You are on page 1of 13

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

IKATLONG MARKAHAN
IKAAPAT NA LINGGO

I. LAYUNIN
Natatalakay ang kahalagahan ng pagtulad sa mga mabubuting katangian na
naging susi sa pagtatagumpay ng mga Pilipino.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang
pamayanan.

B. Pamantayan sa pagganap
Naipakikita ang tunay na paghanga at pagmamalaki sa mga sakripisyong ginawa
ng mga Pilipino.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa
pagtatagumpay ng mga Pilipino.

II. NILALAMAN
Paksang Aralin: Pagbibigay halaga sa Pagtulad sa mga Mabubuting Katangian na
naging Susi sa Pagtatagumpay ng mga Pilipino

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: EsP-CG pahina 84
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo: Gabay sa Pagpapakatao pahina

III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Isasagawa sa pamamagitan ng isang laro.

Laro: EXAMO
a. Ang guro ay tatawag ng mag-aaral dala ang kanyang metacard na may
tanong na sa likod nito ay nakasulat ang tamang sagot.
b. Babasahin ng mag-aaral ang tanong sa klase at kung sino ang maunang
makasagot ng tama ay sya naman ang kasunod na magtatanong.
c. Ang bawat tanong ay malayang ginawa ng mga mag-aaral ayon sa natutunan
sa nakaraang leksyon.
Halimbawa ng mga tanong:
a. .Sino ang sikat at matagumpay na boksingero at nakapanalo nan g
ilang world title?
b. Sino ang tinaguriang Miss Universe 2015?
c. Bakit naging tanyag na mang-aawit at aktres si Lea Salonga?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Dapat tularan ang magagandang katangian ng mga Pilipinong nagkamit ng
tagumpay at maging inspirasyon sila para sa sarili mong tagumpay kaya’t dapat sa sarili
ito ay simulan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Gawain: “Talent Mo…I-Show Mo…”


a. Tatawag ang guro ng mag-aaral na may angking talento sa pag-awit, pagsayaw
o pagtula
b. Ipapakita ng mag-aaral na napili ng guro ang kanyang talent.
c. Itanong: Sino ang idolo mo sa pag-awit, pagsayaw o pagtula.
Halimbawa ng mga larawan: Lea Salonga, Manny Pacquiao, Liza Macuja, Pia
Wurtzbach at iba pa.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ang mga katangian ng mga Pilipinong nagtagumpay sa iba’t-ibang larangan ay
dapat nating tularan upang ito ay maging susi natin sa ating mga sariling tagumpay na
makakatulong sa pag-unlad di lamang sa sarili gayundin sa bayan.

1. Simulan ang aralin sa pagpapabasa ng isang kwentong pinamagatang “Mga


Susi ng Tagumpay” tungkol sa mga mabubuting katangian na dapat tularan
upang magtagumpay .

2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:


a. Ilarawan si Nina nang Makita nina Chris?
b. Sino ang gusto niyang tularan?
c. Ano-anong katangian at pagpapahalaga ang naging susi ng
pagtatagumpay ni Liza Macuja-Elizalde?
d. Ayon sa kanilang nabasa tungkol sa magagaling at matatagumpay na
Pilipino, ano-anong mga magkakatulad na katangian at pagpapahalaga ang
naging susi ng kanilang tagumpay?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


a. Maghanda ang guro ng “strips” na may nakasulat na iba’t ibang katangian ng
mga Plipinong nagtagumpay na dapat tularan.
b. Ilagay ito sa isang lalagyan tulad ng kahon.

Gawain: “Hugutin Mo..Iakto Mo..” (Charade)

1. Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.


2. Pumili ang bawat pangkat ng isang actor na syang mag-aakto sa unahan.
3. Bigyan ng 30-segundo ang lahat na mahulaan ang katangiang ipinakikita ng
aktor na napili ng bawat pangkat at kung sino ang pinakamabilis na
makapagbigay ng tamang sagot ay makakatamo ng puntos.
4. Ang nakapagbigay ng tamang sagot ang magiging kasunod na magpapahula sa
unahan.
5. Magbigay ang guro ng hudyat ng panimula sa pagsasabi ng “ Hugot Mo..Iakto
Mo” at ditto magsisimiula ang pagbilang ng oras ng paghula ng ibang pangkat.

Tanong: Anong katangian sa ipinakita ninyo ang angkin mo na? Sa mga nabanggit alin
ang nais mong tularan upang mas higit mo pang malinang ang iyong mga katangian?

F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: “Talk from HEART”


Panuto: Buoin ang sumusunod. Isulat ang sagot isang kwaderno. (Cattleya notebook)
a. Alam kong makatutulong sa aking pagtatagumpay ang mga katangiang ito.
Nararapat lamang na simulan ko nang gawin ang

b. Malilinang ko ang mga katangiang ito sa iba’t ibang paraan tulag ng


G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- araw na buhay

Gawain: “DOBLE CHARA KO”


a. Gumawa ng isang linggong tala ng iyong mga ginawa upang malinang mo
ang magagandang katangian ng taong iyong hinahangaan.
b. Punan ang tsart na nakasulat sa ½ index card.
c. Maging matapat sa gawaing nakatakda sa buong linggo.

Mga Katangiang Sinikap


Araw na Tularan Ang Ginawa Ko

H. Paglalahat ng Aralin

Panuto: Punan ang loob graphic organizer ang mga katangiang dapat tularan sa mga
Pilipinong nagtagumpay. Isagawa ito sa pamamagitan ng “concentration game”.

Mga Katagiang
Dapat Tularan
para
Magtagumpay
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong 3-5 pangungusap lamang.

1. Ano ang mangyayari sa isang tao na tinutularan ang magagandang katangian ng


ibang tao tulad ng kasipagan at pagiging mapananagutan o responsable?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________________

2. Mahalaga ba ang isang tao ng huwaran? Bakit?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________________

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Panuto: Magsaliksik tungkol sa isang matagumpay na Pilipinong ibig mong tularan.


Itala ang kanyang mga katangian na naging susi ng kanyang tagumpay.

Nais kong tularan si___________________________________________________.


Ang kanyang mga
katangian:_____________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_______________________________________________

2. Suriin ang mga katangiang napili mong tularan. Isulat ang mga katangian niya na
katangian mo rin.
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga estratihiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
IKATLONG MARKAHAN (Week 4)

I. LAYUNIN
Natatalakay ang kahalagahan ng pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa
bayan ng mga nagtagumpay na Pilipino.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang
pamayanan.

B. Pamantayan sa pagganap
Naipakikita ang tunay na paghanga at pagmamalaki sa mga sakripisyong ginawa
ng mga Pilipino.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa
pamamagitan ng kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa
bayan.

II. NILALAMAN
Paksang Aralin: Pagbibigay halaga sa Pagsasakripisyo at Pagbibigay ng Sarili sa bayan
ng Matagumpay na Pilipino

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: EsP-CG pahina 84 ng 153
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo: Gabay sa Pagpapakatao pahina 221-222

III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Isasagawa sa pamamagitan ng isang laro.


Laro: Pass the Magic Box
d. Ang guro ay magpapatunog ng isang masiglang awitin habang ipinapasa ang
magic box na may lamang mga tanong tungkol sa nakaraang aralin.
e. Kung sino ang huling nakahawak ng magic box sa paghinto ng tugtog ay
bubunot ng isang tanong sa loob ng magic box at sya ang sasagot ng tanong.
Halimbawa ng mga tanong:
d. Anu-ano ang mga katangian ng mga Pilipinong nagtagumpay sa iba’t-
ibang larangan.
e. Paano nila ipinakikita sa kapwa ang pagtatagumpay?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili ay nakatutulong sa pag-unlad ng
ating bayan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Gawain: “You Face Sounds Familiar”


d. Magpapakita ang guro ng kalahati ng larawan ng mga Pilipinong nagtagumpay
sa kabila ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili sa bayan.
e. Pahuhulaan sa mga bata kung sino ito.
f. Ibibigay ang ginupit na kalahating larawan sa batang nakasagot at ididikit ito
upang mabuo ang larawan.
Halimbawa ng mga larawan: Lea Salonga, Manny Pacquiao, Liza Macuja, Pia
Wurtzbach at iba pa.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan ay tumutukoy sa mga
bagay na ginawa ng isang tao na nakatulong sa pag-unlad ng bayan, tulad ng
paglalaan ng oras, pagbabahagi ng talento at maging pagbubuwis ng buhay.

3. Simulan ang aralin sa pagpapabasa ng isang kwentong pinamagatang


“Tagumpay Nila, Karangalan ng Bayan” tungkol sa pagsasakripisyo at
pagbibigay ng sarili sa bayan.

4. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:


a. Tungkol saan ang artikulo sa magasin na tiningnan nila ayon sa kwento?

b. Isa-isahin ang matatagumpay na Pilipinong nilalamn ng magasin. Sabihin


kung saang larangan sila nagging magaling at matagumpay?
Matatagumpay na Filipino Larangan ng Tagumpay

3. Talakayin ang kwento sa malalim na pakahulugan. Bigyang-diin ang mga


pagpapahalaga na nabasa sa kwento. Bigyang pokus ang pagpapakita ng
pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan. Itanim sa kaisipan ng mga mag-
aaral na mga gawin upang makapagbahagi ng sarili para sa pag-unlad ng bayan.
Magbigay pa ng mga halimbawa na kung saan ay makapagbahagi ka ng sarili para sa
bayan at pagsasakrispisyo hindi lamang sa paraan ng pagbubuwis ng buhay para sa
bayan, gayundin ang pagbabahagi ng talento, oras at kakayahan upang umunlad ang
bayan.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain: Ikaw at Ako…Magtulungan Tayo..


a. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.
b. Bigyan ng activity cards ang bawat pangkat.
c. Pumili ng lider ang bawat pangkat.
d. Isagawa ito sa loob ng 3-5 minuto lamang.
Pangkat 1 - Magsasadula ng isang gawaing nagpapakita ng
pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili sa bayan.
Pangkat 2 - Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng
pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan
Pangkat 3 - Idikit ang mga larawan na nasa loob ng “envelop” sa
Manila paper at sa tapat nito ay ibigay ang dahilan kung bakit siya
nagtagumpay.
Pangkat 4 - Buuin ang puzzle at ipaliwanag kung ito ay pagsasakripisyo
at pagbibigay ng sarili para sa bayan o para sa sariling kapakanan
lamang.
Tanong: Bilang mag-aaral, paano ninyo maipapakita ang pagsasakripisyo at
pagbibigay ng sarili para sa bayan sa pamamagitan ng pangkatang gawain?

F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: Survey Ko…Iulat Mo…


Gumawa ng survey. Itanong sa iyong mga kamag-aral kung sino ang itinuturing
nilang matagumpay na Pilipino na nagbigay ng sarili para sa bayan. Itanong din kung
bakit ito ang pinili nila. Pagkatapos, piliin ang tatlong pangalan na may pinakamaraming
pumili. Igawa ito ng ulat at ilahad sa klase kung bakit sila itinuturing ng nakararami na
magagaling at magtatagumpay na Pilipino.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- araw na buhay

Gawain: “That’s My Idol”

Sa mga magagaling at matatagumpay na Pilipinong nagsakripisyo at nagbigay


ng sarili para sa bayan na kilala mo, sino ang nais mong tularan? Bakit? Idikit
ang kanyang larawan sa kahon at isulat ang iyong sagot.
H. Paglalahat ng Aralin

a. Ano ang kahalagahan ng pagsasakripisyo para sa bayan? Pagbibigay ng sarili


para sa bayan?

b. Magbigay ng mga halimbawa ng pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para


sa bayan.

c. Sinu-sino ang mga matagumpay na Pilipinong nagsakripisyo at nagbigay ng


sarili para sa ating bayan?

d. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagsasakripisyo at pagbibigay


ng sarili para sa ating bayan?

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung tama ang isinasaad ng pangungusap
at Mali kung hindi.
________1. Ang pagpapahalaga sa magagaling at matatagumpay na Pilipino ay
maipakikita sa maraming paraan.

________2. Magbasa tungkol sa kanilang buhay upang malaman ang mga katangiang
nagging susi ng tagumpay.

________3. Huwag ng alamin ang mga katangiang nagging susi ng tagumpay ng


matatagumpay na Pilipino.

________4. Mainam na gawing huwaran ang magagaling at matatagumpay na Pilipino


at pagsikapang makamit ang mga katangiang taglay nila.
________5. Gawing batayan sa paghanga ang katanyagan lamang ang matatagumpay
na Pilipino at hindi ang kagalingan nila sa kanilang larangan o propesyon.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Panuto: Magsaliksik ng mga Pilipinong nagtagumpay sa kasalukuyang panahon na


nagsakripisyo at nagbigay ng sarili para sa bayan sa iba’t-ibang larangan.

1. Gumupit ng mga larawan ng mga ito.


2. Idikit ang mga ito sa kwaderno.
3. Itala ang mga dahilanng kanilang pagtatagumpay.

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga estratihiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

You might also like