You are on page 1of 23

Ang

Tekstong
Impormatibo
Teksto – tumutukoy ito sa anumang uri ng
sulating mababasa ninuman. Mahalaga ang
teksto sa isang mananaliksik dahil ang mga ito
ang nagiging batayan niya ng mga datos na
kaniyang isusulat.

LAYUNIN
 Magbigay ng Impormasyon
 Magbigay ng Direksyon o paglalarawan
Tekstong
Impormatibo
- Naglalahad ito ng mga bagong puntos o
kaalaman tungkol sa isang paksa.

- Punto ito ng mga impormasyong bago sa


kaalaman ng bumabasa. Nagsasaad ito ng
mga bagong pangyayari, datos, at iba pang
kaalamang makatutulong sa isang
mananaliksik upang mapagyaman ang
kaniyang isinusulat.
- Ang sumusulat ng isang tekstong impormatibo
ay iyong may sapat na kaalaman tungkol sa
paksa. Ito ay dahil layunin ng ganitong uri ng
teksto na pataasin ang kaalaman ng
mambabasa tungkol sa isang paksa o konsepto
at tulungan siyang maunawaan ito.

- Ang tekstong Impormatibo ay tekstong di-


piksyon o hindi kathang isip lamang. Ang
nilalaman nito ay mula sa mga aktuwal na
datos, katotohanan, o pangyayari.
- Gumagamit ang tekstong impormatibo ng
wikang pormal ng mga pangangalang
pambalana (common noun, at mga pandiwang
hindi nalilimitahan ng panahon (timeless verbs)

- Inaasahang ang isang tekstong impormatibo ay


may tumpak, wasto, napapanahon, at
makatotohanang nilalaman o impormasyon na
batay sa mga tunay na datos at ipinahayag sa
malinaw na pamamaraan.
Iba’t ibang
impormasyong
nakukuha mula sa isang
tekstong impormatibo
Impormasyong hango sa isang sangguniang
nasaliksik
• Tinutukoy nito ang mga kaalamang mula sa
nasaliksik ng sumulat ng tekstong impormatibo.
• Itinuturing itong bagong kaalaman kaya naman ay
dati na makatutulong upang masuportahan ang
isinasagawang pananaliksik.
• Dahil malawak ang konsepto ng kaalaman, maging
awtput ng isang karunungan, nagagamit ang isang
bagong tuklas na konsepto bilang pangunahing
impormasyon na magsisilbing bago sa pandinig o
persepsyon ng nagbabasa ng tekstong impormatibo.
Impormasyong natuklasan buhat sa tekstong
binabasa

• Maraming teksto ang nagiging pangunahing


sanggunian ng kaalaman

• Ito ang mga babasahing hindi matukoy bilang


impormatibo sa teknikal na aspekto subalit dahil sa
laman na mayroon sa bawat pagtatalakay, matutukoy
na rin ito bilang isang pangunahing sanggunian-daan
bilang maging tekstong impormatibo
Impormasyong nauugnay sa isang realidad na
naging impormatibo

• May mga impormasyong


nahahango sa isang teksto at
nauugnay sa kasalukuyang
estado ng buhay na malaon ay
nagagamit sa realidad.
Impormasyong bago buhay sa mas malalim pang
pananaliksik ng sumulat

• Natutulungan ng pagbabasa at lubos na


pananaliksik ang pagtuklas ng mga
kaalamang buhat sa kakayahan ng isang
manunulat
• Nagiging batayan ang mga ito ng pagkuha ng
mga sanggunian at nakatawid ang isang
mananaliksik sa pagbuo ng kaniyang landas na
pananaliksik bilang bagong kaalaman na
hahamon sa kaniyang karunungan at pagkatao
Mga Bahagi ng
Tekstong
Impormatibo
Panimula
• Ito ang nagbibigay hudyat ng pagpapakilala sa
paksang mayroon ang isang tekstong impormatibo

• Nakapaloob dito ang kagyat (madali) na datos na


mayroon sa isang paksa maging ang historikal na
aspektong nakapalibot dito

• Maaaring may mga datos na ipinipresenta sa


partikular na paksang tinatalakay at iyon marahil ang
hudyat ng panimulang pagtalakay sa paksa
Pamungad na pagtatalakay sa paksa

• Dito nakasaad ang buwelo ng


pagtatalakay sa paksa. Maaaring
karugtong ito ng panimula hanggang
sa unti-unti nang nasisimulan ang
paghahain ng mahahalagang datos na
mayroon sa isang tekstong
impormatibo
Graphical Representation

• Kapag gagamit ng Graphical


Representation siguraduhin na
naiintindihan ang kahit na anong
paksa nito.
• Maaaring gumamit ng ; matrix, mapa,
kolum, at graph.
Graphical Representation

• Mas nagiging malinaw ang isang


pagtatalakay dahil nabibigyan ng
direksiyon ang mga puntong nais idiin
sa mas biswal na paraan
• Huwag kalimutan na lagyan ng label
ang binubuong graph dahil ito ang
magtuturo kung ano ang identidad ng
graph na inilagay
Aktuwal na pagtatalakay sa paksa

• Dito nabubuo ang komprehensibong


pagtatalakay sa paksa. Karaniwan sa
mga paksa, nangangailangan ng
sanggunian upang masabing may
sapat itong bisa upang maging
batayan sa pagbuo ng isang
pananaliksik
Mahalagang Datos

• Hindi masasabing kompleto ang isang pagtatalakay ng


isang tekstong impormatibo kung walang sapat na
datos na magpapatunay kung ano ang kahalagahan
ng tinatalakay sa paksa

• Ito rin ang magpapatunay hinggil sa kaayusan at


kabuluhan ng teksto bilang isa sa mga pangunahing
batayan ng isinasagawang pananaliksik
Pagbanggit sa mga sangguniang
ginamit
• Bahagi ng etika ng pagsusulat, lalo’t
higit sa larangan ng pananaliksik, ang
pagbanggit sa mga sanggunian ng
isinusulat.
• May mga format o anyong dapat sundin
bilang pagsasaalang-alang sa mga taong
sumulat at nakapag-isip ng ga ideyang
ginamit sa partikular na teksto
Paglalagom

• Upang magkaroon ng sapat na


pagkapit o pagkakaayon (consistency)
sa isinasagawang pagtalakay, marapat
na magkaroon ng paglalagom sa
isang tekstong impormatibo. Paraan
ito upang lubos na maintindihan ang
pagtalakay
Pagsulat ng Sanggunian

• Sa bahaging ito inililista o isinusulat


ang lahat ng pinagsanggunian nang
kompleto at buo ayon sa
pagkakagamit nito sa loob ng teksto
Paraan ng Pagpapahayag ng Impormasyon sa
Tekstong Impormatibo
Maaaring gumamit ng iba’t ibang pamamaraan o
estratehiya ang isang manunulat upang matulungan ang
mambabasa na makuha nang mabilis ang nilalamang
impormasyon ng teksto.

• Pagbibigay-depinisyon ng mga salitang bago sa


mambabasa
• Pagbibigay-diin (Hal. Paggamit ng boldface o italics sa
ilang salita upang makita ito nang mabilis
• Paglalagay ng talaan ng nilalaman, glosari, at indeks
• Paggamit ng mga grapikong pantulong, ilustrasyon, tsart
at larawan

You might also like