You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino Baitang 9

Unang Markahan Aralin 1.2 (TUKLASIN)


UNANG ARAW

I. Layunin:
Pag-unawa sa Napakinggan
Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang
napakinggan. F9PN-IIIf-53

II. Paksang Aralin:


A. Panitikan: Alamat ni Prinsesa Manorah Thailand (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romula N. Peralta)
B. Gramatika/Retorika: Mga Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na may Pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, hanggang)
Pang-abay na walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

III. Yugto ng Pagkatuto


A. TUKLASIN
A. Pangkatang Gawain
Pumili ng isa sa mga larawan na nasa ibaba at ilahad ang maaaring pinagmulan nito
gamit ang web organizaer upang maunawaan mo kung paano naiiba ang alamat sa maikling
kwento at sa iba pang uri ng panitikan. Ibahagi ito sa klase.

Pamaypay Katana

Bulaklak Kuwintas
Pag-uulat/Pagbabahagi ng bawat pangkat sa kanilang nagawa gamit ang Web
Organizer.

Kilos, gawi, karakter


ng mga tauhan

B. Mga Gabay na Tanong: Pokus na Tanong (KWL)


1. Sa anong paraan mo isinalaysay ang alamat?
2. Ano ang nakatulong sa iyo upang mabuo mo ang iyong alamat?
3. May pagkakaiba ba ito sa iba pang uri ng panitikan na iyong naisulat na o nabasa?
Ipaliwanag.

Banghay Aralin sa Filipino Baitang 9


Unang Markahan Aralin 1.2 (LINANGIN)
IKALAWANG ARAW

I. Layunin:
Pag-unawa sa Binasa
F9PB IIIf-53 Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/ di makatotohanan ng
akda
Pagsasalita
F9PS- IIIf-55 Naitatanghal sa isang pagbabalita ang nabuong sariling wakas
Wika at Gramatika
F9WG-IIIF-55 Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon,panlunan at pamaraan
sa pagbuo ng alamat

II. Paksang Aralin:


Panitikan: Alamat ni Prinsesa Manorah Thailand
(Isinalin sa Filipino ni Dr. Romula N. Peralta)
Gramatika/Retorika: Mga Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na may Pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, hanggang)
Pang-abay na walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-
buwan)
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

IV. Yugto ng Pagkatuto


B. LINANGIN
b. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral Gamit ang Word Webbing , ibigay ang
kahulugan ng salitang alamat.

Alamat

2. Paglinang ng Talasalitaan
Pag-aralan ang mga salitang hiram na ginamit sa alamat at
gamitin ito sa sariling pangungusap.

c. Pangkatang Gawain
1. Pagsasadula ng alamat

( Ang Alamat ni Prinsesa Manorah)

2. Susuriin ang akda batay sa pagsagot sa Gawain 3 ( Antas ng pag-


unawa blg. 1-5 )

3. Susuriin ang akda batay sa pagsagot sa Gawain 3 ( Antas ng pag-


unawa sa blg. 6-9)

4. Kung kayo ang may-akda paano ninyo mawawakasan ang akda?


Isagawa itosa pamamagitan ng pagbabalita.

5. Obserbahan ang bawat pangkat batay sa nakaatang na Gawain


sa kanila.Bigyan din ito ng gradobatay sa sumusunod na rubric :
Partisipasyon 20 %

Presentasyon 30 %

Pagkamalikhain 30%

Dating sa tagapakinig 20%

___________

100 %

d. Pagsusuri sa iba pang akda

1. Ikuwento mo , Iaarte ko ( Ang Buwang Hugis-Suklay )

Pipili ang mga mag-aaral na gaganap sa mga karakter na


nakapaloob sa alamat Ang Buwang Hugis-Suklay

2. Malayang Talakayan

a. Pagsasalaysay ng Wakas

Sino

Anoo Saan

Wakas ng

Alamat

Paanoo Bakit
b. Karagdagang mga katanungan
Gabay na Tanong para sa pagpapalawak ng talakayan
e. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika
Pang-abay na pamanahon

Pananda Walang Pananda Nagsasaad ng dalas

1. Gamit ang dalawang akdang tinalakay . isulat sa pisara ang mga pang-abay
na may pananda, walang pananda at dalas
2. Input ng guro tungkol sa pang-abay na pamanahon

Banghay Aralin sa Filipino Baitang 9


Unang Markahan Aralin 1.2 (PAGNILAYAN)
IKATLONG ARAW

I. Layunin:
Pag-unawa sa Binasa
Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/ di makatotohanan ng akda. F9PB-IIIf-53

II. Paksang Aralin:

Panitikan: Alamat ni Prinsesa Manorah Thailand (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romula N. Peralta)
Gramatika/Retorika: Mga Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na may Pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, hanggang)
Pang-abay na walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

III. Yugto ng Pagkatuto


PAGNILAYAN AT UNAWAIN
1. Ipasasagot ang mga sumusunod na gabay na tanong sa mga mag-aaral sa
pamamagitan ng:
*Paano naiiba ang alamat sa iba pang uri ng panitikan?

*Paano nakatutulong ang mga pang-abay na pamanahon sa pagsasa-


laysay ng kuwento.

A. Venn Diagram
B. Pagbuo ng pangungusap
Panuto: Bumuo ng 5 pangungusap gamit ang pang-abay na pamanahon.

BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO BAITANG 9


UNANG MARKAHAN- ARALIN 1.2 (ILIPAT)

IKAAPAT NA ARAW
I. LAYUNIN:
A. Nakapagsasalaysay nang masining ang mag-aaral ng sariling
kathang alamat gamit ang pang-abay na pamanahon.

II. PAKSANG- ARALIN:


A. Panitikan: Ang Alamat ni Prinsesa Manorah
Alamat- Thailand
Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta
B. Gramatika/ Retorika: Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na may pananda
Pang-abay na walang pananda
Pang-abay na nagsasaad ng dalas
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
D. Sanggunian: Panitikang Asyano 9

III. YUGTO NG PAGKATUTO ( ILIPAT)


A. GAWAIN 8: Masubok Nga
PANUTO: Magsalaysay ng sariling likhang alamat sa isang
masining na paraan. Tandaan na ang pagganap ay batay sa
GRASPS.
GOAL Magsalaysay ang mag-aaral ng sariling likha
na alamat sa isang masining na paraan.
ROLE Tagapagkwento
AUDIENCE Mga panauhin sa isang kaarawan
SITUATION Magdiriwang Ng kaarawan ang iyong
pamangkin at nahilingan kang magkwento
para sa mga panauhin.
PERFORMANC Pagsasalaysay ng isang alamat.
E
STANDARDS Malikhaing pagsasalaysay -50 %
Paraan ng pagsasalaysay -30%
(tono at lakas ng tinig,
wastong bigkas ng mga salita,)
Hikayat sa manonood -20%
Kabuuan: -100%

Post Test

Inihanda ni:

ARLENE D. GRUYAL
Subject Teacher

Iniwasto ni:
VICTORINO S. NIMES
School Head

You might also like