You are on page 1of 3

“ANG FILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON”

Ni: Danilo Alvaro

https://www.academia.edu/34777637/_ANG_FILIPINO_SA_KASALUKUYANG_PANAHON_

Sa mga nakalipas na panahon, sa panahon ng ating mga ninuno ay mayroon na silang mga
wikang ginagamit. Ang Alibata o Baybayin ang pangunahing wika na nakuha ng mga Pilipino mula sa
mga dayuhan. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nawala ito at napalitan ng wikang tinawag na
Filipino. Sa kasalukuyang panahon ay wikang Filipino an gating ating wikang pambansa sa Pilipinas;
malago ang wikang Filipino dahil marami ang gumagamit;

May mga nagsasabi na ang wikang Filipino ay tuluyang napapalitan ng wikang dayuhan ( tulad
ng English ), at higit itong tinatangkilik kaysa sa Wikang Filipino; totoo nga ba ito? Base sa aming
nakalap na impormasyon “(research sa lagay ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon)” na galing sa
mga survey, ang wikang Filipino raw ay “(research sa lagay ng wikang Filipino sa kasalukuyang
panahon)”

Ayon kay (research) ang wika ay heterogenous, o hindi kailanman pagkakatulad ng mga ito
(research). Kung ating titingnan an gating kasalukuyang sibilisasyon ay makakakita tayo ng mga taong
may ginagamit na iba’t-ibang wika rito sa Pilipinas (Ingles, Ilocano,Bisaya, Pangasinense, at amrami
pang iba), ito ang mga wikang kanilang nakasanayang gamitin at kanilang mga wikang katutubo. Silang
mga galing sa probinsiya ay may ginagamit na wikang kanila, at kapag sila ay pumupunta sa Urban Area
halimbawa dito sa Quezon City ay nahihirapan silang makipag-ugnayan dahil wikang Filipino ang
wikang ginagamit dito na hindi nila naiintindihan. Kaya naghahanap sila ng kasama sa Urban Area na
marunong magsalita ng kaniyang wika at marunong magsalita ng Filipino para siya ay maturuan ng
wikang Filipino. Isa itong dahilan kung bakit ayon kay Bienvenido Lumbera “Parang hininga ang wika,
sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan  ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang
umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito.” Hindi tayo magkakaroon ng pakikipagugnayan sa isang
taong hindi marunong gumamit ng wika natin, dahil hindi magkakaintindihan.

Ang wikang Filipino ay nagbabago ayon sa aming nakalap na impormasyon “Sa pag-unlad ng
ating bansa at pagbabago ng panahon nagababago na din ang ating sariling wika”. Ang pag-unlad ng
bansa ay isang sanhi kung bakit nagbabago ang ating wika, nagkaroon ng mga makabagong teknolohiya
tulad ng Cellphone, Laptop, Desktop, LED Television at iba’t iba pang mga makabagong gadgets at
teknolohiya. Sanhi ng mga bagong teknolohiyang ito ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng bagong
ginagamit na mga salita. Tulad ng sinasabi ng aming nakalap na impormasyon “Sanhi ng patuloy na pag-
unlad ng makabagong panahon ay ang pag uso ng paggamit ng pinaikling salita tulad na lamang ng
“ansaveh” na pinaikli ng salitang “Anong masasabi mo doon?” upang mapadali ang ating pakikipag
uganayan; dito nawawalang silbi ang mga nakasanayang salita ng ating mga kapwa.” Nawawalang silbi
ang ibang mga salitang Filipino dahil sa pagbabago ng anyo ng mga Pilipino sa dati nitong ispelling.

Sa pagkakaroon ng bagong teknolohiya ay nagkakaroon din ng bagong salita halimbawa na lang


ang teknolohiyang cellphone, walang salitang cellphone noong hindi pa ito naiimbento, naimbento ang
cellphone noong April 3, 1973 at ito ay naimbento ni Martin Cooper. Ang salitang cellphone ay
nagsimula na gamitin noong 1984. Ito ay isang patunay na ang paglago ng teknolohiya ay may kinalaman
sa pagbabago ng wika.
May mga taong nagiimbento ng kanilang mga sariling wika upang matugunan ang kanilang
pangangailangan na nakabatay sa kanilang suliraning hinaharap. Halimbawa na lang ang mga preso; ang
mga preso sa bilangguan ay may mga sariling salitang sila-sila na nakakulong lang ang nagkakaintindihan
sapagkat kailangan na hindi sila maintindihan ng mga bantay kapag may pinaplano silang hindi maganda;
halimbawa kapag sila ay nag-uusap tungkol sa bentahan ng Shabu sa loob ng kulungan, hindi nila
ipahahalata na shabu ang kanilan tinutukoy, kaya papalitan nila ang salitang shabu ng ibang salita
halimbawa ang ‘bato’ o ‘basura’ kaya isa rin itong dahilan kung bakit ayon kay (research) ang tao ay
nagiimbento ng sariling wika sa oras ng pangangailangan.

Ayon kay (research) ang mga tao ay nanghihiram ng mga salita ng ibang lenguahe at ito ay
ginagamit nila bilang sariling kanila. Maraming salitang hiram dito sa Pilipinas na ginagamit ng mga
Pilipino, halimbawa ay ang mga salitang ‘Siomai’, ‘siopao’, ‘bihon’, ‘mami’ nanggaling ang mga salitang
ito sa China at nasanay na tayong gamitin ang mga salitang ito dahil sa katagalan ng pagnenegosyo ng
mga intsik dito sa Pilipinas. Nadagdagan ang wikang Filipino na ginagamit ng mga Pilipino dahil sa mga
produktong hindi nanggaling sa atin, kung kaya ay nangailangan tayo ng pantawag sa mga produktong
ito, kaya nagkaroon tayo ng mga salitang hiram.

Sa kasalukuyang panahon ay napakaraming wika sa Pilipinas, ngunit iisa lang ang wikang
pambansa na tinatawag nating wikang Filipino. Natitiyak natin na ang wikang Filipino ay hindi nawawala
sa ating mga Pilipino, sapagkat ito ay ating wikang pambansa, at patuloy natin itong ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa araw-araw; ngunit sa kasamaang palad ay mayroong mga taong nangialam sa ating
wikang ginagamit, bunga ng kanilang kawalan ng pagmamahal sa ating wikang pambansa. Maraming
mga nagsiusbong na mga panibagong wika dito sa Pilipinas, isa rito ang Gaylingo na wika ng mga
bading. Patunay lang na ang kasaarian ay isa ring dahilan kung bakit nagkaroon ng varayti ng wika sa
Pilipinas.; Isa rin ang G-words na nauso noong simula ng 21st century, na ang bawat salitang bigkasin ay
dapat dagdagan ng letrang g, halimbawa ‘ako’- ‘a-ga-ko-go’, imbis na ang salitang ako ang angkop na
gamitin ay naging a-ga-ko-go; isa rin ang jejemon na ginagamit ng mga tambay, mayroong silang sariling
talasalitaan ng mga salita na iba ang ispeling kumpara sa istandard na wika, halimbawa ay ang salitang
‘boss’, sa jejemon ay ‘boxczh’.

Ayon kay George Yule sa kaniyang batayang aklat na The study of Language. Isinaalangalang
niya ang mga panimulang pagtatalakay sa mga katangian ng wika, na may dalawang uri nito ng
baryasyon: Una ang naimbestigahan sa pamamagitan ng geographic linguistics, nagdidiin sa mga
rehiyonal na varayti at ang ikalawa ay ang mga sangkot na salik sa panlipunang baryasyon sa gamit ng
wika. Nagdidiin ang geographic linguistics sa konklusyon na bawat rehiyon ay may iba’t-ibang dayalek at
ginagamit, iba’t-ibang punto at istiryotayp; halimbawa nito ay ang aming kaklaseng si Jameson
Barrientos na isang Pangasinense, siya ay may ibang klase ng pagbigkas ng mga salita sa tagalog
kumpara sa amin na sanay na magtagalog, ang salitang ‘pusoan’ o ‘pusuan’ sa aming bigkas ay
nabibigkas niyang ‘posoan’ , ito ay dahil nasanay siyang magsalita ng Pangasinense. Dito ay nagkaroon
ng isang varayti ng wika, na ang isang taong galing sa isang probinsiya na may gamit na ibang lenguahe
sa kanilang lugar ay nakipagsalitaan sa mga taga urban area na ang wikang ginagamit ay Filipino.
EDUKASYON AT OKUPASYON

Ang antas ng pinag-aralan ng isang tao ay may kinalaman sa kaniyang pagsasalita ng wika. Sa
ilang survey, ang mga estudyanteng maagang umalis sa pag-aaral ay may sariling stilo ng pagsasalita
kumpara doon sa mga nakarating ng kolehiyo; sapagkat ang mga nakapag-aral sa kolehiyo ay mas tama
ang pagsasalita ng mga nakasulat na pangungusap. Ang grammar ng mga nakarating sa kolehiyo ay mas
tama kaysa sa mga maagang umalis sa pag-aaral, halimbawa ay ang mga maagang umalis sa pag-aaral ay
mas komon na magsalita ng Them boys throwed somethin imbis na The boys throwed something na
ginagamit ng mga nasa kolehiyo, kapansin-pansin na ang grammar ng mga di nagtagal sa pag-aaral ay
mali, at ang pagbigkas nila ng salitang’something’ ay ‘somethin’.

Kaparehas ng edukasyon ay nakaapekto rin ang okupasyon at uring panlipunan sa pananalita ng


mga indibidwal. Bawat okupasyon ay may mga sariling talasalitaan na tinatawag na jargon, at ang mga
ito ay hindi basta maiintindihan ng mga hindi ganoon ang okupasyon. Halimbawa na lang ang jargon ng
mga nagluluto, ang ilang halibawa ay ang mga sumusunod:

1) Ihalayhay- pagtabi-tabihin, tulad ng pag-aayos ng mga isdang nasa palayok o kaldero.


2) Ligisin- durugin upang maisama ang pampaasim na sinigang.
3) Pinitpit- diinan ng sandok o kutsara.
4) Ibilot- pinagulong na balat ng lumpia kapag may laman o palaman na.
5) Isangkutsa- pagluluto hanggang lumabas ang katas nito ngang hindi nagdaragdag ng tubig.

Nanggaling ang mga salitang ito sa ilang mga cookbook ng mga nagluluto.

EDAD AT KASARIAN

Nagkakaroon din ng pagkakaroon ng varayti ng wika ay ang edad at kasarian ng mga ispiker.
Maraming batang ispiker na naninirahan sa isang partikular na rehiyon ang madalas tumingin sa resulta
ng isang survey ng dayalek ng kanilang lugar (sa mga matatandang informant karamihan) at nagsasabing
ginagamit nga ng kanilang mga lolo’t lola ang mga salitang yaon, pero sila hindi. Kapansin pansin ang
baryasyon ayon sa edad ng lolo o lola at apo. Samatalang ginagamit ng lolo ang salitang salumpwet ay
magtataka ang kaniyang apo dahil hindi niya alam kung ano ang ibig-sabihin ng saitang ito, dahil sanay
siyang gumamit ng salitang silya o upuan.

Isang konklusyon sa mga survey sa dayalek na mas gumagamit ang mga babaeng tagapagsalita
ng mga mas prestihiyoso na anyo kay

You might also like