You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikatlong Markahan

Quarter : 3 Week : 1 Day : 1-5 Activity No. 1 :


Pamagat ng Gawain : Modelo ng Tagumpay
Kompetensi : 6. Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa
pamamagitan ng:
6.1 pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay;
6.2 kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa
bayan;
6.3 pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa
pagtatagumpay ng mga Pilipino
Layunin : Mailalahad ang pagpapahalaga sa mga mabuting katangian na nagiging susi sa
pagtatagumpay o modelo sa tagumpay.
Pamagat ng Akda : Susi ng Pagtatagumpay
Sanggunian : Tan, Lizbeth C. Edukasyon sa Pagpapakatao 6. Pasig City: Department of Education.
May -akda :
Mga Larawan :
Copyright : For classroom use only
DepEd own material
Konsepto 1 : “Sinumang Pilipinong hatid sa bansa’y karangalan ay dapat na bigyan ng lubos na kahalagahan, “
Maraming mga Pilipino ang matagumpay sa ibat ibang larangan. Sila ang mga kalahi natin na patuloy na
gumagawa ng kasaysayan at umuukit ng pangalan ng Pilipinas sa buong mundo. Ang mga tulad nila ay dapat
pahalagahan ng pagkilala, pasasalamat, pagbati, pagmamalaki at pagiging huwaran para sa sinumang Pilipino na
nais ding magtagumpay.

Gawain A- Lagyan ng tsek ( / ) ang dapat isagawa at ekis ( X ) ang hindi.


______1. Ipamalita ang mga katangian ng matagumpay na mga tao upang magsilbing
inspirasyon sa mga nais ding magtagumpay.
______2. Gawing modelo o huwaran sa buhay ang taong matagumpay.
______3. Ipagmalaki ang katangian at kakayahan taglay ng mga matagumpay na tao.
______4. Balewalain ang mga matagumpay na tao.
_____ 5. Hayaan ang mga kilala na tuklasin ang sikreto ng matagumpay na taong hinahangaan mo kahit alam
ito.
_____ 6. Kung may pagkakataon, batiin ang taong matagumpay dahil sa kanyang taglay na husay.
_____7. Tuklasin ang kapintasan ng mga taong magtagumpay at ipamalita ito.
_____8. Ipaubaya na lang sa pamahalaan ang pagkilala sa tagumpay ng isang tao.
_____9. Ibahagi sa iba ang buhay na naging daan sa tagumpay ng isang tao.
_____10. Makilahok sa pagpaparangal at pagkilala sa mga taong matagumpay.

Basahin ang ulat. Alamin kung ano ang naiibang galing ng El Gamma Penumbra.
Naiibang Galing ng Pilipino
Kung may mga Pilipinong matagumpay na karapat-dapat pahalagahan at ikarangal nating lahat dahil sa
kahusayang ipinakita sa mundo ito ay walang iba kundi ang El Gamma Penumbra.
Tulad ng bawat taong nangarap at nagtagumpay, ang grupo ng El Gamma Penumbra ay nagsimula sa
mga kalye, barangay at lalawigan. Sa mga lugar na ito nila pinagyaman ang angking talento. Ang paglahok
naman sa mga paligsahan ang nagsilbing puhunan nila upang makapagtayo ng sariling studio para sa kanilang
pag-eensayo.
Hindi rin naging madali ang daan sa kanilang tagumpay dahil “ pigaan ng utak “ ang paglalarawan nila
sa pag-iisip upang makabuo ng mga konseptong gagamitin nila sa mga pagtatanghal. Kaakibat din nito ang
mahigit sa kalahating araw na pag-eensayo sa araw-araw.
Hindi nasayang ang kanilang hirap dahil sa unang sabak pa lang sa elimination round sa Asia’s Got
Talent ay nakatanggap agad ang grupo ng Golden Buzzer na kung saan awtomatikong pasok na ang kanilang
grupo sa Grand Finals ng paligsahan.
Ang konsepto ng pagmamahal sa Inang Kalikasan ang nagpaiyak sa mga manonood sa buong mundo at
nakaantig sa damdamin ng mga hurado na naging dahilan upang ang El Gamma Penumbra ang tanghaling
kampeon sa Grand Finals ng Asia’s Got Talent.
Ang mga miyembro ng El Gamma Penumbra ang tunay na modelo ng tagumpay ng mga Pilipino hindi
lamang sa pagiging magaling kundi higit sa pagmumulat ng kaisipang dapat mahalin at pangalagaan ang
kalikasan.
Gawain B - Sagutin ang mga tanong. Ipaliwanag ang sagot.
Ayon sa ulat, anong grupo ang sinasabing dapat pahalagahan?
__________________________________________________________________________________________
Sa paanong paraan nakapagbigay ng karangalan sa bansa ang El Gamma Penumbra?
__________________________________________________________________________________________
Bakit kaya namumukod sa lahat ang ginawa nilang pagtatanghal?
__________________________________________________________________________________________
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga taong matagumpay?
__________________________________________________________________________________________
Anong pagpapahalaga ang natutunan mo sa naging karanasan ng matagumpay na grupo?
__________________________________________________________________________________________

Konsepto : Isa sa mga maipagmamalaking katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging mahusay
hindi lamang sa larangan ng sining kundi sa mga oras ng kagipitan at pangangailangan. Anumang
bagay na makatutulong sa sarili, sa kapwa at sa bansa’y nailalabas ng mga Pilipino ang pagiging
malikhain at maparaan. Ito’y tanda lamang na anumang laban ng buhay ang harapin ay tiyak na
lalabas ang natural na galing ng mga Pilipino na maipagmamalaki kahit kanino sarili man ay
maisakripisyo.
Gawain C - Isulat ang salitang DAPAT sa patlang kung karapat-dapat gawin ang mga sumusunod na
gawain at HINDI DAPAT kung hindi ito nararapat gawin.
_____________1. Ilihim ang taglay na husay ng mga Pilipino.
_____________2. Ipagmalaki ang pagiging magaling ng mga Pilipino.
_____________3. Patuloy na tuklasin ang kakayahang likas upang makilala nang husto
ang galing ng mga Pilipino.
_____________4. Ipalaganap ang kapintasan ng mga Pilipinong nanalo sa ibang bansa.
_____________5. Ikarangal ang husay ng mga Pilipinong lumalahok sa mga paligsahan
sa ibang bansa.
_____________6. I-upload sa You Tube ang video ng mga Pilipinong nagpamalas ng pagsasakripisyo upang
makita ng mundo.
_____________7. I- post sa mga social networking sites ang kwento ng Pilipinong nagtagumpay dahil sa
husay.
_____________8. Buong pagmamalaking ipaalam sa mundo ang pinagmulang lahi ng mga magagaling at
mahuhusay na Pilipino.
_____________9. Patuloy na tuklasin ang kakayahang likas upang makilala nang husto ang galing ng mga
Pilipino.
_____________10. Ikarangal ang husay ng mga Pilipinong lumalahok sa mga paligsahan sa ibang bansa.

Gawain D - Lagyan ng tsek ( / ) ang mga dapat gawin upang maipakita at matularan ang
magagandang katangian ng mga taong nagtatagumpay.

_______1. Gawing inspirasyon sa buhay ang pinagdaanan ng taong matagumpay.


_______2. Hintayin ang suwerteng darating sa buhay mo.
_______3. Alamim ang magagandang katangian na pinuhunan ng mga taong nagtatagumpay.
_______4. Magkaroon ng lakas ng loob, determinasyon, sipag, tiyaga, at pananalig sa Diyos.
_______5. Huwag sumuko sa mga pagsubok sa halip tanggapin ito bilang hamon sa buhay.

You might also like