You are on page 1of 18

UNANG MARKAHAN

ARALIN 1.5
Panitikan :Dula - Pilipinas
Teksto :Tiyo Simon ni N. P. S. Toribio
Wika :Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan (sa
totoo, talaga, tunay, iba pa)
Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-Ig-h-43)


 Nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-Ig-h-43)


 Nailalapat sa sarili, bilang isang Asyano, ang pangunahing
kaisipan ng dulang binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-Ig-h-43)


 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang
estruktura nito.

PANONOOD (PD) (F9PD-Ig-h-43)


 Napahahalagahan ang napanood na dula sa pamamagitan ng
pagpili at pagpapaliwanag ng bahaging naibigan.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ig-h-45)89


 Nabibigkas nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang
diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula.

PAGSULAT (PU) (F9PU-Ig-h-45)


 Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa
isang dula.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ig-h-45)


 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan
(sa totoo, talaga, tunay, iba pa).

Unang Markahan | 62
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-Ig-h-43)


 Nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan
at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag.

II. PAKSA

Panitikan :Dula - Pilipinas


Teksto :Tiyo Simon ni N. P. S. Toribio
Wika :Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng
Katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa)
Kagamitan :Pantulong na biswal
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PICK N’ SHARE

A. May mga anak kaya sa tunay na buhay na higit na malapit sa ibang tao
kaysa sa sariling magulang? Patunayan ang sagot.

B. Bakit kaya may mga pagkakataong pinipili ng anak na sumama sa


ibang kaanak kaysa sa sariling magulang?

C. Tama kayang hayaan ng magulang na piliing sumama ang anak sa


ibang kaanak sa halip na siya ang samahan? Ipaliwanag.

Unang Markahan | 63
2. Pokus na Tanong
a. Bakit mahalagang pag-aralan ang dula?

b. Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula?

c. Bakit mahalaga ang paggamit ng ekspresyong nagpapahayag ng


katotohanan?
3. Presentasyon ng Aralin

a. Paglinang ng Talasalitaan
Sagutin ang mga kasunod na tanong upang mabuo ang salitang
nasa loob ng kahon.

1K K
2 G N
3 N
4 A N
5 I S

1. Ang tawag sa lolo, lola, ate, pinsan at iba pa


2. Ang anak ng kapatid nina tatay at nanay
3. Ang nangangalaga sa mga anak
4. Ang kapatid na babae ng ama at ina
5. Ang tawag sa anak ng tiyuhin ko

b. Mungkahing Estratehiya: AMAIN KO…KILALANIN MO


Magbigay ng ilang katangian ng iyong amain/tiyuhin na labis mong
hinahangaan. Magsalaysay ng ilang pangyayari na nagpapatunay sa mga
katangiang ito.

Katangian Pangyayari

Ang Iyong Amain

ANALISIS

1. Alin sa mga pangyayari sa buhay ng iyong amain ang lubos mong


hinangaan? Bakit

2. Paano hinarap ng iyong amain ang kabiguang dumating sa kanyang


buhay?

Unang Markahan | 64
3. Ano ang naging epekto sa iyo ng mga pangyayaring naganap sa iyong
amain?

4. Sa iyong palagay, bakit may mga magkakamag-anak na hindi


magkakasundo?

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Magmula sa pagsilang ng tao, nariyan na ang mga magulang na laging


nakaagapay at nagpapadama ng tunay na pagmamahal at nagtuturo ng
wastong asal sa ikabubuti ng anak.
Ito ang mag-anak na Filipino at ito ang karaniwang nasasalamin sa
mga panoorin lalo na’t ang paksa ay may kaugnayan sa buhay at
pamumuhay ng mag-anak, ngunit may mga pagkakataong nagkakaroon ng
mga kaganapang hindi inaasahan.
Ang katotohanan, may mga anak na nagbabago ng ugali, nagiging
mailap, malihim at naiiba ang pakikitungo sa mga kasamahan sa bahay sa
hindi maunawaang kadahilanan. Sa bagay na ito, isang malaking katanungan
ang mabubuo, kanino siya nagiging malapit at bakit nagkaganoon? Kung
kaya’t pumapasok ngayon sa buhay nila ang kanilang mga kaibigan, kakilala
at kamag-anak.
Sanggunian: Ang Batikan ni Jose B. Bilasano

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: SHARE UR FEELING


Bukod sa iyong mga magulang, kanino ka malapit? Paano siya
nakaimpluwensya sa iyo? Ilahad ang mga pangyayaring nagpapatunay
dito.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DRAW IT!


Guguhit ang mga mag-aaral ng isang bagay na sumisimbolo sa isang
kaanak na malapit sa kanila. Pagkatapos, gagawan nila ito ng isang
kasabihan o pahayag na maglalarawan sa katangian nito.

IV. KASUNDUAN

 Basahin ang dulang “Tiyo Simon” ni N. P. S. Toribio.

 Alamin ang mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng


katotohanan.

Unang Markahan | 65
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-Ig-h-43)


 Nailalapat sa sarili, bilang isang Asyano, ang pangunahing kaisipan
ng dulang binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-Ig-h-43)


 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang
estruktura nito.

PANONOOD (PD) (F9PD-Ig-h-43)


 Napahahalagahan ang napanood na dula sa pamamagitan ng
pagpili at pagpapaliwanag ng bahaging naibigan.

II. PAKSA

Panitikan :Dula - Pilipinas


Teksto :Tiyo Simon ni N. P. S. Toribio
Wika :Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng
Katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa)
Kagamitan :Pantulong na biswal, sipi ng akda
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: ROLL, VIDEO CLIP
Magpapanood ang guro ng isang piling bahagi ng dula.

Nathaniel

http://www.nathaniel.ph/no02.html

 Mula sa napanood na bahagi ng dula, aling pangyayari ang


tumatak sa inyong isipan? Ipaliwanag.

Unang Markahan | 66
2. Presentasyon ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng sinalungguhitang pahayag at gamitin sa
makabuluhang pangungusap.

1. Ang kaniyang Tiyo ay nasa katanghalian ang gulang nang siya ay


pitong taong gulang.
Kahulugan - _________
Pangungusap - _________

2. Ang mga bagong kagamitan ay nagpapakita na ang buhay ay larawan


ng karanasan.
Kahulugan - ________
Pangungusap - ________

3. Ang paggawa ng di mabuti sa kapwa ay pagtalikod sa aral ng


simbahan.
Kahulugan - ________
Pangungusap - ________

4. Mahirap humarap sa Panginoon nang may dumi sa kalooban.


Kahulugan - ________
Pangungusap - ________

5. Ang taong may mabuting kalooban ay may magagawa sa pagliligtas ng


kaluluwa ng kaniyang kapuwa.
Kahulugan - ________
Pangungusap - ________

 Madamdaming pagpapabasa sa akda – “Tiyo Simon”


ni N.P.S. Toribio
3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
MANEQUIN CHALLENGE
Piliin at ipaliwanag ang bahaging naibigan sa dula.

Pangkat 2
TALK SHOW
 Ano ang iyong nadama matapos basahin ang dula?
 Paano binago nito ang iyong pag-uugali?
 Bakit mo ibabahagi sa iba na basahin ito?
 Bilang isang kabataang Asyano, paano mo
pahahalagahan ang mga ganitong uri ng panitikan?

Unang Markahan | 67
Pangkat 3
GRAPHIC ORGANIZER
Tukuyin sa akda ang mga pangyayaring nagsasaad ng
makatotohanan at di – makatotohanan.

Tiyo Simon

Makatotohanan Di - makatotohanan

Pangkat 4
JINGLE
Lumikha ng isang awit na may kaugnayan sa kaisipang hatid ng
akda.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan pamamaraang
pamamaraang ginamit ng ang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa pamamaraang sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon ginamit ng
presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon
(1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain (0)
miyembro sa kanilang miyembro sa
kanilang gawain gawain (2) kanilang
(3) gawain (1)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

Unang Markahan | 68
6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Bakit kaya ayaw sumama ni Boy sa kaniyang ina na magsimba?


Nagaganap ba ito sa totoong buhay? Patunayan.

2. Naniniwala ka ba na ang pagtutol ni Boy na magsimba ay impluwensiya


ng kanyang Tiyo Simon? Ipaliwanag ang sagot.

3. Totoo kayang ang mga taong napapahamak o dumaranas ng mga


pagsubok ay parusa ng Diyos? Patunayan.

4. Bilang isang anak, nangyari na ba sa iyo ang naranasan ni Boy?


Isalaysay.

5. Aling bahagi ng dula ang nakaantig sa iyong damdamin? Ipaliwanag.

7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…
Aminin natin ang katotohanang ang ugali ng tao ay bunga ng
kinamulatang kapaligiran, maaaring impluwensiya ng magulang, komunidad o
taong nakakasalamuha natin na nagpapabago ng ating pananaw sa buhay.
Sa pamilya, bukod sa magulang, mayroon tayong kamag-anak na laging
nakakausap. Karaniwan iyon sa pamilyang Pilipino.
Ang “Tiyo Simon” ay isang halimbawa ng dula.
“Ang dula ay isang uri ng akda na nagsimula sa tula o tuluyang
pangungusap na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga
usapan at kilos ng mga tauhang gumaganap upang itanghal sa dulaan”.
-Julian Cruz Balmaceda

“Sinasabi na ang daigdig ay maituturing na isang tanghalan at tayo ang


mga tauhang nagsisiganap”.
-Alejandro Abadilla

Sanggunian: Integratibong Aklat sa Filipino III nina Alita I. Tepace at Paquito B. Badayos

Unang Markahan | 69
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PICTO-CEPT


Pag-ugnayin ang mga larawan upang makabuo ng isang mahalagang
konsepto ng aralin.

“Tiyo
Simon” Panguna-
ni hing
N.P.S. Kaisipan
Toribio

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: REFLECTIVE JOURNAL


Gumawa ng reflective journal sa bahaging naibigan sa akda.

a. Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!


Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maaa… Pagagalitin mo na
naman ako, e! At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong
umagang ito ng pangiling-araw?
Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si… si Tiyo
Simon…
Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang… Patawarin
ako ng Diyos.
Boy: Basta. Maiiwan po ako… (Ipapadyak ang paa)
Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon…

b. Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May


mga bagay na hindi maipaalam sa iba sa pamamagitan ng
salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa
sariling karanasan sa sariling pagkamulat…ngunit kung
anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak:
malaki ang pananalig ko kay Bathala.
Boy: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi
Masamang bagay. Kaya, huwag mong tatanggihan ang
pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo
ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa
akin iyon at hindi ako naging maligaya.

Unang Markahan | 70
EBALWASYON

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot.

___ 1. Ang direktor na siyang nagbibigay-interpretasyon sa iskrip ay isang


elemento ng ______.
a. maikling kuwento b. dula c. pabula d. nobela

___ 2. Boy: Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi
ako sasama kay Mama. Anong kaisipan ang ipinahihiwatig sa
diyalogong ito?
a. Malaki ang impluwensiya ng amain kay Boy
b. Tinatamad magsimba si Boy
c. Ayaw makasama ni Boy ang kaniyang ina
d. Galit si Boy sa kaniyang ina.

___ 3. Namatay ang kanyang ama ng hindi nakapagpa-Hesus. Ang salitang


may salungguhit ay nangangahulugang ______.
a. nabendisyunan b. napagdasalan c. napatawad d. nailibing

___4. Ang pananalig sa Diyos ang magliligtas sa atin sa anumang


kapahamakan. Ang salitang pananalig ay may kahulugang ______.
a. pag-asa b. pagsamba c. pananampalataya d. pagtanggi

___5. Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy.


Kung gusto mo… kung gusto mong isama ako ay
maghintay kayo at ako’y magbibihis…Magsisimba tayo.
Ang kaisipang nais ipahayag sa diyalogo ay _____.
a. Sapilitang pinasisimba ni Tiyo Simon si Boy.
b. Walang pakialam si Tiyo Simon.
c. Pumayag ang ina ni Boy na huwag na siyang magsimba.
d. Nagbago ang pananaw ni Tiyo Simon sa pagsimba.

Susi sa Pagwawasto

1. B 2. A 3. A 4. C 5. D

Unang Markahan | 71
Pagkuha ng Index of Mastery
Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Magsaliksik ng kahulugan ng “melodrama”. Magbigay ng


halimbawa.

 Paano nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng


katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa).

Unang Markahan | 72
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F9PS-Ig-h-45)


 Nabibigkas nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang
diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-Ig-h-45)


 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa
totoo, talaga, tunay, iba pa.)

II. PAKSA
Panitikan :Dula - Pilipinas
Teksto :Tiyo Simon ni N. P. S. Toribio
Wika :Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng
Katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa)
Kagamitan :Pantulong na biswal, sipi ng akda
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: ROLL… VIDEO CLIP
Suriin ang mga diyalogo sa sumusunod na video clip. Maaaring isulat ng
mga mag-aaral ang mga diyalogo sa strips of paper at ipaskil ito sa pisara.

My Dear Heart
https://youtu.be/x9l0Tl2x0xM

Gabay na Tanong:
 Bigyang-pansin ang mga diyalogo. Ano ang pinahahayag
nito?
 Paano ang mga salitang ito nakatulong upang maging
makatotohanan ang mga binitiwang usapan?

Unang Markahan | 73
2. Presentasyon ng Aralin

 Balikan ang akdang “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio


 Bigkasin nang may paglalapat sa sariling katauhan ang
ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang akda.
 Tukuyin ang mga salitang ginamit upang maging
makatotohanan ang mga pangyayari sa akda.

 Pagbasa ng Diyalogo

Aling Maria: Hoy mare, totoo ba na ang mga pulis ay nagbabahay-bahay


upang himukin ang mga gumagamit ng bawal na gamut na
sumuko?
Aling Juana: Oo mare!
Mang Tasyo: Talaga mare? Kaya pala kasama si Kapitana!
Mang Julian: Kaya nga ako’y nagbabalak na rin makipag-usap kay Kapitana.
Mang Tasyo: Bakit pare? Tunay ba ang sinasabi nilang adik ka?
Mang Julian: Tama ka pare! Totoo ang sinasabi nila.
Aling Maria: Siguro nga ay panahon na para magbago ka at hindi pa huli ang
lahat.

ANALISIS

1. Pansinin ang mga salitang nakapahilis sa loob ng maikling diyalogo.


Ano ang pinahahayag nito?

2. Paano ginamit ang mga salitang nabanggit?

3. Bakit mahalagang matutuhan ang mga ekspresyong nagpapahayag ng


katotohanan? Patunayan.

3. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o


pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi
mapasusubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify
ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin
at mga taong nakasaksi nito.
Ang halimbawa ng mga ekspresyon na nagpapahayag ng katotohanan
ay totoo, tunay, talaga at iba pa.

Sanggunian: Interaktibong Filipino ni Nora Espiritu

Unang Markahan | 74
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PASS D’ QUESTION


Bakit mahalaga ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng
katotohanan sa pagbuo ng isang dula?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DIYALOGO


Pumili ng kapareha at bumuo ng maikling diyalogo/usapan na
ginagamitan ng mga salitang nagpapahayag ng katotohanan.

EBALWASYON

Panuto: Piliin ang angkop na ekspresyong nagpapahayag ng


katotohanan . Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___ 1. Tunay na kawili-wiling basahin ang mga aklat sa Filipino.

___ 2. Mabisa talagang pampalipas-oras ang pagbabasa.

___ 3. Sadyang nakakaaliw ang panonood ng dula kung makatotohanan


ang pagganap ng mga tauhan.

___ 4. Tama ka sa sinasabi mong tayo ang dahilan ng pagkasira ng ating


kapaligiran.

___ 5. Sang-ayon ako sa iyong panukala.

Susi sa Pagwawasto

1. Tunay 2. Talaga 3. Sadya 4. Tama 5. Sang-ayon

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

Unang Markahan | 75
IV. KASUNDUAN

 Manood ng isang teleserye at gumawa ng isang maikling diyalogo


na ginagamitan ng mga ekspresyong nagpapahayag ng
katotohanan.

 Suriin ang pinanood na teleserye batay sa pagiging makatotohanan


nito

Unang Markahan | 76
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F9PUIg-h-45)


 Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa
isang dula.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.5 :Iskrip ng Dula


Kagamitan :mga Larawan
Sanggunian :Ang Batikan ni Jose B. Bilasano
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PICTORIAL STORY
Sa tulong ng mga larawan, bumuo ng isang maikling diyalogo/usapan na
ginagamitan ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.

ANALISIS

1. Kapani-paniwala ba ang usapan o diyalogo? Patunayan.

2. Paano naging makatotohanan ang bawat pangyayari sa nabuong


usapan/diyalogo?

3. Mahalaga ba ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng


katotohanan? Ipaliwanag.

Unang Markahan | 77
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: MESSAGE RELAY


Gamit ang mga salitang ibinigay, bumuo ng sariling konsepto batay sa
araling tinalakay. Mula sa nabuong konsepto, ipapasa ito sa ibang
miyembro ng grupo hanggang sa makarating sa dulo.

Dula
Melodrama
Pangunahing Kaisipan
Makatotohanang Pangyayari
Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan
Tunay, talaga, totoo

APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Awtput.


Pagpapasulat ng isang dula.

GRASPS
GOAL Nakasusulat ng isang iskrip nagpapakita ng pagiging
makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula.
ROLE Isa kang script writer na kasali sa patimpalak – dulaan
sa inyong paaralan.
AUDIENCE Mga mag-aaral, guro, punongguro at mga magulang
SITUATION Naatasan kang gumawa ng isang iskrip na
nagpapakita ng pagiging makatotohanan ng mga
pangyayaring nagaganap sa totoong buhay.
Itatanghal ito sa programa kaugnay ng pagdiriwang
ng Buwan ng Wika.
PERFORMANCE Pagsulat ng isang iskrip ng dula.
STANDARDS Tatayain ang dula ayon sa mga sumusunod na
pamantayan:
Nilalaman 30%
Orihinalidad 30%
Madamdamin 20%
Makatotohanan 20%
Kabuuan 100%
3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

Unang Markahan | 78
5. Pagpili ng mahusay sa pagkakabuo ng sariling dula.
 Madamdaming nabibigkas/natatanghal ang nabuong dula.

IV. KASUNDUAN

 Magsaliksik ng mga saling-akdang pampanitikan ng Timog-Silangang


Asya.

 Paano isinasagawa ang book fair ng mga saling-akdang pampanitikan


ng Timog-Silangang Asya?

Unang Markahan | 79

You might also like