You are on page 1of 5

6

FILIPINO
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Pagpangkat ng mga Salitang
Magkaugnay
Modyul
Pagpapangkat ng mga
2
Ikalawang Linggo
Salitang Magkaugnay

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang gawain sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Ano ang Patutunguhan ng Pilipinas sa Hinaharap?

Mga Tauhan
Cynthia, pangulo ng Young Scientists Club
Edith, pangulo ng Young Mathematics Club
Thelma, pangulo ng Young Readers Club
Tagpuan
Sa bakuran ng Camella Home Bacoor Learning Institute
Cynthia : Paano makatutulong ang kabataan upang maiangat ang kalagayan ng
Pilipinas?
Edth : Magsikap mag-aral. Dito sa bansa maghanapbuhay kapag matapos na sa
pag-aaral. Bakit mo naman naitanong ‘yan?
Thelma : Oo nga naman. Sa dami ng maitatanong mo tungkol sa mga asignatura natin
ay bakit ba ‘yan ang naitanong mo?
Cynthia : Sasali ako sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay.
Edith : Teka, sa science ka magaling, a. Hindi ka magiging pangulo ng Young
Scientists Club kung hindi ka marunong sa agham. Tsampyon ka yata sa
“Battle of the Brains.”
Thelma : At hindi ka naman kasama sa staff ng pahayagang pampaaralan natin. Ano ang
naisip mo at sasali ka sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay?
Cynthia : Wala naman seryosong dahilan. Ibig ko lang mapatunayan sa sarili ko na hindi
lang ako mahusay sa agham kundi maging sa pagsulat. Sige na tulungan na
ninyo ako. Sagutin na ninyo ang tanong ko.
Edith : Sige na nga. Sa palagay ko, ang Pilipinas ay magiging industriyalisado na.
Magiging maunlad na ito sa larangan ng agham at teknolohiya.
Cynthia : Alam ko na ‘yan. Iyong iba naming dahilan o impormasyon tungkol sa paksang
‘yan.
Edith : Maraming maaaring mangyari. Maaaring umunlad na nga ang ating bayan sa

1
larangan ng pangkabuhayan at paghahanapbuhay pero baka sakupin na naman
ang Pilipinas ng mga dayuhan.
Thelma : Hindi na baleng sakupin tayo ng mga dayuhan basta’t mga negosyanteng
dayuhan.
Cynthia : Bakit naman tayo pasasakop sa kanila kung ayaw natin?
Edith : Basta’t may pagkakaisa tayo, ang bayan natin ay uunlad nang husto.
Cynthia : Salamat sa inyo.
Edith : Saan?
Cynthia : Alam ko na ang susulatin ko.
Thelma : Paano kung manalo ka?
Cynthia : Siyempre, magpapapansit ako. Sa canteen lang, ha?
Thelma at Edith: Sinabi mo ‘yan, ha?

A. Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.


1. Ano ang tungkulin ni Cynthia sa paaralan?
2. Sa kuwentong binasa, ano-ano ang mga salitang magkaugnay?

Suriin
Ang salitang magkaugnay ay mga salitang magkatulad o magkaugnay ang kahulugan.
Ang mga salitang ito ay magkasama at magkapares. Napapalawak ng talasalitaan ang
kasanayan sa pagtukoy sa salitang magkakaugnay, magkapares, o magkakapangkat.
Magkakaugnay ang mga salita kung ang mga ito ay pinag-uugnay ayon sa gamit,
pinagmulan, o katangian.

Maaaring mapangkat ang mga salita ayon sa uri, gamit, kayarian, o pinagkukunan ng
mga ito.
Halimbawa:
1. Basahin ang talata.
Kalabaw ang kaagapay sa pag-aararo ng mga sakahan. Ito rin ang tagahila ng kangga,
kariton, at kareta na siyang sasakyan sa bukid. Itinuturing itong pambansang hayop
dahil sa malaking tulong sa mga tao. Isa itong alaga ng bawat pamilya sa bukid at
tinuturing na kasapi ng mag-anak.
Salitang magkaugnay: kalabaw – kanga, kariton, kareta

2. Bayan – paglilingkod – pakipaglaban


Kompositor – tugtugin – musika

3. Kape at gatas Tasa at platito Papel at lapis

2
Tayahin
A. Panuto: Piliin ang tamang salitang magkaugnay. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang tao ay may buhok, ang aso naman ay may _________________.


A. balahibo C. rabies
B. buntot D. kuto
2. Ang nanay ay sa tao, ang inahin ay sa _________________________.
A. matanda C. isda
B. manok D. kapitbahay
3. Ang suklay ay sa buhok, ang sepilyo ay sa _____________________.
A. Kilay C. ngipin
B. Kuko D. likod
4. May tindera sa tindahan, may doktor sa _________________________.
A. bahay C. sinehan
B. palengke D. klinika
5. suklay - buhok; sepilyo - _____________________.
A. balat C. buhok
B. kuko D. ngipin
6. lapis – panulat; krayola - _____________________.
A. pangkulay C. panlasa
B. pamilang D. panlaban

3
Susi sa Pagwawasto
A 6.
D 5.
B 4.
C 3.
B 2.
A 1.
Tayahin

Asignatura – science - agham 2.


Pangulo ng Young Scientists Club 1.

Tuklasin

Sanggunian
Aklat

Belvez, Paz M. 2011. Landas sa Pagbasa 6. Quezon City: EduResources Publishing, Inc.

Papa, Nenita P. , Gutierrez, Nila S., Perez, Josefina C. 1999. Bagong Filipino 6. Quezon: JGM & S
Corporation.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Bohol

50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City,


Bohol, Philippines 1600

Telefax: (038) 501 – 7550

Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph

You might also like