You are on page 1of 22

NOT

9
Filipino
Unang Markahan - Modyul 12
Pangyayari sa Tunggaliang Tao
vs. Sarili

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 9
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 – Modyul 12: Pangyayari sa Tunggaliang Tao vs. Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Author: Irene S. Epon
Evaluators/Editors: Evelyn D. Gomolon, Ara T. Tripon
Illustrator and Layout Artist: Irish S. Habagat
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
9
Filipino
Unang Markahan - Modyul 12
Pangyayari sa Tunggaliang Tao
vs Sarili

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

PAHINA

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1

Alamin ……………………………… 1

Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2

Subukin ……………………………… 3

Aralin 1 ……………………………… 5

Balikan ……………………………… 5

Tuklasin ……………………………… 6

Suriin ……………………………… 6

Pagyamanin ……………………………… 8

Isaisip ……………………………… 11

Isagawa ……………………………… 12

Buod ……………………………… 13

Tayahin ……………………………… 13

Karagdang Gawain ……………………………… 15

Susi ng Pagwawasto ……………………………… 16

Sanggunian ……………………………… 16
Modyul 12
Pagsusulat ng Pangyayari na may
Tunggaliang Tao Laban sa Sarili
Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda ng maayos para sa mga mag-aaral na katulad


mo upang matugunan pa rin ang mga kompetensi na kailangan mo sa kabila ng
pandemic na naranasan natin ngayon. Upang magiging matagumpay ang bawat
gawain ay kinakailangan mong maglaan ng oras at isapuso ang bawat pagsagot sa
mga gawain sa modyul na ito.

Ito’y naglalaman ng konseptong pampanitikan na naglalayong ipakita o


iparating ang kahalagahan ng buhay, kultura, at kasaysayan. Kagaya ng kultura ng
mga babaeng muslim. Sila ay mga mahinhin at sobra nilang iniingatan ang kanilang
mga sarili o katawan kaya madalas natin silang nakikita na nakasuot ng mahahabang
damit at nakatakip ang kanilang mga mukha na mata lamang ang nakikita. Sobra din
silang ginagalang ng mga lalaking muslim.

Sa araling ito ay maaari mong maipahayag ang iyong mga saloobin sa


sitwasyon na iyong mababasa o matutuklasan at nangangailangan ito ng isang
malalimang pag-unawa kung kaya ito ay isang pagtatalo o tunggalian sa pagitan ng
tao laban sa sarili.

Maaari mo itong maging gabay sa araw-araw mong ginagawa o sa mga


karanasan na iyong mararanasan sa lipunang ating ginagalawan.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay may isang aralin:

Aralin 1 - Nobela

ALAMIN

Ano ang Inaasahan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Nakasusulat ng ilang pangyayari sa akda na nagpapakita ng tao laban sa


sarili (F10pu-ig-h-69)

1
Pangkalahatang Panuto

Paano mo Matututunan?

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:


 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul


Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
Alamin mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong arali
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


Suriin nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamanin iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip mahahalagang natutunan sa aralin
.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
SUBUKIN

Panuto: Piliin ang tamang titik o letra ng tamang sagot sa bawat aytem at isulat ito sa
iyong kwaderno.

Nang marinig ng pulis ang pagmamakaawa ng babae na pakawalan ang kanyang


sinasabing kapatid, at makita ang kanyang ayos, umibig ito sa kanya, Sinabi nito,
“Pumunta ka sa aking tahanan hanggang sa mailabas ko ang iyong kapatid, “Ngunit
hindi po ako pumupunta sa bahay ng hindi ko po kakilala,” sabi ng babae. “Kung
ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa akin at payagan mo
akong gawin ang gusto kong gawin,” sabi ng pulis.

_____1. Ipinapahiwatig ng teoryang Realismo ang katotohanan kaysa kagandahan


ng buhay ng tao. Alin sa bahagi ng nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi” ang
nagpapatunay ng pananaw realismo?
a. “Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa
akin at payagan mo akong gawin ang gusto kong gawin,” sabi ng pulis.
b. “Ngunit hindi po ako pumupunta sa bahay ng hindi ko po kakilala”, sabi
ng babae.
c. “Makita ang kanyang ayos, umibig ito sa kanya.”
d. “Nang marinig ng pulis ang pagmamakaawa ng babae na pakawalan
ang kanyang sinasabing kapatid.”

_____ 2. Mula sa binasang teksto, anong ideya ang nabuo sa iyong isipan?
a. Kailangan kumilos o gumawa ng paraan ang isang tao upang mailigtas
o mapakawalan sa pagkakakulong ang mahal mo sa buhay.
b. Ang pagiging makasarili ay walang kahahantungan.
c. Likas sa tao ang pagiging mapusok at minsan nagagawa ang di dapat
gawin na labag na sa batas.
d. Di lahat ng nakikita mo ay totoo.

_____ 3. Saan isinulat ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi?


a. Iran b. Israel c. Saudi Arabia d. Egypt

_____ 4. Ano ang mahalagang aral ang nakuha mula sa akda?


a. pagpapahalaga c. pakikipag-usap
b. b. pagtitiyaga d. pagpapasensya

_____ 5. Base sa tekstong binasa, anong uri ng tunggalian ito?


a. tao laban sa tao c. tao laban sa lipunan
b. tao laban sa sarili d. tao laban sa tadhana

3
_____ 6. Anong damdamin ang nangingibabaw sa babae nang pumayag siya sa
kagustuhan ng limang lalaki?
a. takot b. gulat c. lito d. hiya

_____ 7. Gagawa ka ng suring-basa tungkol sa isang kwento, alin sa mga pang-ugnay


ang hindi kasali kung ang mga pahayag mo ay konsesyon o pagsang-ayon?
a. talagang b. totoo c. tinatanggap ko d. bagkus

_____ 8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng tunggalian tao laban
sa sarili?
a. Kung sisigaw ako na kami ay nakakulong sa compartment ng cabinet baka
magtaka o magalit ang hari sa amin. Ano ang gagawin ko?
b. Kahit humadlang pa ang tadhana sa kanilang pag-iibigan ay pilit pa rin nilang
ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan.
c. Sina Jervin at Carlo ay nadaganan ng gumuhong lupa dahil sa landslide.
d. Sinabunutan ni Anna ang kanyang kapitbahay na sobrang bungangera.

_____ 9. “Pumunta ka sa aking tahanan hanggang sa mailabas ko ang iyong kapatid.”


Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. magkita b. makisuyo c. makidaan d. magtungo

_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang hindi napabilang sa elemento ng nobela?
a. saknong b. haba c. banghay d. tauhan

______ 11. Anong elemento ng nobela ang binibigyang-buhay ng manunulat sa


kaisipan ng mga mambabasa?
a. banghay b. tauhan c. haba d. saknong

______ 12. Ito ang isa sa elemento ng nobela na tumutulong sa pagbibigay ng linaw
sa paksa, sa banghay, at sa tauhan.
a. haba b. tagpuan c. sangkap d. sukat

______ 13. Ang kritik ay isang akdang pampanitikan. Ito ay ang paghimay ng iba’t
ibang elemento at ibang bahagi ng isang akda. Alin sa sumusunod ang
walang kaugnayan sa kritik?
a. pagsusuri c. programa
b. pananaw sa akda d. pagbasa sa akda

______ 14. ____ araw ng lunes ang unang araw ng pagpasok sa paaralan. Ang
salitang nawawala sa pangungusap ay:
a. Simula b. Kapag c. Sa d. Kung

______ 15. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon sa babae
ang lalaking nakakulong ay kapatid niya.
a. pangatnig c. pantukoy
b. pananda d. pang-ukol

4
Aralin Pamagat ng Aralin
Pagsusulat ng Pangyayari na may
1 Tunggaliang Tao Laban sa Sarili

BALIKAN

Panuto: Sa iyong nakaraang aralin na pagsusuri sa pinanood na teleseryeng Onanay,


isulat kung anong pangyayari ang nagbibigay sa iyo ng ideya kung ano ang tungkulin
ng isang ina?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________

TUKLASIN

Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka at magkakaroon ng interes sa


mga matutuklasan mo habang mababasa mo ang araling ito. Sinasabi ng marami na
may malaking pagkakaiba ang ginagampanang papel ng babaeng muslim kaysa
lalaking muslim ayon sa kanilang kultura at pamumuhay. Karapatan ng bawat isa na
ituring bilang pantay-pantay sa lipunang kinabibilangan anuman ang estado ng iyong
buhay.

Sa araling ito maaari mong maisusulat o maipalabas ang iyong mga


mahihinuha sa ilang pangyayari sa akda na iyong mababasa.

5
Gawain 1. Scrambled Letter, Gawing Better

Panuto: Ang mga larawang ito ay nagpapakita ng mga bagay na mapagkikilanlan sa


bansang Saudi Arabia. Ayusin ang mga titik upang mabuo ang pangalan ng larawan.

1. aabka _________ 2. mlykoae ________ 3. baaya ________

4. aqarun ________ 5. rbunta ________ 6. egien _________

SURIIN

Tunghayan Mo

Tunghayan ang Nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi” mula sa Saudi Arabia. May
isang hari na pinagtaksilan ng kanyang asawa at dahil dito ipinag-utos niya sa
kanyang mga kawal na maghanap ng kanyang bagong Reyna ngunit pagkatapos niya
itong pangangasawain ay kanya itong papatayin kaya lahat ng mga babae sa kanilang
lugar ay takot na takot ngunit may isang babae na maganda, matapang at sobrang
talino dahil sa natamo nitong mataas na edukasyon at nang magkaharap ang hari at
ang babae ay humingi ang babae ng pabor sa hari, bago siya patayin ay may ibibigay
siya na kwento at ito ay umabot sa 1,001 na mga kwento. Ngayon tunghayan natin
ang isa sa kanyang ikinuwento sa hari. Ngunit bago pa man talakayin muna natin ang
mga salitang ginamit sa akda upang mas maintindihan mo ang daloy ng kwento.

6
Gawain 2: Simulan Mo
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa hanay A.

HANAY A HANAY B
1. ______ Qur’an a. yari sa telang ipinulupot o
ibinabalot sa paligid ng ulo
2. ______ bonnet b. pantakip sa kamay
3. ______ turban c. damit na kadalasang
isinusuot ng mga muslim
4. ______ abaya d. palayain
5. ______ nakakulong e. gora
6. ______ pakay f. bintang
7. ______ guwantes g. nakapiit
8. ______ iminungkahi h. layon
9. ______ pakakawalan i. ipinanukala
10. ______ paratang j. banal na aklat ng mga
muslim

Basahin at unawaing mabuti ang nobelang mula sa Saudi Arabia.

Isang Libo’t Isang Gabi


(One Thousand and One Nights)
Nobela- Saudi Arabia

Isang babaeng mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahilig


maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniwanan nang matagal ng kanyang asawa. Dahil
sa katagalan nang di pag-uwi ng
lalaki nakadama siya ng kalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa isang lalaking mas bata
sa kaniya.
Isang araw, isang lalaki ang nagsampa ng reklamo laban sa lalaking kanyang iniibig
at ipinakulong siya. Nang malaman ng babae ang tungkol dito, agad siyang nagbihis ng
pinakamaganda niyang damit at pumunta sa hepe ng pulisya. Bumati siya at sinabi, “Kapatid
ko ang lalaking ipanakulong ninyo, inaway nang hindi naming nakikilala, subalit
nagsinungaling ang lalaking tumistigo laban sa kanya. Nagkakamali kayo sa pagbilanggo sa
kanya, wala na akong kasama at wala nang susuporta sa akin, kaya maawa na kayo,
pakawalan nyo siya.
Nang marinig ng pulis ang kanyang pagmamakaawa, at makita ang kanyang ayos,
umibig ito sa kanya. Sinabi nito, “Pumunta ka sa aking tahanan hanggang sa mailabas ko ang
iyong kapatid, “Ngunit hindi ako pumupunta sa tahanan ng lalaking di ko po kakilala,” sabi ng
babae. “Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa akin at payagan

7
mo akong gawin ang gusto kong gawin,” sabi ng pulis. Sumagot siya,” Ikaw na lamang ang
pumunta sa aking tahanan kahit maghapon at magdamag kung talagang kinakailangan,” sabi
ng babae.
Saan ang iyong tahanan? Tanong nito. At itinuro ng babae ang bahay at nagbigay ng
oras para sa pagpunta.
Humingi rin siya ng tulong sa Cadi, Dyos ko! Cadi! Oo, “sagot nito at siyay nagpatuloy.
Pag-aralan mo ang kaso ko at gagantimpalaan ka ng Diyos, sinabi nito. Sino ang may
kagagawan nito? Sumagot siya, mayroon akong kapatid, kaisa-isa kong kapatid. Naparito ako
dahil sa kanya, sapagkat ikinulong siya ng pulis at pinaratangan na isang kriminal.
Nagsinungaling laban sa kanya at sinabing ito’y masamang tao, kaya nakikiusap ako,
tulungan nyo siya. Nang sulyapan siya ng Cadi, umibig din ito sa kanya. Pumunta ka sa aking
tahanan para makasama ko at sasabihin ko sa pulis na palayain ang iyong kapatid. Kapag
nalaman ko kung magkano ang kabayaran para sa kanyang kalayaan, babayaran ko ng sarili
kong pera upang ako’y mapaligaya mo, sapagkat napakalambing ng iyong tinig. “At sinabi
niya, kung magiging mabait ka sa akin. Sumagot ang Cadi, kung hindi ka papayag, makaaalis
ka na at huwag mo akong sisisihin. Muli siyang sumagot. Kung talagang yan ang gusto mo,
mas maganda pribado sa aking tahanan kaysa sa inyo na maraming katulong ang
makaiisturbo sa atin. Saka isa pa, hindi naman ako masamang babae, subalit kailangan ko
lang itong gawin. Saan ang iyong tahanan? tanong ng Cadi sumagot siya, sa ganitong lugar.
Sinabi niya ang takdang araw at oras ng kanyang pagpunta.
Pumunta rin siya at humingi ng tulong sa Vizier na palayain ang kanyang kapatid
sapagkat lubha niya itong kailangan. Subalit may ibinigay rin itong kondisyon. Payagan mo
akong gawin ang gusto kong gawin sa iyo at papalayain ko ang iyong kapatid. Sumagot siya,
kung talagang gusto mo, doon na lamang sa aming tahanan, tayo lang doon, hindi naman
kalayoan ang aking bahay. Para maayos ko naman ang aking sarili. Saan ang bahay mo?
Tanong nito. Sa ganitong lugar. At nagtakda ang babae ng oras at araw na gaya ng dalawang
nauna.
Mula rito ay pumunta siya sa hari. Isinalaysay rin niya ang pangyayari at humingi rin
siya ng tulong upang mapakawalan ang kanyang sinasabing kapatid. Sino ang nagpakulong
sa kanya? tanong nito. Ang hepe ng pulisya, ang kanyang sagot. Nang marinig ng hari ang
nakahahabang na salaysay sa pagkakulong ng kapatid, bumukal sa puso nito ang awa at
pagmamahal. Sinabi nito na sumama sa tinutuluyan at upang tulungan siyang palayain ang
kanyang kapatid. Subalit kanyang sinabi, O mahal na hari, madali lang para sa iyo ang lahat.
Wala akong magagawa kapag iyong ginusto. Subalit malaking karangalan kung pupunta ka
sa aking tahanan. Siya’y pumayag. Sinabi ng babae ang lugar at oras ng kanilang pagtatampo
na gaya ng oras sa sinabi niya sa naunang tatlong lalaki.
Umalis siya pagkatapos at humanap ng isang karpentero at sinabi nito, ipagawa ako
ng isang cabinet na may apat na compartment, magkakapatong, may pinto ang bawat isa at
masasaraduhan. Malaman ko lang kung magkano at babayaran ko. Sumagot ang karpentero,
“Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo
ako sa aking kahilingan.” Kung kinakailangan, sagot ng babae. Papayag ako subalit gawin
mong lima ang compartment ng cabinet na ipinagagawa ko sa iyo. At sinabi nito kung kailan
ito ihahatid ang cabinet sa kanyang tahanan. Sinabi ng karpentero, “Mabuti, sige maupo ka
na lamang at gagawin ko ngayon din ang iyong cabinet.” Pagkatapos na magawa, initusan
niya ang karpentero na dalhin sa bahay ang cabinet. Ipinuwesto niya ito sa sala. Pagkatapos,
kumuha ng apat na damit at may ibang kulay. Naghanda na rin siya ng makakain, karne,
inumin, prutas, mga bulaklak, at pabango.

8
Dumating ang araw na ibinigay niya sa lahat hiningian niya ng tulong. Sinuot niya ang
kanyang pinakamahal na damit, naglagay ng adorno sa sarili, nagpabango, at nilagyan ng
mamahaling karpet, at naghintay sa kahit sino ang maunang dumating.
Si Cadi ang unang dumating. Nang makita niya ito, tumayo siya at humalik sa paanan
ni Cadi. Hawak ang kamay, inaya niya itong maupo sa karpet. Nang sisimulan na nito ang
kanyang pakay, sinabi ng babae, “Alisin mo muna ang iyong kasuotan at ang iyong turban.
Isuot mo ang dilaw na roba at bonnet na ito habang inihahanda ko ang makakain at maiinom
natin. Pagkatapos, pwede mo nang gawin ang nais mo.” Isinuot niya ang roba at bonnet, may
kumatok sa pinto.” Sino ang kumatok? “tanong niya. “Ang aking asawa,” ang kanyang tugon.
“Ano ang aking gagawin, saan ako pupunta?” tanong ni Cadi. “Huwag kang matakot,” sabi ng
babae. “itatago kita sa cabinet na ito.” “Gawin mo kung anong dapat,” sinagot ni Cadi. Ipinasok
niya ito sa pinakaibabang compartment at isinara ang pinto. Pumunta siya sa pintuan at
tiningnan kung sino ang kumatok. Ang hepe ng pulisya. Pinatuloy niya ito agad. “Ariin mong
iyo ang lugar na ito ako’y iyong alipin. Bumuong araw sa akin ka kaya’t alisin mo ang iyong
suot at ipalit mo ang pulang roba na ito.” Subalit bago nito magawa ang kanyang pakay, sinabi
nito, “Ako’y iyong iyo at walang iisturbo sa atin. Kung mabait kang talaga, gumawa ka muna
ng kautusan na nagpapalaya sa aking kapatid para naman mapanatag ang aking kalooban.”
“Masusunod,” sabi nito. at gumawa na nga ng kautusan ang pulis na nakasaad ang agarang
pagpapalaya sa kanyang kapatid. Nang sisimulan na niya ang kanyang pakay, biglang may
kumatok sa pinto. “Sino iyon?” tanong ng pulis. “Ang aking asawa,” sagot ng babae. “Ano ang
gagawin ko?” ang muli niyang tanong. “Pumasok ka sa cabinet na ito, pag-alis niya saka ka
lumabas.” At ipinasok niya ito sa pangalawang compartment sa ilalim at sinarhan ang pinto.
Samantala ang nangyayari ay naririnig lamang ni Cadi na nasa loob ng compartment
ng cabinet.
Pumunta uli ang babae sa pintuan upang muling tingnan kung sino ang kumatok, si
Vizier. Sinabihan din niya ito na tanggalin ang mabigat na damit at turban at magsuot ng
magaan. Isinuot niya ang bughaw na damit at ang kanyang pulang bonnet at pati na rin ang
kanyang robang gagamitin upang maginhawa sa pagtulog. Nagsimula na ang pakay ni Vizier,
nang biglang may kumatok. Tinanong din niya kung sino ito at sinabi ng babae na ito ay ang
kanyang asawa. Nalito ang lalaki at nagtanong kung ano ang kanyang dapat gawin at sinabi
sa kanyang magtago sa loob ng cabinet sa ikatlong compartment. Tulad ng nauna, isinara rin
niya ang pinto ng cabinet.
Pumunta siya sa pinto at pinagbuksan ang kumatok ito ay ang hari. Pagkatapos
inimungkahi nito ang pagpapalit ng damit, maya maya pa nakakapalagayang loob na sila.
Sinimulang gawin ng hari ang kanyang ninanais. Nakiusap ang babae na tumigil na at
nangakong paliligayahin niya ito sa silid pagkatapos sa kanyang sasabihin. “Kahit ano ang
iyong kahilingan,” sagot niya. “Alisin ang iyong roba at turban.” Mahal ang kanyang damit.
Nagkakahalaga ito ng isang libong dinaryo. Nang alisin niya ito, ipinalit ang roba ng
nagkakahalaga ng sampung dinaryo lamang. Ang lahat ng kanilang pinag-uusapan ay
naririnig lamang ng tatlong lalaki na nakatago sa compartment ng cabinet subalit hindi sila
makapagsalita. Nang simulan ng hari ang nais niya sa babae sinabi niya, “Mayroon sana
akong ipakikiusap sa iyo.” Habang sila’y nag-uusap, may kumatok sa pintuan. Tinanong nito
kung sino ang kumatok muli niyang sinabi na ito ang kanyang asawa. Sinabi niya ito na
paalisin ang asawa o siya, ang hari, ang magpapaalis dito. Subalit sinabi niya na maging
matiyaga. Kaya’t ipinasok niya ito sa pang-apat na compartment ng cabinet. At isinara ang
pinto.
Lumabas siya upang patuluyin ang kumatok, ito ang karpenteto. Tinanong ng babae.
“anong klaseng cabinet ba itong ginawa mo?” “Bakit, anong masama sa ginawa ko?” sumagot

9
siya, “masyadong makipot ang ibabaw ng compartment.” Pumasok nga ang karpentero sa
ikalimang compartment. At sinaraduhan ito ng babae. Agad niyang dinala ang sulat sa hepe
ng pulisya. Agad namang ipinalaya ang kanyang mangingibig. Hindi nila malaman ang
kanilang gagawin. Napagpasyahan nilang magpakalayo-layo at lumipat ng syudad sapagkat
hindi na sila makapananatili sa lugar na iyon. Gumayak sila at tumakas sakay ang isang
kamelyo.
Samantala, nanatili ang limang lalaking nakakulong sa compartment ng cabinet. Sa
loob ng tatlong araw na walang pagkain at walang tubig. Hindi nakatiis ang karpentero, kinatok
niya ang compartment ng hari, kinatok naman ng hari ang compartment ni Vizier, kinatok
naman ni Vizier ang compartment ng pulis at ng pulis sa compartment ni Cadi. Sumigaw ang
Cadi na nagsasabing bakit ba sila nagsasakitan gayong lahat naman sila ay nakakulong.
Nagkarinigan silang lima. Napagtanto nila na sila ay napagkaisahan ng babae. At habang sila-
sila ay nagkukwentuhan ng mga pangyayari nagtataka ang kanilang kapitbahay sapagkat may
ingay ay wala naman silang makitang tao sa loob. Kaya’t napagpasyahan nilang wasakin ang
pinto at pasukin ang bahay. Nakita nila ang cabinet na yari sa kahoy. Nakarinig sila ng
nagsasalita kaya’t tinanong nila kung may genie sa loob nito. Sinabi ng isa na sunugin ang
cabinet. Sumigaw ang Cadi na huwag silang sunugin. Nagkunwari siyang genie, nagsalita ng
mensahe galing sa Qur’an. Pinalapit nito ang mga tao sa cabinet.
Lumapit sila sa cabinet at nagsimulang magsalaysay ang mga nakakulong. Tinanong
nila kung sinong may kagagawan ng lahat ng ito. Ikinuwento nila ang lahat-lahat nang
nangyari. Nang makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na lamang
sila. Lumabas sila ng bahay na tinakpan ang kanilang mga mukha upang hindi makilala at
makaiwas sa tsismis ng mga kapitbahay.

Sipi mula kay Peralta RN Et.al, Panitikang Asyano, Pilipinas ng Vibal Group, Inc ,2014
p.235-338

Talakayin Mo
Gawain 3
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa kwaderno iyong sagot.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa nobela?


2. Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan sa kwento? Bakit?
3. Kung ikaw ang tauhang babae sa nobela gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
Ipaliwanag.
4. Aling bahagi ng akda ang masasabi mong tama o mali ang ginawa ng
pangunahing tauhan? Bakit?
5. Kung ikaw ang tatanungin aling bahagi ng akda ang di kaaya-ayang tularan?
Bakit?
6. Ano ang gagawin mo sakaling mangyari sa iyo ang katulad ng nangyari sa
akda?
7. Anong mga positibong katangian ang ginawa o ipinakita ng pangunahing
tauhan sa nobela?

Sa Saudi Arabia kinikilala ang mga kababaihan na mahina at sunud-sunuran


sa mga lalaki, paano pinatunayan ng babae sa nobela na siya ay malakas at kaya
niyang maipagtanggol ang sarili laban sa mga mapagsamantalang mga tao?

10
PAGYAMANIN

Alam Mo Ba?
Ang ginawa ng pangunahing tauhan sa nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi” ay
nagpapakita ng tunggalian tao laban sa kanyang sarili. Ito ay panloob na tunggalian
dahil nakikipaglaban ang pangunahing tauhan sa kanyang sarili. Halimbawa nito ay
ang suliraning may kinalaman sa moralidad at paniniwala. Bagamat siya’y
nagdadalawang-isip o nagtatalo ang kanyang isipan kung tama ba o mali ang kanyang
gagawing desisyon na maaaring ikasisira ng kanyang dignidad bilang isang babae lalo
na’t siya ay isang babaeng muslim. Ginawa pa rin niya ang bagay na sa tingin ng
karamihan ay mali, upang masunod ang kanyang kagustuhang mangyayari na
makalaya sa pagkakakulong ang taong kanyang iniibig.
Ang mga babaeng muslim ay pawang mga mahinhin at sobrang iniingatan ang
kanilang mga katawan o sarili kaya ginagalang sila ng mga lalaking muslim. Sa Islam
ang isang asawang babae ay kinakailangang sundin ang kanyang asawa sa mga
bagay na hindi sangkot sa pagsuway sa Allah. Kaya sa sitwasyon na nagtatalo ang
isipan ng babae sa paggawa ng desisyon, kung tama ba o mali, o gagawin ba niya o
hindi? Ito ay isang halimbawa na nagpapakita ng tunggalian tao laban sa sarili.

Gawain 4. Panuto: Isulat ang ilang pangyayari sa nobela na nagpapakita ng


tunggalian tao laban sa sarili. Gawin ito sa sagutang papel. Ang bawat sagot ay may
tiglilimang puntos.

Isang Libo’t Isang Gabi


Mga Pangyayari na
nagpapakita ng tunggalian tao
laban sa sarili

11
Gawain 5. Panuto: Sumulat ng tatlong pangungusap o sitwasyon na nagpapakita
ng tunggalian tao vs. sarili at isulat ito sa iyong sagutang papel. Gawing gabay ang
halimbawa.

Hal. • May nahulog na pera, kukunin ko ba?


• Wala na akong pera, mag-shoplift kaya ako?
1. __________________________________________________
2. __________________________________________________
3. __________________________________________________

ISAISIP

Gawain 6. Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Hanapin sa mga pangyayari
ang naglalahad ng tunggalian tao laban sa sarili. Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat
ito sa kwaderno.
a. Matataas na alon ang kinalaban ng mga mangingisda.
b. Nagalit si Ama sa aming mga kapitbahay na sobrang tsismosa.
c. Nalungkot si Ben dahil sa hindi siya pumasa sa bar exam.
d. Wala ang aming guro, mangungupya kaya ako?

ISAGAWA

Gawain 7. Batay sa kasalukuyang pangyayari sa buong mundo gumawa ng lathalain


tungkol sa pakikibaka ng tao sa corona virus. Ilahad ang mga pangyayaring
magpapakita ng tunggalian ng tao laban sa sarili. Isulat ito sa iyong kwaderno.

Pamantayan sa Pagmamarka

Lahat ng Tatlong Dalawang Isa lamang


pamantayan ay pamantayan ang pamantayan ang pamantayan ang
naisakatuparan naisakatuparan naisakatuparan naisakatuparan
20 15 10 5

12
a. Kabuluhan ng nilalaman na may kaugnayan sa akda
b. Kalinawan ng pagkasulat
c. Lalim ng mga pananaw
d. Pagpapatunay na ito ay tunggalian Tao laban sa Sarili

Ibuod Mo

Ano ba ang ibig sabihin ng tunggalian tao laban sa sarili? Sa araling ito
karaniwang pinoproblema ng tauhan kung ano ang pipiliin ang tama o mali, ang mabuti
o ang masama? Ito ay isang sitwasyon sa pagitan ng tao laban sa kanyang sarili.
Nagtatalo ang isipan ng isang tao kung gagawin ba niya o hindi ang bagay na
kinakailangang pagdesisyunan. Kagaya ng pagdadalawang isip ng tauhan sa nobela
“Isang Libo’t Isang Gabi, kung papayag ba siya o hindi sa hinihinging kapalit ng pulis
upang mapalaya ang taong kanyang minamahal.

May apat na uri ng tunggalian gaya ng tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao
laban sa kalikasan, at tao laban sa kinabukasan. Mahalagang malaman mo ang
kaibahan ng mga tunggaliang ito. At sa araling iyong nabasa ay naka pokus ito sa tao
laban sa sarili patunay nito ay ang pangyayaring hinarap ng pangunahing tauhan sa
kwento. Mahalagang matutunan ito upang mas handa ang isang indibidwal na harapin
ang bawat pagsubok at pagbibigay ng tamang desisyon sa bawat pakikisalamuha sa
tunay na buhay.

13
TAYAHIN

Panuto: Piliin ang tamang titik o letra ng tamang sagot sa bawat aytem at isulat ito sa
iyong kwaderno.

Nang marinig ng pulis ang pagmamakaawa ng babae na pakawalan ang kanyang


sinasabing kapatid, at makita ang kanyang ayos, umibig ito sa kanya, Sinabi nito,
“Pumunta ka sa aking tahanan hanggang sa mailabas ko ang iyong kapatid, “Ngunit
hindi po ako pumupunta sa bahay ng hindi ko po kakilala,” sabi ng babae. “Kung
ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa akin at payagan mo
akong gawin ang gusto kong gawin,” sabi ng pulis.

_____1. Ipinapahiwatig ng teoryang Realismo ang katotohanan kaysa kagandahan


ng buhay ng tao. Alin sa bahagi ng nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi”
ang nagpapatunay ng pananaw realismo?
e. “Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa
akin at payagan mo akong gawin ang gusto kong gawin,” sabi ng pulis.
f. “Ngunit hindi po ako pumupunta sa bahay ng hindi ko po kakilala”, sabi
ng babae.
g. “Makita ang kanyang ayos, umibig ito sa kanya.”
h. “Nang marinig ng pulis ang pagmamakaawa ng babae na pakawalan
ang kanyang sinasabing kapatid.”

_____ 2. Mula sa binasang teksto, anong ideya ang nabuo sa iyong isipan?
e. Kailangan kumilos o gumawa ng paraan ang isang tao upang mailigtas
o mapakawalan sa pagkakakulong ang mahal mo sa buhay.
f. Ang pagiging makasarili ay walang kahahantungan.
g. Likas sa tao ang pagiging mapusok at minsan nagagawa ang di dapat
gawin na labag na sa batas.
h. Di lahat ng nakikita mo ay totoo.

_____ 3. Saan isinulat ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi?


b. Iran b. Israel c. Saudi Arabia d. Egypt

_____ 4. Ano ang mahalagang aral ang nakuha mula sa akda?


c. pagpapahalaga c. pakikipag-usap
d. b. pagtitiyaga d. pagpapasensya

_____ 5. Base sa tekstong binasa, anong uri ng tunggalian ito?


c. tao laban sa tao c. tao laban sa lipunan
d. tao laban sa sarili d. tao laban sa tadhana

14
_____ 6. Anong damdamin ang nangingibabaw sa babae nang pumayag siya sa
kagustuhan ng limang lalaki?
b. takot b. gulat c. lito d. hiya

_____ 7. Gagawa ka ng suring-basa tungkol sa isang kwento, alin sa mga pang-ugnay


ang hindi kasali kung ang mga pahayag mo ay konsesyon o pagsang-ayon?
b. talagang b. totoo c. tinatanggap ko d. bagkus

_____ 8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng tunggalian tao laban
sa sarili?
e. Kung sisigaw ako na kami ay nakakulong sa compartment ng cabinet baka
magtaka o magalit ang hari sa amin. Ano ang gagawin ko?
f. Kahit humadlang pa ang tadhana sa kanilang pag-iibigan ay pilit pa rin nilang
ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan.
g. Sina Jervin at Carlo ay nadaganan ng gumuhong lupa dahil sa landslide.
h. Sinabunutan ni Anna ang kanyang kapitbahay na sobrang bungangera.

_____ 9. “Pumunta ka sa aking tahanan hanggang sa mailabas ko ang iyong kapatid.”


Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
b. magkita b. makisuyo c. makidaan d. magtungo

_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang hindi napabilang sa elemento ng nobela?
b. saknong b. haba c. banghay d. tauhan

______11. Anong elemento ng nobela ang binibigyang-buhay ng manunulat sa


kaisipan ng mga mambabasa?
b. banghay b. tauhan c. haba d. saknong

______12. Ito ang isa sa elemento ng nobela na tumutulong sa pagbibigay ng linaw


sa paksa, sa banghay, at sa tauhan.
b. haba b. tagpuan c. sangkap d. sukat

______ 3. Ang kritik ay isang akdang pampanitikan. Ito ay ang paghimay ng iba’t ibang
elemento at ibang bahagi ng isang akda. Alin sa sumusunod ang walang
kaugnayan sa kritik?
c. pagsusuri c. programa
d. pananaw sa akda d. pagbasa sa akda

______14. ____ araw ng lunes ang unang araw ng pagpasok sa paaralan. Ang
salitang nawawala sa pangungusap ay:
b. Simula b. Kapag c. Sa d. Kung

______15. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon sa babae
ang lalaking nakakulong ay kapatid niya.
c. pangatnig c. pantukoy
d. pananda d. pang-ukol

15
16
Gawain 5 Susi ng Pagwawasto sa Panimulang Pagsusulit
1. A 6. A 11. B
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung 2. A 7. D 12. B
tama 3. C 8. A 13. C
4. A 9. D 14. C
Gawain 6 5. A 10. A 15. D
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung Gawain 1
tama
1. Mosque 4. Qur’an
Gawain 7 2. Kamelyo 5. Turban
3. Abaya 6. Genie
Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama Gawain 2
1. J 6. H
Karagdagang Gawain: Depende na sa guro ang 2. E 7. B
pagpapasya kung tama 3. A 8. I
4. C 9. D
5. G 10. F
Gawain 3
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung
tama
Gawain 4
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung
tama
SUSI NG PAGWAWASTO
sa tao laban sa sarili
nagpapakita ng tungglian
Sariling karanasan na
kwaderno sa pamamagitan ng diyagram na makikita sa ibaba
bakit ito maituturing na may tunggalian sa tao laban sa sarili. Isulat ito sa iyong
nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili at bigyan ng maikling pagpapaliwanag
Panuto: Base sa tunay mong karanasan maglahad ng tatlong pangyayari na
KARAGDAGANG GAWAIN
Mga Sanggunian

DepEd-IMCS, Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig City:


Vibal Group Inc, 2014

Marasigan, Emily at Mary Grace Del Rosario Pinagyamang Pluma. 927 Quezon
Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016

17
For inquiries and feedback, please write or call:
DepEd Division of Iligan City
Office Address:General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax:(063)221-6069
E-mail Address:iligan.city@deped.gov.ph

18

You might also like