You are on page 1of 8

Department of Education

National Capital Region

8
SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 11:
Pagsulat ng isang Sulatin o Akda
Gamit ang Awtentikong Datos at Resulta
ng Pananaliksik sa Kulturang Pilipino

May-akda: Rassel M. Gregorio


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.
 Aralin – Pagsulat ng isang Sulatin o Akda Gamit ang Awtentikong
Datos at Resulta ng Pananaliksik sa Kulturang Pilipino

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo


ang sumusunod:
A. nakikilala ang awtentikong datos;
B. napagbabalik-aralan ang mga hakbang sa pananaliksik;
C. nakapananaliksik ng mga awtentikong datos na
nagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino; at
D. nakasusulat ng isang akda o sulatin gamit ang mga
Awtentikong datos na nakuha sa pananaliksik na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino

Subukin
Bago ka magpatuloy, isagawa ang mga gawain.

A. basahing mabuti ang mga pahayag kung Tama o Mali . Isulat sa


iyong papel ang mga bilang na nagpapaliwanag sa kahulugan ng
pananaliksik.

1. Gumagamit ng titik ang mga tunog mula sa paraang Alibata.


2. Binibigkas na may kasamang tunog na A ang lahat ng katinig sa Abakada.
3. Ang sistema ng pagsulat ng mga Kastila ay matagal na ginamit ng mga
Pilipino bago napalitan.
4.Tinatawag ring Romanong Alpabeto ang Abecedario.
5. Bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon ng sistema ng
pagsulat ang mga Pilipino.

B.- Ipaliwanag ang sumusunod:


1. Awtentikong datos
2. Resulta ng pananaliksik
3. Paano gagamitin ang result ng pananaliksik sa pagsulat
ng isang akda

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagsulat ng isang Sulatin o Akda Gamit
Aralin ang Awtentikong Datos at Resulta
ng Pananaliksik sa Kulturan Pilipino

Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagsulat ng isang sulatin o


akda gamit ang awtentikong datos at resulta ng pananaliksik sa kulturang
Pilipino. Malilinang ito kung maisasagawa mo nang matapat ang mga
gawain.

Balikan
Magbalik-aral ka tungkol sa mga hakbang sa pananaliksik. Itala ang
mga pangunahing hakbang sa pananaliksik. Isulat ito sa hiwalay na papel.

Tuklasin
A. Panimula

Alam kong marami kang gustong mapag-aralan sa mga bagay-bagay.


Gusto mo bang makapagsulat ng isang akda o sulatin tungkol sa
pagpapahala ng kultura ng Pilipino? Ano ang mga ito? Ano kaya ang
pakiramdam ng makapagsulat ng isang sulatin? Ibahagi ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.

B. Pagbasa
Basahin mo ang akda sa ibaba nang may pag-unawa at pagkaraan ay
sagutin nang pasalita ang mga tanong.

Sariling Kultura: Pahalagahan


ni Erica Gem Maneje

Sa panahon natin ngayon, may ibang nakaalala ng ating kulturang


kinaugalian pero may ibang nagsasabi na hindi na ito dapat sundin dahil
ito daw ay “luma na,” hindi daw uso. Pero sa pamamagitan ng
pagpapahalaga ng ating kultura, dito natin maipapakita ang paggalang at
pagaalala sa mga ninuno natin. Marami na rin ang nakapupunta sa iba’t
City of Good Character 3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ibang bansa ngunit may “ilang” mga Pilipino na isinasantabi ang kultura
dahil sa may bago siyang puntahan na dito siya ay nagsisimula ng
panibagong buhay.
Mahalaga ang kulturang Pilipino. Marami ang humahanga sa
tradisyong ito kaya kahit saan o kahit kailan ay laging dala-dala ang bandila
ng kulturang Pilipino.

Halaw sa Sariling Kultura: Pahalagahan


https://pinoyestudyante.blogspot.com/2014/07/sariling-kultura-dapt-
pahalagahan.html?m=1

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano-ano ang naging batayan ng pagpapahalaga sa binasa?


2. Ano sa palagay mo ang magpapatibay ng mga mga awtentikong datos sa
iyong binasa?
3. Gaano kahalaga ang paggamit ng mga awtentikong datos paggawa ng
pananaliksik?
4. Ano ang layon ng manunulat sa kaniyang sinulat?
5. Kung ikaw ay mananaliksik sa mga susunod na panahon, anong pag-
aaral ang iyong bibigyang-pansin upang mas makilala pa ang lahing
Pilipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.

D. Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng bawat pahayag batay sa pagkakagamit sa


teksto. Magbigay ng halimbawang pangungusap gamit ang mga ito. Isulat
ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. “luma na”
2. “ilang”
3. “kulturang Pilipino”

Suriin

Ang pangangalap ng mga datos at mga kaalaman na ginagamit sa


mga pananaliksik, pagsusuri, at pag-aaral ng isang bagay na napakahalaga.
Ang prosesong ito ay tinatawag na koleksyon ng datos. Mahalagang bahagi
ito ng anomang pagsusuri dahil nakasalalay sa mga tiyak na datos ang
resulta ng pagsusuri.
Upang makuha ang awtentikong resulta, nangangailangan ito ng mga
datos na mag-uugnay sa pagkalkula. Ang resulta ng sarbey ay taglay ang
mga datos na kinakailangan para sa mga tanong na nais pag-aralan.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa paglikha ng isang sulatin o akda, napakahalaga ng pananaliksik
upang maging makatotohanan ang isang akda at maipakita nito ang likas at
totoong kulturang Pilipino batay sa resulta ng mga pananaliksik.

Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kaalaman. Magbasa ka


ng isang artikulo tungkol sa isa sa mga pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Ilista mo ang mga mahahalagang paksa na tinalakay rito. Isulat mo rin ang
mga patunay o sanggunian na ginamit ng manunulat at magsaliksik
tungkol dito. Gawin ito sa tulong ng iyong mga kasama sa bahay o kaya
naman ay mga kaibigang mapagkakatiwalaan sa social media.

Pamantayan Puntos Puna ng Guro


Naisa-isa ang mga 5
mahahalagang impormasyon sa
binasang artikulo
Nakalap ang mga batayang 3
ginamit sa artikulo
Naipaliwanag ang kahalagahan 2
ng mga batayang ginamit sa
artikulo.
KABUOAN 10

Isaisip
Pag-aralan ang isang tweet na nasa ibaba. Bumuo ng isang
awtentikong datos sa pamamagitan ng pagbuo ng pangungusap sa ibaba.
“Tuwing bisperas ng Pasko, marami sa mga katutubong Aeta ang
pansamatalang iniiwan ang kinagisnang tradisyon at kultura para
makipagsapalaran sa Maynila.”
Halaw sa I-Witness
https//mobile.twitter.com/iwitnessgma/status/1081144407691190274?lang=en

Ang pahayag na ito ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Gumawa ng isang diary tungkol sa tradisyon o kultura na mayroon sa
inyong pamilya. Maaari mo itong ikuwento muna sa kanila upang
maunawaan nila ang takbo ng mga pangyayari. Matapos nito, hingin mo sa
kanila ang kanilang paliwanag tungkol sa kultura at tradisyong ito. Gamitin
ang rubrik na nasa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.

Tayahin

Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, susukatin na natin ang


iyong natutuhan. sumulat ka ng isang sanaysay na may kinalaman sa
kulturang Pilipino. Pag-aralan ang pahayag sa ibaba. Gamitin ang
pamantayan na nasa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.

Epekto ng Kulturang Pilipino sa Modernong Panahon


Ni Kaiser Aldrich Antenor

Ang Pilipinas ay naranko bilang ika-81 sa mga pinaka-aktibo at


kompetitib na bansa sa turismo noong taong 2008 ngunit pagdating ng
2009 ay naging ika-86 na lamang ito. Kinilala ang Pilipinas bilang
pinakapopular na destinasyon ng mga dayuhan na nais bumisita sa Asia
Pacific.

Halaw sa Epekto ng Kulturang Pilipino sa Modernong Panahon


https://www.academia.edu/30378455/EPEKTO_NG_KULTURA_PILIPINO_SA_MODERNONG_TURISM
O_NEWEST_VERSION

Karagdagang Gawain

Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Ikaw ay magiging isang


mananaliksik. Bumuo ka ng maikling kuwento na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kulturang Pilipino at iuugnay mo ang dating kaalaman sa
mga pangyayari sa akdang binasa. Gamitin ang pamantayan sa susunod na
pahina.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pamantayan sa Pagmamarka:

 Pagkamalikhain (Orihinalidad) -5
 Nilalaman/Paggamit ng mga Datos -3
 Kalinisan/Presentasyon -2
Kabuoang Puntos - 10
Puna ng Guro:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa ating talakayan.


Binabati kita! Sige, hanggang sa muli!

Susi ng Pagwawasto

 https://pinoyestudyante.blogspot.com/2014/07/sariling-kultura-
dapt-pahalagahan.html?m=1
 https//mobile.twitter.com/iwitnessgma/status/10811444076911902
74?lang=en
 https://www.academia.edu/30378455/EPEKTO_NG_KULTURA_PILIP
INO_SA_MODERNONG_TURISMO_NEWEST_VERSION

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rassel M. Gregorio (Guro, SNNHS)


Mga Editor: Maru U. Panganiban (Guro, JDPNHS)
Perlita Ponsal (Guro, BNHS)
Daniel De Guzman (Guro, SRNHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like