You are on page 1of 19

IKALAWANG MARKAHAN

ARALIN 2.3
Panitikan :Sanaysay - Taiwan
Teksto :Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakalipas na 50 Taon salin ni Perla Guerrero et.al.
Wika :Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Ordinaryong Opinyon,
Matibay na Paninindigan at Mungkahi
Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IId-47)


 Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa
napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IId-47)


 Naipaliliwanag ang mga: kaisipan; layunin; paksa; at paraan ng
pagkakabuo ng sanaysay.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IId-47)


 Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa
konteksto ng pangungusap.

PANONOOD (PD) (F9PD-IId-47)


 Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan
sa kanyang mga saloobin o opinyon sa isang talumpati.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IId-49)


 Naipahahayag ang sariling pananaw
89 tungkol sa isang napapanahong
isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan.

PAGSULAT (PU) (F9PU-IId-49)


 Naisusulat ang isang talumpating naglalahad ng sariling pananaw
tungkol sa napapanahong isyu o paksa.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IId-49)


 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
ordinaryong opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi gamit ang
mga pangatnig.

Ikalawang Markahan | 32
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IId-47)


 Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay
sa napakinggan.

II. PAKSA

Panitikan :Sanaysay - Taiwan


Teksto :Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakalipas na 50 Taon salin ni Perla Guerrero
Wika :Pagbibigay ng Ordinaryong Opinyon, Matibay na
Paninindigan at Mungkahi Gamit ang Pangatnig
Kagamitan :Pantulong na biswal, mga larawan
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: LARO – “CHARADE”
Pagpapakita sa piniling mag-aaral ng larawan ng mga gawain ng mga
kababaihan noon at ngayon. Batay sa ipinakitang larawan, huhulaan ito
ng mga kaklase.

Gabay na Tanong:

 Ano – ano ang inilalarawan dito tungkol sa mga


kababaihan? Ipaliwanag ang sagot.

Ikalawang Markahan | 33
2. Pokus na Tanong
a. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at
kultura ng Silangang Asya?

b. Paano nakatutulong ang mga pahayag sa pagbibigay ng


ordinaryong opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi sa
pagsulat ng sanaysay?
3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: BASAHIN AT UNAWAIN


Pagbasa ng isang artikulo tungkol sa kababaihan.
Ang Maralitang Kababaihan
ni Lilia Nacario
Sa panahon ngayon, maraming kababaihan ang di pa bukas ang isip
at marami pa ang pinagsasamantalahan.
Marami ang kadahilanan. Una, wala silang panahon sa paglahok sa
pag-aaral na ibinibigay dahil pangunahing iniisip nila kung paano mapakain
sa bawat araw ang kanyang pamilya. Ang usapin pa rin ay kahirapan.
Mapalalahok lang sa pag-aaral ang mga maralitang kababaihan kung sila’y
kumpleto ng pangangailangan.
Hanggang ngayon, sila ay nananatili pa rin sa tradisyunal na sistema –
na pag ikaw ay babae, wala kang karapatang ipagtanggol ang sarili. Pag
babae ka, pailalim ka sa lalaki. Pag babae ka, alipin ka, at iiyak na lang sa
isang tabi. Dapat mabago ang ganitong tradisyunal na sistema.
Dahil dito, napakahalaga ng papel ng organisasyon sa pagmumulat sa
mga maralitang kababaihan ng kanilang karapatan. Dapat na maorganisa at
mapalawak ang bilang ng maralitang kababaihang mulat sa karapatan upang
maging pundasyon sa poagbabago ng sistema.
Ano ang mga dapat gawin? Dapat magbukas ng bawat bahagi o lawak
ang oryentasyon hinggil sa karapatan ng kababaihan. Dapat na ayusin,
talakayin at ipagmalaki ang modyul hinggil sa kanilang karapatan.
Dapat mamulat din ang mga lalaki, ‘pagkat di lang sila ang may boses.
Kailangang pantay ang karapatan ng babae at lalaki. Dapat sa isang
organisasyon na tiyakin na ang lahat ng kababaihan ay maorganisa sa
kanilang karapatan.
Sanggunian: panitikangmaralita.blogspot.com.

ANALISIS

1. Bakit masasabing marami pa ring mga babae ang di-bukas ang isip sa
papel na dapat nilang gampanan?

2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng tradisyunal na sistema.

3. Patunayang may boses din ang mga babae sa isang lipunan.

Ikalawang Markahan | 34
4. Pagbibigay ng Input ng Guro
Alam mo ba na…

Mahalaga ang pananaw ng may-akda sapagkat nasasaad dito ang


kanyang mga ideya, opinyon hinggil sa isang isyu o paksa. Ipinakikita rin dito
kung ano ang nararamdaman ng may-akda sa paksa.
Nakasaad sa Bibliya na ang babae ay hinugot lamang sa tadyang ng
lalaki, sabi naman ng iba na ang babae ay pag-aari ng lalaki at ang iba
naman ay mahina ang mga babae. Sinoman ay hindi ikakaila na may
ginagampanang mahahalagang papel ang mga kababaihan sa ating lipunan.
Lagi natin silang tinitingnan bilang tagapag-alaga, tagapagturo, tagapag-
asikaso at marami pang iba.
Ang kalahati ng populasyon ng mundo ay binubuo ng mga babae.
Kung ating pababayaan na sila’y abusuhin, apihin, saktan, hiyain, pabayaan
at hamakin, ating sinusupil ang mga karapatan ng kalahating bahagi ng
sangkatauhan.
Dapat nating isaisip na ginawa ang batas di lamang para sa mga
kalalakihan kundi para din sa mga kababaihan. Ito ay ginawa ng patas sa
lalaki at babae upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan at
kinabukasan. Tandaan din na ang lahat ng tao sa mundo mapababae man o
lalaki, mapabata man o matanda ay pantay-pantay maging sa paningin ng
Poong Maykapal na siyang lumikha sa lahat ng nilalang at mga bagay-bagay
sa mundo.
Sanggunian: https://www.wattpad.com.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PICTO - CEPT

 Ipinakikita sa mga larawan na ang mga babae ay _____________.

Ikalawang Markahan | 35
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: SHARE UR IDEAS


Batay sa sariling pananaw, isulat ang hinihinging mga impormasyon mula
sa binasang akda.

Suliranin Kakalasan

Ang Maralitang
Kababaihan

ni Lilia Nacario

Hakbangin Kongklusyon

IV. KASUNDUAN

 Gumawa ng sarbey sa mga mag-aaral sa Baitang 9 tungkol sa paksang –


“Pagkakapantay – pantay ng mga Karapatan ng mga Babae at Lalaki sa
Lipunan. Sundin ang kasunod na pormat. Sumulat ng talatang nagbibigay
kongklusyon sa ginawang sarbey.

Pangalan Pangkat Sang-ayon Di - sang-ayon Paliwanag

Kongklusyon: _____________________________________________

 Basahin ang sanaysay – “Ang Kababaihan ng Taiwan Ngayon


at Noong Nakaraang 50 Taon”.

Ikalawang Markahan | 36
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F9PB-IId-47


 Naipaliliwanag ang mga :
- kaisipan
- layunin
- paksa; at
- paraan ng pagkakabuo ng sanaysay.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F9PT-IId-47


 Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa
konteksto ng pangungusap.

II. PAKSA

Panitikan :Sanaysay - Taiwan


Teksto :Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakalipas na 50 Taon salin ni Perla Guerrero
Wika :Pagbibigay ng Ordinaryong Opinyon, Matibay na
Paninindigan at Mungkahi Gamit ang Pangatnig
Kagamitan :Laptop, tv monitor
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :5 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: GANITO SILA NOON… GANITO SILA
NGAYON…
Magbigay ng ilang pahayag batay sa buhay ng kababaihan sa Taiwan.

NOON NGAYON

Ikalawang Markahan | 37
2. Presentasyon ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan
Suriin ang kahulugan ng salitang may salungguhit
 Parehong pagkakataon ___________________
 Pantay na karapatan ___________________
 Naiiba na ang gampanin ___________________
 Hindi makatarungan ang ___________________
 Higit na mapanghamon ___________________

 Pagpapabasa sa sanaysay sa paraang patalumpati – “Ang


Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon”

3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
PAGBUO NG ISLOGAN
Pagbabago sa Kalagayan at Karapatan ng mga Babaeng
Taiwanese

Pangkat 2
KONGKLUSYON MO…PATUNAY KO…
Magbigay ng mga patunay na nagbago na ang kalagayan ng mga
kababaihan sa Taiwan ngayon at noong nakaraang 50 taon.

Pangkat 3
HAMBINGAN TAYO…
Gumawa ng paghahambing ng dalawang sanaysay na binasa-
“Ang Kababaihan ng Taiwan Ngayon at Noong Nakaraang 50
Taon at Pagbibigay- Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa
Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian” batay sa hinihingi:
Paksa _______
Paraan ng pagbuo ng panimulang pangungusap_______
Paraan ng pagbuo ng wakas ________
Kakintalang iniwan sa mambabasa ________

Pangkat 4
SANAY NA SANAY!
Suriin ang sanaysay ayon sa paksa, layunin at kaisipan.

Ikalawang Markahan | 38
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood iparating sa manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) manonood (2)
(4)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon pangkat sa
presentasyon (2) presentasyon (1)
(3)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa bawat miyembro kanilang gawain (0)
miyembro sa kanilang sa kanilang
kanilang gawain gawain (2) gawain (1)
(3)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Paano sinimulan ang sanaysay?

2. Ano ang layunin ng sumulat nito?

3 Patunayang nag-iwan ng isang kakintalan sa isipan ng mambabasa


ang wakas na bahagi nito.

Ikalawang Markahan | 39
7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…
Ang salitang sanaysay ay siyang tinutumbasan ng salitang essay sa
Ingles. Isa itong kathang naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin ng isang
tao hinggil sa isang paksa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay “nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay”. Ang paglalahad ay dapat
maging maliwanag, mabisa at kawili-wili.
Sa pagsulat ng sanaysay kailangan na ang mananaysay ay may
malawak na kaalaman, mapangmasid sa kanyang kapaligiran, palabasa at
may kakayahang magpahayag ng kanyang kaisipan naaangkop sa kanyang
paksa at sa mga mambabasa.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: WEB ORGANIZER


Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga sumusunod sa pagbuo ng sanaysay.

kaisipan layunin

sanaysay

paksa pagkakabuo

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: SUBUKIN ANG GALING


Sumulat ng isang talata sa paksang “Mga Dapat Taglayin ng Isang
Kabataang Asyano.”

Ikalawang Markahan | 40
EBALWASYON

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Pagkatapos ay piliin


ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. Isang kathang naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin ng


isang tao hinggil sa isang paksa.

a. sanaysay b. pangungusap c. talata d. paksa

_____ 2. Ayon sa manunulat, ang sanaysay ay nakasulat sa karanasan


ng isang sanay sa pagsasalaysay.

a. Virgilio Almario c. Amado V. Hernandez


b. Alejandro G. Abadilla d. Deogracias A. Rosario

_____3. Upang maging mahusay na manunulat ng sanaysay


nangangailangang ang sumusulat ay

a. may malawak na karanasan c.may pinag-aralan


b. may paninindigan d.my respeto

_____4. “Babae pasakop kayo sa inyo - inyong asawa”. Paano sinimulan


ang sanaysay?

a.nagsimula sa isang pahayag c. nagtatanong


b.naglalahad d. nangangatuwiran

_____ 5. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at imulat sa mga


karapatang dapat ipaglaban ng mga kababaihan. Anong
katangian ng pangungusap ang taglay ng isang sanaysay?

a.paksa b.layunin c kongklusyon d.kaisipan

Susi sa Pagwawasto

1. A 2. B 3. A 4. A 5. B

Ikalawang Markahan | 41
Pagkuha ng Index of Mastery

Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng


kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Sumulat ng isang sanaysay na nagtataglay ng kaisipan, layuninat


paraan ng pagkakabuo.

 Ano ang pangatnig at mga uri nito.


Sang.Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et. al.

Ikalawang Markahan | 42
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IId-49)


 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong
opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi.

II. PAKSA
Panitikan :Sanaysay - Taiwan
Teksto :Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakalipas na 50 Taon salin ni Perla Guerrero
Wika :Pagbibigay ng Ordinaryong Opinyon, Matibay na
Paninindigan at Mungkahi Gamit ang Pangatnig
Kagamitan :Laptop, larawan, sipi ng teksto
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PANINDIGAN MO!
Kilalanin ang lakas ng babae.

Gabay na Tanong:

 Bakit kinilala sila na isa sa mga maimpluwensiyang tao


sa bansa?

Ikalawang Markahan | 43
2. Presentasyon ng Aralin

 Pagbasa ng Teksto

Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng talata.

IBA ANG BABAE

Hindi maitatanggi na malaki ang kontribusyon ng kababaihan sa


lipunang Pilipino. Ang pagiging unang guro sa tahanang kabataan pati ang
paghubog ng kanilang katauhan ay kanilang isinasabalikat. Pinasok na rin
nila ang larangan ng paggawa at serbisyo - publiko. Nararapat lamang
makatanggap ng paghanga ang mga kababaihan dahil sa kanilang pagiging
masipag at matiyaga sa trabaho. Sa kasalukuyan, marami nang kababaihan
ang manggagawa ng pamahalaan. Maaasahan sila upang magbigay ng
serbisyong tapat at totoo. Lubha itong kailangan nang umusad ang ating
ekonomiya. Maging ang Pangulo, maging iba pang lider ng bansa ay
magpapatunay na kaunti lamang ang kasong katiwaliang kinasasangkutan ng
mga babae
Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et. al.

ANALISIS

1 Tungkol saan ang binasang teksto?

2. Paano tinalakay ang paksa?

3. Patunayang nakatulong ang mga salitang may salungguhit upang


mailahad ang paksa.

Pagsusuring Gramatikal:

1. Bigyang-pansin ang sinalungguhitang mga salita, suriin kung paano ito


ginamit sa pangungusap.

2.Piliin at salungguhitan ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong.

Itinakda ng kalalakihan ang papel ng Pilipina (kung gayon, nang,


ngunit). Hindi sila pumayag . Ayaw nilang makulong sa kahon ng
kawalang pagbabago. (kaya, pag , sana) naman ipinakita ang pagtutol.
Nagpakita sila ng pagbalikwas (pati, nang, ni) mamulat sila sa pang-aapi
sa Inang Bayan.

Ikalawang Markahan | 44
3. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng


dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

Halimbawa:
(Salita)
1. Ang pagkakapantay-pantay ng mga karapatan ng mga
kababaihan at kalalakihan ay dapat bigyang puwang sa
lipunan.

(Parirala)
1. Ang pagbuwag sa sistemang patriyarkal at pamumuno ng
kalalakihan ay nagwakas na.

(Sugnay)
1. Ang babae ay katuwang sa bahay at ang lalaki ay lakas nito.

Dalawang panlahat na pangkat ng mga pangatnig


1. Nag-uugnay na makatimbang ng yunit – at, pati, saka, o, ni,
maging, ngunit, subalit. Nag-uugnay ito sa mga sugnay na
makapag-iisa.
Halimbawa:
a. Ang kalagayan pati karapatan ng kababaihan ay nabigyang-
pagpapahalaga na ngayon.
b. Pambahay lamang ang mga babae noon ngunit aktibo na silang
nakikisangkot sa mga isyung pambayan.
c. Ni ikaw ni iyong asawa ay walang matatamong pagpapala kung
magpapatuloy ang paglalamangan ng bawat isa.

2. Nag-uugnay ng di magkatimbang nay unit – kung, nang,


bago, upan, kapag o pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa,
kaya, kung gayon, sana.

Nag-uugnay ito na dalawang sugnay na hindi timbang. Nasa


unahan ang sugnay na pantulong ang pangatnig.

Halimbawa:
a. Paano natin maipagagayasa mga dayuhan ang paggalang
sa mga kababaihankung tayo na rin ang di nagpipitagan sa
kanila?

Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

Ikalawang Markahan | 45
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: UGNAYANG TANONG - SAGOT

 Ano ang pangatnig? Paano nakatutulong ang pangatnig


sa pagbibigay ng opinion, matibay na paninindigan at
mungkahi?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: OPINYON KO, IBABAHAGI KO


Bumuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng iyong opinyon at
pananaw batay sa larawan. Gumamit ng mga pangatnig.

EBALWASYON

Panuto: Piliin at salungguhitan ang tamang sagot na nasa loob ng


panaklong.

Ang mga kalalakihan (1) ( dahil sa, ni, pati) ang mga kababaihan ay
nagkaisa (2) (kaya, upang, at) wakasan ang pang-aaliping ito. Nag-alab
ang kanilang damdamin (3) (upang, nang, saka) ipakita ang pagsalungat.
Mabihag (4)kung, bago,o) malagutan man ng hininga, sama-sama sila sa
iisang tunguhin, ang pagtatamo ng kalayaan. Bilang mamamayan ng
bayan sumuporta tayo (5) (at, nang, pati) makiisa sa iisang layunin ng
bayan.

Susi sa Pagwawasto

1. ni 2. upang 3. nang 4. o 5. at

Ikalawang Markahan | 46
Pagkuha ng Index of Mastery
Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Sumulat ng isang talata sa paksang - ”Pantahanan Lamang Ang


Mga Ina”. Magpahayag ng opinyon o pananaw. Gumamit ng mga
pangatnig.

 Maghanda sa pagsulat ng awtput.

Ikalawang Markahan | 47
ILIPAT
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F9PD-IId-47)


 Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong
naninindigan sa kanyang mga saloobin o opinion sa isang
talumpati.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IId-49)


 Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na
paninindigan.

PAGSULAT (PU) (F9PU-IId-49)


 Naisusulat ang isang talumpating naglalahad ng sariling pananaw
tungkol sa napapanahong isyu o paksa.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.3


Kagamitan :Mga larawan, pantulong na biswal, lap top
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.
al. Diwatik, Modyul sa Filipino nina Teresa B.
Padolina at Gabriel B. Bautista Jr.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estatehiya: BABAE, MAHALAGA KA!
Magpaparinig/magpapanood ang guro ng isang halimbawa na naglalahad
tungkol sa napapanahong isyu “Ang Kababaihan sa Modernong
Panahon”
-halaw sa wikipedie.org/mga kababaihan

Ikalawang Markahan | 48
ANALISIS

1. Maglahad ng mahahalagang paglalarawan tungkol sa mga babaeng


moderno at makaluma.

2. Ipaliwanag ang nilalaman ng narinig/napanood na paglalahad tungkol


sa mga kababaihan.

3. Ilahad ang layunin ng sumulat.

4. Magbigay ng pananaw tungkol sa pagbabagong naganap sa mga


kababaihan.

5. Masasalamin ba sa paglalahad na narinig ang kalagayang panlipunan


ng mga kababaihan? Pangatuwiranan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estatehiya: POINT YOUR VIEW!


Ibigay ang pananaw tungkol sa kaisipang nasa loob ng kahon.

Masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at


kultura ng Silangang Asya.

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing awtput.

Pagbigkas nang maayos at may damdamin ang isinulat na


talumpati.

GRASPS

GOAL Makasulat ng editoryal tungkol sa isang


napapanahong isyung panlipunan.
ROLE Editor sa isang pahayagan
AUDIENCE Mga mambabasa
SITUATION Susulat ka ng editoryal tungkol sa napapanahong
isyung panlipunan sa alinmang bansa sa Silangang
Asya.
PERFORMANCE Makasulat ng editoryal
STANDARDS Mapanghikayat 25%
Makatotohanan 25%
Kaangkupan sa Paksa 25%
Kawastuhan ng Balangkas 25%
Kabuuan 100%

Ikalawang Markahan | 49
3. Pagbibigay ng fidbak sa isinagawa ng mga mag-aaral.

4. Pagbibigay ng iskor ng guro.

5. Pagpili ng natatanging mahusay na bumuo at bumigkas ng


talumpati.

APLIKASYON

 Nakasusulat ng isang napapanahong isyu o paksa


Mga Halimbawa:
a. Mga karapatan ng kababaihang dapat suportahan
b. Pagdami ng mga Pilipinang nangingibang bansa upang magtrabaho

 Ipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa napapanahong isyu o paksa


sa pamamagitan ng pagpapahayag ng matibay na paninindigan.

IV. KASUNDUAN

 Bumuo ng isang talumpating naglalahad tungkol sa napapanahong


isyung panlipunan ng Pilipinas. Isulat sa notbuk.

 Basahin at unawaing mabuti ang Maikling Kuwentong China


“Niyebeng Itim” sinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra ni Liu Heng.

Ikalawang Markahan | 50

You might also like