You are on page 1of 6

Epekto ng teknolohiya sa wikang Filipino sa mga kabataan (18-20 taong gulang)

sa Bayan ng Roxas, Isabela

Riserts na iniharap sa fakulti at istaf ng


Isabela State University
Roxas Kampus
Roxas, Isabela

Bilang bahagi ng Katuparan sa mga Pangangailangan sa Degring


BATSILYER EDUKASYONG PANSEKUNDARYA
Medyor sa Filipino

nina
Baptista, Rose Ann G.
Flores, Jolly D.
Ordonio, Desiree G.
Palacpac, Ian Paul Khierwin
Simpliciano, Senshe L.

Enero 2021
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang lenggwaheng Filipino ay isinabatas noong Disyembre 30 noong naglabas si


Pangulong Quezon ng Executive Order no.134 Alam naman natin na ang kasaysayan ng wikang
pambansa – kung saan at paano ito nagsimula bilang Tagalog na nagging Pilipino at ngayo’y
Filipino. Noong paglabas ng salitang tagalog ay nagsimula sa mga malalalim ba salita subalit
habang lumilipas ang panahon tila ang mga Filipino ay unti-unting naka-imbento o nakagagawa
ng mga panibagong salita upang makasabay sa modern at mas madaling maintidihan na
tinatawag nilang “Urbang Filipino” o mga modernong tagalog na salitang karaniwang gamit ng
mga kabataan sa panahon ngayon.

Ang gampanin ng Wikang Filipino ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging tulay upang
ang mga tao’y magkaintindihan dahil Malaya at madali nitong naipapahatid ang gusto nilang
sabihin. Nakatutulong ang Wikang Filipino sapagkat nagagamit natin ito upang makalahad ng
impormasyon patungkol satin sa gusto natin pasukang trabaho o di kaya’y sa eskuwelahan
subalit ang Wikang Filipino ay unti-unting nawawala o nalilimutan sa kadahilanang maraming
mga Wika ang nagsisilitawan sa Social Media na nawiwili sa paggamit ang mga kabataan ditto
sa ating komyunidad.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa epekto ng teknolohiya sa Wikang Filipino na


kung saan na ang mga kabataan ay naka-iimbento o nakagagawa ng mga salita sa iba’t ibang
paraan upang mapaiksi ang pagbaybay ng isang salita. Sa pag-usbong o pag-unlad ng ating
komunidad, ating napapansin na iba’t ibang uri ang nagiging daan sa pakikipagtalastasan dahil sa
epekto ng teknolohiya, talamak na din sa mga kabataan ang paggamit ng inisyal na
nagrerepresenta ng mga salita na kung saan kapag maririnig ng mga kabataan ang ipinapabatid
ng kanyang kaibigan ay alam na kaagad ang ibig sabihin nito. Isang halimbawa sa epekto ng
teknolohiya sa wikang fillipino ay ang paggamit ng mga salitang “JEJEMON” lalong-lalo na sa
mga kabataan.

Habang umuusbong ang ating komunidad maraming mga nagiging pagbabago sapagkat
ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan sa ngayon ay nakakapagpabahala na dahil marami
saating mga kabataan ang nawiwili sa kanilang mga gadgets gamit ang teknolohiya at
nakakapulot ng iba’t ibang salita na maaari nilang gamitin sa pakikipagtalastasan o pakikipag-
ugnayan na siyang magiging daan ng pagkawala ng sarili nating Wikang Filipino.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga
mag-aaral sa kursong Batsilyer Edukasyong pangsekundarya medyor sa Fillipino sa Epekto ng
teknolohiya sa Wikang Filipino sa mga Kabataan sa Bayan ng Roxas, Isabela, at sila’y tinanong
ng mga sumusunod:
1. Ang teknolohiya ba ay isa sa mga salik kung bakit maraming mga kabataan ang nawiwili
sa ibang mga wika?
2. Ikaw ba’y sumasang-ayon sa umuunlad nating komunidad na siyang dahilan ng
pagkawala ng wikang filipino?
3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan?
4. Sa epekto ng teknolohiya, ang paggamit ba ng akronim ay isang epektibong paraan upang
madaling matandaan ng mga kabataan ang isang salita?
5. Payag ka bang alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo at palitan ito ng ibang wika?

Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ilalahad sa kabanatang ito ang mga literatura at mahalagang pa-aaral na may


kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik, gayundin ang batayang konseptwal.

Sa patuloy na pagusbong at pagyabong ng makabagong teknolohiya ay mas na


napapdali ang ating gawain sa araw-araw tulad na lamang ng paggamit ng kompyuter na
kung saan aya mas napapadali ang ating mga gawain ngunit hindi batid sa ating kaalaman
na ang kalimitang lengguwahe ay ang lengguwahin Engles dahil karamahinan sa salita na
ginagamita sa kompyuter ay walang katumbas sa salitang filipino, na kung saan ay
nagkakaroon ng kahirapan ang mga mag aaral sa paggamit ng komputer.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Almario (2014)na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at
bumabagay sa tawag ng panahon.(Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng
Wikang Filipino.) Batay sa isinagawang dokumento ng GMA, masasabi natin ang pag-
unlad ng ating panahon ay sumsabay sa agos nito masabing makasabay lang sa uso. Isa sa
malaking dahilan ang pagkakaroon ng teknolohiya para mabago ang pamamaraan ng
ating wika tulad ng jejemon at bekimon. Higit sa lahat, mapalitan man ng bago ang mga
lumang salita, nananatili parin saatin na maging isang tunay na Pilipino na may kalayaan
at may sariling wika. Carr (2010)“Is Google making us stupid?” ito ang naging
katanungan nanabuo mula sa kanyang kuryusidad o pagiging mausisa patungkol sa
mundo ngteknolohiya. Sa kanyang aklat na pinamagatang“The Shallows: What the
Internet isdoing to our Brains”, ipinaliwanag niya kung paano naapektuhan ang ating
pag-iisip ng malawakang paggamit ng teknolohiya sa ating panahon ngayon. Ayon sa
kanya, ang pag-iisip ng tao ay madaling makibagay sa mga makabagong gawain at hindi
tumitigil na matuto sa makabagong paraan at kalimutan ang naging tradisyonal na
gawain, ito ay tinatawag ng mga Psychologist na neuroplasticity. Dahil sa mahabang
pagbababad ng mga kabataan ngayon sa internet, nasasagap nila at nababago nito ang
kanilang pananaw, ugali at pamamaraan ng kanilang wika. Nagririlis ang ating utak ng
tinatawag na dopamine kung saan nakakaramdam ng ligaya ang ating utak at kapag ito ay
sumobra, magreresulta ito sa pag-aadik.
Ayon naman kay Yayee Lumbres (2016) sa artikulo nyang tungkol sa“Epekto
ng Teknolohiya sa Wika” ang makabagong teknolohiya ay mayroongmasamang epekto
sa wika. Isa sa mga masamang epekto ng teknolohiya sa wika ay ang pagiging asa na
lamang sa teknolohiya tulad ng smartphone, tablet at laptop para sa kanilang araw araw
na pangangailangan. Nagiging ugat din ng hindi pagkakaunawaan ng mga mamamayan
ang paggamit ng teknolohiyasapagkat dito ay may kanya kanyang pananaw ang ibang tao
kung kaya’t dito aymalakas ang loob nilangmakipag sagutan sa isa’t isa lalong-lalo na at
ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagpindot lamang kahit walang pagkilos na
nagaganap. Nagiging sanhi ito sa pagiging agresibo sa mga gumagamit ng teknolohiya
dahil sa mga natatanggap nilang impormasyon.

Lumbres (2016) kapansin-pansin ang patuloy na paglaganap ng teknolohiya sa


ating bansa lalo na ang patuloy na paglabas ng mga makabagong produkto tulad
ng tablet at iPad ng Apple. Sanhi ng patuloy na pag-unlad ng makabagong panahon ay
ang pag uso ng paggamit ng pinaikling salita tulad na lamang ng “ansaveh” na pinaikli ng
salitang “Anong masasabi mo doon?” upang mapadali ang ating pakikipag uganayan;
dito nawawalang silbi ang mga nakasanayang salita ng ating mga kapwa.Isa sa mga
masamang epekto ng teknolohiya sa wika ay ang pagiging asa na lamang sa teknolohiya
tulad ng smartphone, tablet at laptop para sa kanilang araw araw na pangangailangan.
Nagiging ugat din ng hindi pagkakaunawaan ng mga mamamayan ang paggamit ng
teknolohiya sapagkat dito ay may kanya kanyang pananaw ang ibang tao kung kaya’t dito
ay malakas ang loob nilang makipag sagutan sa isa’t isa lalong-lalo na at ito ay
magagawa sa pamamagitan ng pagpindot lamang kahit walang pagkilos na nagaganap.
Isa pa sa mga epekto ng teknolohiya sa ating wika ay nawawalang halaga ang ating
pinag-aralan sa eskwelahan sapagkat nagpopokus ang mamamayan sa iba’t ibang
pananaw marahil sa kanilang nakikita sa social media; nakakawalang pokus sa
sambahayan ang paggamit ng makabagong teknolohiya dahil sa mga gadgets na laging
gamit ng mga tao sa araw-araw nilang pamumuhay
Ayon kay Oienbangahonbalug (2016)Sa pag-usbong ng makabagong
henerasyon ay marami naring pagbabago sa Pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali
sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga social networking sites,
text message, mass media, news paper, at marami pang iba. Halimbawa na lamang ang
pagkaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring kaharasan, kalamidad, at iba pang
nangyayari sa ating bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t ibang uri ng media
mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng bansa. Dahil
sa teknolohiya maraming mga salita na hindi nararapat na mabou sapagkat ito’y hindi
angkop sa lengwaheng nakasanayan. Dahil sa kagustohan ng mga Pilipino na mapadali
ang komunikasyon sa ibang tao kaya pinaikli nila ang mga salita. Ang pagnanais na
makisabay sa ano ang uso kaya nagdudulot ito upang mabuo ang mga salitang pabebe,
jejemon, bekimon, at iba pang mga salitang binuo ng teknolohiya. Mabilis itong kumalat
o matutunan ng iba dahil ito ay uso sapagkat laganap ang iba’t ibang uri ng media sa
bansa. Ang mga salitang ito ay hindi pormal.at nagkaroon din ng hindi pagkaunawaan sa
pagitan ng taong hindi gumagamit ng modernong wika.

Sa pagbabago ng panahon nagbabago rin ang mga Pilipino. Dahil sa tecnolohiya


unti-unting sinisira ang wika at kulturang Pilipino. kasi nakakalimutan na ng mga
kabataan ngayon ang pag galang sa mga nakakatanda gaya ng mga salitang ito “po at
opo”dahil mas inuuna nila ang pag hawak sa kanilang mga gadget. Kaya dapat natin
itong mahalin,pahalagahan, at pagyabungin dahil ito ay sariling atin

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Leonardo (2014) base sakanyang pag-aaral na 70% ng respondante na ang


teknolohiya ay may malaking impak sa pagbabago ng ating wika. Dagdag pa niya na
nagiging mas malinaw ang komunikasyon kapag ito ay nagbabago. Ayon kay Hin (Sa
tumangon, et al., 2000) atGleason(Sa tumangon, et al., 2000) ang wika ay nagababago.
Dinamiko ang wika at hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang wikang stagnant ay
maaaring mamatay tulad ng hindi paggamit ngayon. Paano nagbabago ang wika? Ang
isang wika ay maaring nadadag-dagan ng mga bagong bokabolaryo, bunga ng pagiging
malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang
pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataangsalita o
mas tawagin nilang “Millenials” samantala, kailangang lapatan ng mgakatawagan ang
mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at sensya. Bukod dito, ang dating wika ay
nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon may mga salita ning maaaring
nawawala sapagkat hindi na ginagamit.
https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/13/epekto-ng-teknolohiya-sa-wika/
https://www.academia.edu/34869071/KABANATA_1_2_AT_3_pag_taas
https://www.academia.edu/38505112/KABANATA_II&ved=2ahUKEwjt
https://obienbangahonbalug.wordpress.com/
http://dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/509/1/H32.pdf

You might also like