You are on page 1of 8

Name:Jonard D, Metchado Student No.

Course:AB Pol Sci Score:


Address: Bamban, Tarlac

FILIPINO 3
PAGSUSULIT SA MODYUL IV

1. Magbigay ng halimbawa ng bawat katangian ng mabuting pamagat.


a. Ang isang mabuting pamagat ay dapat maging kaakit-akit.
b. Ito ay orihinal at hindi pangkaraniwan.
c. Isa ring katangian ng mabuting pamagat ay makabuluhan.
d. Dapat ito rin ay kapana-panabik at kapansin-pansin.

2. Sumulat ng isang komposisyong gumagamit ng wastong pamantayan at


mabisang pagsasalaysay. Ibatay ang diwa sa Nasyonalismo.

Nasyonalismo: Pagmamahal sa Sariling Bayan

Ang ideolohiyang Nasyonalismo ay unang sumibol noong ika-19 na siglo. Ito


ay nagmula sa Europa at nakarating sa Pilipinas dahil narin sa pagbubukas ng
kalakalan nito nabanggit na kontinente. Sa tulong rin ng mga propagandista, katulad
nina Marcelo H. Del Pilar, Dr.Jose Rizal, at Lopez Jaena, ay lalong umalab sa puso ng
mga Pilipino ang pagmamahal sa bayan. Ito ang naging dahilan sa paghahangad ng
kalayaan laban sa mapag-api at mapang-abusong mga mananakop na Kastila.

Sa kasaysayan ng Pilipinas ay may mga natatanging personalidad na


nagsakripisyo at nagbuwis ng kanilang buhay upang magkaroon ng ganap na kalayaan
ating bansa at mabigyan ito ng pagkakakilanlan. Sa kasalukyang panahon, ito ay ating
tinatamasa. Likha ng ating kultura at kasaysayan ang pagkakailanlan nating mga
Pilipino.

Ngunit ang ating kalayaan at pagka-Pilipino ay nahaharap sa isang malaking


banta. Sa impluwensya ng mga banyagang kaugalian, pananaw, at kultura; sa unti-
unting pag-angkin sa ating mga isla; at sa patuloy na paglala ng tensyo ng mga bansa
sa Silangang Asya, tulad ng sa Tsina at Taiwan.

Wari ang mga ito ay nagbibigay ng katanungan sa atin: “Sino ang mga
makabagong bayaning handang ipaglaban ang kasarinlan ng ating bayan?” Tayo ba ay
handa na panatilihin ang ating pagkakailanlan: ugali, kaisipan, at kultura? Handa ba
tayong magbantay sa mga islang kanilang inaangkin sa atin? Handa ba tayong ipakita
ang ating pagka-nasyonalismo?

Alam ko na dumadaloy sa atin ang dugong bayani. Kung sa ating kasayasayan


ay mga nag-alay ng kanilang buhay, sa kasaluyan ay mga mga Pilipinong kayang
tumbasan ito maipagtanggol lamang ang ating bayan.
3. Sumulat ng isang masining na paglalarawan. Pumili ng isa sa mga sumusunod:

a. Ang Bayang Sinilangan Ko


b. Ang Binatang/Dalagang Hindi Ko Malilimutan

Ang Dalagang Hindi Ko Malilimutan

Tunay ngang masasabi na ang buhay sa hay iskul ay di malilimutan, dahil


dito ko nakilala ang dalagang unang kong inibig. Isa siyang tunay na kabigha-bighani.
Ang maamo niyang muha, malarosas niyang mga pisngi, mapupulang mga labi, at
nangungusap niyang mga mata ay silang bumihag sa aking puso. Bagaman ang mga
paglalarawang ito ay pisikal ay hindi naman matatawaran ang busilak niyang kalooban.
Ang kanyang pagkamahinahon at pagkamaalalahanin ay wala ring kaparis. Ako nga ay
tunay ng makata at labis na umibig sa kanya, sapagkat sa aking pananalita hindi na nga
ito maikukubli.

4. Bigyan ng katuturang pormal at impormal ang mga sumusunod:

Katuturang pormal
a. Kasaysayan – (pang.) pag-aaral sa mga pangyayaring sa nakaraan
b. Tahanan – (pang.) isang lugar para sa paninirahan o panunuluyan
c. Agham at Teknolohiya – (pang.) isang pag-aaral sa pisikal at natural na
mundo sa pamamagitan ng pag-obserba at pag-eksperimento at ang praktikal
na gamit nito

Katuturang impormal
a. Kasaysayan
Ang kasaysayan ay ang mga mahahalagang tagpo sa panlipunang nakaraan.
Sa iba ito ay nakawiwiling pag-aralan, samantalang sa iba naman ay
nababagot kapag ito pinag-uusapan. Ganoon paman ay mahalaga itong pag-
aralan dahil ito ay kapupulutan ng aral.

b. Tahanan
Ang tahanan ay naiiba sa bahay. Ang bahay ay ang pisikal na gusali.
Samantalang ay tahanan ay ang pamilyang kinabibilangan kung saan
nakararamdaman ng proteksyon, kaligayahan, at pag-mamahal. Maari ring
ituring na pamilya ang mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay.

c. Agham at Teknolohiya
Ito ay isang mahalang asignatura na dapat nating bigyang pansin at panahon
at pag-aralan ng lubusan. Sa pag-aaral nito ay nakabubuo tayo ng mga
imbesyon na maari nating gamitin upang mapagaan ang ating pamumuhay.
Hindi lamang iyon, dapat rin natin itong gamitin upang makatulong sa ating
kalikasan.
5. Pumili ng isang paksa sa mga sumusunod at gumawa ng isang balangkas na
paksa:

a. Wika, Dulot ng Pagkakaisa


b. Polusyon, Kaaway ng Tao
c. Paggawa, Dapat Ikarangal

Gabay: Ang papaksang balangkas ay sinusulat sa salita o parirala.

Paksa: Polusyon, Kaaway ng Tao


Balangkas:

I. Panimula:
A. Pagbibigay ng depinisyon sa polusyon

1. Pagbibigay ng pormal na depinisyon:


Detalye: Pagbibigay ng depinisyong pang-agham

2. Pagbibigay ng impormal na depenisyon:


Detalye: Pagpapahayag ng personal na pananaw ukol sa polusyon.

3. Pangunahing sa Paksa.
Detalye: Pagpapakilala sa masamang dulot ng polusyon

II. Katawan
B. Pantulong na paksa

1. Paglalahad ng suporta:
Detalye: Pagbibigay ng mga pag-aaral ng mga eksperto ukol sa
masamang epekto ng polusyon

2. Paglalahad ng personal na suporta


Detalye: Pagbibigay ng mga halimbawa ng masamang epekto ng
polusyon na kasalukuyang nararanasan

3. Paglalahad ng karagadagang suporta


Detalye: Pagbibigay ng mga malalang epekto nito sa hinarap

III. Wakas
C. Pag-bubuod

1. Palalahad ng suporta
Detalye 1: Pagbibigay ng mga paraan batay sa mga eksperto upang
malabanan ang malalang kalagayan ng polusyon
Detalye 2: Pagbibigay ng karagdagang simpleng pamamaraan na
maaring gaawin
Detalye 3: Paghihikayat sa mga mababasa na magtulungan upang
malabanan ang polusyon.
Name:Jonard D, Metchado Student No.
Course:AB Pol Sci Score:
Address: Bamban, Tarlac
FILIPINO 3
PAGSUSULIT SA MODYUL V

1. Sagutin sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ang mga sumusunod na


katanungan:

a. Ano ang pinagkaiba ng pormal na anyo ng komposisyon sa di pormal naanyo?

Ang pormal na komposisyon ay nangangailangan ng maingat na pagpili ng


paksa at ito ay pinag-aralang mabuti upang matiyak at matuganan ang layung ninanasa.
Ito ay ginagamit upang makapagbigay ng impormasyon o makapagpaliwanag.
Mahalaga rin na makapagbigay na ibayong kaalaman at magbigyang wili ang mga
mambabasa. Ginagamitan rin ito ng mga pang-akademyang lenggwahe upang ito ay
gumanda. Ito ay ang proseso ng maingat na pagplili ng mga salita upang mapanatili ang
lebel na pang-akademya.

Ang impormal naman o di pormal na komposisyon ay walang sinusunod na


kayarian. May kalayaan sa paggamit ng mga salita at maaaring gamitin ang unang
panauhan nilang boses ng sulatin. Gayunpaman, iisang paksa parin ang dapat bigyan ng
pansin. Bagaman, malaya ang anyo ng komunikasyong pasulat ay kinakailangang ang
mga salitang gagamitan ay sinasasang-ayunan ng pinag-uukulang mambabasa.

b. Ano ang komposisyon?

Ang komposisyon ay itinuturing na pinakasimple at hindi komplikadong


paraan ng pagsulat. Ito rin ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga
natatanging karanasan, pagbibigay personal na kahulugan sa mga pangyayari sa
kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pelikula or dula ay nagagawa
sa pamamagitan ng paglikha ng sulating-komposisyon.

c. Mahalaga ba ang paksa?

Ang paksa ay ang sentro ng isang teksto o diskurso. Ito ang nagtatakda ng
layunin at saklaw ng sinusulat. Kung walang paksa ang isang komposisyon, mahirap
magpokus sa pagsulat at posibleng mawala sa direksyon ang mga ideyang nais iparating.
Kaya mahalaga na maunawaan ang paksa ng sulatin bago tayo magsimula ng pagsusulat.

Mahalaga ang paksa sa pagsusulat dahil ito ang nagtatakda ng layunin at


layon sa pagsusulat. Sa pamamagitan ng nito, malalaman kung anong kaisipan at mga
detalye ang dapat isulat upang mahusay at epektibong maiparating ang mensahe. Ang
paksa rin ang nagbibigay ng kaayusan sa mga ideya at nagsisilbing gabay sa pagsusulat
ng isang komposisyon.
2. Sumulat ng komposisyon sa kahit anong paksa at hanguin mula dito ang mga
panuntunan sa pagsulat ng komposisyon.

Pagbabasa, sapat na nga ba?

Ang Pagbabasa at ang Pagbabasa na may Pag-unawa ay kalimitang


pinagkakamalang magkatulad ng marami. Ngunit ito ay malayo sa katotohanan. Ang
pagbabasa ay simpleng pagbikas lamang sa mga salitang nakikita at walang kasamang
pag-uunawa. Ibig sabihin, ginagamitan lamang ito ng bibig ngunit hindi ng utak. Kung
magkagayon, ang pagbabasa na mag pag-unawa ay nagtataglay ng napaka-
importanteng sangkap na wala sa pagbabasa, ito ay ang pag-unawa. Inaakala ng iba na
sapat ng ang makapagbasa, ngunit ang ito ay mali. Dahil sa tuwing nagbabasa,
kailangan sanayin ang isipan na magkaroon ng kakayahang unawain ang binabasa. Sa
ganitong paraan, masasabi nga na epektibo ang pagbabasa dahil may pag-unawa.

Sa oras na tayo ay matutong magbasa, itinuturing na tayong edukado. Ngunit


katulad sa nabanggit sa unang talata, hindi ito sapat dahil nararapat na may pag-unawa
sa binabasa. Gayunpaman, dito na ba ito nagtatapos? Sapat na bang maituting tayong
edukado? Sa ating pagbabasa nakakapulot tayo ng mga bagong bokabularyo, natututo
tayong gumamit ng wastong ng balarila, at nagiging kritikal ang ating pag-iisip. Sa
patuloy na pagbabasa natin araw-araw ay nalilinang natin ang mga kakayahang ito.
Datapwat hindi ito ang hangganan ng ating pagiging-edukado. Ang malaking
katanungan ay kung ano ang gamit nito sa ating buhay?

Sa ating pagiging edukado, namumulat tayo sa iba’t ibang uri ng suliranin sa


ating lipunan. Nalalaman natin ang mga sari-saring isyu na kinakaharap ng ating bayan.
Ang malaking hamon sa atin ay kung paano tayo makakatulong ngayong namulat na
tayo sa ating kalagayan. Tayo ba ay magiging lunas sa mga suliraning ito o tayo pa
mismo ang nagiging sanhi ng mga nagkabuhol-buhol na problema ng ating bayan? Sino
nga ba tunay na edukado, ang natutunong magbasa ngunit patuloy na gumagawa ng
kamalian sa lipunan o ang hindi nakakabasa ngunti matapat at mabuting mamamayan?
Ito ang matinding hamon, kung paano natin matutulungan ang isa’t isa. Kung paano
maturuang magbasa ang hindi nakakabasa at paano turuan maging tapat at gamitin sa
mabuti ang nalalaman ng edukado.

Paghango sa panuntunan sa pagsulat ng komposisyon.


1. Tiyak na layunin – Iparating ang tunay na diwa ng pagbabasa at nang pagiging
edukado.
2. Ideayang nais iparating – Kung ano ang tunay na edukadao at magagawa niya sa
lipunan.
3. May pokus ang ideya – Pagbabasa na may pag-unawa at pagiging edukado
4. Pag-aangkop – Tama ang ginamit na para sa mga edukadong mababasa.
5. Ganap, tuwid, at tiyak – Buo ang kaalamang nais ipahayag sa komposisyon.
6. Maliwanag at tumpak - Diretso ang paglalahad ng ideyang nais iparating.
7. Matapat – Galing sa puso at isipan ng manunulat ang lahat ng ipinahayag na may
batayan sa katotohanan.
8. May paraan – May mga suliraning naranasan sa paggawa ng komposisyon lalo sa
huling talata ngunit ito ay nagawang ng solusyon.
3. Talakayin ang tatlong batayang prinsipyo sa pagsulat ng komposisyon.

Ang mga dalubhasa sa retorika ay may kinikilalang tatlong batayang prinsipyo sa


pagsulat ng komposisyon. Ito ay ang mga kaisahan, lohika ng mga ideya, at diin.

Kaisahan. Buhat sa isang limitadong paksa, maaaring bumuo ng isang paksang


pangungusap na maaaring matagpuan sa alin mang bahagi ng talaan. Upang magkaroon
ng kaisahan sa loob ng pangungusap, kailangang magkaroon din ng kaisahan sa ideya,
layunin at tono upang mapag-ugnay ang mga kaisipan nang malinaw at maayos.

Lohika ng mga ideya. Ang komposisyon ay nangangailangan ng wastong


pagkakaugnayugnay ng mga detalye at heneralisasyon. Ito ay matatamo sa pamamagitan
ng mahusay na paghahanay ng mga pangunahin at pantulong na ideya sa loob ng isang
balangkas.Ang ugnayan ng mga ideya ay nagiging malinaw kung ang pahayag ay
ginagamitan ng sapat na detalye sa pagpapaliwanag.

Diin. Kapag ang komposisyon ay nakatawag ng pansin ng mga mambabasa,


masasabi natin na ang komposisyon ay mabisa. Ito rin ay ang pagbibigay ng higit na
pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang komposisyon.

4. Isulat sa isang buong talata ang tungkol sa katuturan ng lagom.

Ang lagom ay nangangahulugan ng kabuuan. Ito ay ang maikling pahayag na


nagsasaad ng pangunahing kaisipan ng anumang uri ng sulatin sa pinakapayak na
pananalita. Hindi lamang ito pinaigsing pahayag ng isang mahabang salaysay kundi isang
maikling kabuuan na masasabing isa ng sulatin.

5. Paghambingin ang dalawang uri ng lagom.

Ang presi ay galing sa salitang Pranses na precis na ang ibig sabihin ay pinaikli. Sa
madaling salita, ito ang buod ng buod. Higit itong maikli sa buod ay halos ang
pinakatesis ng buong aksa ang tinatalakay. Ito ay pinaikling buod ng mahahalagang
punto, ideya, o impormasyon. Kailangan itong maging maikli, wasto, malinaw at
malaman sa ipinaliliwanag sa pamamagitan ng maayos at buong mga pangungusap.

Ang hawig naman ay, may layunin na maglahad ng kahulugan ng orihinal sa mas
maikli at malinaw na paraan, ay isang pagpapakahulugan o interpretasyon ng isang
sumusuri sa kahulugan ng orihinal. Higit itong subhetibo kaysa presi. Hindi kailangang
maging higit na maikli kaysa sa orihinal. Kung minsan pa nga, mas mahaba pa ang hawig
kaysa sa orihinal
6. Sumipi sa isang magasin ng isang akda at bigyan ito ng paglalagom sa uring
hawig.

5K-anyos na puno, maaaring susi sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating planeta

Pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na ang 5,000-taong punong kahoy sa Chile –


na ngayon ay nasa proseso ng pagkilala bilang pinakamatandang puno sa mundo --
ay pwedeng makapagbigay ng ilang mga sikreto ng ating mundo, lalo na kung
paano ito nag-a-adopt sa climatic changes dahil sa haba ng panahong nabubuhay
ang naturang puno.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, malamang malalagpasan na sa edad ng


cypress tree na tinatawag sa Chile na "Great Grandfather" ang 4,850-anyos na pine
tree "Methuselah" na nasa California sa United States.

Nasa proseso na umano sa pagkilala na pinakamatandang puno sa mundo ang


"Great Grandfather" tree na may taas na 28 metro at aabot sa 4 metro ang
dayametro ng pinakamababang bahagi ng puno, ayon sa AFP.

Dagdag ng ulat, pinaniniwalaang nagtataglay ang puno ng mga scientific


information na maaaring maging susi sa pag-unawa kung paano nakibagay o nag-
adapt ang ating mundo sa pabago-bagong klima o climate changes.

—LBG, GMA Integrated News

5K-anyos na puno, maaaring susi sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating planeta

Naniniwala ang mga dalubhasa sa agham na maaaring maging susi sa pagtuklas ng mga
sikreto ng mundo ay isang puno sa Chile na may higit 5,000 taon na. Ang punong ito ay
kasalukuyang nasa proseso upang tanghaling pinakamatandang puno sa daigdig.
Pinaniniwalan na maaring makapagbigay ng paliwanag ang nasabing puno kung paano
ito nakapag-adopt sa pagbabago ng klima sa mundo.

Sa isang ulat ng Agence France-Presse, may malaking posibilidad na malalagpasan ang


edad ng cypress tree sa Chile na kung tawagin ay “Great Grandfather” ang pine-tree
“Methuselah” Sa California, USA na nasa 4,850 na taon.

Ang “Great Grandfather” tree ay nasa taas na 28 metro at umaabot sa 4 na metryo ang
dayametro, ito ang pinakamababang bahagi ng puno, ay nasa proseso na upang
maitangal at makilala na pinakamatandang puno sa mundo ayon sa AFP.

Karagdagan pa sa ulat, sa paniniwala ay nasabing puno ay nagtataglay ng sayantipikong


impormasyon upang maunawaan kung paano maaring mabuhay at makiayon sa pabago-
bago at nagbabagong klima sa mundo.

- Paglalagom sa uring hawig


Jonard D. Metchado
7. Ipaliwanag kung bakit ang pagsasalin ay matatawag na agham at sining.

Kung ang pinag-uusapan ay agham ng pagsasalin, ang sentro nito ay nasa


paglalarawang aspekto. Kapag ang linggwista ay inuuring isang inilalarawang agham,
gayundin ang paglilipat ng mga mensahe mula sa iba’t ibang wika, ang proseso ay
maitututing na sa isang syentipiko o maagham na paglalarawan.

Ang pagsasaling-wika ay isang sining dahil ito ay hindi madaling gawain.Kaya


nararapat ang isang mahusay na pagsasalin. Ngunit kahit na ang pagsasalin ay may
kahirapan, ang isang tagapagsalin ay laging nasa nakatago sa aninio ng nagsulat, hindi
nabibigyang pansin. Gayunpaman, ang kanilang paniniwala ay higit na angkop
isakatuparan sa isang masinsinang paglalarawan.

You might also like