You are on page 1of 4

Colegio San Agustin BANGHAY NG PAMPAGKATUTO

Grade School Departmen Filipino 5


Taon Panuruan 2019-2020 Unang Termino
PAKSA: Oryentasyon at Pre- Assesment
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Pamantayan sa
Naipamamalas ang kakayahan Nakapagbibigay ng sariling Pagpapahalaga
sa mapanuring pakikinig at pamagat para sa Natagpuan natin kay Kristo ang
pag-unawa sa napakinggan napakinggang kuwento at katotohanang ating hinahanp-
pagsasagawa ng roundtable hanap”
na pag-uusap tungkol sa isyu
o

Mga Nilalaman Mga Kasanayan


Malalaman ng mga mag-aaral Magiging bihasa ang mga mag-aaral Pagpapahalagang Agustino
ang… na…
 Makasusunod sa mga
1. Oryentasyon sa Asignatura gawaing pang asignatura “Magpakitang interes at
2. Pre-assessment  Maipakikilala ang sarili kasigasigan sa pag-aaral”
3. Balik- aral sa mga gamit ang wikang Filipino
pamantayan sa pagsulat  Makagagawa ng mithiin
ng sulatin at aklatang ulat. para sa taon.

Panahon: 6 na araw Petsa ng Pagpapatupad: Hunyo 21-28,2019


Mga Pampagkatutong Karanasan
Unang Araw: Kahalagahan ng Asignatura at Mithiin sa Termino
Learning Target/s
Magagawa ng mga mag-aaral na…
Makasunod sa mga gawain at pamantayan sa asignatura.
Makagawa ng sariling mithiin para sa taon.

A. Panimulang Gawain: Panalangin,Pag-uulat ng Pagdalo

B. Pagganyak
Simple Survey (Traffic Lights)= BERDE- gusto, DILAW- ok lang, PULA- Ayaw

Tanong: Ano ang nararamdaman mo kapag asignaturang Filipino na? (traffic lights)
- Ipaliwanag ang sagot.

C. Paglinang na Gawain
- Pagbibigay kahulugan sa salitang Filipino-
- Pagtukoy sa kahalagahan ng Filipino bilang asignatura.
a. Bakit mahalagang pag-aralan ang Filipino sa paaralan- DYAD?
b. Pagbabahagi ng piling DYAD sa klase.

Pagpapahalaga: Paano mo mapapahalagahan ang asignaturang Filipino?

D. Pangwakas na Gawain:
Pagbuo ng mithiin na magiging gabay para sa termino sa cover page ng notbuk.

Puna:

Ikalawa at Ikatlong Araw: Gawaing Pangasignatura at Pamantayan


Learning Target/s
Magagawa ng mga mag-aaral na …

Magamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at paglalahad ng sariling karanasan

A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin , Pag-uulat ng Pagdalo
B. Panlinang na Gawain
1. Pagpapakilala ng bawat sarili. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng guro ng pagkakataong
pumili ng iba’t ibang kendi, at sa bawat kendi na makukuha ng mag-aaral ay may
nakalaang tanong upang makatulong sa kanilang pagpapakilala ng kanilang sarili.
2. Pagbibigay kahulugan ng mga mag-aaral sa mga kasabihan ni Dr. Jose Rizal.

Tanong: Ano ang pahiwatig ng kasabihang ito ni Dr. Rizal?


Sa paanong paraan magiging pag-asa ng bayan ang kabataan?
Ilan sa mga mag-aaral ang sumasangayon o di sumasang ayon dito Magbigay ng ilang
halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan.

Tanong: Bakit inihambing ni Dr. Rizal ang isang taong hindi nagmamahal sa sariling wika sa
isang hayop o malansang isda?
Bakit importante ang pagmamahal ng isang tao sa kanilang wika?
3. Paglalahad ng mga inaasahan sa asignaturang Filipino
4. Pagsasabi ng mga patakaran ng guro patungkol sa displina bago, habang at matapos
ang oras ng
asignatura
4. Pag-iisa-isa sa mga kahingian ng bawat termino.
5.Pagbibigay ng oryentasyon sa mga ss:
a. Adhikain ng CSA-Makati
b. Pang-araw-araw na panalangin
c. Daloy o sistema ng klase (Astig Ka Pinoy, munting guro, Sipat Kultura at pagpasa ng
papel atbp.)
d. Sistema ng Pagmamarka
C. Pangwakas na Gawain:
Pagbabahagi ng sariling ambag:
Ano ang aking magiging ambag sa pagpapaunlad ng Wika at kulturang Filipino sa aking
paaralan?
Puna:

Ikaapat Araw: Pre- Assesment ng Wikahon


Learning Target/s
Magagawa ng mga mag-aaral na…
Matukoy ang lebel ng kasanayan sa Wikahon
A. Panimulang Gawain:Panalangin, Pag-uulat ng Pagdalo, Astig Ka Pinoy

B. Pangganyak:
Pagtukoy sa bagay na nilalarawan. ( Wikahon)
- Ito ay talahanayan ng mga babasahin.
- Hugis parisusat ang labas at parihaba ang nasa loob.
- Ginagawa ng mag isa sa klase

C. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad ng mga pamantayan sa paggamit ng wikahon.
2. Pagtalakay sa gamit ng sagutan ng wikahon
3. Pagsagot sa pre-assesment
4. Pagtukoy sa lebel na angkop simulan ng mag-aaral

D. Pangwakas na Gawain:
Pagbibigay ng damdamin matapos malaman ang kanilang lebel sa wikahon.

Puna:

Ikalimang Araw: Pre- assessment sa Filipino (Aralinks)


Learning Target/s
Magagawa ng mga mag-aaral na…
Mataya ang kaalaman sa asignaturang Filipino.

A. Panimulang Gawain:Panalangin, Pag-uulat ng Pagdalo, Astig Ka Pinoy

B. Pagganyak:
Pagbigkas ng Tugma: Sampung Palaka

C. Panlinang na Gawain:
1. Pagbabalik aral sa mga pamantayan sa paggamit ng aralinks.
2. Pagbibigay linaw ng gawain sa mga mag-aaral.
3. Pagsagot ng pre- assessment test.

D. Pangwakas na Gawain
DYORNAL 1:
Nahirapan ako sa_________________________. Ang gagawin ko para mapagbuti ko ito ay
__________________.

Puna:

Ikaanim na Araw: Pagbabalik Aral sa gamit ng Sulatin

Learning Target/s
Magagawa ng mga mag-aaral na…
Maiugnay ang sariling karanasan sa napanood na bidyo
A. Panimulang Gawain:Panalangin, Pag-uulat ng Pagdalo, Astig Ka Pinoy
B. Pagganyak:
Pagpapanuod ng bidyo balita tungkol sa mga mag-aaral na humaharap sa mga
pagsubok para makapag-aral lamang.

C. Panlinang na Gawain:
1. Pangkatang Gawain: (Roundtable Discussion)
- Pagtalakay sa napanuod na bidyo
2. Pagbabahagi sa klase ng natalakay.
3. Pagiisa- isa sa mga hakbang sa proseso ng pagsulat ng sanaysay (Bagyuhang Utak,
Impormal na burador, Pormal na burador at Pinal na burador.)

D. Pangwakas na Gawain
Pagsulat: KUNG AKO….
Kung ako ang mag-aaral sa bidyo, papasok pa ba ko sa ganoong kalagayan? Bakit?

_______________________________________________________________________

Puna

You might also like