You are on page 1of 33

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 9

Unang Kwarter

SANAYAN SA FILIPINO
Ikaanim na Linggo – Aralin 5

Mga Akdang Pampanitikan ng


Timog-Silangang Asya

Dula

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan at sa103
Baitang 9- Filipino epekto nito sa pagiging
Kompetensi:masining
nabubuongang kritikal
akda batayngsapaghusga sa karakterisasyon
napakinggang mga pahayag.ng mgaF9PN-Ig-h-43); naipapaliwanag ang kahulugan ng
(Koda
tauhan at sasalita
epekto nito sa
habang pagiging masining
nagbabago ng akda
ang estruktura batay
nito sa F9PT-Ig-43);
(Koda napakinggang nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang
mga pahayag.pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-h-45); at nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan
( sa totoo, talaga , tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).
Filipino - Baitang 9
Sanayan sa Filipino
Dula
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin


ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino


Writers: Rodelyn G. Delfin, Rona S. Delgado, Leryvie Shyn R. Soltones
Frances Valerie C. Pacete, Mariejohn A. Noble, Fe B. Martin
Rosa F. Agundo, Jessie S. Comprendio, Donah C. Lim

Illustrators: Mary Joy J. Yanson, Mel June G. Flores

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Cheno S. Pollan

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Armand Glenn S. Lapor, Dr. Jesus C. Insilada
Rodelyn G. Delfin, Nelson A. Cabaluna

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan at sa epekto nito sa pagiging
masining ng akda batay sa napakinggang mga pahayag. (Koda F9PN-Ig-h-43); naipapaliwanag ang kahulugan ng
salita habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43); nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang
pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-h-45); at nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa
totoo, talaga , tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 9.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga
gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay ng mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng
kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang
ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan at sa epekto nito sa pagiging
masining ng akda batay sa napakinggang mga pahayag. (Koda F9PN-Ig-h-43); naipapaliwanag ang kahulugan ng
salita habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43); nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang
pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-h-45); at nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa
totoo, talaga , tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).
UNANG ARAW
Aralin 1.5 DULA

Magandang araw sa iyo!


Matapos mong mapag-aralan ang tungkol sa sanaysay, ngayon ay tutuklasin
naman natin ang isang panibagong aralin na may kaugnayan sa dula ng Pilipinas.
Katulad ng ibang akdang tinalakay natin, ang dula ay naging salamin din ng
buhay. Maaari itong maging batayan ng pang-araw-araw nating gawain at maging
gabay ito upang gawin natin ang tama. Ang mga kaisipan at pagpapahalaga na
ipinahihiwatig ay makakaimpluwensiya sa mga mambabasa upang magbago ang
kanilang mga paniniwala at paninidigan.
Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang mga
layunin: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan at sa
epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang mga pahayag.
(Koda F9PN-Ig-h-43)
Ngayon, subukan natin kung gaano mo naunawaan ang araling ito
pagkatapos mong magawa ang mga gawain. Matutuklasan mo ang mga kasagutan
dito sa pamamagitan ng masusing pag-unawa sa akdang babasahin. Handa ka na
ba? Kung handa ka na, simulan mo na!

TUKLASIN NATIN

Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na salita para buuin ang mga elemento
ng dula.

RKTAO ATEM AAOODYLG

____________________ ____________________ ____________________

SKRPII DMNNODAOO IEORTKRD

____________________ ____________________ ____________________

ADLU NGHAAATLN

_________________ ____________________

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga 1
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
Ang mga inayos na salita ay ang mga elemento ng DULA. Ang dula, ayon kay
Aristotle ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay.
Ito’y kinatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay – sa wika, sa kilos,
at sa damdamin. Bilang sining, may layunin itong makaaliw, makapagturo
o makapagbigay ng mensahe o makaantig ng damdamin at makapukaw ng isip.
Ngayon ay ipagpatuloy natin ang pagtuklas ng mga mahahalagang kaisipan
tungkol sa dula sa susunod na gawain.

GAWIN AT SURIIN NATIN

Alam naman natin na ang ina ay ilaw ng tahanan. Siya ang gabay ng mga
anak sa paglaki at pagtanda. Naging patnubay sa lahat ng bagay na kanyang
gagawin. Ngunit may mga pangyayari sa buhay natin na hindi maiiwasan. Sa ayaw
at gusto mo dapat mong gawin dahil wala ka nang mapagpipilian.

Panuto: Basahin ang dayalogo sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong


katanungan upang lubos mong mauunawaan ang kaisipan na nais
iparating nito.

Carla: Hindi mo ako naiintindihan! Hindi ko hinihingi lahat, lahat nang


ibinigay nyo sa amin. Kayo ang may gusto. Hindi ako!

Josie: Dahil mahal ko kayo. Mahal ko kayo. (Sabay iyak) Ngayon sabihin
mo sa akin na hindi kita maiintindihan. Bakit, Carla? Ako ba’y
iniintindi mo kahit minsan. Hindi! Sarili mo lang ang iniisp mo!
Sana kahit minsan bigyan nyo ng halaga ang lahat na paghihirap
ko sa inyo. Sana tuwing umiinom ka ng alak, habang hinihithit mo
ang sigarilyo mo, habang nilulustay mo ang perang pinapadala ko.
Sana naisip mo rin na maraming pagkain ang tiniis kong kainin
para lang makapagpadala ako ng malaking pera dito. Sana
habang nakahiga ka sa kutson at natutulog, sana naiisip mo ring
ilang taon na natutulog akong nag-iisa habang nangungulila ako
sa yakap ng mga mahal ko! Sana naisip mo rin na kahit kaunti
kung gaano kasakit sa akin ang mag- alaga ng mga bata na hindi
mo kaanu-ano samantalang kayo...kayong mga anak ko di man
lang kayo maalagaan. Alam mo bang kung gaano kasakit ‘yan?
Kung di mo ako kayang ituring bilang isang ina. Respituhin mo
man lang ako bilang isang tao. Yan lang Carla, yan lang! (Sabay
iyak).

Halaw sa pelikulang “Anak”


Youtube

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga 2
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa dayalogo.

1. Anong damdamin ang nagingibabaw sa akda?

2. Paano ipinapakita ng ina ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak?

3. Sa iyong palagay, gagawin ba ng ina ang lahat para lang sa kanyang mga anak?

4. Anong suliraning panlipunan ang masalamin sa akda?

5. Malaki ba ang papel ng pera sa buhay ng tao upang magbago?

6. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag ni Josie na “Kung di mo ako maituring


bilang isang ina, respetuhin mo ako bilang isang tao”

Ngayong nasagot mo na ang mga katanungan inaasahan kong naunawaan


mo na ang kasipan na nais iparating ng dayalogo na inyong binasa alamin mo
ngayon ang elemento ng dula.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga 3
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
ALAMIN NATIN

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na


ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ay isa sa mga elemento ng dula. Basahin at suriing
mabuti ang mga ito.

ELEMENTO NG DULA

 pinakakaluluwa ng isang dula


Iskrip  nakikita ang banghay

 nagsisilbing tauhan ng dula


Aktor o Karakter  gumaganap o nagsasabuhay

 ang mga bitaw na linya


Dayalogo  sandata sa pagpapakita ng emosyon

Tanghalan  pook na pinagtanghalan


 nagpapakahulugan sa isang iskrip
Direktor  nagpapasya sa kabuuan ng dula

Manonood  taga saksi ng dula

Tema  pinapaksa ng isang dula

TAUHAN/AKTOR BILANG ELEMENTO NG AKDANG


PASALAYASAY

Ang tauhan ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad


ng maikling kwento, parabula, pabula,dula at alamat. Nakasalalay sa maayos
at makatotohanang karakter ng mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang akda.
Ang uri, dami, o bilang ng mga tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan.
Mahirap itakda ang bilang ng mga tauhang magpapagalaw sa isang kwento
sapagkat ang pangangailangan lamang ang siyang maaring magtakda nito.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga 4
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
Ang mga karaniwang tauhang bumubuhay sa anumang akdang tuluyan
ay ang sumusunod:

Siya ang pinakamahalagang tauhan


sa akda. Sa pangunahing tauhan umiikot
Panguhahing Tauhan
ang kuwento, mula sa simula hangang
sa wakas.

Siya ang sumasalungat o kalaban ng


pangunahing tauhan. Mahalaga ang
Katunggaling Tauhan papel na kanyang ginagampanan
sapagkat sa mga tunggaliang ito
nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.

Ang pantulong na tauhan gaya ng


ipinahihiwatig na katawagan
ay karaniwang kasama ng pangunahing
Pantulong na Tauhan tauhan. Ang pangunahing tungkulin nito
sa akda ay ang maging kapalagayang
loob o sumuporta sa tauhan.

Sinasabing ang pangunahing tauhan at


awtor ay lagi nang magkasama sa loob
ng katha. Bagama’t ang naririnig lamang
Ang May- akda
ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay
laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga 5
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
Bukod sa mga uri ng tauhang nabanggit ay may iba pang pag-uuri o
katawagan ang tauhanng nabanggit ang tauhang gumaganap sa kuwento batay sa
kanilang karakter o pagkatao. Ito ay ang tauhang bilog at tauhang lapad.

Tauhang Bilog Tauhang


o Round Lapad o Flat
Character Character

 Ang tauhang may


katangiang tulad din ng
isang totoong tao.
 Ang tauhang hindi
 Nagbabago ang
nagbabago ang
kanyang katauhan sa
pagkatao mula simula
kabuoan ng akda.
hanggang sa katapusan
 Maaring magsimula
ng akda.
siyang mabait, masipag,
 Bihirang magkakaroon
at masunurin subalit
ng ganitong uri ng
dahil sa ilang mga
tauhan sa mga akda
pangyayari ay nagbago
subalit minsan ay
ang kanyang katauhan.
kinakailangang
 Mahalagang maging
maglagay nito upang
epektibo ang pagbuo ng
higit na lumutang ang
mga tauhan upang ang
tauhang binibigyang-
tauhan ay maging
pansin.
makatotohanan o
maging isang tauhang
bilog.

Binasa mo ba nang mabuti ang mga elemento ng dula at mga uri ng tauhan
sa itaas? Marahil ito ang magbibigay linaw at gabay sa iyo upang masagot mo ang
susunod na gawain.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga 6
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
Panuto: Batay sa binasa mong dayalogo na halaw sa pelikulang Anak,
ilalarawan ang katangian ng iyong ina at ang ina sa kuwento gamit
ang venn diagram. Ano ang kanilang pagkakaiba at pagkakatulad?

Ang iyong Ina Ina sa Akda

___________________ Pagkakatulad ______________________


___________________ _____________________
___________________ __________ ______________________
__________________ __________ ____________________
__________________ __________ ____________________
__________________ __________ ____________________
__________________ __________ ____________________
__________________ __________ ____________________
___________________ __________ _____________________
___________________ _____________________
____________________ ______________________

Tandaan: Upang maging masining at epektibo ang akdang napanood o narinig


napakahalaga ang ginagampanang papel ng mga tauhan dito.
Sa pamamagitan ng kilos, pananalita at ekspresyon ng mukha
maipaparating nila ang tunay at wastong kaisipang nais palilitawin
sa akda lalo na sa isang dula. Kaya mahalagang makikilala ninyo
ang mga uri ng tauhan sa kuwento.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga 7
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
SANAYIN NATIN

Panuto: Kilalanin kung anong uri ng tauhan sina Carla at Josie


sa unang dayalogo na inyong binasa batay sa kanilang usapan
at patunayan.

Carla Josie

Patunay Patunay Patunay Patunay

Uri ng Uri ng
Tauhan Tauhan

Naantig ba ang inyong damdamin sa binasa mong dayalogo nina Josie at


Carla? Ano ang inyong nadarama? Maiuugnay mo kaya ito sa inyong sariling buhay
bilang isang anak? Ang mga katanungang ito ay iyong sasagutin sa susunod na
gawain. Simulan mo na.

PAGYAMANIN AT PALAWAKIN NATIN

Panuto: Kilala mo ba ang iyong sarili? Mula sa uri ng tauhang tinalakay, anong uri
ng tauhan ang madalas na maging ikaw? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Gayahin ang pormat sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Nasagutan ba lahat ng gawain? Mahusay! Sa tingin ko ay handa ka na sa


pagsagot ng susunod na gawain.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga 8
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
TAYAHIN NATIN

Panuto: Basahing mabuti ang isang bahagi ng pelikulang Dekada ’70.


Sagutin ang mga gawain pagkatapos mo itong mabasa.

Eksena 5: Bahagi ng dulang pampelikula na Dekada ’70

( Natutulog ang mag-asawang Bartolome, nang biglang may kumatok sa gate sa


labas ng bahay.)
Jules: Dad!! Mom!!
(Nagising si Amanda)
Amanda: Daddy! Daddy! May kumakatok sa labas!
(Bumaba sila at binuksan ni Julian ang gate.)
Jules: Dad! Pasensya na, may sugat siya at wala na akong puwedeng pagdalhan
pa.
(Pumasok sa bahay dala si Rene)
Jules: Sosorpresahin ko sana kayo, pero hindi sa ganitong paraan. Sorry!
Amanda: Dito mo siya dalhin, dali!
Jules: Dad, sandal! Tama ng baril ang sugat niya. Hinabol kami ng mga sundalo
kaya ‘pag sa ospital, baka matunton siya. Kaya dito ko po dinala. Alam kong
sa ganitong paraan, kayo lang ang puwede kong asahan.
(At inoperahan na nga si Rene ng kaibigang doktor ni Julian.)
(Pagkatapos ng pangyayaring iyon, umalis na muli si Jules sa kanilang
bahay.)
(Tumawag si Jules sa telepono at nagkita sina Jules at Amanda sa isang
restaurant.)
Jules: Mom!
Amanda: May pa-date-date ka pang nalalaman. Ba’t hindi ka na lang umuwi?
Ano ba ang problema?
Jules: Malaki! Nahuli ang kilusan. Mom, kailangan ninyong maglinis ng bahay.
Alam niyo na kung anong ibig kong sabihing maglinis. Kailangang tanggaling
lahat ng delikado. May mga naibigay ako kay Em na delikado, may naisulat
siyang delikado, at may mga posters na delikado. At pag dumating, sabihin
niyo na matagal na akong wala. Hindi niyo alam kung nasaan ako at taon na
tayong di nagkikita at wala rin kayong balita sa akin.
Amanda: Ano ba talaga ang nangyari?
Jules: Mom! Wag kayong magagalit sa akin. Wag kayong magsalita ng kahit ano,
please! Nasa public place tayo.
(Hinatid sa sasakyan si Amanda.)
Amanda: Saan ka uuwi?

Baitang 9- Filipino 9
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
Jules: Sa isang kaibigan ko, Mom.
Amanda: Ihahatid kita!
Jules: Wag na po kayong mag-alala.
Amanda: Tawagan mo ako pag may problema ka at tiyakin mo na ikaw ay ligtas.
Jules: Oo nga po pala, may asawa at anak na ako. Mara ang pangalan niya. Isang
taon na rin kami at lalaki ang apo ninyo. Hindi ko pa nga nakikita eh.
At saka nga po pala, babalik na ako sa kilusan. Matagal rin tayong hindi
magkikita. Mahal na mahal ko kayo.
(At sila’y nagyakapan at sumakay sa dyip si Amanda )

Halaw sa pelikulang Dekada ‘70


na sinulat ni Lualhati T. Bautista

Tayahin 1: Tukuyin kung anong uri ng tauhan ang mga sumusunod at patunayan.

Tauhan Uri ng Tauhan Patunay

Julian

Amanda

Jules

Tayahin 2: Naging epektibo o makabuluhan ang akda kung ito ay nakaantig


ng inyong puso at nakapukaw ng inyong isipan. Ngayon
sa pamamagitan ng dayalogo mula sa binasang dula na Dekada ’70,
isulat ang inyong naisip o nadama sa talaan sa ibaba.

Naisip Nadama

Batid kong nasisiyahan ka sa unang mga gawain natin tungkol sa pagsusuri


sa mga uri ng tauhan sa dula/pelikulang tinalakay. Marami ka bang natutuhan sa
araling ito? Ano ang napukaw sa inyong isipan? Nalalaman mo na ba na isinusulat
ang isang dula batay sa ating mga totoong karanasan at pangyayari sa buhay?
Magaling! Isang pagpupugay sa’yo dahil ikaw ay matiyagang nagbabasa ng
ating mga aralin at nasagutan mo na rin ang lahat ng mga gawain.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal ng paghusga sa karakterisasyon ng mga
10
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa
napakinggang mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43).
IKALAWANG ARAW

Aralin 1.5 DULA

Kumusta!
Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga uri ng tauhan sa dula ay dadako
naman tayo sa panibagong aralin. Dito ay inaasahang matutuhan mo ang mga
sumusunod na layunin: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng
mga tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).

Pag-aralan ngayon ang isang dulang melodrama na akdang pampanitikan ng


ating bansa- ang Pilipinas.

TUKLASIN NATIN

Sigurado akong masisiyahan kayo sa ating gagawin ngayon dahil ito


ay karaniwan ninyong ginagawa kapag kayo ay nanonood ng dula/pelikula.
Ang panggagad o panggaya ng mga nakakatawag-pansing mga eksena at dayalogo
ng mga artista.

Panuto: Tukuyin kung sinong artista sa telebisyon o pelikula ang nagpahayag


ng sumusunod na mga linya at ibigay ang pamagat ng teleseryeng
pinanggalingan nito. Maaari mo rin itong iaksyon sa harap ng salamin.

1. “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao. Walang himala!”


________________________________________________________________

2. “Totoo ang sinasabi nila Carmen. Hindi ako ang asawa mo. Ako si Kardo,
ang kakambal ni Ador.”
________________________________________________________________

3. “Black is out, gold is in! Yes, just like gold, I am indestructible”.


________________________________________________________________

4. “Walang sa’yo Nicole! Akin lang ang asawa ko."


________________________________________________________________

5. “Tandaan mo ito! darating ang araw. Lalabas ang buong katotohanan.


Pagbabayaran mo ng mahal ang lahat na ginagawa mo sa amin.
Tandaan mo ‘yan!”
________________________________________________________________
Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan 11
at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang mga
pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita habang
nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
GAWIN AT SURIIN NATIN

Panuto: Magsalaysay ng sariling karanasan o karanasan ng ibang may kaugnayan


sa salitang PAGBABAGONG -BUHAY. Gayahin ang pormat sa ibaba
at isulat ang mga pangyayari o pagkakataon na nagtulak sa’yo / sa iba
na magbagong-buhay. Magkaroon ng sariling pamagat para sa nagawang
salaysay.

______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
Dumarating sa buhay ng tao ang mga pambihirang pagkakataon o mga
______________________________
pangyayari na hindi inaasahan na siyang sanhi ng pagbabago ng kanyang pananaw,
pilosopiya, at paniniwala at maari rin itong makatutulong sa kanya upang siya’y
_______________
magiging matatag sa pagharap sa hamon ng buhay. Ang kanyang mga karanasan at
mga taong nakapaligid sa kanya ay may malaking impluwensiya ng kanyang
pagbabago.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 12
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
Suriin. Paglinang ng Talasalitaan

Kahulugan ng Salita Habang Nagbabago ang Estruktura Nito

Kayarian ng Salita

1. Payak – Salitang-ugat o salitang nasa likas na anyo nito. Walang panlapi,


hindi inuulit at walang katambal na salita.
Halimbawa:
anim tubig apoy
2. Maylapi - Salitang may panlapi sa unahan, gitna, o hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
sumayaw inawit nagbasa
3. Inuulit – Salitang inuulit . Ang kabuuan o isa at higit pang pantig sa dakong
unahan ay inuullit.
Halimbawa:
araw-araw aangat-angat tatakbo
4. Tambalan – dalawang magkaibang salita na pinagsama upang makabuo
ng bagong kahulugan.
Halimbawa:
bahay-kalakal kapitbahay balik-bayan

Sa pagbabago ng estruktura ng mga salita, nagbabago rin ang kahulugan.


Halimbawa:
Lakad ( salitang-ugat ) - nag-uutos
Lalakarin (may panlapi ) - may aayusin o may gagawin
Lalakad-lakad ( inuulit ) - may isinasagawang kilos
Lakad-pagong ( may pinagtambal ) - mabagal kumilos

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng bawat salita habang nagbabago ang estruktura
nito sa unang linya. Sa ikalawang linya, gamitin ang salita
sa pangungusap.

1. ama : ________________________________________
pangungusap :________________________________________
amain :________________________________________
pangungusap :________________________________________

2. hininga :________________________________________
pangungusap :________________________________________
magbubuntong-hininga :__________________________________
pangungusap :__________________________________

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 13
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
3. isa :________________________________________
pangungusap :________________________________________
mapag-isa :________________________________________
pangungusap :________________________________________

4. buhay :________________________________________
pangungusap :________________________________________
magbabagong-buhay : ____________________________________
pangngusap :________________________________________

5. araw :_______________________________________
pangungusap :_______________________________________
pangiling-araw :_______________________________________
pangungusap :_______________________________________

Sinuri at nasagutan ba ang gawain? Mahusay! Ang mga salitang binigyan ng


kahulugan ay mga salitang mababasa sa dulang “Tiyo Simon”. Basahin nang mabuti
at alamin ang nilalaman ng akdang ito.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 14
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
ALAMIN NATIN

Sa bahaging ito basahin ang isang akdang pampanitikan na magpapamalas


sa’yo ng mga dahilan ng pagbabago ng paniniwala ng isang tao. Tuklasin mo ang
naiibang kuwento ni “Tiyo Simon” isang dula ng Pilipinas at kung papaano binago ng
isang bata ang kaniyang paniniwala.

Sa pagkakataong ito basahin mo ang dulang “Tiyo Simon”. Pagkatapos mong


mabasa, susuriin mo ang mga pangyayari at kilalanin kung ano ang karakter o papel
na ginagampanan ng mga tauhan dito. Habang binabasa mo ito, pansinin mo ang
mga salitang ginamit sa mga dayalogo na may iisang salitang-ugat ngunit may
pagbabago sa istruktura kaya nagbabago rin ang kahulugan.

TIYO SIMON
Dula—ni N.P.S. Toribio
Dula ng Pilipinas
Mga Tauhan:
Tiyo Simon - isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan
ang isang paa at may mga paniniwala na hindi maunawaan
ng kanyang hipag na relihiyosa.
Ina - ina ni Boy
Boy - pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang.
Oras - umaga, halos hindi pa sumusikat ang araw

Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng


mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay, at iba pang gamit sa pag-
aayos. Sa itaas ng tokador, nakadikit sa dingding ang isang malaking
larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarak ng isang punyal.
Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan
ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.

Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina.


Nababakas sa mukha ng bata ang pagkainip samantalang sinusuklay ang
kanyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng
anak, saka ngingiti.)

INA: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang
magbibihis.
BOY: (Dadabog) sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
INA: Ayaw mong magsimba!
BOY: Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako, e!
INA: At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito na pangiling-araw?
BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...Tiyo Simon...
INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng Diyos.
BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na
lamang ako kay Tiyo Simon...

Baitang 9- Filipino 15
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
INA: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol
sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?
BOY: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
INA: A, husto ka na...husto na bago ako magalit nang totohanan at humarap sa
Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban.
BOY: Pero...
INA: Husto na sabi, e!

(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi


pantay, palapit sa nakapinid na pinto sa silid, saglit na titigil ang yabag;
pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.)

INA: (Paungol) uh... sino ‘yan?


TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong...

(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon.


Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)

TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy...
BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi
ako sasama kay Mama.
INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, kuya. Hindi nga raw sasama
sa simbahan.

(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob,


hahawakan ang balikat ni Boy.)

TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto
mo...kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis...
magsisimba tayo.

(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kanyang Tiyo Simon, ngunit hindi


makakibo. Ang ina ay namangha rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas.
Maiiwang natitigilan ang dalawa, pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.)

INA: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at naisipang
sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos...
BOY: Kung sasama po si Tiyo Simon , sasama rin ako.
INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi
ay hindi ka rin sasama. Pero mabuti rin iyon...mabuti, sapagkat hindi lamang
ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong
ama na isa ring.

(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata.


Magmamalas lamang si Boy.)

INA: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi lamang nakapagpa-
Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho
silang magkapatid sila ng iyong amain. Sana’y magbalik-loob siya sa Diyos
upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kanyang kapatid na
Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 16
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
sumakabilang buhay na.

(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng


hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo
Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kanyang mukha, pasasayahin
ito, at saka tutunguhin ang pinto.)

INA: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y...diyan muna kayo ni
Boy, kuya.

(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad


tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad,
naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.)

TIYO SIMON: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit,


mahina ang katawan at...(biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng
bata ay ang kanyang may kapansanang paa. Matatawa.)
BOY: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa
ng Diyos?
TIYO SIMON: (Matatawa) sinabi ba ng Mama mo iyon?
BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos.
Hindi raw kasi...
TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) hindi totoo, Boy, na hindi ako naniniwala
sa Diyos.
BOY: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kayo nangingilin kung
araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?
TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na
hindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay
malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat...ngunit
kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang
pananalig ko kay Bathala.
BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?
TIYO SIMON: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya
huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi
makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na
sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.

(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng


mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng
tinutugtog na kampana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y titigil ang
pagtugtog ng batingaw. Magbubuntung hininga si Tiyo Simon, titingnan ang
kanyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay
Boy).

TIYO SIMON: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan kong
tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The
Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang pinanaligan
ng kanyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya, Boy, hindi ako
nakaramdam ng kasiyahan.
BOY: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?
Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 17
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
TIYO SIMON: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang
natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-
isa ako...hanggang isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang
nagpamulat sa aking paningin.
BOY: Ano iyon, Tiyo Simon...?

(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kanyang lukbutan.


Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.)

TIYO SIMON: Ito ay isang manika ng batang nasagasaan ng trak. Patawid siya
noon at sa kanyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ito ngunit
siyang pagdaan ng trak at siya’y nasagasaan...nasagasaan siya. Nadurog
ang kanyang binti, namatay ang bata...namatay nakita ko, ng dalawang mata,
ako noo’y naglalakad sa malapit...at aking nilapitan, ako ang unang lumapit
kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na
bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan.
BOY: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari Tiyo Simon?
TIYO SIMON: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago
sa aking sarili...sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang manika ay
nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa
kabila ng pagkadurog ng kanyang buto...ngiting tila ba nananalig na siya ay
walang kamatayan.

(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig


lamang si Boy. Muling maririnig ang batingaw sa malayo. Higit na malakas at
madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog,
pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)

TIYO SIMON: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang
pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa
aking katawan, bilang tagapagpaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na
pananalig ng isang batang hanggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa.
At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig kay Bathala,
kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng
mga kasawian...upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga
hinanakit sa buhay.

(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang


matuling yabag na papalapit. Sumungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.)

INA: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. Hinahanap ko pa kasi ang
aking dasalan kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya
BOY: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na Mama, kanina pa nga po
tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli,
tayo na!

(Muling maririnig ang tugtog ng kamapana sa malayo. Nagmamadaling


lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana
lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing).
-Mula sa Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 18
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
Dagdag na Kaalaman:

MGA URI NG DULA SA PILIPINAS

Nagdudulot ito ng katatawanan sa mga tagapanood sa


pamamagitan ng paggamit ng eksaheradong pantomina,
pagbobobo (clowning), mga nakakatawa, nakatutuwa,
Parsa komikong pagsasalita na karaniwang isinasagawa sa
mabilisan at di akmang layunin at sa pagkakaunawaan.
Gumagagamit din ito ng mga sitwasyong hindi makabuluhan
at nagpapakita sa ugali ng tao na walang kontrol.
(mula sa Griyego – komos – magkatuwaan o magsaya).
Naglalahad ng isang banghay sa sitwasyong nakahihigit
kaysa parsa, higit na seryoso at kapani-paniwala, ngunit hindi
naman sobra. Ang mga tauhan ay makikita sa lipunan ng mga
Komedya
indibidwal; maaaring sila’y pagtawanan o makitawa sa kanila
na may pansin sa kanilang kalagayan o suliranin. Isang
dramatikong epekto na humihikayat sa pagbabago ng lipunan,
sapagkat ito ay tunay na salamin ng buhay.
Tumutukoy ito hindi lamang sa kawili-wiling misteryo, ngunit
maging sa mga dulang may mapuwersang emosyon o
damdamin na puno ng mga simpatetikong mga tauhan.
Karaniwang gumagamit ito ng poetikong katarungan at
Melodrama humihikayat ng pagkaawa para sa mga protagonista at
pagkamuhi para sa mga antagonista. Ito’y umaabot at
sumasaklaw sa seryosong drama o dula na tinatawag na
“drama” sa Ingles at sa tinatawag na dulang suliranin (problem
play) na patungo sa trahedya.
Kumakatawan ito sa mga tauhan na ang lakas ng isip ay
nakatuon sa kanilang kalikasan ng sariling moralidad at sila’y
nagagapi sa mga puwersa o laban sa kanila. Ayon kay
Aristotle, ang ganap na trahedya ay dapat gumagagad sa mga
Trahedya kilos na nagkakaroon ng awa at takot. Ang pagkagapi ng
trahikong protagonista ay di maiiwasan, di matatanggap, at
nagkakabunga ng masakit na pagtanggi sa moral na
imperpeksyon o kaya sa poetikong kawalang katarungan sa
daigdig.
Ang layunin nito ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay
karaniwan lamang. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at
Saynete
nasa likod ng telon ang mga taong nagsasalita. Ito’y mayroon
ding awitin.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 19
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga
dula ni Shakespeare na laging may katawa-tawa tulad ng
Tragikomedya payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa bandang
huli ay magiging malungkot na dahil masasawi o namamatay
ang bida o mag bida.

Alam mo ba na ...
ang dulang “Tiyo Simon” ay dulang melodrama? Ito’y nakaaantig sa damdamin
at nagwakas nang maganda sa pangunahing tauhan.

Matapos basahin at masagutan ang mga gawain sa taas ay dagdagan pa


natin ang iyong kaalaman sa susunod na gawain.

SANAYIN NATIN

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa inyong binasang dula na may pamagat
“Tiyo Simon”.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa dula? Ilarawan siya.

2. Bakit ayaw ni Boy sumama sa kanyang ina sa pagsisimba?

3. Ano ang nagpabago sa loob ni Boy na sumama sa ina ?

4. Bakit kaya hindi na nagsisimba si Tiyo Simon dati?

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 20
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
5. Sa palagay mo dapat bang mawalan siya kaagad ng tiwala sa Diyos?
Ipaliwanag.

6. Dapat bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga pagkakataong dumaranas siya
nga kabiguan sa buhay? Pangatwiranan.

7. Bakit nagbalik-loob si Tiyo Simon sa Diyos?

8. Ano ang malaking impluwensiya ng pangunahing tauhan kay Boy?


Patunayan.

Pagyamanin pa natin ang iyong kaalaman sa susunod na gawain. Simulan


mo na.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 21
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
PAGYAMANIN AT PALAWAKIN NATIN

Malinaw na naipahayag sa dula na dahil sa isang karanasan ni Tiyo Simon


nagbago ang kanyang paniniwala. Hindi na siya nagsisimba ngunit dahil sa
nasaksihan niyang naganap sa bata, nagbalik-loob siya sa Diyos at ang isang
manika na naiwan ng bata ang laging nagpaalaala sa kanya na dapat hindi magbago
ang tiwala niya sa Diyos sa halip magiging matatag siya.

Panuto: Gumuhit ng isang bagay/tao na may malaking impluwensiya


sa iyong pagbabagong buhay. Ipaliwanag ito. Gayahin ang pormat
na ito.

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

Wow! Napakahusay mo! Naiguhit mo ang isang bagay/tao na may malaking


impluwensiya sa iyong pagbabago at malinaw mong naipaliwanag ito. Ngayon
tayahin natin ang lahat ng iyong nalalaman sa katatapos na aralin. Simulan mo na.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 22
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
TAYAHIN NATIN

Tayahin 1
Panuto: Sa dulang “Tiyo Simon” malinaw na naipapahiwatig ang mga kaisipan
at uri ng tauhan na nais palitawin ng akda. Isulat sa talaan kung
anong uri ng tauhan ang mga sumusunod at patunayan ang iyong
sagot.

Tauhan Uri ng Tauhan Patunay

1. Tiyo Simon

2. Boy

3. Ina ni Boy

Tayahin 2
Panuto :Tandaan na habang nagbabago ang estruktura ng salita ay nagbabago
rin ang kahulugan nito. Piliin sa loob ng kahon ang salitang kukompleto
sa pangungusap sa ibaba.

araw araw- araw bungang- araw bago pabago-bago

1. ______________ ay masayang pumasok sa paaralan ang magkakapatid


na sina Bea at Enrique.

2. ______________Hindi pa man sumisikat ang________________ ay nasa


palengke na ang nanay.

3. Huwag palaging lumalabas sa bahay kapag maiinit upang hindi


ka magkakaroon ng__________________.

4. Ayaw kong kong maniwala sa’yo dahil ______________ ang desisyon mo.

5. _________ mo gawin kapito mong isipin.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 23
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
sakit pasakit dalaga dumalaga dalagang-ina

6. Ang COVID 19 ay isang ___________ na mabilis kumalat sa buong


mundo.

7. __________ ang dala ng COVID 19 sa mga mamayang lalong lalo


na sa mga mahihirap.

8. Ang mga _____________________ng Pilipina ay maituturing na hiyas


ng ating lahi.

9. Sa kasalukuyan ay marami nang mga___________________ dahil


sa impluwensya ng modernong panahon sa mga kabataan.

10. _____________ na ang aming mga alagang manok.

Isang pagbati sa’yo dahil natapos mong masagutan ang mga gawain sa ating
aralin. Sana’y naiintindihan mong sa bawat pagbabago ng estruktura ng mga salita
nagbabago rin ang kahulugan nito.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga 24
tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang
mga pahayag (Koda F9PN-Ig-h-43); at naipapaliwanag ang kahulugan ng salita
habang nagbabago ang estruktura nito (Koda F9PT-Ig-43).
IKATLONG ARAW

Aralin 1.5 MGA EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG


NG KATOTOHANAN
Magandang araw sa iyo!

Ngayon ay tunghayan naman natin ang isang mahalagang aralin sa sanayang


ito. Iuugnay natin ito sa mga akda na ating tinalakay sa mga nakaraang mga araw.
Sa dulang “Tiyo Simon” ang dayalogo na iyong binasa ay gagawin mong batayan sa
araling tatalakayin sa araw na ito.

Inaasahang sa araling ito matutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan:


nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-
h-45); nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo,
talaga, tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).

Tara at simulan mo na!

TUKLASIN NATIN

Sa pagsusuri ng mga akda mahalaga ring mapag-aralan mo ang mga gamit


ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.

Panuto: Basahin ang diyalogo sa loob ng kahon at suriin ang kanilang pinag-
uusapan. Sagutin ang kasunod na mga tanong.

Mark: Mga kaklase, narinig niyo ba ang balita tungkol sa corona virus?
John: Opo, Mark! Talagang nakakatakot ito at wala pang natuklasang
gamot sa sakit na ito.
Alvin: Tama, wala pang gamot dito kaya ang pinakamainam nating
gawin ay sundin ang utos ng pamahalaan na manatili sa bahay.
Mark: Sadyang napakalungkot kung magkaganito ang ating sitwasyon.
Paano na lamang ang ating pag-aaral? Hindi pa tapos ang taong
pasukan? Hindi pa tayo nakaakyat sa entablado.
Alvin: Hindi tayo pababayaan ng Maykapal. May dahilan ang lahat.
Manalig lang tayo na darating ang panahong matuklasan
na ang gamot o bakuna rito.
John: Oo nga. Tunay na makapangyarihan ang Diyos, Mark.

1. Ano ang paksa sa diyalogo?

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang
25
pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-h-45); at nagagamit ang mga
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo, talaga,
tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).
2. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa loob ng diyalogo. Ilista ang mga
ito.

3. Paano ginamit ang mga salitang binanggit?

Matapos masagutan ang gawain sa itaas ay maaari ka nang dumako sa


susunod na gawain.

GAWIN AT SURIIN NATIN

Balikan ang dulang “Tiyo Simon” sa ikalawang araw ng aralin. Napakaganda ng


kaisipan na nais ipahiwatig nito sa atin. Dito siya sinubok ng mga pangyayari sa
buhay na nagpabago sa kanya. Sa palagay mo makatotohanan ba ang lahat ng
kaganapan sa dula? Bakit? Ang iyong mga kasagutan ay isulat sa susunod na
gawain.

Panuto: Suriin ang mga pangyayaring makatotohanan at hindi makatotohanan sa


dulang “Tiyo Simon”. Patunayan.

Mga Pangyayaring Makatotohanan Patunay

Mga Panyayaring Di-makatotohanan Patunay

Nasagutan mo ba ang gawain? Mahusay! Alamin sa ngayon ang mga


ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan. Simulan mo na.
Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang
26
pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-h-45); at nagagamit ang mga
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo, talaga,
tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).
ALAMIN NATIN

Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring


napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapasusubalian kahit sa ibang
lugar. Ito ay nasusuportahan ng sapat na datos, nakabatay sa nagawang
pananaliksik, at may impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat.
Mahalagang matutuhan mo ito dahil kailangan mo ito sa mga pagsusuring gagawin
mo sa mga susunod na mga aralin.

Mga Ekpresyong Nagpapahayag


ng Katotohanan

Talagang… Tunay ngang… Totoong …

Mula sa
Napatunayan Ayon mga datos Batay sa
na… sa mga na aking masusing
dalubhasa. . . nakuha… pag-aaral…

Matapos mabasa at masagutan ang mga gawain sa itaas ay handa ka na sa


susunod na gawain. Sanayin mo ang iyong kaalaman sa susunod na gawain.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang
27
pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-h-45); at nagagamit ang mga
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo, talaga,
tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).
SANAYIN NATIN

Panuto: Batay sa inyong napag-aralan, nasaliksik, nabasa o narinig bumuo


ng pangungusap gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng
katotohanan
(totoo, talaga, tunay, tama, atbp) ayon sa mga ideyang hinihingi sa bawat
bilang na may kaugnayan sa mga salita sa loob ng kahon.

1. Pananampalataya sa panahon ng pandemya

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

2. Epekto ng Covid 19 sa buong mundo


____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

3. Kalagayan ng mga doctor bilang “frontliners”

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

4. Katayuan ng Pangulo sa panahon ng pandemya sa kasalukuyan.

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Nasagutan ba ang gawain sa bahaging ito ng sanaysay? Mahusay! Handa ka


na sa susunod na gawain. Pagyamanin ang iyong kaalaman dito. Simulan mo na.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang
28
pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-h-45); at nagagamit ang mga
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo, talaga,
tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).
PAGYAMANIN AT PALAWAKIN NATIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang


upang masagot mo nang tama ang gawaing ito. Magbigay ng karagdagang
kaalaman sa pamamagitan ng paggamit ng ekspresyon na nagpapahayag
ng katotohanan upang masurportahan ang iyong pahayag.

Mga Pangungusap Karagdagang Kaalaman

1. Ang COVID 19 ay isang


pandemyang sakit.

2. Ang mga nagtutulak ng droga ay


salot sa lipunan.

3. Ang Korte Suprema ay ang


pinakamataas na naghahatol na
hukuman sa Pilipinas.

4. Ang pagkakaroon ng karunungan


ay mahalaga sa bawat tao.

5. Maiinit ang panahon dahil nasisira


na ang ating Ozone layer.

Batid kong may kaalaman ka na sa paggamit ng mga ekspresyong


nagsasaad ng kototohanan. Ngayon ay handa ka na ba sa susunod na pagsubok?
Kung handa ka na, sagutin mo ang susunod na gawain.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang
29
pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-h-45); at nagagamit ang mga
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo, talaga,
tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).
TAYAHIN NATIN

Panuto: Sumulat ng dayalogo gamit ang mga ekspresyon na nagsasaad


ng katotohanan. Ang paksa ay may kaugnayan sa COVID 19.
Isulat ito sa isang hiwalay na papel.

Binabati kita! Batid kong marunong ka na ring gumamit ng mga eskspresyong


nagsasaad ng katotohanan.
Marami ka nang natutuhan sa araling ito lalong lalo na kung paano ka
magbabagong-buhay sa tulong ng mga tao at karanasang makaimpluwensiya sa’yo
gaya ng dulang “Tiyo Simon” ng Pilipinas. Dito mapagtatanto mo rin na ano mang
pagsubok ang dumarating sa iyong buhay tibayan ang iyong pananalig o tiwala sa
Maykapal na siyang may lalang ng lahat ng bagay sa mundo.

Sanggunian:

Peralta, Romulo N. et al . Panitikang Asyano 9 (Kagamitan ng mag-aaral sa Filipino).


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS) Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group Inc., Unang Edisyon 2015.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang
30
pangyayari sa isang dula (F9PU-Ig-h-45); at nagagamit ang mga
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo, talaga,
tunay, at iba pa) (F9PS-Ig-h45).

You might also like