You are on page 1of 8

Department of Education

National Capital Region

8
SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 10:
Pagpapaliwanag sa mga Hakbang
ng Paggawa ng Pananaliksik

May-akda: Rassel M. Gregorio


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.
 Aralin –Pagpapaliwanag sa mga Hakbang sa Paggawa
ng Pananaliksik

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. napagbabalik-aralan ang pananaliksik;
B. naiisa-isa ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik
ayon sa binasang datos; at
C. naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng
pananaliksik ayon sa binasang datos

Subukin
Bago ka magpatuloy, magbigay ng ilang hinuha sa sitwasyon na nasa
ibaba. Isulat sa iyong papel ang mga bilang na nagpapaliwanag sa
kahulugan ng pananaliksik.
1. Sistematikong pagbabalangkas na isinasaayos sa paraang arbitraryo
2. Isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t
ibang teknik at pamamaraan.
3. Paraan ng pakikipag-usap tungo sa kanilang pagkakaunawaan.
4. Pagtuklas at pagsubok sa isang teorya para sa paglutas ng isang
suliranin.
5. Maka-agham na pagsisiyasat ng penomena, ideya, konsepto, isyu at mga
bagay na dapat bigyang linaw, patunay at pasubali.

Pagpapaliwanag sa mga Hakbang


Aralin sa Paggawa ng Pananaliksik

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapaliwanag sa mga


hakbang sa paggawa ng pananaliksik. Malilinang ito kung maisasagawa mo
nang matapat ang mga gawain.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan
Magbalik-aral ka tungkol pananaliksik. Magtala ng mga salitang
maiuugnay sa loob ng gitnang bilog.

Tuklasin
A. Panimula

Alam kong marami kang gustong mapag-aralan sa mga bagay-bagay.


Gusto mo bang makapaglathala ng isang magasin na nagpapakilala sa ating
bansa tungo sa ibang bansa, ano ang iyong ilalagay? Ano kaya ang
nadarama ng nakagagawa nito? Ibahagi ang iyong sagot sa hiwalay na
papel.

B. Pagbasa
Basahin mo ang akda sa ibaba nang may pag-unawa at pagkaraan ay
sagutin ang mga tanong na inihanda.

TATLONG LANDAS NG WIKA


ni Rassel M. Gregorio

Ang bayaning Gat. Jose Rizal ay siyang nagpagunita kung anong


kahalagahan ng wika sa ating nilikha wika niya, “Ang wika ang siyang diwa
ng bayan.” Ang unang dapat usisain bakit naging Filipino ang pambansang
wika ng Pilipinas?

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa 1935 kumbensyon konstitusyonal, isang wikang batay sa isa sa
mga katutubong wika ng Pilipinas ang ating naging wikang pambansa.
Nakapagtatakang isipin na sa daming edukadong ang dila’y Peninsulares at
mapuputing kano ay nauwi tayo sa Filipino samantalang sakop ang
Pilipinas ng mga Amerikanong ng mga panahong ito. Matalik na ugnayan
sana sa Espanya at mga bansang sa Amerika Latina ang ating tinatamasa
kung Espanyol ang napiling pambansang wika. Hindi kaya naman wala na
sana tayong problemang pinag-uusapan kung Ingles naman, ngunit
pinagtibay nila ang pagbuo ng wikang pambansang nakabatay sa isang
katutubong wika ng Pilipinas.
Ang Wikang Filipino’y may dalawang gampanin: Una, bilang buklod
ng pambansang pagkakaisa. Pangalawa, bilang sagisag ng pambansang
pagkakakilanlan. Tulad ng winika ni Gat. Jose Rizal “Ang wika ay siyang
diwa ng bayan” kaya mapapalad tayong mga Pilipino may sariling wika.
“Matagal na tayong nag-i-Ingles, umuunlad na ba tayo?”-Cesario Y. Torres
Kaugnay ng mga datos at pagtutol narito naman ang mga dahilan
kung bakit natin ito kailangang ipaglaban. Una, ilang mga batang Pilipino
nga ba ang nakakatapos ng kanilang pag-aaral sa elementarya, sekondarya,
at kolehiyo? Ayon sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon sa sampung
batang pumapasok sa elementarya anim lamang sa kanila ang nakatatapos,
apat ang nakatatapak sa mataas na paaralan at dalawa ang
nakapagkokolehiyo.
Halaw sa May Tatlong Landas ang Wika
https://macopalicious.wordpress.com/

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik?


2. Ano sa tingin mo ang makatutulong upang maging maayos ang iyong
pananaliksik?
3. Ano ang napansin mo sa mga nakapaloob sa panipi?
4. Gaano kahalaga ang paggamit ng mga panaklong sa paggawa ng
pananaliksik?
5. Kung sakaling susulat ka ng pananaliksik, ano kayang paksa ang iyong
tatalakayin at bakit?
6. Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipan. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.
“ Ang wika ang siyang diwa ng bayan”.
“Ang wika ay siyang diwa ng bayan”
“Matagal na tayong nag-i-Ingles, umuunlad na ba tayo?”

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin
Ang mga salitang sistematiko at siyentipikong proseso ng
pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng
mga datos tungo sa paglutas ng mga suliranin ay nagpapakahulugan sa
salitang pananaliksik.
Isinasaalang-alang ng isang mananaliksik ang mga hakbang sa
paggawa ng pananaliksik tulad ng sumusunod:
1. Tiyak ang paksa
2. Hanapin ang sanligang impormasyon
3. Gumamit ng indeks kard
4. Maghanap ng karagdagang impromasyon gamit ang internet
5. Isa-isahin ang mga ginamit na sanggunian
6. Isulat ang pinagmulan ng impormasyon
7. Gumawa ng personal na pananaliksik
8. Paggawa ng burador or Draft
9. Kung ano ang isinusulat, ikaw ang nililikha

Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kaalaman, Magbasa ka


ng isang artikulo tungkol sa isa sa mga suliraning kinahaharap ng ating
bansa. Ilista mo ang mga mahahalagang paksa na tinalakay rito. Isulat mo
rin ang mga patunay o sanggunian na ginamit ng manunulat at magsaliksik
tungkol dito. Gawin ito sa tulong ng iyong mga kasama sa bahay o kaya
naman ay mga kaibigang mapagkakatiwalaan sa social media.

Pamantayan Puntos Puna ng Guro


Naisa-isa ang mga mahahalagang 5
impormasyon sa binasang artikulo
Nakalap ang mga batayang ginamit 3
sa artikulo
Naipaliwanag ang kahalagahan ng 2
mga batayang ginamit sa artikulo.
KABUOAN 10

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip
Pag-aralan ang diyagram na nasa ibaba. Bumuo ng isang
pangungusap na lalagom sa mga pahayag o salita na nasa diyagram.

Isagawa
Maghanap ka ng isang babasahin o artikulo mula sa mga
pahayagan. Pumili ka ng isa sa mga paksa na bibigyan mo ng suri ayon
sa mga naging hakbang nito upang mabuo ito bilang isang artikulo.
Idikit mo sa isang bond paper ang napili mong artikulo at punan ang
mga dapat hanapin mula rito.

1. Paksa -
2. Pinagmulan ng Impormasyon –
3. Mga Ginamit na Sanggunian –
4. Nilalaman ng Pananaliksik –
5. Saysay ng Pananaliksik –

Pamantayan sa Pagmamarka:

Mga Pamantayan Puntos Puntos


sa Sarili ng Guro

Kompleto ang impormasyong hinihingi at wasto


ang mga ito.

Maayos at may kaisahan ang mga pangungusap.

Malinaw at akma ang mga terminong ginamit

Kabuoang Puntos

5- Napakahusay 2- Di-mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang Di-mahusay
3- Katamtaman

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, susukatin
natin ang iyong natutuhan. Pumili ng isa sa mga sumusunod:

1. Basahin ang pananaliksik na “Tatlong Landas ng Wika na nasa


pahina 3 at 4 ng modyul na ito. Unawaing mabuti ang binasa
pagkaraan ay ipaliwanag sa isang buong short bond paper ang mga
habang na ginamit sa paggawa ng pananaliksik. Gamitin ang rubrik
sa bahaging Isagawa ng modyul na ito.

2. Puntahan ang link na ito https://macopalicious.wordpress.com/.


Basahing mabuti at pagkaraan ay ipaliwanag gamit ang microsoft
word ang mga hakbang na ginamit sa paggawa ng pananaliksik.
Gamitin ang rubrik sa bahaging Isagawa ng modyul na ito.

Karagdagang Gawain

Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Gawin ang isa sa mga
gawain na nasa ibaba. Pumili lamang ng isa.
1. Umisip ng isang suliranin na kinakaharap ng iyong barangay.
Ipaliwanag ang mga hakbang na gagamitin sa harap ng klase online
gamit ang messenger o anomang social media platform. Gamitin ang
rubrik sa bahaging ISAGAWA ng modyul na ito.

2. Lumikha ng simpleng word presentation kaugnay sa isang


suliraning kinakaharap ng iyong barangay. Lagyan ng mga patunay
at pasubali ang nasabing pananaliksik. Gamitin ang rubrik sa
bahaging ISAGAWA ng modyul na ito.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa ating talakayan.


Binabati kita! Sige, hanggang sa muli!

Susi ng Pagwawasto

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rassel M. Gregorio (Guro, SNNHS)


Mga Editor: Maru U. Panganiban (Guro, JDPNHS)
Perlita Ponsal (Guro, BNHS)
Daniel De Guzman (Guro, SRNHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like