You are on page 1of 23

1

Filipino
Ikalawang Markahan

MGA GAWAING
PAMPA GKATUTO

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


2

FILIPINO 9
Ikalawang Markahan – MELC 1
WEEK-1
FILIPINO 9
Pangalan: ___________________________________ Lebel: _____________
Seksiyon: ___________________________________Petsa: _____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsusuri sa Tono ng Pagbigkas ng tulang X`Tanka at haiku
Panimula (Susing Konsepto) Natapos mo nang malaman ang Panitikan sa Timog-Silangang Asya sa Modyul 1 mula sa
unang markahan. Ngayon nama’y maghanda ka upang kilalanin ang Panitikan ng Silangang Asya. Ano-ano ang mga bansa mula
sa Silangang Asya? Ano-anong mga Kultura ang nalalaman mo mula rito?

Alam mo ba.... .
Ang Silangang Asya
Noong panahon ng eksplorasyon ng mga bansang Portugal at Espanya, ang tinuring na sentro ng Mundo ay ang Europa. Dahil
dito, tinuloy ang ibang mga lugar sa mundo sa pamamagitan ng layo ng mga ito sa Europa. Itoang dahilan kung bakit ang mga
bansa sa Kanlurang Asya ay tinawag na “ Middle East” at ang mga nasa Silangang Asya tulad ng Tsina, Korea, at Hapon ay
nasa Far East.Ang kabihasnan ng Tsina ay nagsimula na kasabay ng Matandang Kabihasnang nananagana sa pampang ng Ilog
Nile sa Ehipto. May libo-libong titik ang sistema ng pagsulat ng mga Tsino na napakahirap isaulo. Ayaw nilang gumamit ng
mga simpleng Aplabeto tulad ng mga bansa sa Kanluran. Sa panahon ng dinastiyang T’ang umunlad ang panitikan ng Tsina.
Kilala ang panahon na ito na “Gintong panahon ng mga Tulang Tsina”. Sa panahong ito, ang mga dakilang makatang Tsino
na sina Li Po at Tu Fu ay nakilala. Samantalang ang Hapon, dahil sa lokasyon nitong malayo sa pangunahing lupain ng Asya
ay hindi nasakop ng anumang dayuhan. Sila ay nagsikap na mapanatili ang kanilang kalayaan kaya’t sa kasaysayan ay walang
nagtagumpay na dayuhan sa pananalakay sa Hapon. Sila ay isang bansang may sariling kultura. Kung pag-uusapan ang
panitikan ng bansang Hapon, ito ay higit na nakilala noong panahon ng Heian. Isa sa pinakakilalang babaeng nobelistang
namayani sa panahong ito ay si Lady Murasaki. Sa panahon naman ng Ashikaga, nagkaroon ng pag-unlad sa maraming bahagi
ng kultura. Sa panitikan, dalawang uri ng drama an napaunlad nang husto: ang Noh (klasikal na dula) at ang kabuki ( mga
popular na dula) Ang Koreano naman ang mga natatanging tao na may sariling kulturang mula sa isang lahing nagkahalo-halo
na Manchus, mga Malay, at Tsino. Samantala, naimpluwensiyahan ng panitikan ng tatlong matatandang bansang China, Korea,
at Hapon ang Hong Kong at Taiwan at patuloy na umuunlad at nagbabagong bihis kasabay ng pag-unlad ng kanilang kabuhayan
at pamumuhay.

Nakabasa ka na ba ng tula mula sa mga lugar na ito? Ipagpatuloy ang pagbabasa nang iyong malaman ang panitikan ng
Bansang Tsina, Korea at Hapon.
Kasanayang pampagkatuto at Koda
Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang Tanka at Haiku. F9PN-IIa-b-45
GAWAIN 1: Panuto: Ano ang saloobin o damdamin mo sa araw na ito? Iguhit ang iyong nadarama sa bilog na nasa
kahon.

Paano ka ba magpahayag ng iyong damdamin? Maraming paraan upang ang iyong saloobin ay maiparating. Ngunit
palagi nating tandaang may tamang paraan sa pagpapahayag. Ating alamin ‘yan sa araling ito.
Nakabasa ka na ba ng tula mula sa Bansang Japan? Ang Japan ay isa sa mga kilala at nangunguna sa larangan ng
ekonomiya at teknolohiya hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong daigdig. Bagama’t makabago na ang paraan
ng pamumuhay ng mga tao roon, napananatili pa rin nila ang kanilang sinaunang kultura at pagpapahalaga sa
panitikan. Patuloy nila itong ginagamit at pinagyayaman tulad na lamang ng Tanka at Haiku.
Tanka
Ang tankang iyong mababasa ay isinulat ni Empress Iwa Haiku 3
no Hime, na siyang empressconsort of the 16th severeign, Ang mababasa mong Haiku ay isinulat ni Matsuo
Emperor Nontoku. Sinasabing ang tula ay isinulat ng Basho ang tinaguriang master ng Haiku
empress dahil sa kabiguan niyang masolo ang pag-ibig ng
emperor. Mundong ‘sang kulay
Araw na mulat Nag-iisa sa lamig
Sa may gintong palayan Huni ng hangin
Ngayong taglagas Isinulat ni Basho ang susunod na haiku sa
Di ko alam kung kelan kalagitnaan ng paglalakbay sa Osaka. Sa panahong
Puso ay titigil na ito ay unti-unti na siyang nanghihina.
Ang susunod na Tanka ay isinulat noong ikapitong siglo ni Ngayong taglagas
Princess Nukata. Isinulat niya ito noong dumalo siya sa ‘Di mapigil pagtanda
ceremonial gathering of the herbs noong May 5, 1668 na
inorganisa ni Emperor Tenji. Isa si Princess Nukata sa mga Ibong lumilipad
consorts ng naturang emperor. Ngunit ang Ito ang huling Haikung isinulat ni Basho sa banig ng
tankang iyong mababasa ay inalay ng prinsesa sa kaniyang kamatayan. Alam na niyang malubha ang kaniyang
dating asawa na si Prince Oama. Sa murasaki karamdaman ngunit ang pagsulat pa rin ang kaniyang
Ang bukid ng palasyo naging sandigan.
Pag pumunta ka Lakbay ng hirap
Wag ka sanang makita Pangarap na naglayag
Na kumakaway sa’kin Tuyong lupain
GAWAIN 2: Panuto: Basahin/ipabasa sa isang Miyembro ng iyong pamilya ang bawat Tanka at Haiku. Suriin ayon
sa tono, paksa, at mensaheng nais ipabatid nito.
Pag-unawa sa Binasa/ napakinggan:
1. Ano ang napansin mo sa apat na tulang binasa/napakinggan? Tungkol saan ang pinakapaksa ng bawat isa?
________________________________________________________________________
2. Naipahayag ba ng sumulat ang kanilang naramdaman noong oras na isinulat nila ang tula? Patunayan.
________________________________________________________________________
3. Sino sa tatlong manunulat ng tula ang may mapait na karanasan sa pag-ibig? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________________________
4. Sino naman ang nalalaswaan sa pag-ibig?
________________________________________________________________________
5. Sino sa kanila ang nagpatunay na maging sa panahon ng pagsubok ay naipahahayag pa rin nila ang kaniyang
damdamin at isipan sa pamamagitan ng pagsulat ng tula?
________________________________________________________________________
6. Sa iyong palagay, naibsan ba ang dalahin ng kanilang damdamin nang isulat ang tula? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________________________
7. Sa panahon ngayon, saan mo maikokompara ang ganitong klase ng pagpapahayag ng damdamin?

Alam mo ba... Land Of The


Tanka at haiku sa panitikang Hapones Rising Sun o Lupain Ng
Nilikha ang tanka noong ika- 8 siglo samantalang ang haiku ay noong ika-15 siglo. Sumisikat Na Araw ang
Karaniwang paksa ng tanka ang pagpapahayag ng emosyon o damdamin tulad ng tawag sa bansang Hapon na nasa Silangang
pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Ang mga unang tanka ay kasama sa isang kalipunan o Asya. Ito ay nasa Hilagang-Silangan ng Tsina
antolohiya ng mga tula sa panitikang Hapones na Tinatawag na Manyoshu o Collection at Taiwan na pinaghihiwalay ng dagat
of Ten Thousand Leaves. Silangang Tsina, nasa Timog
-Silangan ng Korea
Ang haiku ay pinaikling anyo ng tula. May wastong antala o
na pinaghihiwalay ng dagat ng Hapon.
paghinto na Tinatawag na kiru o cutting ang pagbigkas nito. Ang kiru ay kahawig ng
Binubuo ito ng apat na malalaking pulo, ang
Sesura sa ating panulaan. Karaniwang paksa ng Haiku ang larawan mula sa kalikasan.
Honshu, Kyushu, shikoku, at Hokkaido.
Pinakatanyag sa pagsulat ng haiku si Matsuo Basho. Sakaniya nagsimula ang pagsulat Tinatawag din
ng Haiku bilang isang sining ng panitikan noong panahon ng Edo sa ito na bansa ng mga samurai, anime, at may
kasaysayan ng Hapon mataas na uri ng teknolohiya.

PANGWAKAS: Batid kong may natutuhan ka sa araling ito, Isulat ang mga ito sa
Ang natutuhan ko araling ito ay… Ang natutuhan ko araling ito ay… Ang natutuhan ko araling ito ay…
4

FILIPINO 9
Ikalawang Markahan – MELC 3
Week 2
FILIPINO 9
Pangalan: ___________________________________ Lebel: _____________
Seksiyon: ___________________________________Petsa: _____________
GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay ng Kahulugan ng mga Matatalinghagang Salita
Panimula ( Susing Konsepto)
“Maikli ngunit mayaman sa diwa
Punong-puno ng emosyon bawat linya
Paksa’y tugon sa pag-ibig, pag-iisa
Kinagigiliwan mga anyo ng tula”
Naniniwala ka ba na ang paggamit ng matatalinhagang salita ay nakadaragdag ng rikit sa isang tula?
Kasanayang pampagkatuto at Koda Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang mahahalagang salitang ginamit sa Tanka at
Haiku. F9PT-IIa- b-45
Gawain 1: Panuto: Basahin ang ilang halimbawa ng Haiku at Tanka na issinulat ng mga manunulat na Hapones.
Unawain ito at sagutan ang mga tanong sa ibaba
A. TANKA d. May pag-asa ang ngiti ng buwan
On the white sand Buhanging puti (5) 2. Dilim sa gubat
Of the beach of a small island Dalampasigang pulo(7) a. May matinding pagsubok sa buhay
In the Eastern Sea Silangang dagat (5) b. Maraming naghambalang na kahoy
I, my face streaked with tears, Mukha’ypunongluha(7) c. Tirahan ng maiilap na hayop
Am playing with a crab Alimango’y kalaro. d. Nakatatakot ang anyo nito
- Ishikawa Takuboku -Malayang salin 3. Maagang ulan
B.
a. Masayang maligo sa init ng araw
In castle ruins Kastilyong giba (5)
The tappings of a hand-drum Tagos sinag ng buwan (7) b. Biglang nagkaroon ng suliranin
So clearly echo, Napakaningning (5) c. Nagsasaya ang mga magsasaka
That in Komachi’s dancing Sayaw ng Komahi (7) d. May bagyong darating
Even the moon seemed to smile. Ang buwan ngumingiti (7) 4. Lunti sa bukid
- Hiroko Seki - Malayang salin a. Luntian ang kulay ng bukid
C. b. Maraming nakatanim na damo
In the dark woods Dilim sa gubat (5) c. Tumubo na ang mga binhi ng palay
Lying ahead on your road Nakahimlay sa hukay(7) d. Tagumpay sa pagsisikap sa pagtatanim sa bukid
Whom will you call? Ano’ng pangalan? (5) 5. Buhanging puti
You don’t yet know the names Ni hindi mo kilala (7) a. Gumagawa ng kastilyong buhangin ang mga bata
Of your parents or your own Ang sariling Magulang. (7) b. Maraming makukuhang kabibe sa maputing buhangin
-TekkanYosano - Malayang salin c. Sinlinis ng maputing buhangin ang kaniyang hangarin
D. HAIKU d. Nagpapaaraw o sunbathing sa maputing buhangin ang
Early summer rain- maagang ulan (5) nagsisipaligo
Houses facing the river, kabahayan sa ilog (7) Alam mo ba ...
Two of them. Dal’wa sa kan’la (5) Matalinghaga ang Tanka at Haiku (Talinghaga)- ito ang paggamit ng
-Matsuo Basho - Malayang salin masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula. Dito’y
E. sadyang inilalayo ang paggamit ng mga karaniwang salita
upang higit na maging mabisa at kaakit-akit ang tula.
Green in the field Lunti sa bukid (5)
Was pounded into Dinikdik upang maging(7) PANGWAKAS/REPLEKSYON
Rice cake isang bibingka. (5) Batid kong may natutuhan ka sa araling ito, isulat ang
- Masaoka Shiki - Malayang salin mga ito sa ibaba.
Panuto: Ang mga sumusunod ay halaw mula sa Tanka
Ang natutuhan ko araling ito ay...
at Haiku na binasa sa itaas. Ang natutuhan ko araling ito ay...
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na
natatalinhagang salita. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang buwan ngumingiti
Ang natutuhan ko araling ito ay...
a. Maliwanag ang sinag ng buwan
b. Malaki at mabilog ang sikat ng buwan
c. Maningning ang sinag mula sa buwan
5

FILIPINO 9
Ikalawang Markahan – MELC 4
WEEK 2
FILIPINO 9
Pangalan:___________________________________ Lebel: _____________
Seksiyon: ___________________________________Petsa: _____________
GAWAING PAGKATUTO
Pagsulat ng Tanka at Haiku sa Tamang anyo at sukat
Panimula ( Susing Konsepto)
Alam kong marami ka nang natutuhan tungkol sa anyo ng tula ng Bansang Japan, ang Tanka at Haiku. Ano ang
masasabi mo sa mga halimbawa ng Haiku at Tanka sa mga nauna mong mga aralin? Madali lang ba ang sumulat ng
isang Tanka o Haiku?Ngayo’y gusto kong ipakita mo iyong husay sa pamamagitan ng pagsulat ng iyong sariling
Tanka at Haiku
Kasanayang pampagkatuto at Koda Naisusulat ang payak na Tanka at Haiku sa tamang anyo at sukat. F9PU-IIa-b-
47
Alam mo ba...
Bukod sa mga bugtong at salawikain, maraming sinaunang maikling anyo ng mga tula sa Filipinas. Isa rito ang Tanaga, na ayon sa
mga bokabularyo nina Noceda at Sanlucar (1754) ay isang uri ng tulang maynapakataas na pagpapahalaga salipunang tagalog,
Poesia muy alta en tagalo, compuesta de siete silabas, y cuatro verso, llena de metaforas.
Binubuo ang Tanaga ng apat na taludtod at bawat taludtod ay may sulat na pipituhin. Sa loob ng naturang anyo, kailangang ganap
na maipahayag ng makata ang nais sabihin sa pamamagitan ng matatalinhagang pangungusap.
- Bahagi ng Paggunita sa Tanaga ni Virgilio S. Almario

GAWAIN 1

Panuto: Basahing mabuti ang tanaga at buoin ang


diwa ng nito, piliin mula sa kahon ang Pangwakas na Gawain
iyong sagot at isulat ito sa patlang. Ang natutuhan ko sa araling ito ay:
1. Totong_______________ ________________________________________
At talagang malihim • Sinungaling ________________________________________
Pipi kung kausain • Tapat ____
Walang kibo’y matabil. • Mabiro

2. Kabibe. Ano ka ba? • namumula


May perlas, maganda ka •nagbubuntonghi-
Kung idikit sa taynga ninga
______________________ • Kumakapit

3. Ang isa sa kaaway • Tawagin


Na marami ang bilang • Isama
Ang iyong ______________ • Pangilagan
Ayan…katabi mo lang.

4. Salaming _________________ • Durog- durog


Di di kayangpagdikitin • makinang
Lalo na kung di pansin • madulas
Ang tunay na salain.

5. Taglay mo’y lakas, yaman, • Alam


Dangal, kapangyarihan, • uunlad
Dunong, at katarungan, • masiyahan
Di pa rin ___________________
6

FILIPINO 9
Ikalawang Markahan – MELC 5
Week - 3
FILIPINO 9
Pangalan: _____________________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: _____________________________________________ Petsa: ___________
GAWAING PAGKATUTO
Nagagamit ang Ponemang Suprasegmental na antala, hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng Tanka at Haiku
Panimula (Susing Konsepto) Mapag-aaralan mo sa araling ito ang iba’t ibang uri ng ponemang suprasegmental.
Hindi man ito tunog na kinakatawan ng mga letra sa alpabeto ngunit nakakaimpluwensiya ang mga ito sa pagbabago
ng kahulugan ng isang salita o pahayag.
Kasanayang Pampagkatuto/Koda Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka
at Haiku F9WG-IIa-b-47
Panuto-Basahin at pag-aralan ang sumusunod na kaalaman
Diin- bilang ponemang suprasegmental, ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig
sa salitang binibigkas. Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/. Ito rin ay isang
ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito

Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.
Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausapHalimbawa:
1. Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan mo.)
2. Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan. Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng
nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita. Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng
kahulugan ng salita
Halimbawa:
a. /asoh/ - usok
/a:soh/ - isang uri ng hayop
b. /pitoh/ - bilang na 7
/pi:toh/ - silbato
May apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin sa Filipino:
Malumay-binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay
hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.
Mga Halimbawa:
kubo baka kulay babae dahon apat
Malumi-ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas
nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang
ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging
nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa
pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.
Mga halimbawa:
baro lahi pagsapi bata luha mayumitama lupa panlapi
Mabilis-ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit
na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik
na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Mga Halimbawa:
dilaw pito kahon bulaklak huli sapin buwan rebolusyon
Maragsa-ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang
binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi,
ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na
inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Panuto: Isulat ang pagkakaiba ng mga pares ng salita
GAWAIN 1-
(Diin)
7

PAso - paSO
tuBO - TUbo
BUhay - buHAY
HApon - haPON
taSA – Tasa

Pangwakas/ Repleksyon
Ponemang suprasegmental; Mahalaga ito upang
makatulong sa iyo kung paano mo bigkasin ng
wastong diin, antala, tono, at intonasyon upang
maipahayag mo ang damdamin o kahulugang nais
mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap.
Ilahad ang natutunan sa araling
ito:_____________________________________
________________________________________
__ GAWAIN 2:
Tono - pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng
pantig ng isang salita. Ang pagbigkas ng salita ay may
tono o intonasyon – may bahaging mababa,
katamtaman at mataas. Ang pagbabago ng tono o
intonasyon ay maaring makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin o makapagbigay ng bagong kahulugan.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na
pangungusap ayon sa tono ng bigkas nito.
Maligaya siya.-
Maligaya siya? -
Maligaya siya! -

FILIPINO 9
Ikalawang Markahan – MELC 6
Week 3
FILIPINO 9
Pangalan: _____________________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: _____________________________________________ Petsa: ___________
GAWAING PAGKATUTO
Paghihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong
Napakinggan
Panimula (Susing Konsepto) – Sa araling ito ay mahahasa ang iyong kaalaman sa pagbibigay hinuha sa damdamin ng
mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan o nabasa. Halina at iyo nang umpisahan ang pagaaral.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Nasusuri ang maikling kwento batay sa paksa, tauhan, pagkasunod-sunod ng pangyayari at
estilo ng pagsulat ng awtor. F9PB-IIc-46
Panuto Basahin at unawain ang maikling kwento na may pamagat MUNTING PAGSINTA at sagutin ang mga sumusunod na
Gawain
MUNTING PAGSINTA
Mula sa pelikulang Mongolia: The Rise of the Genghis Khan
Ni Sergei Bordrov
Halaw ni: Mary Grace A. Tabora
Buod ng “Munting Pagsinta”. Ang “Munting Pagsinta” mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Rhanni
Sergei Bordrov ay dulang nagpapakita ng pagbabawi ng utang ng na loob sa kapwa pasunod sa mga magulang at ang
8

pagkatutuong tumupad ng mga pangakoHahanap ng mapapangasawa ng kanyang anak si Yesugei sa Tribong


Meritupang makabawi sa kanila kaya ito nagmamadaling umalis. Sa gitna ng kanilang paglalakbay,nakaramdam sila
ng pagod kaya nagdesisyon sila na magpahinga muna. Habang nagpapahinga sila, ginalugad niTemujin (anak ni
Yesugei) ang paligid at napadpad sa isang dampa kung saan nakatira angdaliginding na si Borte. Nabigla siya nang
biglang bumagsak ang pinto ng kanilang kusina nalikha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temujin. Noong una ay
napasigaw pa ng magnanakaw si\Borte subalit ay napahinahon siya ni Temujin. Nakinig na lamang si Borte sa kung
ano batalaga ang pakay ni Temujin. “Nais kong pakasalan” ka Biglang sabi ni Temjin, “Dapat sana' pupunta kami ni
ama sa Tribong Merit upang makahanap ng mapapangasawa subalit nagbagoang isip ko nang makita kita”Dagdag pa
nito" “Di Bale'y bata pa tayo ngayon" babalikan kitapagkatapos ng limang taon at magsasama tayo habang buhay kaya
maghintay ka lamang”.Pagkatapos noon ay ipinakilala ni Temujin si Borte sa ama niya. Kahit na hindi iyon
anginaasahan ni Yesugei" wala na siyang magagawa kung siya na talaga ang pinili ni Temujin.Tinanggap na lang ni
Yesugei ang desisyon ng anak niya at umasang magkakaroon ng masayang hinaharap ang dalawa
GAWAIN 1: Isulat ang ang kahulugan ng mga salita sa bawat bilang sa pamamagitan ng pagsasaayos
ng mga titik na nasa loob ng bubble balloon.

GKNLUNUA NKALAAASAYL LIMIAGW


1. PIITAN___________ 2.NAKATAYA 3. MASUYO
_____________ _________
TIIULNB LMBAAAG
4. GALUGARIN 5. ISTORBO
__________ _____________
Pangwakas
Sa dulang mula sa Mongolia, nangibabaw ang buhay at relasyon ng mag-ama. Makikita
ang masugid na paniniwala sa kultura at tradisyon noong unang panahon ito ang tinatawag na
parental love. O ang mga magulang ang naghahanap ng mapapangasawa ng anak. Sa
kasalukuyang henerasyon ay maaaring wala na ang ganitong tradisyon o kultura sapagkat ito
ay nilamon na ng makabagong teknolohiya at umaagapay sa pag-unlad ng buhay.
Ilahad ang iyong natutunan sa aralin:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

FILIPINO 9
Ikalawang Markahan – MELC 7
WEEK 4
FILIPINO 9
Pangalan:___________________________________ Lebel: _____________
Seksiyon: ___________________________________Petsa: _____________
GAWAING PAGKATUTO
Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga
tauhan.
Panimula (Susing Konsepto) – Ano-ano ang mga paborito mong inaalagaang hayop? Sa aralaing ito ay mapalalawak ang iyong
kaalaman sa akdang pabula. Ikaw ay inaasahang makapagbibigay-puna sa kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan sa
isang akda.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan F9PB-IIc-46
ANG HATOL NG KUNEHO
Salin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa
kanyang paglillibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo.
Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya. Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre
upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapung-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa.
Naisip niyang ito na ang kanyang kamatayan. Walang anu-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad
9

na tumayo. “tulong! Tulong!” muli siyang sumigaw. “Ah! Isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay. “Pakiusap!
Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.” Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan
habambuhay.” Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit
nangangamba ako sa maaaring mangyari. “Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay.” wika ng lalaki at nagpatuloy sa
paglalakad. “Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako hindi kita sasaktan.
Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!” Tila labis na
nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba
sa hukay. “Gumapang ka rito,” sabi ng lalaki. Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang
lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki. “Sandali!” hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo
ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre. Wala na
akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre. “Sandali! Sandali!”
Ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.” “Sige,” ang wika ng tigre. “Pero
pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.” Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino
ang nangyari. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “Bakit ang mga dahon at sanga
namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong pagkain? Mga taonang ibinibilang
namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo kami. Ginagamit ninyo kami sa pagtatayo ng inyong mga bahay at
pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang mag
dalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.” “O, anong masasabi mo doon?” Tanong ng tigre habang nananakam at
nginungusuan ang lalaki. Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka, “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin
ang baka sa kanyang hatol.” Sumang-ayon ang tigre at ipnaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawaang opinyon ng
baka. “Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre, “dapat mo siyang kainin! Tingnan mo,
mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin.
Inaararo namin ang bukidupang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na...pinapatay kami
at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung anu-anong bagay. Kaya huwag mo akong tanungin
tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.” “Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya
humanda ka na sa iyong kamatayan!”Wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki. Alam na ng lalaki na ito na
nga ang kanyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho. “Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.
“Ano na naman!” singhal ng tigre. “Pakiusap bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa
kanyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.” Ah! Walang kuwenta! Alam mo ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng
Pino at ng baka.” “Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki. “O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!”
ipinagalaw ang kanyang mahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kanyang mga mata. Malumanay at
walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang iyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay
ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay.

Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho. Itinuro ng tigre at
ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka
sa hukay at ikaw naman ay nakatayo rito sa itaas,” wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “pumunta kayo sa mga posisyon ninyo
noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.” Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya
ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! Ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa
hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari
na akong magbigay ng hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay,”paliwanag
ng kunehona tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa
hukay,walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa
hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa! Wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kanyang paglukso.
ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA SA KOREA
Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan
sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginagampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya atkuwentong
bayan. Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnanais na maging tao. Nang
bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang
sabi ni Hwanin ay magkulong sa
GAWAIN 1: Isulat ang mga sagot sa loob ng kahon
PANGALAN NG TAUHAN KATANGIAN GAMPANIN

GAWAIN 2: Isulat ang mga salitang may kaugnayan sa salitang pabula


10

PABULA

GAWAIN 3: Ibuod ang Pabula gamit ang STORY LADDER

WAKAS……

KAKALASAN……..

KASUKDULA……..

TUNGGAILAN……..
SIMULA……..
Pangwakas/ Repleksyon
Ilahad ang mga natutunan sa aralin:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
11

FILIPINO 9
Ikalawang Markahan – MELC 8
WEEK 4
FILIPINO 9
Pangalan:___________________________________ Lebel: _____________
Seksiyon: ___________________________________Petsa: _____________
GAWAING PAGKATUTO
Naiaantas Ang mga salita (clining)batay sa emosyon o damdamin
Panimula (Susing Konsepto)Sa araling ito ay mahahasa ang iyong kaalaman sa paghahanay ng mga magkakasingkahulugang
salita sa tindi ng damdaming ipinahahayag sa paraang klino o papataas na antas o tindi ng kahulugan nito
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Naiaantas Ang mga salita (clining)batay sa emosyon o damdamin F9PT-IIc-46
Panuto Basahin at unawain ang mga sumsusnod na kaalaman.
Mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag
Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito.
Bagaman iisa ang malawak na kahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba ng digri o tindi ng nais
iparating nito, lalo na kapag ginamit sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka lamang. Kung iaantas natin ang mga sumusunod na
salitang magkakatulad sa kahulugan na magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.
Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol
2. Pansinin ang salitang may pagkakatulad sa kahulugan, ngunit nagkakaiba sa tindi o digri ng pagpapahayag.
Ganito ang magiging ayos kung iaantas ito.
a. pagkawala → pagkaubos → pagkasaid b. nasira → nawasak
Gawain 1. Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan:
1. kinupkop, inalagaan, tinangkilik, kinalinga
2. hapis, lungkot, pighati, lumbay
3. galit, inis, poot, suklam
4. hinagpis, lungkot, lumbay, pighati, dalamhati
5. Kumakalam ang sikmura, Hayuk na kayok Nagugutom
6. kagalakan, katuwaan, kaligayahan, kasiyahan, kaluwalhatian
GAWAIN 2:
Ang pagkiklino ay ang pagsasaayos ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng salita.Hindi lahat ng mga salitang
magkaXsingkahulugan ay pareho narin ang ibig sabihin Hindi maaring pagpalitin ang gamit ng mga ito bagaman iisa ang malawak
na kahulugan,ngunit magkaiba naman ang tindi ng ipinapahayag nito. Magkaiba ang digri o tindi ng nais iparating nito lalo na
kung ito ay gagamitin sa pangungusap.
Panuto: Isaayos ang mga salita ayon sa tindi ng kahulugan mula sa simple hanggang sa pinakamatindi. Pagkatapos ay gamitin sa
makabuluhang pangungusap ang mga salitang ito. Hal. Galit, poot, muhi, ngingit
Halimbawa sa pangungusap Ang galit na naramdaman ni Jessa sa kaniyang kapatid ay agad na nawala dahil nanaig ang
pagmamahal niya dito.
Poot ang nararamdaman niya sa kaniyang kaibigan nang siraan siya nito sa iba.
Muhi ang nararamdaman ko ng makaharap ko ang taong nagnakaw ng aking mga alahas.
Sobrang ngitngit ang aking nararamdaman nang makita ko ang pumaslang sa aking ama.
1. kinupkop, inalagaan, tinangkilik, kinalinga
2. Lumbay, lungkot, hapis, pighati
Pangwakas/ Repleksyon
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon
sa paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga
salitang may kaugnayang sinonimo.
Ilahad ang iyong natutunan sa aralin:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
12

FILIPINO 9
Ikalawang Markahan – MELC 9
WEEK 5
FILIPINO 9
Pangalan: ___________________________Lebel: _____________
Seksiyon: ___________________________ Petsa: _____________
Pagsulat ng bahagi ng isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng
tauhan nito
Panimula (Susing Konsepto) Gaano man kasimple o kahusay ng kuwentong pabula, laging may dala itong aral
para sa mambabasa. Ang pabula ay isang akdang pampanitikan na ang mga nangingibabaw na tauhan ay hayop. Kumikilos at nag-
iisip silang parang mga tao. Bagaman ito’y likhang isip lamang na manunulat, naghahatid ito ng mahahalagang kaisipan at aral sa
buhay na maari nating pamarisan. Sa gawaing ito ay madadagdagan ang iyong kaalaman at pagpapahalaga sa mga bagaybagay sa
tulong ng pabulang iyong mapag-aaralan. Inaasahang makasusulat ka rin ng pabula sa paraang babaguhin mo ang karakter ng isa
sa mga tauhan na gustong baguhin. Ngunit huwag kalimutang palutangin ang aral o mensaheng nais mong ikintal sa isipan ng
mambabasa. Tama. Mararanasan mong maging isang manunulat ng pabula sa iyong aralin ngayon.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda 1. Naisusulat ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan
nito –F9PU-IIc-48.
Panuto; Basahin at unawain ang pabulang “Ang Hatol ng Kuneho” at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong
kaugnay ng kuwento.
Ang Hatol ng Kuneho
(-Mula sa bansamg Korea na isinalin ni Vilma C. Ambat)
(MULING BASAHIN ANG AKDA SA PAHINA 9-10 UPANG MASAGOT ANG MGA GAWAIN)
Gawain 1A. Ibigay ang isang mahalagang aral sa buhay na iyong napulot sa kuwento:
1B. Gumuhit ng larawan ng isang tagpo sa kuwento na naibigan mo
Basahin at iyong Alamin
Ano ang Pabula?
Ang pabula ay isa sa mga sinaunang uri ng akdang pampanitikan sa daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na siglo, bago si Kristo, may
itinuturing nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang paksa ng pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao sa
mga sinaunang Hindu, Si Kasyapa.
Ang pabula ay nagmula sa salitang Griegong Muzos na ang ibig sabihin ay myth o mito. Nagsimula ito sa tradisyong pasalita at
nagpasalin-salin ito sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan ng pagbabago ng mga taga
tagapagkuwento nang naayon sa kultura o sa kapaligirang kanilang ginagalawan. Lalong napatanyag ang ganitong kuwento sa
Gresya. Si Aesop na isang Griego na nabuhay noong 620 hanggang 560 BC ang siyang tinaguriang “Ama ng Sinaunang Pabula” dahil sa
napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable. Sinasabi ng mga mananalaysay na si Aesop ay isinilang na kuba at lumaking isang alipin
subalit pinagkalooban ng kalayaan ng kaniyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilusang pambayan at
makisalamuha sa mga tao. Dito lumabas at nakilala ang kaniyang taglay na talino at galing sa pagsulat at pagkukuwento. Tinatayang
siya ay nakasulat ng 200 na pabula sa kaniyang buong buhay.Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang.
Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin at magbigay pangaral. Nangingibabaw na tauhan ay mga hayop na
sumasagisag o kumakatawan sa mga katangian at pag-uugali ng tao. Halimbawa ay ahas na nanganaghulugang taong taksil; kalabaw
para sa taong matiyaga; palaka para sa taong mayabang at maingay; pagong na makupad; at aso na matapat. Itinuturo ng pabula ang
tama, patas, makatarungan, at makataong pag-uugali at pakikitungo sa ating kapuwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa
magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na pambata lamang
sapagkat ang mga ito’y nangangailangan ng pang-unawa sa mga katangian ng mga tauhang hayop at pag-uugnay ng mga ito sa
kahawig na katangian ng mga tao upang maging epektibo ang paghahambing
Gawain 2
Panuto: Sagutin sa apat hanggang limang pangungusap ang tanong na ito.
1. “Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pabula?”
Gawain 3. Magbigay ng isang salawikain na maaring mahalaw o maiuugnay sa pabula. Ipaliwanang ang iyong sagot.
Gawain 4. Maaring napakasimple ng pabulang iyong binasa pero katulad ng ibang pabula, naghahatid ito sa atin ng aral na
magagamit natin sa ating pang araw-araw na buhay. Pagkakataon mo nang baguhin at palalimin ang pabulang “Ang hatol ng
Kuneho” sa kung ano ang nais mong maging takbo sana ng kuwento, sa pamamagitan ng pagbabago sa mga katangian ng mga
tauhan at iba pang bahagi ng pabula. Isulat ang tauhang napili mong baguhin ang katangian at ipaliwanang kung bakit iyon ang
gusto mong mangyari.
13

1. Tauhan
____________________________________________________________
Katangian ng tauhang nais mong baguhin_________________________________________.
Bakit? ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Pangayayring nais mong baguhin
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ano ang nais mong mangyari? Ipaliwanang
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________ .
Gawain 5.
Bigyan ng sarili mong pagwawakas ang pabulang binasa. Maari kang
magdagdag ng ilan pang tauhan. Huwag kalilimutang bigyan ng diin ang aral na mapupulot sa
iyong kuwentong pangwakas.
Ang Hatol ng Kuneho
(Pagwawakas)
Ni: ____________________________________
(Ang iyong panagalan)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Pangwakas/ Repleksyon:
Dugtungan mo ang pahayag “Aking nabatid o natutunan sa araling ito ay-”
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________
14

FILIPINO 9 Ikalawang Markahan – MELC 10 WEEK 5

Pangalan:__________________________ Lebel: _________ Seksiyon_______________ Petsa: ________


GAWAING PAGKATUTO
Iba’t ibang ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin Panimula (Susing Konsepto)
Marahil ay nakakita na kayo ng kahindik-hindik na pagmamalupit sa walang kalaban labang mga hayop. Katulad na mga asong pinapalo
ng tubo, asong kinakaladkad ng motor at marami pang paraan ng pagmamalupit ng mga tao. Tsk, tsk, talaga namang nakakadismaya.
Naku! Kung sa kanila kaya gawin ang mga ito? Ano naman ang naramdaman niyo noong kayo’y nakakita o nakapanood ng mga
ganitong Video? Alam niyo bang paglabag ito sa Karapatan ng mga hayop na itinakda ng batas ayon sa Republic Act 8485 o tinatawag
ding Animal Welfare Act 0f 1998 na may takdang parusa na anim na buwan hanggang isang taong pagkabilanggo at may multang aabot
sa P30,000.00 sa inumang mapatunayang lumabag nito.Marahil naalala niyo pa si Kabang, a g asong natapyasan ng nguso dahil sa
pagtatanggol niya sa anak ng kaniyang amo. Wow! Talaga namang kahanga-hanga ang ginawa ng bayaning aso na ito sa pagliligtas sa
kaniyang amo. Ngunit teka, Grabe,nakakalungkot naman ang nangyari sa kaniya Eh ano naman ang magiging reaksyon niyo kapag
nakakita kayo ng mga asong dinadamitan ng maayos na damit, may salamin sa mata at nakaayos na parang laruan? Aha, nakakagigil
sila sa tuwa!Ang mga aso ay ilan lamang sa maraming uri ng hayop na nagbibigay sa atin ng ibat ibang uri ng emosyon o damdamin.
Ngayon ay balikan mo ang mga pahayag na nakasulat nang may diin. Ang mga ito ay nagpapahayag ng iba’t ibang emosyon damdamin.
Sa araling ito, mapag-aaralan mo ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin upang magamit mo ito sa pang-
arawaraw na pakikipagtalastasan.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda .Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin F9WG-IIc-48
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kaalaman pagkatapos ay sagutin ang mga gawaing kaugnay nito sa abot ngiyong makakaya.
Suriin at alamin
Mga Paraan ng pagpapahayag ng Emosyon o damdamin
Maraming emosyon o damdamin tayong naramdaman habang binabasa ang pabulang “Ang Hatol ng Kuneho.” Maaring hindi tayo
pare-pareho ng reaksyon sapagkat iba-iba nama ang pananaw nating mga tao. May iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon
upang epektibo nating maiparating ang ating nararamdaman. Ating alamin ang iba’t ibang paraang ito na magagamit natin sa ating
pang-araw-araw na buhay.
1. Mga Pangungusap na Padamdam-ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan
ito ng bantas na tandang padamdam (!). Halimbawa: Naku, nandiyan na ang mabangis na tigre!
2. Maiikling Sambitla- ito ay maiikling sambitalng iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Yehey! Naku! Aha! Huwag! Aray! Lagot! Wow! At iba pa.
3. Mga pangungusap na nagpapahayag ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao- Ito ay kadalasang mga pangungusap na
may anyong pasalaysay kayatmahihinuhang hindi gaanong matindi ang damdaming ipinahahayag subalit maari rin itong maging
pangungusap na padamdam na nagsasaad ng matinding damdamin.Halimabawa:
1. Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng tulong mula sa pamahalaan sa kalagitnaan ng ECQ.
2. Pagtataka: Bakit kaya hindi pa rin matuklasan ang lunas sa sakit na COVID 19?
3. Pagkalungkot: Nakakalungkot ang sinapit ng mga Frontliners na nagbuwis ng buhay para tayo ay manatiling ligtas sa pandemya.
4. Pagkagalit: Sobrang naiinis ako sa mga taong umaasa lang ng tulong sa pamahalaan at ayaw man lang magbanat ng buto upang
umangat sa buhay!
5. Pagsang-ayon: Totoong napakaraming Pilipino ang handang dumamay sa kapuwa sa panahon ng matinding kagipitan.
6. Paghanga: Sobrang nakakataba ng puso ang ginagawa ng marami nating kababayan na handang tumulong sa iba kahit hirap din
sila sa buhay.
7. Pagpapasalamat: Salamat sa pagsaklolo mo sa amin!
8. Pagtutol: Ayaw kong maulit pang makita ang ginawa mo!
Gawain 1. Bilugan ang maiikling sambitla sa bawat pangungusap sa kabilang pahina. Isulat ang damdaming ipinahahayag sa
patlang bago ang bilang: Nasaktan Humanga Kasiyahan Pagkainis Pagkatakot Pagkadismaya
_____________1. Grabe! Sobrang bilis ng pagdami ng bilang ng kaso ng mga taongtinatamaan ng sakit ng COVID 19.
_____________2. Aray! Natapakan mo ang paa ko. May sugat pa naman ako.
_____________3. Wow! Napakaganda ng kaniyang ginawa.
_____________4. Yehey! Buti nga sa iyo.
_____________5. Ayan! Siguro naman masaya ka na na nakikita mo akong nagdurusa.
_____________6. Tsk, Tsk! Hindi iyan ang pinabibili ko sa iyo!
_____________7. Aha! Ikaw pala ang nagnanakaw. Pinagkakatiwalaan pa naman kita.
_____________8. Awww! Ang sakit sa pakiramdaman na makita ko siyang may kasamang iba.
_____________9. Hay naku! Lagi na lang brown out.
_____________10. Grabe! Hindi siya maalis-alis sa isipan ko.
Gawain 2. Sumulat ng isang diyalogo o usapan sa pagitan ng dalawang hayop na nag-uusap tungkol sa kanilang kalagayan sa
kamay ng kanilang amo. Gamitan ng mga pahayag nanagpapakita ng iba’t ibang emosyon o damdamin ang kanilang usapan.
Salungguhitan ang mga ito. Ano-ano kayang damdamin ang ihahayag nila? Ilahad sa dayalogo.
Pangwakas/ Repleksyon:
Ilahad ang mga kaalamang natutunan sa araling ito
15

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

FILIPINO 9 / Ikalawang Markahan – MELC 11/ week 6


Pangalan: __________________Lebel: _______Seksiyon: __________________Petsa: ____________
GAWAING PAGKATUTO
Pagpapaliwanang sa Pananaw ng May-akda tungkol sa Paksa
Panimula (Susing Konsepto)Sa araw-araw nating pakikipag-usap sa ating kapwa ay madalas na nakapagbibigay tayo ng sarili
nating opinyon o pananaw tungkol sa iang bagay. Gaano katagal ang nagugugol mo sa pakikipagtalastasan sa iyong kaibigan? Sa
iyong mga magulang? Iyong mga ka-chat sa
facebook at messenger? Ano naman ang madalas ninyong pag-usapan?
Kasanayang pampagkatuto at Koda Sanaysay: Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa
napakinggan. F9PN-IId-47
GAWAIN 1: Panuto: Sa loob ng mga hugis, isulat ang iyong masasabi o naisip/pananaw ukol sa mga
sitwasyon na nakalahad . Isulat ang iyong sagot sa bawat hugis

ABS-CBN Anti
Covid 19 Online learning

Franchise terrorism bill

GAWAIN 2:
Panuto: Basahin ang maikling talata at sagutin ang kasunod na mga tanong.
“Namasyal pa sa Luneta, nang walang pera. . . “isang linya ito ng awiting sumasalamin sa simpleng libangan ng mga kabataang
Pilipino noon. Subalit hindi maitatanggi na sa pagdami ng malls sa lungsod, unti-unti na ring nagbabago ang uri ng pamumuhay
ng kabataang Pilipino. Binura na ng panahon ang kanilang simpleng interes na mamasyal sa mga liwasang- bayan o tabing-ilog.
Napalitan ito ng kanilang pagkahikayat na magpunta sa mall. Katulad din ng iba pang kabataan, dito na sila namamasyal,
naglalaro, kumakain ng kung ano-ano, at nabibighani sa mga samu’t saring paninda na makikita sa mga naglalakihang estanteng
salamin. Nang lumaon ang mga mall ay hindi na lamang nagsisilbing isang pasyalan, kung hindi naging bahagi na rin ito ng
sistema ng modernong kabataang Pilipino.
-Isinulat ni Celeste Marie R. Cruz
Sambotani III ni Bernie C. Santos, 2007
Batay sa binsang talata, sagutin ang mga tanong.
Sino ang kinakausap ng may-akda? Ano ang pangunahing ideya ng akdang Ano ang nais sabihin ng mag-akda?
___________________________ binasa mo ?_______________________ _____________________________

Saan madalas namamasyal ang mga Paano nakaapekto ang pagkakaroon ng Bakit nagbago ang uri ng pamumuhay ng
labataannoon?______________________ mga mall sa pamumuhay ng mga mga mga kabataan?
Pilipino?_________________________ ___________________________

Alam mo ba ...
Isang sanaysay ang binasa mong akda. Ito ay anyo ng panitikang naglalahad ng kaisipan o paksa ng isang manunulat ayon sa
kaniyang sariling palagay na ang layunin ay magbigay-aliw, magbigay kaalaman o magturo. Ayon kay Genoveva Edroza-Matute,
ang sanaysay ay sumasakop sa mga lathalain, sa artikulo, paliwanag, pag-aaral, thesis, monograpo, panunuri, pitak, at iba-iba
pang tinatawag sa iba’t ibang pangalan. May dalawang uri ang sanaysay: pamilyar o di pormal at maayo o pormal. Ang pamilyar
na sanaysay ay parang nakikipag-usap lamang sa kaniyang pagsasalita ang may-akda. Ang paksa ay maaaring kakatwa o kakaiba
ngunit nagtataglay rin ng masusing pagmamasid, personal at pansariling paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay. Ang maayo o
pormal na sanaysay ay hinihikayat ng sumulat ang mambabasa sa malalim na pag-iisip. Hindi ito paligoy-ligoy dahil tuwiran ang
kaniyang pagpapahayag at hindi nagbibiro.

Gawain 3:
Ano kaya ang layunin ng may-akda sa paglalahad ng kaniyang mga Opinyon o pananaw tungkol sa paksang tumatalakay sa
paksang Simpleng libangan ng mga kabataan Pilipino noon? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
PANGWAKAS: Batid kong may natutuhan ka sa araling ito, Isulat ang mga ito sa ibaba.

Ang natutuhan ko araling Ang natutuhan ko araling Ang natutuhan ko araling


ito ay... ito ay... ito ay...
16

FILIPINO 9 Ikalawang Markahan – MELC 12_WEEK 6


Pangalan:__________________________ Lebel: _________ Seksiyon: _____________________ Petsa: ___________
GAWAING PAGKATUTO
Pagpapaliwanag sa mga Kaisipan, Layunin, Paksa at Paraan ng Pagkakabuo ng Sanaysay
Panimula
Ang kulturang Tsino ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa ating pamumuhay dahil sa tagal ng pamamalagi nila sa
Pilipinas. Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol sa ating bansa ay nakipagkalakalan na sila sa ating mga
ninuno at hanggang ngayon. Dahil dito, marami sa kanilang kultura ang isinabuhay na rin ng mga katutubo. Sa patuloy na pag-
inog ng mundo, ang ibang kulturang Tsino ay tuluyan nang niyakap ng mga Pilipino. Sa katunayan, marami sa atin ang
nagsasagawa ng mga gawaing Tsino gaya na lamang ng pagdiriwang ng Chinese New Year, paghahanda ng pagkain at pagsusuot
o paggamit ng mga bagay na nagdadala ng magandang kapalaran. Bilang isang kabataan, batid kong marami ka nang naging
karanasan at kabatiran tungkol sa kultura ng mga Tsino. Maaaring ang ilan sa mga ito ay iyo na ring ginagaya. Ngunit huwag mo
pa ring kalilimutan ang sariling kultura dahil ito ang tatak ng ating pagka-Pilipino.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa at paraan ng pagkakabuo ng
sanaysay. (F9PB-IId-47) pahina 168
Gawain 1 Panuto: Ilahad sa mga kahon sa ibaba ng iba’t ibang impluwensiyang Tsino sa ating pamumuhay.
Impluwensiyang Tsino sa Iba’t Ibang Aspekto ng Buhay Pilipino
Mga Pagkain Mga Paniniwala at Mga Salita Iba’t Ibang Negosyo at
Kaugalian Gamit o Bagay Kabuhayan

Basahin mo! Ang Pamilya Wang sa Los Angeles, California


Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Hindi tulad ng mga kaibigan kong puro Amerikano na gustong mabuhay
agad nang mag-isa pagsapit nila sa tamang edad, kami ay hindi basta bumubukod sa aming magulang kahit pa nga nag-asawa at
may mga anak na. Pangkaraniwan na lang sa amin na mga Tsino na magkakasama sa isang tirahan ng pamilya hanggang sa
ikaapat na henerasyon. Katunayan, dito sa aming bahay nga ay kasama namin ang Wai po o lola ko na pinetisyon ni mama noong
ako ay limang taong gulang pa lang. Mula pa noong bata ako ay si Wai po na ang lagi kong kasa-kasama kapag nasa trabaho ang
aking magulang at ang dalawa kong nakatatandang kapatid. Ngayon ay may asawa na ang aking gege o kuya pero kasama pa rin
namin siya sa bahay gayundin ang asawa niya at ang kanilang mag-iisang taong anak na si Sheng. Inaalagaan naming ni Wai po si
Sheng kapag wala ang kaniyang magulang. Ang aking jie jie o ate ay dito pa rin nakatira kahit na siya’y tapos nang mag-aral at
may trabaho na
Gawain 2 Panuto: Ipaliwanag ang kaisipan, layunin at paksang ginamit sa pagbubuo ng sanaysay.
1. Ang mga American-Chinese ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang mga kaugalian, kultura at tradisyon kahit pa sila ay
matagal nang naninirahan sa America.
Paliwanag:__________________________________________________________________
2. Pangkaraniwan na sa pamilyang Tsino ang magkakasama sa iisang tirahan ang bawat miyembro ng pamilya hanggang ikaapat
na henerasyon. Paliwanag:__________________________________________________________________
3. Layunin ng batang naglahad ng kanyang mga karanasan na hindi tayo dapat nakalilimot sa kulturang kinagisnan
Paliwanag: ___________________________________________________________________________ .
4. Ang mga matatanda sa pamilya ay nananatili sa poder ng kanilang mga anak hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay
gaano man kaabala ang kanilang mga anak.
Paliwanag:__________________________________________________________________
5. Hindi pa rin nakalilimot ang pamilyang Tsino sa kulturang kanilang kinagisnan kahit nakatira sila sa lupain ng mga kapatid na
puting may ibang kultura at pananaw sa buhay. Paliwanag: ________________________________________________________
Alamin mo Ang Sanaysay
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol sa mga
kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. Ang sanaysay ay may dalawang uri:
pormal o maanyo at pamilyar o personal. Ang pormal na sanaysay ay karaniwang nagpapahayag tungkol sa seryosong paksa.
Maingat na pinipili ang mga salita at maanyo ang pagkakasulat. Ang tono ng pagsulat ay seryoso. Ang pamilyar o personal na
sanaysay naman ay maaring tungkol sa karaninwang mga paksa, personal na pananaw o mga sulat na naglalayong makapagbigay
aliw sa mambabasa. Ang tema at pormat ng pagsulat ng ganitong uri ng sanaysay ay
kadalasan may bakas ng personalidad ng may akda at parang nakikipag-usap lamang Ang Pamilya Wang sa Los Angeles, California
Paksa o Tema
sa isang kaibigan
Gawain 3 Panuto: Suriin ang pagkakabuo ng binasang sanaysay. Isulat sa Gamit ng Salita
nakalaang kahon ang mga nabuong sagot batay sa iyong pagsusuri.
Pananaw ng pagsulat
Pangwakas/Repleksyon Natutuhan ko sa mga gawaing ito ang………..
Nilalaman

Tono

Uri ng sanaysay
17

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________
___________________________________

FILIPINO 9 Ikalawang Markahan – MELC 13 WEEK 7


Pangalan:_______________________ Lebel: _________ Seksiyon_______________________ Petsa:_____________
GAWAING PAGKATUTO
Pagpapaliwanag ng mga salitang di-lantad ang kahulugan batay sakonteksto ng pangungusap
Panimula (Susing Konsepto) Bilang mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring naipong mga
kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral. Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang
maipagpatuloy ang iyong pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman ukol sa panitikan ng Asya kung saan kabilang ang
ating bansa. Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga magulang at kapatid upang mahusay mong masagot ang mga
nakalaang Gawain.
Kasanayang Pampagkatuto Naipaliliwanag ang mga salitang di-lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap.
(F9PT-IId-47)
Panuto Maglahad sa mga kahon sa ibaba ng iba’t ibang impluwensiyang Tsino sa ating pamumuhay
Impluwensiyang Tsino sa Iba’t Ibang Aspekto ng Buhay Pilipino
Mga Pagkain Mga Paniniwala at Mga Salita Iba’t Ibang Negosyo at
Kaugalian Gamit o Bagay Kabuhayan

Alam Mo Ba? Ang Tsina ang bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Umabot na ang populasyon nito
sa 1.35 bilyong katao. Samantalang ang populasyon ng buong mundo ay umabot sa humigit-kumulang 6.7 bilyon. Ibig sabilhin,
halos 20% ng mga tao sa buong mundo ay mga Tsino, at nagangahulugang ang isa sa bawat limang taong nabubuhay sa mundo ay
mula sa bansang Tsina. Maliban sa napakabilis ng paglago ng kanilang populasyon, (noong 1950, ang kabuoang populasyon ng
bansang Tsina ay 563 milyon lamang kompara sa 1.35 bilyon ngayong 2013) ang ekonomiya ng Tsina ay naging pinakamabilis
ding umunlad sa buong mundo mula nang magsagawa sila ng mga repormang pang-ekonomiya noong 1978. Sa taong 2013, sila
na ang itinuturing na pangalawang may pinakamalakas na ekonomiya at pinakamalaking importer at exporter ng mga kalakal.
Kaugnay nito, kung pagsasama-samahin ang lahat ng variation ng wikang Mandarin Chinese, ito rin ang wikang may
pinakamaraming nagsasalita na umaabot sa halos isang bilyong tao. Hindi kataka-taka kung gayon na ang impluwensiyang Tsino
ay lumaganap sa iba’t ibang panig ng mundo hindi lamang dahil sa kanilang mga kalakal na ini-export kundi dala rin ng mga
Tsinong nangingibang-bayan upang doon na manirahan. ang paksang tatalakayin ng sanaysay na iyong matutunghayan .
Dapat Tandaan:
• Ang pangunahing ideya na di-lantad ay iyong mga ideya na hindi tuwirang inilahad ng awtor sa loob ng isang talata o pahayag.
• Minsan ang ilang salita ay may di- lantad na kahulugan o ang kahulugan ay nasa pagitan ng hanay ng mga salita.
• Kahalagahan ng pagbuo ng pangunahing Ideya Ang pag-buo ng pangunahing ideya ay makatutulong para maunawaan mo nang
lubos ang kompleks na kaisipan na hindi tuwirang nakalahad sa isang talata o pahayag
GAWAIN 1: Subuking tukuyin kung anong kahulugan ang ipinahihiwatig ng sumusunod. Lagyan ng tsek (/) ang pahiwatig na
kahulugang maiuugnay sa bawat pahayag. Gawing gabay ang mga salitang nakasulat nang madiin.
1. Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Kaming mga anak ay hindi basta bumubukod sa aming magulang kahit pa may
sariling pamilya na. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na….
___a. malapit ang mga pamilyang Tsino sa isa’t isa
___b. independent o mas gustong mamuhay nang mag-isa ang mga tsino
___c. hindi mabubuhay nang mag-isa ang mga Tsino
2. Subalit kapag nasa bahay ako, higit na nangingibabaw ang kulturang Tsino sa paraan ng pagpapalaki sa aming
magkakapatid. Ipinahihiewatig ng pahayag na ito na….
___a. mahigpit sa mga anak ang magulang ng nagsasalaysay
___b. hindi nahahawa ng ibang impluwensiyang ang mga Tsino
___c. malakas ang impluwensiyang Tsino sa kanyang mga mamamayan
3. Mula pa noong bata ako ay si Wai po na ang lagi kong kasa-kasama kapag nasa trabaho ang aking magulang at ang dalawang
nakatatanda kong kapatid. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na….
___a. ang lola ang naging tagapag-alaga ng bata sa pamilya
___b. hindi mapag-aruga ang magulang ng bata
___c. alagain ang bata dahil sa espesyal niyang pangangailagan
18

4. Hinding-hindi naming papayagang malayo sa amin si Wai po. Tiyak na malulungkot siya roon at malulungkot din ako dahil
kaming dalawa ang magkasama sa silid. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na…..
__a. nagpapaalam na ang kanyang Wai po upang lumipat ng tirahan
__b. mahal na mahal ng bata ang kanyang Wai po
___c. mahirap sa pamilyang mawala ang matandang tagapag-alaga nila ng anak
5. Bata pa ako ay lagi nang ipinaaalala sa akin ni Wai po na hinding-hindi ko dapat itusok sa gitna ng kanin ang aking mga
chopstick dahil ito raw ay nagangahulugan ng kamatayan. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na….
___a. hindi naniniwala sa pamahiin ang bata ___b. makaluma ang pamilya___c. mapamahiin ang mga Tsino

Ilang Paniniwala at Tradisyong Tsino


Ang Kainan sa Pamilya Unang pagsunod- kapag siya ay bata pa, kailangan niyang sumunod sa magulang Ikalawang pagsunod-
kapag siya ay may asawa na ay dapat niyang sumunod sa kanyang asawa. Ikatlong pagsunod- kapag siya ay nabalo na ay
kailangan niyang sumunod sa kanyang lalaking anak
Si Wai Po at Ako Dapat una munang pauupuin ang mga nakatatanda at mga bisita. Mas gusto ng mga nakatatanda ang mga
pagkaing pinasingawan o steamed kaysa piniprito. Sila ng kanyang wai po ang pinakamalapit sa isa't isa. Marami siyang tinurong
kultura at tradisyong Tsina.
Ang pamilya Wang sa Los Angeles, California Feng shui - Ang sinusundan ng maraming Tsino - Ito raw at gabay para maisaayos
ang pamumuhay nang naaayon sa limang elementong kalikasan: ang kahoy, apoy, lupa, metal, at tubig. Makatutulong daw ito sa
pagpapanatili ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at kaayusan sa buhay.
Ano ang ABC? Kung saan ipinanganak at lumaki si Jia Li. Tsino mula sa Beijing, China ang mga magulang ni Jia Li. Mandarin
Chinese ang salitang ginagamit ni Jia Li at ng iba pang miyembro ng kaniyang pamilya sa bahay. American Born Chinese, Ang
karaniwang katawagan sa mga katulad ni Jia Li na may magulang na Tsino subalit ipinanganak at lumaki sa America
Ako si Jia Li Ako si Jia Li, labinlimang taong gulang at isang ABC. "Sa pagsasalubong ng Silangan at Kanluran. Mga kultura'y
tradisyon magkakaiba man Maraming bagay ang natututuhan. Na sa pananaw at isipan, lalong magpapayaman"
GAWAIN 3: Marami na ring impluwensiya ang mga Tsino sa ating pamumuhay kaya maaaring naiuugnay o nakikita
mo rin sa sarili mong kultura at tradisyon ang ilan sa mga nabanggit tungkol kay Jia Li. Pagkomparahin ang mga
pagkakapareho at pagkakaiba ninyong dalawa gamit ang Venn Diagram gamit ang mga kaisiping nasa kaliwa.
Samahan ng
Pamilya
Mga Pamahiin TSINA PILIPINAS
Pagkain Dalawang paraan ng pagbibigay kahulugan sa ginamit na salita sa pangungusap.
Pagdiriwang Konotasyon
Pananaw sa • Ito ay ang pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita
Buhay • Ang kahulugan ng konotasyon ay iba sa pangkaraniwang kahulugan.
Halimbawa:
• Ang batang lalaki ay talagang may gintong kutsara sa bibig.
GintongKutsara –mayaman o maraming pera ang pamilya.
Denotasyon
• Ito ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo
• Literal o totoong kahulugan ng salita
Halimbawa:
Pumili ng pulang rosas sa hardin.
Pulang Rosas – uring rosas na kulay pula
Ginto–isanguring metal nakumikinang at malleable; ginagamit ito sa mga palamuti (jewelry) at barya.
DENOTASYON SALITA KONOTASYON
Ito ay isang uri ng reptilya na minsa’y AHAS Isang taong traydor o
makamandag, subalit may ibang uri na hindi tumitira nang patalikod
makamandag
Anumang bagay na nakatusok sa balat na TINIK Hadlang o sagabal
maaring magdulot ng sakit
Pangwakas/Repleksiyon
Ang natutuhan ko sa araling ito ay_______________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
19

FILIPINO 9 Ikalawang Markahan – MELC 14 WEEK 7


Pangalan: ________________________Lebel: _________Seksiyon: ___________________Petsa: _____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay-puna sa paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sakaniyang mga saloobin o opinyon sa isang
talumpati
Panimula (Susing Konsepto) Bilang mag-aaral sa ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring naipong mga
kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral. Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang
maipagpatuloy ang iyong pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa panitikan ng Silangang Asya
kung saan kabilang ang ating bansa. Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga magulang at kapatid.
Kasanayang Pampagkatuto Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kaniyang mga saloobin o
opinyon sa isang talumpati (F9PD-IId-47)
Gawain 1: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong pagkatapos
AMERIKANISASYON NG ISANG PILIPINO (Buod) Ni: Ponciano B.P. Pineda
Ito’y hindi lamang kasalanan ng mga Amerikano ngunit ito’y atin ding pananagutan dahil sa ito ay
ating hinayaang mangyari sa paraan ng pakikisalimuha sa iba’t ibang bansa at tao. Pinalaganap na
tin ang kalayaang pampolitika. Tayordin ay napaasa na rin sa mgaAmerikano sa ating pag-aaral.
Tayong mga Pilipino ay talagang na-BRAINWASH na ng mga Amerikano sa pagkakaloob sa atin
ng iba’t ibang mga kaloob, iskolarsyip, kwalta, at GRANT. May isang batang nilalarawan dito
upang maipaliwanag sa atin ang kahalagahan ng akdang ito. Siya ay sumilang nang ang kaniyang
mga libro, pati na sa kaniyang gustong mga karakter sa telebisyon ay lahat Amerikano. Para sa
kaniya ang mga librong Pilipino ay hindi Itoy nagsasabi na ang mga Pilipino ay mas marami nang
alam sa Ingles kaysa sa Filipino dahil sa modernisasyon ng ating bansa. Tayo’y nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa pagsasalita
ng Ingles. Marami na sa atin ang nag-aaral sa ilang matataas na eskwelahan na ang itinuturo ay ang Ingles, at doon sila ay
nagsasalita ng Ingles.
De-amerikanisasyon
Ito’y masasabing isang malawak na problema sa ating bansa sa kasalukuyan. Ito’y untiunting nagpapawala ng ating pagka-
Pilipino. Tunay ngang kailangan natin ng pagbabago para sa ikauunlad ng ating bansa kahit hindi dahil sa mga Amerikano.
Kailangan nating lagpasan ang ating mga ginagawa araw araw upang tayo’y umangat. Pag itoy ating hinayaan, tayo’y lagi na
lamang magiging pangalawa sa larangan ng edukasyon. Ang wikang Filipino ay handa upang gamitin sa de-amerikanisasyon
ng isang mamayang Pilipino.ugnay sa kaniya
Panuto: Batay sa binasang akda, piliin ang hinihingi sa sumusunod na pahayag.
_____ 1. Ang de-amerikanisasyon ng mga Pilipino ay isa sa pinakamalaking tungkuling dapat nating gampanan sa ___.
a. hinaharap b. kasalukuyan c. darating na taon d. lalong madaling panahon
_____2. Laganap ang Amerikanisasyon sa bansa sapagkat ang pangunahing ugat o dahilan nito ay ang sistema ng ating ____.
a. lipunan b. edukasyon c. pamahalaan d. pagkamamamayan
_____ 3. Ang lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na Republikang Pilipino aymabibigo habang___.
a. ang sistema ng ating pamahalaan ay demokrasya b. ang mga Amerikano ay nananatili sa ating bansa
c. ang sistema ng ating panturong pambansa ay dayuhan d. ang mga Pilipino ay patuloy na pupunta sa amerika upang
magtrabaho
_____ 4. Habang mahina, habang di-ganap ang pagka-Pilipino ng sangkapilipinuhan ay di Tayo__.
a. Makikilala sa buong mundo b. Magiging kagaya ng bansang Amerika
c. Magkaroon ng sariling wika at kultura d. Makapagpatayao ng lipunang tunay na Pilipino
_____ 5. Isang kababawan, kung di man katuggakan ang mag-akalang tunay na
a. di nakinabang ang Amerika sa likas na yaman ng bansa
b. ninais ng mga Amerikano na tayo’y hanguin sa kulturang barbarism
c. nagmamalasakit ang mga Amerikano na gawin tayong estadong Amerika
d. nagbuhos dito ng salapi at panahon ang mga Amerikano para sa ating sariling kapakanan
Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong Gamit ng Salita Opinyon
1.Paliwanag lamang batay sa mga makatotohanang pangyayari 2.Saloobin at damdamin ng tao 3.Hindi maaaring mapatunayan kung tama ohindi
Bahagi na ng pang-arawaraw na buhay ang pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayaring nagaganap o namamamalas sa ating paligid Sa
pagbibigay ng opinyon, makakabuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusupan upang masusing mapagtimbang-timbang
ang mga bagay at maging katanggap-tanggap ang ting mga opinyon.
Mga pahayag sa pagbibigay ng Matatag na Opinyon o puna Mga pahayag sa pagbibigay ng Neutral na Opinyon
• Buong igting kong sinusoportahan ang… • Kung ako ang tatanungin…
• Kumbinsido akong… • Kung hindi ako nagkakamali…
• Lubos kong pinaniniwalaan… • Sa aking palagay…
• Labis akong naninindigan na… • Sa tingin ko…
• Sa totoo lang…
20

• Sa aking pananaw…
Sa pagbibigay ng opinyon, mahalagang matutuhan ang wastong
gamit ng mga salita upang maging kapanipaniwala o kahika-hikayat
ang pahayag

Basahin at Unawaain mo: Basahin o ipabasa sa nakatatandang kapatid ang teksto at bigyang puna ang mga inilahad ng may
akda. Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong
magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit
ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang
karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang
maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba. Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat,
ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19. Una,
hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay
gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig. Lagi nating
ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na
maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na
maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit
ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. Pangalawa, iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang
paghawak sa iyong mata, ilong at bibig. Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag
kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.
Pangatlo, takpan ang bibig kapag ng umuubo at bumabahing. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa
tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o
babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay. Bakit? Kung ang isang tao ay uubo
o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing,
naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu at hindi iyong kamay sa pag-ubo o
pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao
o bagay. Pang-apat, iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo. Iwasan ang
matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati
Mga Tanong:
1. Anong mahalagang kaalaman ang iyong natutunan sa napakinggan o nabasang teksto? Ipaliwanag
____________________________________________________________
2. Ano naman ang maipapayo mo sa iyong kapwa mag-aaral upang mapanatili nilang ligtas ang kanilang sarili at
pamilya? ____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Sa inyong palagay, ano ang layunin ng may-akda sa paglalahad ng kanyang mga opinyon o pananaw upang
maiwasan nating mahawa sa sakit na COVID-19 at mapanatiling ligtas ang sarili at ibang tao sa panahon ng
pandemya.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
Pangwakas
Ang natutuhan ko sa sa katatapos na aralin __________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
21

FILIPINO 9 Ikalawang Markahan – MELC 15 WEEK 8


Pangalan: _______________________ Lebel: _____________Seksiyon: ________________Petsa: _____________

GAWAING PAGKATUTO
PAGPAPAHAYAG NG SARILING PANANAW TUNGKOL SA ISANG NAPAPANAHONG ISYU SA TALUMPATING
NAGPAPAHAYAG NG MATIBAY NA PANININDIGAN
Panimula (Susing Konsepto) Bilang mag-aaral sa ikasiyam na Baitang, ikaw ay inaasahang marami na ring naipongmga
kaalaman mula sa mga nakaraang taon ng iyong pag-aaral. Ang mga sumusunod na mga aralin ay sadyang ginawa upang
maipagpatuloy ang iyong pag-aaral at lalo pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kaalaman ukol sa panitikan ng Silangang Asya
kung saan kabilang ang ating bansa. Maaaring humingi ng gabay at tulong sa inyong mga magulang at kapatid.
Kasanayang Pampagkatuto Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating
nagpapahayag ng matibay na paninindigan (F9PS-IId-49)

UNAWAIN MO!

Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon o Pananaw


• Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pa salungat ang • Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung sakaling kailangan mo
iyong pananaw sa pananaw ng iba. namang sumalungat sa ideya o opinyon ng iba
• Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi • Makakabuti kung ang iyong ipapahayag ay nakabase sa katotohanan o
man kayo pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag kaya’y sinusuportahan ng datos
mo rin ang iyong pinaniniwalaan • Kapag na sa isang pormal na okasyon, gumamit rin ng pormal na
• Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananalita at huwag mong kalilimutang gumamit ng “po” at “opo”
pananaw kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa
kasalungat ng iyong pananaw
Mga paghayag na nagpapahayag ng iyong opinyon o pananaw:
• Sa aking palagay… • Mahusay ang sinabi mo at ako man ay…..
• Sa tingin ko ay… • Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit…..
• Para sa akin… • Maari po bang magbigay ng aking mungkahi….
• Ang paniniwala ako ay… • Maaari po bag magdagdag sa sinabi ninyo?...
• Ayon sa nabasa kong datos… • Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…
GAWAIN 1: Magbigay ng sarili mong opinyon o pananaw tungkol sa paksang pinag-uusapan sa teksto. Ilahad ang iyong sariling
pananaw pagkatapos.
Ang bansang Tsina ay sinasabing isa sa mga pinakamatandang sibilisasyon. Dahil dito, taglay rin nito ang mahaba at
makulay na tradisyong hinsi lang namamayani sa bansang Tsina kundi nakaimpluwensiya na rin sa iba’t iba pang panig ng
mundo. Makikita rin sa paniniwala ng ibang mga bansa ang mga pamahiing nagmula sa Tsina. Nadadala ito ng mga Tsinong
nandarayuhan saibang bansa tulad ng Pilipinas. Sa ngayon, ang mga pamahiing tulad ng mga nasa ibaba ay pinaniniwalaan na rin
ng mga Pilipino.• Ipinagbabawal sa mga babaeng ikakasal ang pagsusukat ng kaniyang damit pangkasal dahil maaaring daahil
dito’y hindi matuloy ang kasalan.• Pinaiiwas ang babaeng buntis sa pagtingin, pananakit, o pagkagalit sa mga hayop na hindi
maayos ang itsura sapagkat maaaring makuha ng kanyang ipinagbubuntis aang ganoong hitsura.• Kapag bumisita sa isang lamay
ay pumunta muna kung saan sa halip na dumiretso aagad sa bahay para maiwasang maiuwi sa tahanan ang kaluluwa ng yumao.•
Pinaiiwas aang magnobyong malapit nang ikasaal ang paglalakbay sa malalayong lugar sapagkat malapit daw sila sa aksidente.
Panuto: Punan ang patlang ayon sa hinihiling ng pahayag batay sa mga kaisipang nabasa. Panuto: Punan ang patlang ayon sa
hinihiling ng pahayag batay sa mga kaisipang nabasa.
1. Sa aking palagay,
________________________________________________________________________________________
2. Para sa akin, ang mga pamahiin ay
___________________________________________________________________________
3. Ayon sa aking karanasan,
__________________________________________________________________________________
4. Ang paniniwala ko ay ____________________________________________________________________________________
5. Hindi ako sumasang-ayon na_______________________________________________________________________________
GAWAIN 2: Sa panahon ngayon, dumarami pa rin ng mga Pilipinong nangingibang bansa upang mabigyan ng
maayos na pamumuhay ang kanilang mga pamilya. Maraming bata ang naiiwan ng magulang para makaipon at
mapaghandaan ang kanilang kinabukasan. Ano ang opinyon o pananaw mo sa ganitong kalakaran? Sumasang-ayon ka
ba o sumasalungat? Ipahayag ang inyong opinyon o pananaw sa isang talatang binubuo nang hindi bababa sa pitong
pangungusap
22

GAWAIN 3.Sumulat ng isang Sanaysay tungkol sa paksa sa ibaba. Ilahad ang iyong mga opinion at saloobin
gamit ang angkop na mga pahayag. Paksa: Dapat pa bang ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagpapatupad ng
programang 4Ps sa mga Pilipino?
Pangwakas/Repleksyon
Ang natutuhan ko sa araling ito ay _____________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
FILIPINO 9 Ikalawang Markahan – WEEK 8
Pangalan: _____________________Lebel: ________Seksiyon: ______________Petsa: _____________

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng Angkop na mga Pahayag Sa Pagbibigay ng Opinyon, Matibayna Paninindigan at Mungkahi
Panimula (Susing Konsepto) Nitong mga nakalipas na buwan ay naging laman ng mga balita ang Wuhan na matatagpuan sa
bansang Tsina dahil sa isang sakit na gumulantang sa buong mundo. Sa kabila ng mga ito maraming magagandang lugar at
mayaman sa kultura ang bansang Tsina. Ang bansang Tsina o China ay ang pinakamalawak at pinakamalaking bansa sa asya na
sumusukat ng 9.6 milyong kilometro parisukat. Ito rin ang bansang may pinakamalaking bilang ng populasyon na may bilang na
1.3 bilyong populasyon. Ang Tsina ay mayaman sa kultura, kagamitan at pati ang pangrelihiyosong usapan. Buddhism o Budismo
ang pangunahing relihiyon dito. Ang Budismo ay pumasok sa Tsina noong mga Unang Siglo, pagkatapos ng Ika-4 Siglo, ito ay
nagsimula nang magpalaganap; ang Budismo ay unti-unting naging isang relihiyon na may pinakamalaking impluwensiya sa
Tsina.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na
paninindigan at mungkahi (F9WG-IId-49)
Gawain 1 Sa ating pang-araw-araw na pakikipag-usap sa ating kapwa, madalas tayong nagpapahayag na ating saloobin opinyon o
pananaw tungkol sa isang isyu. May mga angkop na pahayag na maaari mong gamiting panimula sa pagpapahayag ng iyong
opinyon o pananaw. Narito ang ilan: ✓ Sa aking palagay… ✓ Sa tingin ko…✓ Para sa akin… ✓ Ang paniniwala ko ay…
✓ Ayon sa nabasa kong datos… ✓ Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil… ✓ Mahusay ang sinabi mo at ako man ay…
✓ Nasa iyo yan kung hindi ka sumang-ayon sa aking pananaw… ✓ Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
✓ Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
Panuto: Kilalanin kung ano ang ipinapakita sa larawan at nais kong magbigay ka ng iyong pananaw o opinyon tungkol sa mga
larawan na may kinalaman sa Tsina gamit ang mga salitang ginagamit sa pagbibigay ng pahayag

1 _______________________ 2_____________________________
_________________________ ______________________________
_________________________ ______________________________

3_______________________ 4____________________________
_________________________ _____________________________
________________________ _____________________________

5_______________________
________________________
________________________
Gawain 2 Panuto: Suriin kung ang sumusunod na pagpapahayag ng opinyon o pananaw ay angkop o hindi. Lagyan ng tsek
ang kahon kung angkop at kung hindi sa mga binasa nating pamantayan. At bigyan ng paliwanag kung bakit ito ang iyong
sagot.
1. Sa aking palagay, tama lang na magsama-sama sa isang tahanan ang magkakapamilya kahit pa ang mga anak ay may
asawa na para makapagbigay sila ng suporta sa isa’t isa.
Paliwanag - _________________________________________________________________
2. Hindi ako sumasang-ayon na tumira pa rin ang anak na may asawa na sa bahay ng kanilang magulang. Dapat kapag nag-
asawa na ang tao ay bumukod na sila at matutong tumayo sa sarili nilang mga paa.
Paliwanag - _________________________________________________________________
3. Mali ka talaga, eh. Kung gusto kong tumira sa magulang ko may magagawa ka?
Paliwanag - _________________________________________________________________
4. Nasa iyo iyan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit maging sa Bibliya ay sinasabing “Dahil dito’y iiwan
ng lalaki ang kanyang ama at ina at magsasama sila ng kaniyang asawa at sila’y magiging isa.
23

Paliwanag - _________________________________________________________________
5. A, basta, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo.
Paliwanag - _________________________________________________________________
Pangwakas
Mula sa aralin, natutunan ko
____________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Maisasabuhay ko ang aking natutunan sa aralin sa pamamagitan ng ____________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like