You are on page 1of 15

8





Redeveloped Division Initiated Self-Learning Module

Kagawaran ng Edukasyon–
i Sangay na Palawan
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 8
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagpapaunlad ng Kakakyahang Maging Isang
Lider at Tagasunod
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo sa Muling Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Evangeline V. Horiondo
Manunulat: Evangeline V. Horiondo
Editor:
Editor: Rheyzamee P. Ladao
Tagaguhit: Evangeline V. Horiondo
Tagaguhit: Evangeline V. Horiondo
Tagalapat:
Tagalapat: Evangeline V. Horiondo
Tagasuri: Cristy R. Temple, Elma C. Palen
Tagasuri: Ma. Luz N. Darjuan, Joy E. Galgo
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rosalyn C. Gadiano
Rosalyn C. Gadiano
Rodgie S. Demalinao
Rodgie S. Demalinao
Allyn G. Gonda, PhD
Learning Area EPS
Clemencia G. Paduga
Department of Education: MIMAROPA- Sangay na Palawan

Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City


Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan

iii
Edukasyon sa
Pagpapauland ng Kakayahang
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan Maging Isang Lider at Tagasunod
Ikawalong Linggo

MELC :

1. Nahihinuha mo na ang pagganap ng tao sa kaniyang gampanin bilang lider at


tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang
pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan. EsP8PIIh-8.3
2. Naisasagawa mo ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang
maging mapanagutang lider at tagasunod. EsP8PIIh-8.4

Subukin Natin

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang-papel.

1.Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging isang mabuting lider?
A. Pagpipilit ng pansariling layunin.
B. Pakikinig sa hinaing ng mga kasama.
C. Pagbabahagi ng pangarap ng samahan.
D. Pangangalaga sa kapakanan ng mga kasapi.

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasanayan o skills ng ulirang tagasunod


ayon kay Kelly (1992)?
A. Job skills
B. Organizational
C.Communication
D. Values component

3. Ang taong ito ang nagsisilbing tagapanguna ng isang samahan. Layunin niya na
paunlarin ang bawat isa patungo sa pag-abot sa pangitain o pangarap.
A. Lider
B. Tagasunod
C. Tagasuporta
D. Tagapamayapa

1
Para sa bilang 4-5
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa iyong
sagutang-papel.

A. Adaptibo B. Inspirasyonal C. Rasyonal D. Transpormasyonal

4. Anong uri ng pamumuno ang ipinapikita kung ang lider ay nagiging mabuting
ehemplo ng mga kasapi?
5. Si Glenda ay nagsisilbing mentor o tagapagturo sa kaniyang mga kasama. Anong
uri ng pamumuno ang ginagamit dito?
6. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay kinakitaan
ng __________________________.
A. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi.
B. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi.
C. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi.
D. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi.

7. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang
konsensya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga gawain at
pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Pakikipagkapwa
B. Kakayahan sa trabaho
C. Mga pagpapahalaga
D. Kakayahang mag-organisa

8. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang lider at tagasunod maliban sa


A. Pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
B. Pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
C. Pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba
D. Pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensyahan
ang kapwa

9. Mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa ________________.


A. Paggalang sa awtoridad
B. Pakinabang na tinatanggap
C.Parehong paniniwala at prinsipyo
D. Mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider

10.Mataas ang kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay
na layon ng kaniyang pagkatao, mga pinahahalagahan, mga talento, layunin sa
buhay at kung ano ang nagbibigay ng kahulugan, kapanatagan, at kaligayahan
sa kaniyang buhay. Siya ay may __________________.
A. Kakayahang pamahalaan ang sarili
B. Kakayahang makibagay sa mga tao
C. Kakayahang makibagay sa sitwasyon
D. Kakayahang makibagay sa personalidad

2
Ating Alamin at Tuklasin
Pagpapaunlad ng Kakayahang
Maging Isang Lider at Tagasunod

Naranasan mo man o hindi pa na maging isang lider o kasapi, mahalagang


unawain mo ang paksang ito. Ano nga ba ang kahulugan ng pagiging lider o ng
pagiging tagasunod sa pagtataguyod ng samahan at mga gawain nito?

Lider. Siya ang tagapanguna sa isang samahan na naglalayon na payabungin


ang bawat kakayahan ng kaniyang kasapi na tumutugon sa adhikain ng grupo. Siya
rin ay tagapamatnubay at nagsisilbing liwanag sa kaniyang mga kasamahan. Siya
ang namumuno sa mga programa, proyekto, at gawain ng grupo na kaugnay ng
pangarap o pangitain (vision) ng organisasyon.
Tagasunod. Sila ang mga nasasakupan o tagasunod na may layuning kamtin
ang pangitain ng grupo habang napauunlad ang kanilang mga kakayahan. Sila ang
sama-samang nagtataguyod at gumaganap sa iba’t ibang gawain at adhikain.
Maraming bansa, organisasyon o grupo ang nagtatagumpay dahil sa
pagtutulungan ng lider at tagasunod. Hindi lamang nakasalalay ang katuparan ng
layunin ng pangkat sa lider o sa mga tagasunod nito. Bawat isa ay kabahagi sa
pagsusulong ng adhikain ng samahan. Bawat isa ay kailangan at mahalaga.

Paano nga ba ang maging isang mahusay na tagapamuno at mapanagutang


kasapi? Ano-anong katangian ang dapat mong taglayin upang mabisa mong
magampanan ang tungkuling nakaatang sa iyong balikat?
Makatutulong ang mga katangiang nakasaad sa ibaba sa pagpapaunlad ng
kakayahang maging lider:

1. Aktibo
2. May pangitain o nakikita ang hinaharap
3. Mapanuri
4. May kakayahang ayusin ang mga suliranin
5. May kakayahang manghikayat
6. May kakayahang makinig at umunawa sa mga suhestiyon at saloobin ng mga
nasasakupan
7. May malakas at matibay na kalooban
8. May kakayahang magpasya
9. May kakayahan sa pakikipag-usap
10. May malinis na hangaring maglingkod

3
Nagbigay si Dr. Eduardo Morato (2007) ng iba’t ibang uri ng pamumuno. Ito
ay ang mga sumusunod:

1. Pamumunong Inspirasyonal. Ang uring ito ay tumutukoy sa pamumuno na


nagbibigay ng mabuting halimbawa sa kaniyang nasasakupan.
Pinangungunahan niya ang layunin ng samahan na siya mismo ang nagpapakita
kung ano ang kanilang gagawin. Nagiging mabuti siyang halimbawa o modelo para
sa mga kasapi.

2.Pamumunong Transpormasyonal. Nagsisilbing tagapayo at tagapamatnubay ang


pamumuno sa ganitong uri. May kakayahan ang lider upang makapagsagawa ng
mga pagbabago sa kaniyang pinamumunuan. Mahusay siyang tagapagturo at
nagagawa niyang maging kalakasan ang mga kahinaan upang magamit sa
pagkamit ng adhikain ng grupo. Layunin nito ang paghahatid ng mga inobasyon
at pagtuon ng pansin sa kabutihang panlahat.
3. Pamumunong Adaptibo. Ang uring ito ay nangangailangan ng isang pinuno na
may mataas na kakayahang emosyonal. Kilala niya ang kaniyang sarili, maging
ang kaniyang mga kakayahan. Ang uri ng kaniyang pamumuno ay nakabatay sa
kung ano ang kasalukuyang nagaganap. Ang adaptibong lider ay nagtataglay ng
mga sumusunod.
A. Pamunuan ang sarili.
B. Umangkop sa kasakalukuyang pangyayari.
C. Makitungo sa iba’t ibang uri ng tao.
D. Makisama sa iba’t ibang uri ng personalidad.

Ang mabuting pinuno ay may mga pinanghahawakang panuntunan upang maging


mahusay na tagapanguna. Dahil ito ay isang mabigat na responsibilidad,
nangangailangan ito ng paglalaan ng panahon, atensiyon at kakayahan. Ilan sa mga
katanginag dapat taglayin ay ang mga sumusunod:
1. Naglalaan ng panahon sa pagsasanay na
makapagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan.
2. Nagpapaunlad ng sarili sa iba’t ibang aspeto.
3. Huwaran sa kaniyang pamumuhay.
4. Kinikilala ang karapatan at kakayahan ng iba.
5. May layuning paunlarin ang bawat kasapi.
6. Nakapagpapasya patungo sa kabutihang panlahat.
7. Nalalaman ang patutunguhan ng organisasyon.
8. Naisasakatuparan ang paraan sa pag-abot ng pangitain ng samahan.

Mainam na magkaroon ng mahusay na lider subalit mahalaga pa rin ang papel ng


mga kasapi. Lubos na matatamo ang katagumpayan ng layunin ng
grupo kung alam ng bawat kasapi ang kani-kaniyang tungkulin.
Narito ang ilan sa mga tungkulin ng mga kasama:
1. Aktibong makilahok sa programa ng samahan.
2. Paunlarin ang mga kasanayan at kakayahang tungo.
3. Magpakita ng kasigasigan o kasipagan na magbahagi ng
kaalaman.
4. Kumilala at magpasakop sa namumuno.
5. Magkaroon ng malinis na interes sa pagsali sa samahan.

4
Ayon kay Kelly, (1992) may uri at antas ang pagiging tagasunod (Levels of
Followership). Basahin mo ang mga ito mula sa talahanayan sa ibaba.

Antas ng Pagiging Paraan ng Pag-iisip Pakikilahok (aktibo –


Tagasunod (kritikal – hindi kritikal) hindi aktibo)
Uliran Mataas Mataas
Hiwalay Mataas Mababa
Umaayon Mababa Mataas
Pragmatiko (Praktikal) Nasa gitna Nasa gitna
Pasib (Hindi Aktibo) Mababa Mababa

Mas mabuti kung ikaw ay ulirang tagasunod sapagkat pauunlarin nito ang
iyong pagkatao. Nagiging bahagi ka rin ng pagsusulong ng layunin ng grupo.
Makatutulong ang mga sumusunod na kasanayan upang maging isang ulirang
tagasunod (Kelly, 1992): 1. kakayahan sa trabaho (job skills); 2. kakayahang mag-
organisa (organizational skills); at 3. Mga pagpapahalaga (values component).
Anoman ang iyong katungkulan, ikaw man ay lider o tagasunod, ay mahalaga
na taglayin ang mga pagpapahalaga sa sarili at sa pakikipagkapwa. Sa pamamagitan
nito ay matutupad mo ang iyong tungkulin na mapabuti ang iyong sarili, ang kapwa
at maging ang lipunan.

Tayo’y Magsanay
Gawain 1: Isulat ang ML kung ang pahayag ay tumutukoy sa mabuting lider. Isulat
naman ang DML kung hindi ito nagpapakita ng pagiging mapanagutang pamumuno.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.
___1. Ibinabahagi ni Leo ang mga pangarap niya para sa samahan na kaniyang
pinamumunuan upang sama-sama nilang maabot ito.
___2. Kapag may mga biyayang para sa mga kasapi ay inuuna muna ni Jaime ang
kaniyang mga kaibigan.
___3. Sa tuwing nagkakaproblema sa grupo nila Carol ay agad niyang kinakausap
ang mga kasapi na hindi nagkakaunawaan.
___4. Tinuturuan ni Kiel ang mga kasapi ng grupo upang mapaunlad ng mga ito ang
kanilang sariling kakayahan.
___5. Hinahayaan lamang ni Zoren ang mga miyembro na magtrabaho. Bilang lider,
ito ang tungkulin niya na maging tagapagpasunod lamang.

5
Gawain 2: Punan ang talahanayan sa ibaba. Magtala ng pangalan ng mga lider na
kilala mo na nagpakita/nagpapakita ng pagiging mabuting pinuno. Maaring ito ay
iyong nakasama, naobserbahan o nabalitaan. Maaaring lagyan ng larawan kung
may paraan. Gawin ito sa iyong sagutang-papel.

Pangalan ng lider Larangan Katangian Mga Mabubuting


Nagawa
Halimbawa Edukasyon May pangitain o Nagpasimula ng
Efren Peñaflorida vision, may “Kariton
malasakit sa Classroom” na
kapwa nakaabot ng mga
batang lansangan

Ating Pagyamanin
Gawain 1: Mag-isip ng isang samahan na maaari mong salihan o kasalukuyang
kinabibilangan. Isulat ang mga hangarin at gawain nito. Isulat din ang mga tulong
na maaari mong maibahagi bilang kasapi o magiging kaanib. Gawin ito sa iyong
sagutang-papel.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nakuhang
Pamantayan Puntos
Puntos
Nilalaman (Content) 5
Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 5
Ideya/Paliwanag 10
Kabuoan 20

6
Gawain 2: Mag-isip ng uri ng paglilingkod na tutugon sa pangangailangan ng mga
tao sa iyong paligid. Gumawa ng plano sa pagsasakatuparan ng pagiging
mapanagutang lider at tagasunod. (Mahalagang masunod ang mga panuntunan sa
ipinatutupad na Community Quarantine). Hingin ang tulong at pahintulot ng
magulang o tagapangalaga sa pagsasagawa nito. Isulat ang nabuong plano sa isang
malinis na papel.

Plano ng Pagsasagawa ng Paglilingkod

Pamagat Petsa Lugar Layunin Komite Mga Inaasahang


ng sa Taong Resulta
Proyekto Paggawa Pagliling
kuran

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nakuhang
Pamantayan Puntos
Puntos
Nilalaman (Content) 5
Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 5
Ideya/Paliwanag 10
Kabuoan 20

7
Ang Aking Natutuhan

Gawain: Sumulat ng repleksiyon tungkol sa isinagawang pagtulong. Gamiting gabay


ang mga tanong sa ibaba. Isama ang nabuong plano mula sa mga naunang Gawain
at ang mga katunayan ng pagsasagawa ng kilos bilang mapanagutang lider o
tagasunod. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Mga Tanong:
1. Ano ang iyong isinagawa at ano ang naging bahagi mo rito?
2. Ano-anong mga katangian bilang lider o tagasunod ang naipakita mo mula sa
pagbuo ng plano at pagsasagawa nito?
3.Ano ang naramdaman mo matapos maisagawa ang gawain? Ipagpapatuloy mo ba
ito? Ipaliwanag.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nakuhang
Pamantayan Puntos
Puntos
Nilalaman (Content) 5
Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 5
Ideya/Pagsagot sa mga tanong o Paliwanag 10
Kabuoan 20

8
Ating Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang-papel.

1. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay kinakitaan
ng __________________________.
A. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi.
B. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi.
C. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi.
D. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi.

2. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang
konsensya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga gawain at
pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Pakikipagkapwa
B. Kakayahan sa trabaho
C. Mga pagpapahalaga
D. Kakayahang mag-organisa

3. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang lider at tagasunod maliban sa


A. Pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
B. Pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
C. Pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba
D.Pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensyahan
ang kapwa

4.Mas marami ang kontento sa pagiging tagasunod dahil sa ________________.


A. Paggalang sa awtoridad
B. Pakinabang na tinatanggap
C. Parehong paniniwala at prinsipyo
D. Mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider

5.Mataas ang kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay na
layon ng kaniyang pagkatao, mga pinahahalagahan, mga talento, layunin sa buhay
at kung ano ang nagbibigay ng kahulugan, kapanatagan, at kaligayahan sa
kaniyang buhay. Siya ay may __________________.
A. Kakayahang pamahalaan ang sarili
B. Kakayahang makibagay sa mga tao
C. Kakayahang makibagay sa sitwasyon
D. Kakayahang makibagay sa personalidad

6.Alin ang HINDI nagpapakita ng pagiging isang mabuting lider?


A. Pagpipilit ng pansariling layunin
B. Pakikinig sa hinaing ng mga kasama
C. Pagbabahagi ng pangarap ng samahan
D. Pangangalaga sa kapakanan ng mga kasapi

9
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasanayan o skills ng ulirang tagasunod
ayon kay Kelly (1992)?
A. Job skills
B. Organizational
C. Communication
D.Values component
8. Ang taong ito ang nagsisilbing tagapanguna ng isang samahan na may layuning
paunlarin ang bawat isa patungo sa pag-abot sa pangitain o pangarap. Sino ang
tinutukoy nito?
A. Lider
B. Tagasunod
C.Tagasuporta
D.Tagapamayapa

Para sa tanong bilang 9-10


Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa iyong
sagutang-papel.

A. Adaptibo B. Inspirasyonal C. Rasyonal D. Transpormasyonal

9. Anong uri ng pamumuno ang ipinapakita kung ang lider ay nagiging mabuting
ehemplo ng mga kasapi?
10. Si Glenda ay nagsisilbing mentor o tagapagturo sa kaniyang mga kasama. Anong
uri ng pamumuno ang ginagamit dito?

10
11
ATING TAYAHIN
SUBUKIN NATIN
1. A
1. A
2. A
2. C
3. A
3. A
4. C
4. B
5. A
5. A
6. A
6. A
7. C
7. A
8. A
8. A
9. B
9. C
10. A
10. A
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat:

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.


Lagarde, Marivic R. Leaňo, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay
T. Paras, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikawalong Baitang, Modyul Para sa
Magaaral, 2013. Pasig City.

Online:

DepEd Commons

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone np. (048) 434-0099
o

12

You might also like