Professional Documents
Culture Documents
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga pansariling salik sa pagpili ng
tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nagtatakda ang mag-aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng haiskul na naaayon sa
taglay na mga talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang ekonomiya.
II. NILALAMAN
A. PAKSA: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay
1. Talento
2. Kasanayan (skills)
3. Hilig
4. Pagpapahalaga –(service to and love of country)
5. Katayuang pinansyal
6. Mithiin
KBI: Maging masipag at matiyaga upang maabot ang mga pangarap sa buhay.
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagsasanay
Gawain: Magbigay ng isang paghahandang gagawin upang makamit ang
piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo.
(Hal., pagkuha ng impormasyon at pag-unawa sa mga tracks sa Senior High
School).
2. Balik-aral
Gawain: Sa mga nakilala mong taong matagumpay sa buhay, ballikan ang
kanilang mga hakbang upang makamit ang kanilang pangarap. Ano kaya ang mga
ginawa nilang paghahanda upang magtagumpay sa buhay?
3. Paghahanda/ Pagganyak
Gawain: Tingnan ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
Mga Tanong:
1. Kilala mo ba siya? Ano ang pangalan niya?
2. Ano ang talento, hilig, o kasanayan mayroon si Vice Ganda?
3. Nagamit ba niya ang kaniyang talento, hilig, o kasanayan sa kanyang
napiling trabaho upang magtagumpay?
4. Anong mga paghahanda ang ginawa ni Vice Ganda upang maging
matagumpay na “TV Host/Comedian”.
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Gawain
Pangkatang Gawain: Sumulat ng mga paghahandang gagawin upang makamit
ang mga sumusunod na trabaho.
Pangkat 1: Maging isang ganap na Guro
Pangkat 2: Maging isang ganap na Doktor
Pangkat 3: Maging isang ganap na Welder
Pangkat 4: Maging isang ganap na Negosyante
Pangkat 5: Maging isang ganap na Manager ng Bangko
2. Pagsusuri
Gawain: Batay sa ginawang paglilista sa mga paghahandang gagawin upang
makamit ang napiling kurso o trabaho, anu-anong mga hakbang ang maaaring
magamit mo ngayon upang makapili ka ng kursong tutugma para sa Senior High
School at kolehiyo?
C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Paghahalaw
Gawain: Isulat sa loob ng kahon ang mga magandang maidudulot ng
pagtutugma ng mga pansariling salik sa napiling track o kursong akademik, teknikal-
bokasyonal, negosyo, sining at disenyo, at isports.
2. Paglalapat
Tanong: Bilang isang mag-aaral sa Baitang 9, paano mo paghahandaan ang
pagkamit ng iyong mga napiling kurso o trabaho?
3. Paglalahat
Tanong: Bakit mahalagang paghandaan ang pagpili ng kursong akademik,
teknikal-bokasyonal, negosyo, sining at disenyo at isports? Anu-anong mga
paghahanda ang pwedeng gamitin bago pumili ng tamang kurso o trabaho?
4. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung ang hakbang ng paghahanda upang makamit ang
piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo ay
TAMA o HINDI. IIsulat ang salitang TAMA kung ang hakbang ay tama at HINDI kung
ang hakbang ay mali.
1. Pagkuha ng impormasyon sa mga tracks ng Senior High School
2. Pag-unawa sa mga tracks ng Senior High School
3. Iwasan ang mga payo ng magulang o guro
4. Hasain ang talento o kasanayan para sa napiling kurso o trabaho
5. Gumawa ng profile ng mga trabaho o kursong hindi gusto
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Ilista sa kuwaderno ang iyong misyon/pangarap sa buhay.
VII. PAGNINILAY