You are on page 1of 25

NOT

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 8
Pagsusuri sa Mga Pangyayari, at ang
Kaugnayan Nito sa Kasalukuyang
Lipunang Asyano
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 4,Wk.2 - Module 8:
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293 na hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa
ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad royalty
bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, pangalan
ng produkto, tatak, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Humiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City

Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

Manunulat: Jocelyn A, Lactuan
Tagapagsuri/Editor: Marivic A. Pizarras, Jayffer R. Regis
Tagapagdisenyo/Ilustrador:
Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD,CESO V
Schools Division Superintendent
Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mga Miyembro Henry B. Abueva OIC-CID Chief
Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
Filipino
Ikaapat na Markahan- Modyul 8
Pagsusuri sa mga Pangyayari, at ang
Kaugnayan Nito sa Kasalukuyang
Lipunang Asyano

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri

ng mga piling guro, pinuno ng paaralan, Tagapangasiwa ng Edukasyon sa
Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City. Hinihikayat namin
ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna, mungkahi at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng .
Iligan City sa iligan city@deped.gov.ph o Telefax (063)221-6069

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3-4
Balikan ……………………………… 5
Aralin 1 ……………………………… 5
Tuklasin ……………………………… 5
Linangin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 9
Isagawa ……………………………… 9

Tayahin ……………………………… 11-12

Karagdang Gawain ……………………………… 13
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 14
Sanggunian ……………………………… 14

Modyul 8
Mahahalagang Tauhan
ng Noli Me Tangere
Pangkalahatang Ideya

Bilang mag-aaral sa bagong paraan ng pagtuturo at pagkatuto, inaasahan na

masasagot mo ang mga gawaing inihanda para sa iyo tungkol sa pagtukoy sa
kahalagahan ng mga tauhan ng nobelang Noli Me Tangere.

Naglalayon din ang modyul na ito na mas maunawaan mo ang papel na

ginagampanan ng mahahalagang tauhan sa nobela.
Handa ka na ba?

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin hinggil sa:
Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay
kahulugan.(F9PT-Iva-b-56)

Alamin

Ano ang Inaasahan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela.(F9PN-IVc-b-57)

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
● Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
● Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
● Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o

mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa

Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa

Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa

Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong

natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong

mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang

mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang.

Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. “Pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis na

hindi batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan ang mga babae.” Sino ang
nagwika nito?
a. Pilosopo Tasyo b. Kapitan Tiago c. Crisostomo Ibarra d. Padre
Damaso

2. Mula sa pahayag na nasa bilang 1, anong pagpapahalagang pangkatauhan

ang ipinapakita ng tauhan sa babae?
a. pagkawalang-galang c. pang-aalipusta
b. pagkamagalang d. pagkagiliw

Para sa bilang 3-5.

3. Batay sa tekstong binasa, sa anong bilang ng pangungusap makikita ang
positibong katangian ni Ibarra?
a. 3 b. 4 c. 5 d. 6
4. Sa iyong palagay,nagpapakita ba ng mabuting asal ang ipinakitang kilos ni
Padre Damaso kay Ibarra?
a. Oo, dahil karapatan niya iyon.
b. Oo, dahil gusto niyang gawin ang kanyang ninanais.
c. Hindi, dahil kawalang-galang ang kanyang inasal.
d. Hindi, dahil hindi siya ang may-ari ng bahay.
5. Mula sa pangungusap bilang 2, anong katangian ang ipinapakita ni Kapitan
Tiago?
a. Ipinapakita niya ang mabuting pag-istima sa mga bisita.
b. Ipinapikita niya sa mga panauhin na dapat siyang igalang.
c. Gusto niyang magpasikat sa mga bisita.
d. Gusto niyang ipakita na may kaya siya sa buhay.

Para sa bilang 6-8

6. Batay sa tekstong binasa, ano ang pakay ni Ibarra kay Pilosopo Tasyo?
a. makipagkamustahan c. humingi ng payo
b. humingi ng donasyon d. manghiram ng pera

7. Alin sa ibaba ang HINDI naglalarawan kay Pilosopo Tasyo?

a. matalino b. maawain c. matulungin d.
mapagmataas

8. Bilang kabataan, mahalaga bang humingi ng payo sa mas nakakaalam sa

inyo?
a. Oo, dahil maaring marami silang nalalaman na pwedeng makatulong
sa akin.
b. Oo, dahil mas matalino naman sila kaysa sa akin.
c. Hindi, dahil malayo sila sa diskarte ko.
d. Hindi, dahil mas magaling ako sa kanila.

Para sa bilang 9-12.

9. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang nagpapakita ng positibong katangian

ni Elias?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
10. Mula sa talata bilang 5, ano ang ibig ipahiwatig ni Elias kay Ibarra?
a. nananakot c. nagpapaalala
b. nagbabanta d. nanunumbat

11. Sa papel na ginagampanan ni Elias, anong mahalagang katangian mayroon

siya?
a. mapagtanim ng galit c. may kababaang loob
b. manggagamit siya d. marunong tumanaw ng utang ng loob

12. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Elias, gagawin rin ba ang pagtanaw ng utang
na loob sa taong nakagawa ng kabutihan sa iyo?
a. Oo, dahil ito ang nararapat na gawin.
c. Oo, dahil gusto kong ipakita na mabait din ako.
b. Hindi, dahil wala akong pakialam sa kaniya.
d. Hindi dahil kagustuhan naman niya iyon.

13. Sa nobelang Noli, ano ang ipinamalas na katangian ni Ibarra bilang isang lalaki
kay Maria Clara?
a. pagkamatapat b. pagkaseloso c. pagkamaginoo d. walang galang

14. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang naglalarawan kay Maria Clara?
a. mapagtiwala sa minamahal c. mapagduda sa katipan
b. masyadong selosa d. magiliw sa kasintahan

15. Paano mo mailalarawan ang pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara?
a. tunay na pag-ibig b. pakitang-tao c. laro lang d. pilit na pag-ibig
Pamagat ng Aralin:
Aralin
Kahalagahan ng Bawat

Tauhan sa Nobela
1

Balikan
Basahin at suriin ang mga pahayag kung anong angkop na ekspresyon
ang gagamitin sa bawat pahayag. Piliin sa loob ng ulap ang angkop na
ekspresyon at isulat ang tamang sagot sa patlang.

Sa aking palagay sa tingin ko para sa akin

1. Madaling nagpaalam si Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego.

______________, may importanteng gagawin si Ibarra kaya siya nagmamadaling
umalis.
2. Maagang nagsimba at umuwi ng bahay sina Maria Clara dahil alam niyang
darating si Crisostomo Ibarra. _________________, nasasabik na siyang makita
ang lalaking kanyang iniibig.
3. ________________, ang tanging alaala lamang ni Maria Clara kay Ibarra noong
ito ay nasa ibang bansa ay ang liham nito.

Tuklasin

Gawain 1: Hulaan Mo!

Panuto: Hulaan mo kung sino ang nagsabi ng mga sumusunod na pahayag.

1. “Tinatago-tago ko ang liham na ito mula nang ika’y pumunta sa Europa”

a. Maria Clara b. Tiya Isabel c. Ibarra d. Ellas
2. “Ikaw ay magandang larawan ng aking bayan at ng España. Sa iyo pinagpisan
ang kariktan at dakilang asal ng dalawang lipi. Kaya ang pag-ibig ko sa iyo at sa
Inang-bayan ay iisa.”
a. Ibarra b.. Pilosopo Tasyo c. Kapitan Tiago d. Maria Clara

3.“Dahil ang mabuting tao ay ipinapalagay nilang baliw”

a. Sisa b. Pilosopo Tasyo c. Elias d. Padre
Damaso
4. “Ayaw ko sa mga taong nakapunta lang ng Europa, akala mo kung sino na.’
a. Kapitan Tiago b. Ibarra c. Padre Damaso d. Tiya
Isabel
5.“Apo ka pala na nagpahirap sa mga nuno ko.”
a. Elias b. Ibarra c. Maria Clara d. Kapitan Tiago

Ilang mahahalagang tauhan sa nobelang Noli Me Tangere:

Juan Crisostomo Ibarra Y. Magsalin

Ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang makapagpatayo ng
paaralan.siya ang nag-iisang anak ni Don Rafael.

Maria Clara
Pinakamamahal ni Ibarra.Anak siya ni donya pia alba at padre damaso.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan
at ang mga suliranin nito. Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra.

Kapitan Tiyago o Don Santiago de Los Santos

Mangangalakal na taga binondo. Siya Ang ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso Verdolagas

Isang kurang pransiskano na masalita at talagang magaspang kumilos. Siya
ang dating Kura sa San Diego na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni
Don Rafael.

Pilosopo Tasyo o Don Anastacio

Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San
Diego. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aral. Tinatawag siyang baliw ng
mga simpleng mamamayan.

Sisa
Isang mapagmahal na ina na nabaliw. Siya ay may asawang pabaya at
malupit.

Basilio
Panganay na anak ni Sisa.

Crispin
Bunsong anak ni Sisa.
Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra
ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Alperes.
Siya ang puno ng mga guardya sibil at kaagaw ng Kura.

Donya Consolacion
Napangasawa ni Alperes. Dati siyang labandera na may malaswang bibig at
pag-ugali. Ipinapalagay niya na siya'y higit na maganda Kay Maria Clara.

Donya Victorina de Los Reyes de Espadaña

Babaeng nagpapanggap na mestisang kastila kung kaya abot-abot ang
kolorete sa mukha at maging pangangastila. Siya ang asawa ni Don Tiburcio
de Espadaña.

Tiya Isabel
Pinsan ni Kapitan Tiago. Siya ang nag-aruga kay Maria Clara noong mamatay
ang ina na si Pia Alba.

Suriin

Gawain 2: Tukuyin Mo

Panuto: Tukuyin kung ano ang sinisimbolo at kinakatawan ng mga tauhan na

nasa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng talahanayan. Ang unang bilang
ginawa na para sa iyo.

TAUHAN KINAKATAWAN SINISIMBOLO

Maria Clara Leonor Rivera Dalagang Pilipina

Crisostomo Ibarra

Pilosopo Tasyo

Sisa

Padre Damaso

Elias
Gawain 3: Ilarawan Mo

Panuto: Ilarawan mo ang mga tauhan na nasa ibaba at sabihin mo ang kanilang
kahalagahan ng papel na kanilang ginagampanan sa nobela. Isulat sa loob ng puso
ang iyong kasagutan.

Pilosopo Tasyo ____________________

Maria Clara _________________

Crisostomo Ibarra ___________________

Kapitan Tiago
_________________

Donya Conosolacion
_________________
Pagyamanin
Gawain 4: Tapatin Mo Na!
Panuto: Pagtapat-tapatin ang tinutukoy na tauhan sa hanay A sa larawan na nasa
hanay B.

A B

1. Maria Clara

2. Crisostomo Ibarra

3. Pilosopo Tasyo

4. Sisa
5. Elias

Isaisip

Gawain 5: Lakbayin Natin

Panuto: Pumili ka ng dalawang tauhan sa nobela. Maglakbay sa kanilang panahon.

1. Sino ang dalawang tauhan ang napili mo?

____________________________ at ____________________________

2. Sumulat ng limang (5) katanungan para sa tauhang napili. Matapos sumulat,

ilagay mo ang iyong sarili sa kanilang katauhan, at sagutin ang mga nabuong
katanungan na lalabas na ang mga napiling tauhan ang sumasagot sa tanong.

Mga tanong Mga kasagutan

________________________________ __________________________

3. Magtala ng tatlong kahalagahan sa bawat tauhang napili.

Mga tauhan Mga kahalagahan

__________________________
_________________________ __________________________
__________________________

__________________________
_________________________ __________________________
__________________________

Isagawa

Gawain 6: Iugnay Mo

Panuto: Pumili ka ng isang tauhan sa Noli Me Tangere na nagpapakit ng positibong

katangian. Iugnay ito sa isang kilalang personalidad sa kasalukuyan na sa tingin mo
ay may malaking naiambag sa lipunan sa panahon ng pandemya.

Isulat sa bilog ang pangalan ng tauhan at kanang bahagi idikit ang larawan ng
napiling personalidad at ipaliwanag ang kanyang mga nagawa.
Bumuo ng sanaysay sa pagpapaliwanag.

___________________________________________________________________

Buod
Sadyang napakaraming mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr.
Jose Rizal. Ang bawat karakter sa kuwento ay may mga sinisimbolo sa lipunang
ginagalawan ng ating pambansang bayani. Ang kahalagahan ng mga tauhan sa Noli
Me Tangere ay sumisimbolo sa iba't ibang uri ng tao dito sa ating bansa. Kung saan
noong unang panahon tayo ay nasa ilalim pa ng pananakop ng ibang bansa at
patuloy na pinapahirairapan. Ipinapakita sa Noli Me Tangere ang tauhan na dapat
tuluran at sumisimbolo na dapat tayo ay magsumikap at lumaban para sa ating
karapatan.
Ang modyul na ito ay nakatulong upang mas lalong maintindihan ang
kahalagahan ng bawat tauhan na ginagampanan sa nobela na kung saan
maiuugnay natin ito sa kasalukuyang panahon.
Naiugnay ito sa mga kilalang personalidad na may mahalagang nagampanan
din sa lipunang ginagalawa

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang.

Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. “Pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis na

hindi batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan ang mga babae.” Sino ang
nagwika nito?
b. Pilosopo Tasyo b. Kapitan Tiago c. Crisostomo Ibarra d. Padre
Damaso

2. Mula sa pahayag na nasa bilang 1, anong pagpapahalagang pangkatauhan

ang ipinapakita ng tauhan sa babae?
c. pagkawalang-galang c. pang-aalipusta
d. pagkamagalang d. pagkagiliw

Para sa bilang 3-5.

3. Batay sa tekstong binasa, sa anong bilang ng pangungusap makikita ang
positibong katangian ni Ibarra?
b. 3 b. 4 c. 5 d. 6
4. Sa iyong palagay,nagpapakita ba ng mabuting asal ang ipinakitang kilos ni
Padre Damaso kay Ibarra?
a. Oo, dahil karapatan niya iyon.
b. Oo, dahil gusto niyang gawin ang kanyang ninanais.
c. Hindi, dahil kawalang-galang ang kanyang inasal.
d. Hindi, dahil hindi siya ang may-ari ng bahay.
5. Mula sa pangungusap bilang 2, anong katangian ang ipinapakita ni Kapitan
Tiago?
a. Ipinapakita niya ang mabuting pag-istima sa mga bisita.
b. Ipinapakita niya sa mga panauhin na dapat siyang igalang.
c. Gusto niyang magpasikat sa mga bisita.
d. Gusto niyang ipakita na may kaya siya sa buhay.

Para sa bilang 6-8

6. Batay sa tekstong binasa, ano ang pakay ni Ibarra kay Pilosopo Tasyo?
a. makipagkamustahan c. humingi ng payo
b. humingi ng donasyon d. manghiram ng pera
7. Alin sa ibaba ang HINDI naglalarawan kay Pilosopo Tasyo?
a. matalino b. maawain c. matulungin d.
mapagmataas
8. Bilang kabataan, mahalaga bang humingi ng payo sa mas may nakakaalam
sa inyo?
a. Oo, dahil mas marami silang nalalaman na pwedeng makatulong sa
akin.
b. Oo, dahil mas matalino naman sila kaysa sa akin.
c. Hindi, dahil malayo sila sa diskarte ko.
d. Hindi, dahil mas magaling ako sa kanila.

Para sa bilang 9-12.

9. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang nagpapakita ng positibong katangian
ni Elias?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
10. Mula sa talata bilang 5, ano ang ibig ipahiwatig ni Elias kay Ibarra?
a. Nananakot b. nagbabanta c. nagpapaalala d.
nanunumbat

11. Sa papel na ginagampanan ni Elias, anong mahalagang katangian mayroon

siya?
a. mapagtanim ng galit c. may kababaang loob
b. manggagamit siya d. marunong tumanaw ng utang ng loob

12. Kung ikaw, ang nasa katayuan ni Elias, gagawin mo rin ba ang pagtanaw ng
utang na loob sa taong nakagawa ng kabutihan sa iyo?
a. Oo, dahil ito ang nararapat na gawin.
c. Oo, dahil gusto kong ipakita na mabait din ako.
b. Hindi, dahil wala akong pakialam sa kaniya.
d. Hindi dahil kagustuhan naman niya iyon.

13.Sa nobelang Noli, ano ang ipinamalas na katangian ni Ibarra bilang isang lalaki
kay Maria Clara?
a. pagkamatapat b. pagkaseloso c. pagkamaginoo d. walang galang

14. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang naglalarawan kay Maria Clara?
a. mapagtiwala sa minamahal c. mapagduda sa katipan
b. masyadong selosa d. magiliw sa kasintahan

15. Paano mo mailalarawan ang pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara?
a. tunay na pag-ibig b. pakitang-tao c. laro lang d. pilit na pag-ibig

Karagdagang Gawain
Pumili ng limang tauhan sa nobela at iguhit ang sinisimobolo ng bawat isa.
Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga tauhang napili at magbanggit ng isang
katangian na may pagkakapareho kayo. Isulat sa loob ng talahanayan ang inyong
sagot.

Tauhan Simbolo Parehong Katangian

______________________________________________

Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. C
2. D
3. D
4. C
5. A
6. C
7. D
8. A
9. C
10. C
11. D
12. A
13. A
14. A
15. A
Balikan
1. Sa aking palagay
2. Sa tingin ko
3. Para sa akin
Gawain 1:
1. A
2. A
3. B
4. C
5. A
Gawain 2:
Nasa guro na ang pagpapasya.
Gawain 3:
Nasa guro na ang pagpapasya.
Gawain 4:
1. Ikalimang larawan
2. Ikatlong larawan
3. Uang larawan
4. Ikaapat na larawan
5. Ikalawang larawan
Gawain 5:
Nasa guro na ang pagpapasya.
Gawain 6:
Nasa guro na ang pagpapasya.

Tayahin:
1. C
2. D
3. D
4. C
5. A
6. C
7. D
8. A
9. C
10. C
11. D
12. A
13. A
14. A
15. A
Mga Sanggunian

DEPEd-IMCS. Panitikang Asyano 9. Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig City.

Vibal Group Inc., 2014
Marasigan, Emily at Mary Grace del Rosario, Pinagyamang Pluma. 927 Quezon
Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

You might also like