You are on page 1of 47

Grade 9

TANKA AT HAIKU
(HAPON)
Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang
panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula
1942 hanggang 1945, noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob
ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na
dating tinatabanan o nasa ilalim ng
kapangyarihan ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig , binomba ng hukbo ng mga
sundalong Hapones ang Pilipinas noong
Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw
pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl
Harbor , Hawaii, at Estados Unidos. Pagkaraan
ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas
McArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L.
Quezon na noon ay nanunungkulan
bilang Pangulo ng Pilipinas.
Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila
noong Enero 2, 1942. Sumuko ang Bataan
sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9,
1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay
pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag
na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang
kampo ng konsentrasyon sa Capas sa
lalawigan ng Tarlac.
Sa aklat ng kasaysayan ay makikitang nasakop ng mga
Hapones ang Pilipinas noong taong 1941 hanggang
1945. Tinawag ang panahong ito sa kasaysayan na
“PANAHON NG KADILIMAN” sapagkat sa yugtong
ito ng kasaysayan ay labis na nakaranas ng matinding
hirap, paniniil, kalupitan, at karahasan ang ating mga
ninuno sa kamay ng mga Hapones.
Gayundin, sa panahong ito nabalam ang pag-unlad ng
panitikang Pilipino sapagkat ipininid ng mga Hapones
ang mga palimbagang pawang nasusulat sa wikang
Ingles. Ipinagbabawal ang pagtuturo ng Ingles sa mga
paaralan at masusi ring sinuri ang mga aklat na
ginagamit sa mga paaralan. Ipinatanggal ang mga
pahina ng aklat na naglalaman o may pahiwatig ng
Kulturang Kanluranin.
Ang Wikang Niponggo, kulturang Hapones,
at wikang Pilipino ang ipinaturo lamang sa
mga paaralan . Ito ang dahilan kung bakit
maraming manunulat sa Ingles ang
sumubok na sumulat o kaya ay magsalin ng
mga akda sa Ingles at sa Pilipino.
Isa sa uri ng panitikang lumaganap sa
panahong ito ay ang pag-unlad ng
panulaang Pilipino na ang karaniwang
mga paksa ay may kinalaman sa
pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga
sa kalikasan, buhay sa lalawigan o
nayon, relihiyon at sining.
Dalawang Natatanging Uri
ng Tula na Lumaganap sa
Panahon ng mga Hapones
1 2
TANKA HAIKU
TANKA
Ay maiksing tula
TANKA na nagmula rin sa
bansang Hapon.
Ang karaniwang
TANKA paksa ng tulang ito
ay pagbabago, pag-
ibig at pag-iisa.
Ang unang taludtod ay
binubuo ng limang pantig,
TANKA ikalawa ay pitong pantig,
ikatlo ay limang pantig,
ikaapat ay pitong pantig
at ang panghuli ay pitong
5-7-5-7-7 pantig.
Ito ay binubuo ng
TANKA 31 na pantig na
nahahati sa limang
taludtod.
HALIMBAWA NG TANKA

Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayong taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na
● Ang tankang iyong nabasa ay isinulat ni
Empress Iwa no Hime, na siyang Empress-
consort of the 16th Sovereign, Emperor
Nintoku. Sinasabing ang tula ay isinulat
ng empress dahil sa kabiguan niyang
masolo ang pag-ibig ng emperor.
HALIMBAWA NG TANKA

Sa Murasaki
Ang bukid ng palasyo
Pag pumunta ka
Wag ka sanang makita
Na kumakaway sa’kin
● Ang tankang iyong binasa ay isinulat ni
Princess Nukata noong ikapitong siglo.
Isinulat niya ito noong dumalo siya sa
ceremonial gathering of the herbs
noong May 5, 668 na inorganisa ni
Emperor Tenji.
● Isa si Princess Nukata sa mga
consorts ng naturang emperor.
Ngunit sa tankang ito ay inalay ng
prinsesa sa kanyang dating asawa
na si Prince Oama.
Ito ay isang uri ng
HAIKU tulang binubuo ng
labimpitong pantig na
nahahati sa tatlong
tuludtod.
Ang unang taludtod ay
binubuo ng limang pantig
HAIKU (5). Ang ikalawang
taludtod ay may pitong
pantig, at ikatlo ay may
limang pantig.

5-7-5
HALIMBAWA NG HAIKU
TUTUBI

Hila mo’t tabak…


Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.
HALIMBAWA NG HAIKU

ANYAYA

Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta.
HALIMBAWA NG HAIKU

BAYANG SAWI

Bayang nasawi
‘Tinanggol ating lahi
Payapa’y wagi.
●Ang mababasa mong haiku
ay isinulat ni Matsuo Basho
ang tinaguriang master ng
haiku.
HALIMBAWA NG HAIKU

Mundong ‘sang
kulay
Nag-iisa sa lamig
Huni ng hangin.
● Isinulat ni Basho ang susunod na
haiku sa kalagitnaan ng
paglalakbay sa Osaka.
● Sa panahong ito ay unti-unti na
siyang nanghihina.
HALIMBAWA NG HAIKU

Ngayong taglagas
‘Di mapigil pagtanda
Ibong lumipad
● Ito ang huling haikung isinulat ni
Basho sa banig ng kamatayan. Alam na
niyang malubha na ang kanyang
karamdaman ngunit ang pagsulat pa rin
ang kanyang naging sandigan.
HALIMBAWA NG HAIKU

Lakbay ng hirap
Pangarap na naglayag
Tuyong lupain
● ANG MGA TANKA AT
HAIKUNG MATATAGPUAN
SA ARALING ITO AY
MALAYANG ISINALIN NG
MAY-AKDA.
Sa bansang Hapon, tinitipon ang mga
tulang isinulat ng mga kilalang tao
mula pa noong ika-8 siglo hanggang
sa kasalukuyan. Isang koleksiyon ng
mga sinaunang tula ay MANYOSHU.
MANYOSHU

● A Collection of Ten Thousand Leaves


sa wikang Ingles.
● Naglalaman ng 4,500 na tula,
siyamnapung bahagdan ng mga
tulang ito ay tanka.

You might also like