You are on page 1of 3

Filamer Christian University

Autonomous Status- CHED


Accredited Level IV – ACSCU – AAI
College of Teacher Education
Roxas Avenue, Roxas City

Banghay Aralin
Araling Panlipunan Baitang 9

I. LAYUNIN NG PAGKATUTO

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:


1. natutukoy ang mga salik na nakaaapekto sa demand
2. nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand; at
3. nakakagawa ng matalinong papagpasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng mga
salik na nakakaapekto sa demand.

II. PANGNILALAMAN NG PAGKATUTO

A. Paksa: Salik na nakakaapekto sa Demand


B. Kagamitan: Multimedia-projector, Powerpoint slides, Pentelpen at Cartolina.
C. Sangunian: DepED- Bureau of Secondary Education, Ekonomiks, Araling
Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral.
D. Pagpapahalaga: “Maging matalino sa pag didisesyon sa pag bili”

III. ISTRATEHIYA SA PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain

1. Pagbabalik-aral

Ang ating huling pinag-aralan ay tungkol sa Konsepto ng Demand

Ano ang demand?


Ano ang demand schedule?
Ano ang batas ng demand?

2. Pagganyak

Panuto: Tukuyin kung ano ang mga nasa larawan

Base sa larawang ipinakita may malaking epekto kaya ito sa demand?


B. Paglinang ng Aralin

1. Paglalahad

Batay sa mga larawan na ipinakita sa presentasyon ano kaya ang


tatalakayin natin ngayong araw?

2. Pagtatalakay

A. Pagtuklas ng mga dating kaalaman

Anu-anu ang mga salik na nakakaapekto sa demand?


Ano pangunahing salik na nakakaapekto sa demand?
Bakit ito ang pinakamahalagang salik na nakakaapekto sa demand?
Bukod sa presyo ano pa ba ang mga salik na nakakaapekto sa
demand?
Ano ang hindi presyong salik ng demand?
Ano ang kita?
Paano ito nakakaapekto sa demand?
Ano ang panlasa?
Paano ito nakakaapekto ito sa demand?
Ano ang populasyon?
Paano nakakaapekto ang populasyon sa demand?
Ano ang magkaugnay na produkto sa pagkonsumo?
Paano kaya ito nakakaapekto sa demand?
Sa anong mga kadahilanan bakit nagkakaroon ng pagbabago ng
presyo sa hinaharap? Magbigay ng halimbawa.

B. Pangkatang Gawain

Panuto: Gamit ang cartolina at pentel pen gumawa ng web diagram at


tukuyin ang mga salik na nakakaapekto sa demand at ibigay ang
kahulugan ng bawat salik, Iuulat ng bawat grupo ang kanilang
mga ginawa.

Salik

Salik Salik

DEMAND

Salik Salik

C. Pagpapahalaga

Ano ang mga katangian na dapat taglayin ng mga mamimili sa


pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand. Ipaliwag
C. Pangwakas na gawain

1) Paglalahat

Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa demand?


Ano ang mga epekto nga mga salik na ito sa demand?
Bilang isang mamimili paano natin haharapin ang pabago-bagong salik na
nakakaapekto sa demand?

2) Paglalapat

Gamit ang iyong matalinong pagpapasiya, Paano mo matutugunan ang mga


pagbabagong dulot ng mga salik na nakakaapekto ng demand?

IV. Pagtataya
Panuto:Ipakita ang pagbabagong sa demand para sa isang produkto batay sa nga sa
mga pagbabago ng mga sumusunod na salik. Isulat sa patlang ang kung tataas ang
demand at kung bababa ang demand

___1) Banwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon (potensyal na demand)


___2) Paglaki ng kita (nakatouon sa normal goods)
___3) Pagbaba ng kita (nakatoon sa inferior goods)
___4) Pagiging lipas sa uso nng isang produkto
___5) Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo
___6) Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo
___7) Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit
___8) Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo
___9) Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo
___10) Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit

V. Takdang aralin

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga uri ng Price elasticity of demand.


1. Elastic
2. Inelastic
3. Unitary o uri ng Elastic
4. Perfectly elastic
5. Perfectly Inelastic demand

ROSHER VIEM PARAS


Taga-pakitang Guro

SHERRY ROVELL VILLAR


Tagapuna

You might also like