tatay niya. Ano ang maaari niyang
gawin?

H. Paglalahat ng Aralin

I. Pagtataya ng Aralin

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratihiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

ISAGAWA NATIN
IKALAWANG ARAW

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


itanong:

Ano ang pagkakaiba mo sa ibang pangkat?

May pagkakatulad ba ang bawat pangkat?


B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ilahad ng guro ang layunin para sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Hihikatin ng guro ang mga mag-aaral na magbahagi tungkol sa kanilang ginawa

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Gawain 1

“Talk to Me”

Pumili ng kapareha ang bawat mag-aaral.

Pasagutan ang mga sumusunod na tanong.

Mga Tanong:

a. Ano ang kulay ng iyong mga mata?


b. Ilan taon ka na?
c. Ilan kayong magkakapatid?
d. Ano ang paborito mong kanta?
e. Sino ang paborito mong artista?
f. Ano ang paborito mong laro?
g. Ano ang paborito mong palabas?

1. Ipakita sa kapareha ang mga sagot.


2. Tingan kung pareho kayo ng sagot at simulan ang “talk to me”.
Pag-uusapan sa klase ang mga sagot ng bawat mag-aaral. Bigyan diin ng guro na ang
bawat isa ay may pagkakatulad at pagkakaiba subalit lahat tayo ay iisa at sama-sama
sa pagkakaisang pambansa.

. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Gawain: “Barkada Ko…Magtulungan Tayo..”

a. Bumuo ng limang pangkat.


b. Bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng larawan ng pangkat etniko. Suriin at ilarawan ang pangkat
etnikong naitalaga sa inyo. Gumamit ng graphic organizer tulad ng nasa ibaba sa paglalahad ng
inyong sagot. Maaaring magdagdag ng iba pang impormasyong nakalap ng inyong pangkat tungkol
sa pangkat na ito.
c. Gamitin ang mga gabay na tanongsa ibaba sa inyong pag-uulat.
 Ano ang tawag sa kanilang pangkat?
 Saan sila matatagpuan?
 Ano ang kanilang mga pangunahing katangian?
 Ano ang kanilang ikinabubuhay?
 Ano ang maitutulong natin sa kanila?
d. Sa loob ng dalawang minuto, ibahagi sa klase ang inyong nagawa.

e. F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Pagkatapos ng pag-uulat, itanong kung ano ang nakitang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
pangkat.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Itanong:

Kung mayroon kang kaklase na kasapi sa pangkat-etniko, paano mo ipakikita ang iyong
pagtanggap sa kanya

H. Paglalahat ng Aralin

Abstraksyon:

a. AnO-ano ang mga katangian mayroon ang bawat pangkat-etniko?tradisyon?paniniwala?

Ang mga pangkat-etniko ba lamang ang may layunin na magkaoon ng pambansang


pagkakaisa? Ipaliwanag.

I. Pagtataya ng Aralin

Magbigay ng tatlong (3) paraan upang maipakita ang pagtanggap sa pangkat-etnikong Pilipino

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Maghanda ng maskara ng iba’t ibang pangkat-etniko.

ISAPUSO NATIN

IKATLONG ARAW

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Pag-uulat ng mga bata tungkol sa ginawa nilang gawain.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ng guro ang layunin para sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Magkakaroon ng “Mascarade Show”

Lalapatan ito ng tugtog upang maging masigla ang “show”.

Pasalita:

Itanong: Anong nagustuhan mong katangian ng ginawa mong maskara na pangkat-


etniko. Bakit?
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Magkakaiba man tayo ng pangkat na pinagmulan, tiyak na may mga katangian tayong
magkakapareho o magkakaugnay.

a. Gamit ang padron sa ibaba, gumawa kayo ng isang malaking bulaklak. Lagyan ito ng mga
talulot ayon sa dami ng miyembro sa inyong pangkat.

b. Ibabahagi ng bawat isa sa pangkat ang kaniyang pinagmulan, katangian, natatanging


ambag at suliraning kinakaharap. Isusulat ang mga ito sa talulot na nagawa.
c. Pagkatapos, isusulat naman ninyo sa gitna ng bulaklak ang lahat ng mga katangiang
magkakapareho kayo.
d. Lagyan ng kawili-wiling pamagat na “Nagkakaisa” ang inyong ginawa.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Sa pagkakataong ito, hikayatin ang mag-aaral na:lapitan ang mga kaklaseng nasaktan ninyo
ang damdamin, iniiwasan o nais pasalamatan at ibigay ang bulaklak.

H. Paglalahat ng Aralin

Ano ang pambansang pagkakaisa?


Tandaan:

Ang lahat ng lahi at pangkat na ating pinagmulan bagamat may mga pagkakaiba sa iba’t ibang
aspeto ay may iisang layunin na pinahahalagahan ito ay ang pambansang pagkakaisa natin.

I. Pagtataya ng Aralin

Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iba’t-ibang pangkat etniko gamit ang Venn

Diagram.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Pagninilay:

Gumawa ng sanaysay kung paano maipakikita ang pambansang pagkakaisa sa kabila ng


pagkakaiba-iba ng mga pinagmulan.

ISABUHAY NATIN

IKAAPAT NA ARAW

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Paghahambing ng mga bata sa katangian ng bawat pangkat etniko.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ng guro ang layunin para sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Hihikayatin ng guro ang mga mag-aaral na magbahagi.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Magdala ng mga larawan na nagpapakita ng pagkakaisa.

Gupitin at idikit sa angkop na kahon na simbolo ng pagkakaisa.

H. Paglalahat ng Aralin
Paano makakamit ang pagkakaisa sa kabila ng iba’t-ibang layunin?
SUBUKIN NATIN

IKALIMANG ARAW

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Pagpapakita mga larawan

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ng guro ang layunin para sa araw na ito. Ipaalala ng guro na magakakaiba man tayo ng
lahing pinagmulan iisa ang ating mga layunin ito ay ang Pambansang Pagkakaisa.

H. Paglalahat ng Aralin

Isa-isahin ang mga konseptong nabuo sa unang araw. Balik-aralan ang mga nakaraang aralin
at sagutan ito.

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap kung nagpapahayag ng pagkakaisa.

______1. Sumasama si Ana sa kanyang kaibigan paminsan-minsan kapag may pagpupulong


sa kanilang kinaaanibang relihiyon.

______2. Igalang ang paniniwala ng iba.

______3. Magbahagi ng kaalaman para sa ikakaunlad ng adhikain ng nakararami.

______4. Hindi nakikilahok sa mga gawaing pampaaralan.

______5. Nakikiisa sa mga gawain ng barangay ng di bukal sa kalooban.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

You might also like