You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang kahalagahan ng kagalingan sa paggawa.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakatatapos ang mag-aaral ng isang gawain o produkto na mayroong
kalidad o kagalingan sa paggawa.
C. MGA KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO
Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ang
isang gawain o produkto.
EsP9KP-IIIg-10.1

II. NILALAMAN
A. PAKSA: Kagalingan sa Paggawa
KBI:
KBI: Linangin at isabuhay ang kagalingan sa paggawa.

III. KAGAMITAN SA PAGKATUTO


A. SANGGUNIAN:
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral; p. 147-151
Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay sa Pagtuturo; p. 82-83
B. IBA PANG KAGAMITAN:
Slide deck presentation, https://gadgets.ndtv.com/apple-iphone-5c-1027,
http://historyofkaraoke.blogspot.com/2014/02/who-is-roberto-del-rosario.html,
https://csuitemind.com/biography/show/angel-alcala/

IV. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagsasanay

Ano ito?
Ano-ano ang palatandaan o indikasyon na may kagalingan ang isang
produkto?
Ano-ano naman ang mga indikasyon na may kagalingan ang isang
serbisyo o paggawa?
2. Balik-aral
Sagutin ang Paunang Pagtataya sa p. 148-150 upang mataya ang mga
dating kaalaman lalo na sa nilalaman ng aralin.
3. Paghahanda/ Pagganyak

Kilala niyo ang mga taong ito?


Alam niyo ba kung ano ang kanilang naimbento?
Ano-ano kaya ang taglay nilang mga katangian upang makabuo ng
ganitong mga imbensyon?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Gawain
Suriin kung tinataglay ang mga palatandaan sa p. 150-151.
Lagyan ng tsek (√) ang angkop na kolum.
Pagkatapos, bilangin ang kabuuang iskor sa bawat kolum.
Tingnan ang interpretasyon ng iskor sa p. 151.

2. Pagsusuri
Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili pagkatapos mong sagutan ang
tseklis?
Ipaliwanag.
Sa kabuuan, masasabi mo bang may kalidad ang iyong paraan sa
paggawa?
Patunayan.

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1. Paghahalaw
Pangkatang Gawain:
Maglista ng 3 o higit pa ng mga indikasyon na may kalidad o kagalingan
sa paggawa ang isang gawain o produkto.

2. Paglalapat
Sa inyong mga output/proyekto sa paaralan, masasabi mo bang may
kalidad ang iyong paraan sa paggawa?
Patunayan.

3. Paglalahat
Ano-anong mga kasanayan ang kailangan sa paggawa ng may kalidad.
Bakit mahalagang ang kalidad o kagalingan sa paggawa?

4. Pagtataya
Tukuyin ang sumusunod kung ito ba ay indikasyon na may kalidad o
kagalingan sa paggawa ang isang gawain o produkto.
Isulat ang Oo kung may kalidad o kagalingan sa paggawa at Hindi kung
hindi.
1. Nakatatangap ng mga papuri o parangal mula sa mga indibidwal o
mga organisayon na namamahala ukol sa kalidad.
2. Hindi tinanggap ng mga konsyumer at hindi nasiyahn sa paggamit.
3. Ginawa sa hindi de kalidad na mga proseso.
4. Dinisenyo ang gawain o produkto ayon sa isang layuning
makabubuti sa tao.
5. Ang bawat produkto ay nakadetalye sa isang standard of procedure.

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik kung paano ginagawa ang isang moron. Isulat ito sa kuwaderno.

VI. MGA TALA

VII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya: _______


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation:______
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin: _______
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation: _______
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong? ________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punong-
guro at superbisor?: _______________
G. Anong kagamitang panturo ang aking naidibuho na nais kung ibahagi sa mga
kapwa guro: _____________________

You might also like