You are on page 1of 5

I.

MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

 Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga pansariling salik sa
pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikalbokasyonal, negosyo o
hanapbuhay.

 Pagganap
Pamantayan sa Pagganap: Nagtatakda ang mag-aaral ng sariling
tunguhin pagkatapos ng haiskul na naaayon sa taglay na mga talento,
pagpapahalaga, tunguhin at katayuang ekonomiya.
 Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas
ng mag-aaral?
Ang pagiging tugma ng mga pansariling salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at isports, negosyo o hanapbuhay ay daan upang
magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang
pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
bansa.

A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO


KP 13. 1: Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento,
kakayahan at hilig (mula Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing
kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports, negosyo o
hanapbuhay
KP 13.2: Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa
upang mapaunlad ang kanyang talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig,
interes, kasanayan (skills) at mga pagpapahalaga
KP 13.3: Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga pansariling
salik sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong
akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports, negosyo o hanapbuhay ay
daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak
ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
bansa
KP13.4: Natutukoy ang mga paghahandang gagawin upang makamit
ang piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports,
negosyo o hanapbuhay (Hal., pagkuha ng impormasyon at pag-unawa sa
mga tracks sa Senior High School)

B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO


Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 155. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:
13.1 Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kasanayan, hilig, pagpapahalaga,
katayuang pinansiyal at mithiin (mula Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing
kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports, negosyo o hanapbuhay.
13.2 Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang
talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig at mithiin
13.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin.
13.4 Natutukoy ang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling kursong
akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo o hanapbuhay.

II. PAUNANG PAGTATAYA


1. Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 1-10. Bigyan ng sapat na
panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito.

2. Pagkatapos, hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling


papel gamit ang susi sa pagmamarka. Makatutulong din kung
ipakita ng guro sa presentation ang susi sa pagmamarka.

III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO


A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging tuklasin
sa pahina 6.
2. Ipabasa ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto?

3. Makabubuti kung magpapaskil ng mga katulad na larawan sa pisara upang


magamit
sa presentasyon ng mag-aaral ng kanilang sagot. Ipabilang sa mag-aaral ang
kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha
ng
iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas
ang
kamay ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang
kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
4. Ipagawa ang gawain sa loob ng 15 minuto.

B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA


Gawain 1
Mga Hakbang
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa gawain sa bahaging “Paglinang
ng
mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa”. Tiyakin na malinaw ang Panuto sa
lahat. Maging bukas sa mga paglilinaw.
2. Pagawain ang mga mag-aaral ng katulad na pormat na nasa pahina 161. Maaari
itong iguhit o kaya naman ay gumupit ng mga larawan sa magasin.
3. Ipakita sa mga mag-aaral ang halimbawa upang mas maging malinaw para sa
lahat
ang gawain.
4. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong sa pahina 162.

C. PAGPAPALALIM
1. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 163-166. Pagkatapos, magsagawa
ng
pagtalakay mula sa binasa.
2. Ipaskil sa pisara ang mga katagang:

Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin


sa iyo.

3. Tumawag ng isang mag-aaral na magpapaliwanag ng kataga at magbibigay ng


paglalapat na halimbawa.
4. Gamitin ito bilang panimula sa pagtalakay ng mga mahahalagang konsepto sa
babasahin.
5. Tiyakin na mabibigyang-linaw ang lahat ng mga hindi malinaw na konsepto.
D. PAGSASABUHAY
Pagganap
1. Ipagawa ang gawain sa bahaging Pagganap sa pahina 169.
2. Ipasa nang malakas ang panuto at maglaan ng panahon para sa mga paglilinaw.
3. Ipaguhit ang katulad na Dignity Barometer na nasa pahina 169 sa kuwaderno ng
mga
mag-aaral.

4. Batay sa nagging pagtataya ng mga mag-aaral sa bahaging ito ay ipasagot ang


tanong na: “Ano ang aking nararapat na gawin upang maging karapat-dapat sa
pagpapahalaga at paggalang ng aking kapwa?”
5. Ipagawa ang malikhaing presentasyon ng gawain. Ipakita sa pisara ang
halimbawa na nasa pahina 169.

Pagninilay
1. Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa:
a. Kanilang mga natutuhan tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad ng kapwa
b. Mga paraan upang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapwa
c. Mga dapat na gawin bilang taong may dignidad
d. Mga dapat iwasan bilang taong may dignidad
2. Maaaring gamitin ang katulad na pormat na nasa pahina 170. Ipagawa ito sa kanilang
kuwaderno.

Ipinasa kay: Inihanda ni:

MARIA JOY J. ELIZAN


Master Teacher I HARVEY C. PIOQUINTO
EsP Teacher -1

NOEL B. CANALES
Principal IV

You might also like