You are on page 1of 9

Gabay sa Pagtuturo

Modyul 16: HALAGA NG PAG-AARAL PARA SA PAGNENEGOSYO


O PAGHAHANAPBUHAY!

X. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Natutukoy ang mga sariling kalakasan Nakapagbabalangkas ng plano ng
at kahinaan at nakapagbabalangkas ng paghahanda para sa kursong
mga hakbang upang magamit ang mga akademiko o teknikal-bokasyonal,
kalakasan sa ikabubuti at malagpasan negosyo o hanapbuhay
ang mga kahinaan

Batayang Konsepto: Ang pag-aaral ay naghahasa ng mga kakayahan at


nagbibigay ng kasanayan na mahalaga sa paghahandang pisikal, mental, sosyal
at ispiritwal para sa mundo ng paggawa at sa pagtupad ng bokasyon.

Sa pag-aaral nalilinang ang mga kasanayan, halaga, at talento na makatutulong


sa pagtatagumpay sa napiling hanapbuhay o negosyo.

L. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO


9.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa;
m. Halaga ng Pag-aaral sa Pagnenegosyo o Paghahanapbuhay
n. Ang Merkado sa Paggawa o Labor Market
o. Unemployment at underemployment
p. Epekto ng Kawalan ng Edukasyon sa Pamumuhay sa Lipunan
q. Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pag-aaral
10.1 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
h. Pagtukoy ng mga maaaring maging pag-unlad 10 taon mula
ngayon
i. Pagtukoy ng damdamin at saloobin ng ating pambansang bayani
sa pamamagitan ng pagsusuri ng sanaysay tungkol sa Liham ni
Rizal sa Mga Kababaihan ng Malolos
j. Paggawa ng reaction paper tungkol sa Liham ni Rizal sa Mga
Kababaihan ng Malolos
k. Pagpapalliwanag sa halaga ng pag-aaral
l. Pagsusuri sa kalagayan ng paggawa sa bansa
m. Paggawa ng power point presentation tungkol sa ginawang
panayam

180
n. Pagpapalliwanag ng mga mahahalagang konsepto sa binasang
sanaysay
o. Paghihinuha ng batayang konsepto
p. Pagbubuo ng Study Group

M. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO

1. Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto sa mga Pahina 337.


2. Itanong kung mayroong nais na paglilinaw ang mga mag-aaral.

A. PAUNANG PAGTATAYA
1. Pasagutan ang paunang pagtataya sa mga mag-aaral. Ipasulat ang kanilang
sagot sa kuwaderno.

181
PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
L. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha.
Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin
ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng
nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang
kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.

Mga Hakbang:
1. Pasagutan ang Ako, Sampung Taon Mula Ngayon
2. Ipabasa ang Panuto.

Magpaskil ng tsart ng “Ako, Sampung


Taon Mula Ngayon” at “Ako, Ngayon”
sa pisara.

Ang Aking Trabaho

Anu-ano ang aking mga gawain ? Saan ako nagtratrabaho? Sino-sino ang
mga katrabaho ko? Ako ba ay nasa opisina o lumalabas ng opisina? Ano ang
kalagayan sa aking pinagtratrabahuhan? Ginagamit ko ba ang aking
kasanayan sa paggamit ng lakas, isip, o mga talento?

Ang Aking Natapos na Pag-aaral

Mayroon ba akong titulo sa kolehiyo? Ako ba ay nagpapatuloy sa pag-aaral?


Ako ba ay may karagdagang mga pagsasanay? May mga karagdagan ba
akong kasanayan bukod sa kinakailangan sa aking trabaho? Natupad ko ba
ang aking mithiin sa pag-aaral?

182
Ang Aking Oras sa Paglilibang

Ano ang kinahiiligan kong mga gawain? Mayroon ba akong kasanayang


natutuhan para sa paglilibang? May natamo na ba akong ninanais na gawin
na dati rati’y wala akong panahong gawin? Ako ba ay nagbibiyahe sa ibang
bansa? Sa ibang lugar sa bansa? Ang akin bang tirahan ay may impluwensya
sa uri ng aking paglilibang? Mayroon ba akong panahon sa sarili? Ako ba’y
nakapagbabasa pa ng mga aklat?

Ang Aking Pakikipagkapwa

Paano ako makisama sa ibang tao? May sarili na ba akong pamilya? Ako ba
ay isa nang potensyal na lider? Gusto ba ako ng mga tao? Marami ba akong
kaibigan o iilan lamang? Ako ba ay kasal na? Marunong na ba akong lumutas
ng mga alitan o suliranin sa ugnayan? Gusto ko ba ang makihalubilo sa ibang
tao ? Mas gusto ko ba ang napag-iisa?

3. Pagbuuhin ng dyad ang mga mag-aaral. Hayaan ang mga ito na mamili ng
kanilang makakapareha.
4. Sabihin ang mga alituntunin sa pag-uusap sa isang dyad.
1) Makinig sa nagsasalita. Hintayin ang iyong pagkakataoong magsalita
2) Lahat ng ibabahagi ng kapareha ay opinyon niya kung kaya’t nararapat
na igalang ang mga ito.
3) Huwag lakasan ang boses sa pag-uusap dahil mayroong ibang
magkapareha na nag-uusap din.
5. Ipabahagi sa isa’t isa ang kanilang mga isinulat sa “Ako, Sampung Taon
Mula Ngayon” at “Ako, Ngayon.
6. Pasagutan ang mga tanong sa pahina 8. Ipasulat ang kanilang sagot sa
kuwaderno.

183
M. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
1. Ipabasa ang sanaysay tungkol sa Liham ni Rizal sa Mga Kababaihan ng
Malolos

2. Bigayan sila ng 10 minuto upang basahin ito.


3. Ipaskil ang mga tanong matapos ang itinakdang oras.
4. Ipabasa ang mga tanong.
5. Bigyan sila ng 15 minuto para sagutan ito. Ipasulat ang sagot sa kuwaderno.
6. Basahin

7. Gamitin ang Rubric upang tayain ang reaction paper na ginawa ng mga mag-
aaral.
8. Ipakita ang Rubric sa mga mag-aaral at tiyaking naipaliwanag sa kanila ang
paraang ng pagmamarka bago nila isinagawa ang proyekto.

184
8. Pasagutan ang Gawain 3 sa Pahina 345-346.

Maaring gawing Takdang-


Arallin ang Gawain 3.

9. Ipagawa ang Gawain 4. Maaring gawing library o research day ang araw na
ito.

185
10. Ibigay ang gabay na tanong para sa pagsasaliksik bago sila papuntahin sa
silid-aklatan

Gawin itong pangkatang


proyekto.

11. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Ipagawa sa kanila ang Gawain 5,
panayam sa pahina 346-347.

12. Ipaliwanag na ang nais na makalap na kabuuang impormasyon ay – kung


ano ang kalagayan ng mga manggagawa o empleyado at mga negosyanteng
Pilipino sa bansa kaugnay ng pasahod o kinikita at kasiyahan sa kanyang
mga gawain sa trabaho o negosyong napili. Mahalaga rin na maipaliwanag
ng mga mag-aaral ang naging papel ng pag-aaral o edukasyon sa mga
naging paghahanda ng mga manggagawa, empleyado o negosyanteng
kanilang kakapanayamin.
13. Ipaulat ang mga naging resulta ng panayam sa pamamagitan ng power point
presentation.
14. Gamitin ang Rubric sa Pagtataya ng power Point Presentation para
mabigyan ng kaukulang marka ang ginawang proyekto ng mga bata.

186
N. PAGPAPALALIM
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa
na sa mga mag-aaral bilang Takdang Aralin.

1. Ipagawa ang bahaging Pagpapalalim.


2. Ipabasa ang sanaysay na Halaga ng Pag-aaral sa Paghahanda Para sa
Pagnenegosyo o Paghahanapbuhay sa Pahina 348-356.
3. Pasagutan ang mga tanong tungkol sa binasang sanaysay.

4. Pasagutan ang kakailanganing tanong sa Pahina 27.

187
5. Tumawag ng ilan at ipasulat ang kanilang naging sagot sa pisara.
6. Sa huli’y ipaskil ang inihandang Tsart ng Batayang Konsepto.

O. PAGSASABUHAY

1. Ipabasa ang panuto sa mga mag-aaral.

2. Ipaskil sa pisara ang inhandang halimbawa ng pagsusuri ng mga marka sa


bawat asignatura.
3. Ipaliwanag ang kanilang kailangang gawin.
4. Pasagutan ang bahaging Pagninilay.

Ipabasa sa mga mag-aaral.

Makatutulong kung may nakapaskil na


talaan ng mga paalalang ito sa pisara.

188

You might also like