You are on page 1of 23

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagkamit ng Tagumpay
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagkamit ng Tagumpay
COPYRIGHT PAGE
Self Learning Modules for Edukasyon sa Pagpapakatao
Pagkamit ng Tagumpay
(Grade 6)
Copyright © 2022

DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division of Isabela

“No copy of this materials shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”
This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
Implementation (CID). It can be reproduced for educational purposes and the source must be
acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement of
supplementary work are permitted provided all original works are acknowledge and the copyright is
attributed.
No work may be derived from this material for commercial purposes and profit.

CONSULTANTS
Schools Division Superintendent : MADELYN L. MACALLING, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendents : EDNA P. ABUAN, PhD
: DANTE J. MARCELO, PhD, CESO VI
Chief Education Supervisor, CID : MARIETESS B. BAQUIRAN, PhD

DEVELOPMENT TEAM
Scriptwriter : MARICEL V. LAUREL

EVALUATORS
Content : CATHERINE G. GUMARU
Language : MICHAEL KEVIN A. MONFORTE

FOCAL PERSON : JAY J. GALLEGOS


: MARIA CRISTINA A. ACOSTA

Printed by: Schools Division Office of Isabela


Alibagu, City of Ilagan, Isabela
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagkamit sa
Tagumpay!

Ang modyul na ito ay maingat na nilinang at sinuri ng may akda upang gabayan
ka, at matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa pagg

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Alamin

Bawat isa sa atin ay may kakayahang magtagumpay sa buhay. Gamit ang talentong
ipinagkaloob ng maykapal at sa pagsusumikap na abutin ang pangarap ang isang tao ay
magtatagumpay. Positibong pananaw sa buhay, pagkakaroon ng inspirasyon at
wastong pamamaraan sa sa pagkamit ng mithiin ay ilang ay mahahalaga sa bagay
sa pagkamit ng tagumpay.

Ikaw, may mga paraan ka ba sa pagkamit ng tagumpay? Kaya mo bang isakripisyo


o ibigay ang iyong sarili para sa bayan?

Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahan na naipakikita ang tunay


na paghanga at pagmamalaki sa mga sakripisyong ginawa ng mga Pilipino.

1
Subukin

Panuto: Sa iyong kuwaderno isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagsasaad
ng mabuting katangian sa pagkamit ng tagumpay at MALI kung hindi.

1. Si Erick ay isang magaling na manlalaro, para siya ay


magtagumpay sa kanyang napiling isport madalas siyang
nagsasanay at nakikinig siya sa payo ng kanyang coach
upang may mauwing karangalan sa darating na paligsahan

2. Laging sinasabi ng nanay ni Hanna na para magtagumpay sa


pag aaral dapat siyang magsipag at magsumikap na tapusin
ang mga proyektong pinapagawa ng kanyang mga guro.

3. Pangako ni Patrick sa kanyang magulang na sisikapin niyang


magtagumpay sa pag aaral subalit laging siyang sumasama sa
kanyang barkada at hindi na siya nakakapasok sa kanyang
klase.

4.Magiging matagumapy na lider sa isang organisasyon kung


laging ikaw ang magsasabi ng mga dapat gawin ng grupo
pagkat ang sa sabihin ng iba ay hindi naman makakatulong
sa Gawain

5. Mataas ang pangarap ni Mila, gusto niyang maging


matagumpay na doktor balang araw para makatulong sa
mga nangangailangan.Dahil dito pilit niyang pinagbubuti
ang kanyang pag aaral kahit sila ay mahirap lamang.

6. Ikaw ay kasali sa isang grupo na nangangalaga sa


kalikasan.Nasabi ng inyong lider na ang susi ng tagumapay sa
inyong proyekto ay ang pakikiisa at pagtutulungan.Nagplano
kayong magkakaroon ng Clean up drive pero tinamad kang
sumama dito.

2
7. Para sa ikakatagumpay ng SPG napagkasunduan ng iyong mga
kaklase na ikaw ang tatakbong president dahil naniwala sila
sa kakayahan pero tinanggihan mo dahil nabibigatan ka sa
trabaho ng SPG president at ayaw mo ng responsiilidad.

8. Pinangako mo sa sarili mong mag aaral ka ng mabuti sa


darating na pagsusulit upang magiging matagumpay at
matataas ang mga markang iyong makukuha pero minabuti
mo na lang mamasyal at makibirtday sa iyong kaibigan bago
ang araw ng pagsusulit.

9. Naging matagumpay na engineer sa ibang bansa si Mark dahil


sa dami ng kanyang magagandang proyekto at dahil dito
itinatanggi niya ang kanyang pagiging Pilipino.

10. Si Manny Pacquaio ay isang matagumpay na boksingero at


kilala sa buong mundo pero pinagmamamalaki niyang siya ay
isang Pilipino at hindi niya pinakakailang siya ay galing sa
hirap.

3
Aralin
Pagkamit ng Tagumpay
1
Bawat isa ay may pangarap na magkaroon ng matagumpay na buhay.
Marami sa atin ay ginagawa ang buong kakayahan para makamit lang ang kanilang
tagumpay. Sa daan ng pagkamit ng tagumpay maaring makaranas ka ng mga
pagsubok na maaaring dahilan ng hindi pagpatuloy na kamtin ang mithiiin sa buhay
pero kailangang maging matatag at positibo sa pagkamit ng pangarap.

May kasabihan na “ Nasa Diyos ang awa Nasa tao ang gawa” na kung ating
iisipin ito ay totoo sapagkat kailangan mo ring kumilos o gumalaw para
magtagumpay sa iyong mga plano sa buhay sa tulong ng ating Maykapal.Ang lahat
ng ating gagawin ay kailangang may basbas ang ating Lumikha.

Ang pagtupad sa pangarap at magtagumpay dito ay kinakailangan ng


wastong pagpaplano upang ang bawat hakbang na iyong gagawin ay makakatulong
upang lalong mapabuti ang gawain. Kailangan ang paglaan ng oras o
pagsasakripisyo,pag aralan ng wasto ang mga bagay na nais makamtan,pahusayin
ang bawat talento upang ito ay di mawala o mangalawang na pawang bakal.Ikaw
ang may hawak ng iyong buhay kaya dapat gawin ang tama at hindi magsisi sa
bandang huli.

Ilan sa mga nagpakita ng tagumpay ay ang mga bayani ng ating bansa sila
ay nagsakripisyo para sa kalayaan ng ating bansa. Marami sa kanila ang nagbuwis
ng buhay, sila ay modelo ng may pagmamahal sa ating bayan hindi sila nagpagapi
sa mga mananakop at hindi sila tumigil sa kanilang pangarap na kalayaan ng ating
bansa.

Ang mga tanyag at natatanging Pilipino na kung saan nagpakita ng


kagalingan sa ibat ibang larangan ay nagpakita ng kasipagan at pagsusumikap sa
kabila ng mga pagsubok upang makamit ang tagumpay sa kanilang larangan.Sila
ang nagpakilala sa Lahing Pilipino sa ibat ibang panig ng mundo.

.
4
Balikan
Panuto: Sagutin ang mga tanong ng TAMA at MALI. Isulat ang inyong mga sagot
sa kuwaderno.
1. Pinakinggan mo ang payo ng inyong magulang kahit ayaw mo ito.
2. Nakinig ka sa opinyon ng iyong kagrupo at tinimbang mo mabuti kung
ito ay tama.
3. Hindi ka naniniwala sa iyong mga kaklase sapagkat ikaw lang ang tama
4. Pinangaralan kayo ng inyong guro na mag aral mabuti at ito ay iyong
sinunod.
5. Nangunguna ka sa inyong klase sapagkat ikaw ay matalino ngunit wala
ka namang pakiaalam sa iyong kamag aral.

Mga Tala para sa Guro


Katungkulan mong tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mabibigyan ng sapat na suporta

5
Magandang araw sa lahat. Inaasahan sa modyul na ito na ikaw ay magpapakita n

Panuto: Basahin ng mabuti ang kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos
nito.

Unang Gintong Medalya sa Olympic

Si Hidilyn Diaz ay tubong Zamboanga at mula sa mahirap na pamilya subalit


hindi naging hadlang upang maging magaling at malakas sa larangan ng
weightlifting. Si Hidilyn ay nagsanay raw noong una gamit ang barbell na yari sa
semento bago makahawak ng bakal .Hindi siya nagpatinag sa kabila ng kanyang
height na 5 feet siya ay may pangarap na makilala ang Pilipinas sa larangan ng
weighlifting. Palagi siyang nagsasanay upang matiyak ang kanyang tagumpay.
Unang nakapasok sa Olympic si Hidilyn Diaz noong 2008 sa Beijing,sinundan
noong 2012 sa London,2016 sa Brazil at dito nakuha niya ang pilak na medalya at
taong 2020 nakuha niya ang gintong medalya sa larangan ng weightlifting na
nagdala sa kanyang pangalan sa world record.Ito ang kauna unahang gintong
medalya ng Pilipinas mula sa Olympic.

Sa nakamit na gintong medalya ni Diaz nakatanggap siya ng gantimpala mula


sa pribadong sektor at mula sa ating pamahalaan.Naging kilalang kilala si Hidilyn
Diaz sa buong Pilipinas. Siya ay naging modelo ng maraming Pilipino upang hindi
tumigil sa pagakamit ng kanilang mga pangarap.

6
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa kuwentong binasa.
1. Bakit pinamagatang “Unang ginto ng Pilipinas?

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

3. Kailan siya unang nakapasok sa Olympic?

4. Anong bansa niya nakuha ang medalyang pilak?

5. Ano ang unang gamit ni Hidilyn Diaz sa weightlifting?

6. Anong katangian ang ipinakita ni Hidilyn Diaz at nagtagumpay siya sa


larangan ng weightlifting?

7. Paano natin matulungan ang mga kagaya ni Hidilyn Diaz upang makapag
uwi pa ng karangalan sa bayan?

8. Sino sino pa ang kilala mong nag uwi ng karangalan sa bansa?

9. Ikaw gusto mo rin bang maging tanyag sa nais mong larangan ng isport?

10. Ano ano ang mga dapat mong gawin para maging matagumpay ka sa
napili mong isport?

7
Suriin

GAWAIN A:

Panuto: Tingnan ang speech bubbles. Basahin ang mga tanong at sagot.

Mga bagay o
pangyayaring gustong
Ano ang pangarap makamit sa buhay
o mithiin?

Kailangan ng
Anu ano ang mga
magandang saloobin
pamamaran mo para
tulad ng
makamit ang iyong
kasipagan,pagsisikap at
pangarap at maging
pagbibigay ng oras sa
matagumpay dito?
nais na pangarap

GAWAIN B:

Panuto: Magbigay ng sariling sagot sa dalawang tanong ayon sa iyong karanasan.

1. Ano ang pangarap o mithiin?

2. Ano ano ang mga pamamaran mo para makamit ang iyong pangarap at
maging matagumpay dito?

8
3. Ang pagkamit ba ng iyong pangarap ay para lang sa sarili mong kapakanan?

4. Kung ikaw ay maging matagumpay sa iyong pangarap handa ka bang


magsilbi sa bayan?

5. An0 ano ang mga dapat mo pang taglayin sa pagkamit ng iyong pangarap?

9
Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang isang awit na may temang tungkol sa Pag asa.
taagumpay
Tagumpay
Ni Jen Edrea Feat

Nasimula lang sa panaginip na pangarap


Kaya naman natutong patuloy na magsikap
Sa bawat araw na dumaan ay lumalaban
Hamon ng buhay ay hindi sinusukuan

Walang anumang bagay ang hindi mo kakayanin


Kung para sa pamilya lahat nitong titiisin
Sipag at tiyaga dapat na panatilihin
Upang pag angat kailanma’y di mabitin

Kaya mong marating


Layo ng mga bituin
Ikaw lang ay maghintay
Sa pagtugtog ng Awit ng tagumpay

Walang ibang inisip bawat araw na nagdaan


Kundi paggising sa bangungot ng nakaraan
Ang kahirapan ba sa akin ay nakalaan
Akoy tulungan hiling sa Maykapal

Minsan ang pangarap para bang suntok sa buwan


Ngunit kung di kikilos ay palagi lang ganyan
Sa tindi ng hirap ayawng mabalikan
Kayat ako ay nagsumikap makaahon lang

Habang nabubuhay ay mayroong pag asa


Sa sarili ay matutong magtiwala
Hinding hindi hadlang ang pagsilang ng kahirapan
Sa pag abot ng iyong minimithing pangarap

10
Sagutin ang mga katanungan:

1. Ano ang tungkol sa awitin?

2. Ano ano ang taglay niya para makamit ang kanyang pangarap?

3. Sino ang kanyang inspirasyon sa pagkamit ng kanyang pangarap?

4. Naging hadlang ba ang kahirapan sa pag abot ng kanyang pangarap at


tagumpay?

5. Ikaw ba ay modelo rin sa pagkamit ng iyong pangarap? Paano mo ito


maipapakita?

11
Isaisip

Bakit mahalaga magandang gawi o saloobin sa pag abot ng tagumpay?

Isagawa

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

PAG ABOT SA PANGARAP

Nagiisang anak si Mildred ng kanyang magulang kaya lubos lubos ang


pagmamahal na nibigay sa kanya.Hindi rin siya masyadong gumagawa ng mga
gawaing bahay sapagkat mayroon silang kasambahay, nais lang ng kanyang
magulang na mag aral siyang mabuti. Ibinibigay ang lahat sa kanya pinaaral siya sa
isang sikat na paaralan upang siguraraduhin ang kanyang magandang
kinabukasan.Subalit hindi ito pinahalagahan ito ni Mildred hindi siya nag aaral
mabuti sapagkat inuubos niya ang kanyang panahon sa paglalaro ng kanyangg
cellphone at panood dito.Lagi siyang pinapangaralan ng kanyang magulang na mag
aral siyang mabuti dahil ang edukasyon ay mahalaga sa pagkamit ng mga
pangarap.Pagdating ng bigayan ng Report card marami sa kanyang mga subjects
ang mababa ang marka.Tinanong ni Mildred ang kanyang sarili kung bakit mababa
ang kanyang mga marka.Sinabi niya sa kanyang sarili na kaya niyang mapataas
ang kanyang mga marka basta magsisipag siyang mag aral.Napag isipang mabuti ni
Mildred na tama ang kanyang mga magulang,sayang ang panahon at perang
ginagastos ng kanyang mga magulang at dapat niya itong suklian.Nagaral siyang
mabuti at tinigilan ang paglalaro at panonood sa cellphone.Naging aktibo siya sa
gawaing pampaaralan sa pamamagitan ng pagsali at pagpasa ang mga proyekto ng
maayos at nasa tamang oras.Ginagawa niya ang kanyang mga takdang aralin ng
buong husay.Nais niyang gumanda o mapataas ang kanyang mga marka at matuwa
ang kanyang mga magulang.

Nagpakita siya sipag at tiyaga sa kanyang pag aaral.Lubos na natuwa ang


kanyang magulang sa pagbabagong naganap kay Mildred.Nang Dumating ang
bigayan ng card natuwa si Midred at kanyang magulang ng makitang matataas ang
kanyang mga marka at nakatanggap pa siya ng award na with honor.Napatunayan
ni Mildred na kaya niya rin palang abutin ang kanyang pangarap basta mayroong
pagsisikap at pagmamahal sa kanyang ginagawa.
12
A. Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Ano ang dahilan ng pagbaba ng kanyang mga marka?
3. Tama ba ang kanyang ginawang pagbabago sa kanyang pag aaral?
Bakit.
4. Anu ano ang kanyang ipinakitang katangian upang makamit niya ang
tagumpay?
5. Kung ikaw si Mildred, tutularan mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
.

B.
Panuto: Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kolum na angkop na sagot sa bawat
bilang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Mga Gawain Palagi Minsan Hindi


1. Naging masipag ako sa pag aaral sa
pamamagitan ng pagsagot sa modules.
3. Naging masunurin ako sa payo aking
magulang.
3. Pinagbubuti ko ang isang gawaing
inaatas sa akin.
4. Inaaral ko ang katangian ng mga
matagumpay mga Pilipino.
5.Masaya ako sa mga gawaing
ipinagkatiwala sa akin

13
Tayahin

A.
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasabi ng
magandang gawi at MALI naman kung hindi. Isulat ang iyong mga
sagot sa kuwaderno.

1. Si Joanna ay magaling umawit kaya siya ay sumali sa


patimpalak ng pag awit.Nagsasanay siya ng mabuti sa kanyng
pag awit at isinasabay ang kanyang pag aaral.

2. Si Manny Pacquiao ay sikat sa larangan ng boxing.Siya ay


modelo ng kasipagan sa kanyang pagsasanay upang matiyak
ang karangalan at tagumpay.

3. Ang mga sakripisyo ng mga bayani sa ating bansa upang


makamit ang tagumpay na paglaya sa mga mananakop ay
dapat pahalagahan at pag aralan. .

4. Pagkatapos mong magtagumpay sa pag aaaral nais mong


magtrabaho sa ibang bansa at huwag ng babalik ng
Pilipinas dahil mahirap dito.

5. Matagumpay na napatapos ni Mang Canor ang kanyang mga


anak dahil sa kanyang kasipagan sa pagsasaka.

B.
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
kuwaderno.
1. Nangako ka sa iyong magulang na mag aaral ka ng mabuti subalit ikaw ay
mahilig namang lumabas kasama ang barkada.Tama ba ito?
A. Oo, kasi malungkot kung walang kaibigan.
B. Hindi dahil mauubos lang ang oras sa pamamasyal.
C. Oo, dahil hindi naman alam ng iyong mga magulang.
D. Wala sa nabanggit.

14
2. Si Peter ay isang batang kinakitaan ng galing sa basketball. Pangarap
niyang makalahok sa matataas na liga pagdating ng panahon.
. Kung ikaw si Peter, ano ang gagawin mo para maabot ang iyong mga
pangarap?
A. Saka na lang magsanay kapag nasa tamang edad.
B. Bigyan ng sapat na panahon ang pagsasanay ng basketball.
C. Huwag munang magsanay dahil nakakapagod.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

3. Paano ka maging matagumpay sa larangan na gusto mong abutin?


A. Abutin ko ito ng may pagmamahal at pagsusumikap.
B. Abutin ko ito kahit marami akong masasaktan.
C. Abutin ko ito ng may pagmamayabang.
D. Ang titik A at C ay tama.

4. Ano ang gagawin mo sa kapag nabigo ka sa iyong pangarap?


A. Pag aralan ito ng mabuti at susubok uli.
B. Huwag ng ulitin dahil mahirap.
C. Tatamarin na dahil sa pagkabigo.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

5. Ano ang dapat mong taglayin kung ikaw ay naging matagumpay sa iyong
pangarap?
A. Ipagmayabang ang iyong kagalingan.
B. Manatiling mababa ang kalooban.
C. Ipagdamot ang nalalaman o kakayahan sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit ay tama

15
Karagdagang Gawain

Gumawa ng panata tungkol sa tamang gawi sa pagkamit ng


tagumpay.Gawin ito sa iyong papel.

andaan:

T
Ang tagumpay ay ang mga bagay o sitwasyon na gusto
mong mangyari sa iyong buhay. Ito ay binibigyan ng
panahon at pagpapahahalaga upang lubos itong makamit.

16
Sanggunian

Most Essential Learning Competencies-Edukasyong Pagpapakatao –6

https://pilipinomirror.com/tag/ang-kuwento-sa-likod-ng-tagumpay-
ni-hidilyn-diaz/

https://www.youtube.com/watch?v=N92pGmdtsNI

18

You might also like