You are on page 1of 15

UNANG MARKAHAN

ARALIN 1.4
Panitikan :Sanaysay - Indonesia
Teksto :Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth S. Mabanglo
Wika :Mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling
Pananaw
Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-If-42)


 Nasusuri ang sariling ideya at ideya ng iba kapag nakikita ang sarili
sa katauhan ng nagsasalita.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-If-42)


 Nasusuri ang padron ng pag-iisip (thinking pattern) sa mga ideya at
opinyong inilahad sa binasang sanaysay.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-If-42)


 Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.

PANONOOD (PD) (F9PD-If-42)


 Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa
napanood na debate o kauri nito.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-If-44)


 Nakikilahok sa isasagawang debate o kauri nito.
89
PAGSULAT (PU) (F9PU-If-44)
 Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat at hindi dapat
taglayin ng kabataang Asyano.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-If-44


 Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling
pananaw.

Unang Markahan | 47
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-If-42)


 Nasusuri ang sariling ideya at ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa
katauhan ng nagsasalita.

II. PAKSA

Panitikan :Sanaysay - Indonesia


Teksto :Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth S.
Mabanglo
Wika :Mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling
Pananaw
Kagamitan :Pantulong na biswal
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: WORD ASSOCIATION
Maglahad ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng bilog at
pagkatapos ay bumuo ng mga kaisipan batay sa salitang ito.

KALAYAAN

Gabay na Tanong:
 Alin sa mga kaisipang binuo ang nagbigay sa iyo ng linaw sa
tunay na kahulugan ng kalayaan? Ipaliwanag.

Unang Markahan | 48
2. Pokus na Tanong
a. Bakit mahalagang pag-aralan ang sanaysay?

b. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsulat ng sanaysay


at pagpapahayag ng opinyon?

3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: TABLEAU


Gamit ang dati mong kaalaman, nabasa o napanood, ilahad kung paano
ipinaglaban ng ating dakilang bayani (Gat Jose Rizal) ang ating kalayaan.

ANALISIS

Basahin ang ibat ibang uri ng kalayaan na nakasulat sa loob ng


kahon pagkatapos ay piliin mo kung alin sa mga ito ang nais mong
makamit bilang tao.

Kalayaan sa Kalayaan sa Pag-ibig


Pamamahayag

Kalayaan sa Pagpili ng Kalayaan sa Pag-


Kurso aasawa

Kalayaan na Mamuhay ayon


sa Sariling Kagustuhan

 Bakit ang kalayaang ito ang iyong napili? Ipaliwanag.

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang paglaya’y ang pagkilala sa sariling kakayahan sa daigdig


ng walang katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay. Ang
paglaya’y ang pagkilala sa buhay at ang pagkatutong malutas ang mga ito.
Ang paglaya’y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig.
.

Sanggunian: Filipino_HS.Com ni Nimfa V. De Veluz at Gilbuena V. Eulanda

Unang Markahan | 49
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: #SET ME FREE


Maglahad ng mga pangyayaring kalimitang nagaganap kapag masisiskil
ang kalayaan ng tao.
 Bakit kaya ganito ang kadalasang nagaganap kapag
masisikil ang kalayaan?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: EKSPLEYN EN REAK


Bilang isang tao, anong kalayaan ang nais mong makamit? Ibigay mo ang
iyong ideya kung bakit iyon ang napili mo.

IV. KASUNDUAN

 Basahin ang sanaysay “Kay Estella Zeehandelaar” salin ni Ruth S.


Mabanglo.

 Kilalanin ang iba’t ibang uri ng pang – ugnay.

Unang Markahan | 50
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-If-42)


 Nasusuri ang pardon ng pag-iisip (thinking pattern) sa mga ideya at
mga opinyong inilahad sa binasang sanaysay.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-If-42)


 Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-If-44)


 Nakikilahok sa isasagawang debate o kauri nito.

II. PAKSA

Panitikan :Sanaysay - Indonesia


Teksto :Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth Mabanglo
Wika :Mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling
Pananaw
Kagamitan :Pantulong na biswal, lap top
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: THINKING PATTERN

May mga bansa sa Timog-Silangang Asya kung saan ang mga


kababaihan ay hindi binibigyan ng kalayaan tulad sa kalalakihan. Ilan sa
bansang hindi nagbibigay ng pantay na kalayaan sa kababaihan ay
matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Dito, ang mga babae ay tinatrato
bilang isang nilalang na walang halaga o mababang uri at hindi maaaring
pumantay sa kapangyarihan ng kalalakihan.

 Bakit may mga bansang walang-halaga at kalayaan ang mga


kababaihan sa kanilang lipunan? Ibigay ang iyong opinyon.

Unang Markahan | 51
2. Presentasyon ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga may salungguhit na salita sa pangungusap
na mula sa akda.

1. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong


panahon.

2. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa


pagkaalipin.

3. Kinakailangan ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng


bahay.

4. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling


ng aking mga puting kapatid.

5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa


pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam.

 Madamdaming pagpapabasa sa akda – “Kay Estela


Zeehandelaar” salin ni Ruth S. Mabanglo.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
AK…SYON
Pagpapakita ng mga kaugaliang Javanese na natuklasan sa
akda.

Pangkat 2
DEBATE/PAGTATALO
Bumuo ng debate/pagtatalo tungkol sa temang: “Dapat ba o
hindi dapat na magulang ang pumipili ng mapangangasawa
ng anak na babae?”

Pangkat 3
TRADISYON KO…ISA-ISAHIN MO
Kilalanin ang mga tradisyong pinaglalaban sa akdang binasa
na nangangahulugan ng hindi pag-unlad ng katauhan bilang
isang babae.

Unang Markahan | 52
Pangkat 4
KOMENTARYO MO…SUSURIIN KO
Pagpapahayag ng mga opinyon sa pamamagitan ng isang
komentaryo mula sa mga balita sa kasalukuyan na may kaugnayan sa
akdang binasa.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti

Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang


at naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) sa manonood
(4) (2)

Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng


Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan pamamaraang
pamamaraang ginamit ng ang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa pamamaraang sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon ginamit ng
presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon
(1)

Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain (0)
miyembro sa kanilang miyembro sa
kanilang gawain gawain (2) kanilang
(3) gawain (1)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

Unang Markahan | 53
ANALISIS

1. Sino si Estella Zeehandelaar?

2. Paano ipinakilala ng prinsesa ang kanyang sarili?

3. Ano ang nais ng prinsesa na gusto niyang mabago sa kaugaliang


Javanese para sa mga kababaihan?

4. Naniniwala ka ba na ang mga anak na babae ay may karapatang pumili


ng kanilang mapangangasawa? Patunayan.

5. Ano ang sanaysay? Ibigay ang katangian nito.

7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…
Ang sanaysay ay isang akdang tuluyan na naglalaman ng matalinong
pagkukuro-kuro ng sumulat na inilahad sa isang makatuwiran at
nakahihikayat na paraan. Pinapaksa nito ang tungkol sa kaugalian o
tradisyon, kilusan at kabutihang-asal o anomang may kinalaman sa uri at
halaga ng buhay na maaaring lapatan ng sariling palagay, opinyon at
damdamin ng sumulat.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: THINK…THINK…BEFORE YOU SPEAK


Pag-ugnayin ang mga kasagutan sa sumusunod na katanungan upang
makabuo ng isang mabisang sanaysay.

 Paano nakakawala sa tali ng lumang tradisyon ang kababaihang


tulad ni Estella Zeehandelaar sa kanilang bansa? Nangyayari ba
ang ganitong sitwasyon sa kasalukuyang lipunang Asyano?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DEBATE


Magtanghal ng debate o kauri nito batay sa temang:

“Ang mga babae ay dapat na magkaroon ng pantay na karapatan o


kalayaan tulad ng kalalakihan”.

Unang Markahan | 54
EBALWASYON

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot.

___ 1. Labag sa kaugaliang Muslim ang pag-aaral ng mga babae lalo’t


kailangan ang lumabas ng bahay. Ang kaugaliang ito ay isang _____.
a. Tradisyon b. Kultura c. Paniniwala d. Pamahiin

___ 2. May mga babae tulad ni Estela Zeehandelaar ay nakatali pa rin sa


lumang tradisyon. Ang ganitong pangyayari ay nagaganap sa lipunang:
a. Amerika b. Asyano c. Latin d. Europeo

___ 3. Ang akda ay halimbawa ng akdang _____ na naglalaman ng iba’t


ibang pananaw, saloobin at damdamin tungkol sa napapanahong isyu
a. Talumpati b. Epiko c. Sanaysay d. Nobela

___4. Kinakailangang ikahon ako at pagbawalang lumabas ng bahay.


a. ikulong b. itali c. itago d. ikubli

___5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa


pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam.
a. pagbabago b. pag-asa c. pagkalinga d. pagtangkilik

Susi sa Pagwawasto

1. A 2. B 3. C 4. A 5. A

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Ano ang pang-ugnay?


 Ibigay ang mga uri ng pang-ugnay.

Unang Markahan | 55
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-If-44)


 Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling
pananaw.

II. PAKSA
Panitikan :Sanaysay - Indonesia
Teksto :Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth S.
Mabanglo
Wika :Mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling
Pananaw
Kagamitan :Pantulong na biswal, lap top, larawan
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGANG PAGSASALAYSAY
Pipili ang guro ng ilang mag-aaral. Ang unang mag-aaral ay
magsisimulang magkuwento na susundan ng pangalawang mag-aaral
hanggang sa huling mag-aaral upang matapos ang kuwento. Malaya ang
guro na magbigay ng paksang nais pag-usapan.

Gabay na Tanong:

 Bigyang-pansin ang inilahad na pagsasalaysay.

 Ano-anong salita ang ginamit sa pag-uugnay ng mga


pangungusap upang makabuo ng isang mabisang talata?

Unang Markahan | 56
2. Presentasyon ng Aralin

 Balikan ang akdang “Kay Estella Zeehandelaar” salin ni Ruth S.


Mabanglo

 Tukuyin ang mga salitang ginamit upang mapag-ugnay ang mga


pangungusap.

 Gamit ang strips of paper, itala ang mga pangungusap na


ginamitan ng mga pang-ugnay. Ipaskil ito sa pisara.

ANALISIS

1. Pansinin ang mga ginamit na salita na nag-uugnay sa kapwa


pangungusap. Paano ito ginagamit?

2. Ano ang pang-ugnay? Ibigay ang mga uri ng pang-ugnay.

3. Bakit mahalagang matutuhan ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag


ng sariling pananaw? Ipaliwanag.

3. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Sa isang sanaysay, makatutulong ng malaki sa ag-oorganisa ng ideya


ang mga pang-ugnay. Ang mga pang-ugnay ay nauuri rin bilang mga
salitang pangkayarian.

Ang mga pang-ugnay ay ang mga sumusunod.:

a. Pangatnig (Conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng


dalawang salita, parirala o sugnay.
Halimbawa: tulad ng, kahit na, dahil sa,
kasi, palibhasa, bukod tangi atbp.

b. Pang-angkop (Ligature) - mga katagang nag-uugnay sa


panuring at salitang tinuturingan.
Halimbawa: ng, na atbp.

c. Pang-ukol (Preposition) - mga salitang nag-uugnay sa


isang pangngalan at sa iba pang salita.
Halimbawa: ang/si/, ng/ni/kay/, ayon sa/ayon kay,
para sa/para kay, hinggil kay atbp.
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 ni Romula N. Peralta et.al.

Unang Markahan | 57
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PICK A QUESTION


Bakit mahalagang malaman ang paraan ng paglalahad ng sanaysay?
Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsulat ng sanaysay at
pagpapahayag ng sariling pananaw?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: USE IT


Gamit ang mga larawan sa ibaba, sumulat ng isang talataan na binubuo
lamang ng limang (5) pangungusap na ginagamitan ng mga uri ng pang-
ugnay.

EBALWASYON

Panuto: Tukuyin ang uri ng pang-ugnay na ginamit sa pangungusap.


Isulat kung pang-ukol, pangatnig o pang-angkop.

___ 1. Buong kasabikan ko hinintay ang pagdating ng bagong panahon.

___ 2. Kailangan natin ang malawakang pagbabago para sa bayan.

___ 3. Ang kanyang mga mata ay tulad ng nagniningning na mga bituin.

___ 4. Ako ni ikaw ay walang karapatan sa buhay niya.

___ 5. Ang kanya ay kanya, huwag mong agawin ang para kay Juan.

Susi sa Pagwawasto

1. Pang-angkop 4. Pang-ukol
2. Pang-ukol 5. Pang-ukol
3. Pangatnig

Unang Markahan | 58
Pagkuha ng Index of Mastery
Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Makinig/manood ng balita sa telebisyon/radyo. Alamin ang paksang


pinagtatalakayan at ibigay ang iyong sariling komentaryo.

Unang Markahan | 59
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F9PU-If-44)


 Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat
taglayin ng kabataang Asyano.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.4 :Komentaryo/Opinyon


Kagamitan :Video clip ng Komentaryo, ispiker
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: ROLL, VIDEO CLIP
Panoorin ang video clip. Pakinggan ang paksang tatalakayin ni Anthony
Taberna. Itala ang mga komentaryo/opinyong kanyang inilahad.

ANALISIS

1. Ano ang paksang pinag-uusapan?


2. May kaugnayan ba ang paksa sa nagaganap sa kasalukuyang
panahon? Ipaliwanag.
3. Ibigay ang iyong sariling opinyon batay sa isyung pinag-uusapan.

Unang Markahan | 60
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: #POINT OF VIEW


Sa napanood/narinig, ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng mga
kabataang Asyano?

APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Awtput.


Pagpapasulat ng isang komentaryo/opinyon.

GRASPS

GOAL Nakasusulat ng isang komentaryo/opinyon hinggil sa


bagong paksa.
ROLE Isa kang tagasuri/komentarista sa radyo o telebisyon
AUDIENCE Kapisanan ng tagapakinig sa radyo
SITUATION Naatasan kang mangalap ng opinyon/komentaryo
tungkol sa napapanahong isyu na maaaring maging
paksa sa isang debate ng mga kabataan.
PERFORMANCE Pagsulat ng isang komentaryo/opinyon upang maging
mahusay na komentarista sa radyo o telebisyon
STANDARDS Kaangkupan at kabisaan ng salitang ginamit sa
pagpapahayag ng opinyon 20%
Kaayusan ng mga inilahad na opinyon 30%
Kabisaan sa pagpapalutang ng paksa 30%
Kahusayan sa pagkokomentaryo 20%
Kabuuan 100%
3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

5. Pagpili ng mahusay sa pagkakabuo ng sariling komentaryo/opinyon.

IV. KASUNDUAN

 Basahin ang dulang “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio.

 Ano ang malaking impluwensiya ng pangunahing tauhan sa binasang


dula?

Unang Markahan | 61

You might also like