You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO - PANITIKANG ASYANO 9

03-27-23

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang pinagkaiba ng pamaksa at pantulong na pangungusap.
B. Nakabubuo ng sariling pantulong na pangungusap.
C. Nabibigyang halaga ang mga paraan ng pagkilala sa pamaksang pangungusap at pantulong na
pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: GRAMATIKA/RETORIKA: Pamaksa at Pantulong na Pangungusap.
B. Sanggunian: Internet, Libro , Panitikang Asyano Modyul 9, Aralin 3.4, P226-227

C. Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation at IM’s

D. Pagpapahalaga: Panitikan; Pagpapahalaga sa mga paraan ng pagkilala sa pamaksang


pangungusap at pantulong na pangungusap.

E. Pamamaraang Ginamit: Ugnayang tanong-sagot at Malayang Talakayan

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

I. ALAMIN/TUKLASIN
A. Panimulang Gawain

Magandang Umaga! Magandang umaga rin po, Ma’am!

Ginoo, maaari mo bang pangunahan ang panalangin? Opo, Ma’am!

May lumiban ba sa klase?

Mabuti. Wala po, Ma’am!

Alalahanin ang mga alituntunin sa klase na kahit sa ibang


sabjek ay nararapat lamang na inyong sundin. Una,
panatilihin ang katahimikan sa klase lalo na kung may
nagsasalita sa harap. Pangalawa, kung may nais sabihin
ay itaas lamang ang kamay. Pangatlo, itago ang mga
bagay na walang kinalaman sa ating asignatura at, ang
panghuli ay makinig nang sa gayo’y maunawaan niyo ang
nais iparating ng ating talakayan.

Nagkakaunawaan ba tayo, klas? Opo, ma’am!

Mabuti.

B. Pagganyak

Mayroon akong kahon dito na naglalaman ng mga


pangungusap.
Gawain 1. IPASA MO!

Panuto: Ipapasa ang kahon habang tumutugtog ang


musika at kung sino ang nakahawak nito ‘pag tumigil ang
tugtog ay bubunot sa loob ng kahon ng pangungusap na
siyang magsisilbing paksa at bibigyan niya ito ng
paliwanag.

Halimbawa:
Pangungusap: Napakahirap mabuhay ng mahirap.

Paliwanag: Marami ang nakatira sa lasangan na hindi Opo, ma’am!


nakakakain ng 3 beses sa isang araw. May mga batang
hindi makapag-aral dahil sa kahairapan ng buhay. (laro)

Naunawaan ba ang laro?

Kung ganon ay magsimula na tayo. Tungkol po sa pangungusap ma’am!

C. Paglalahad

Ano ang nahinuha niyo sa gawain? Tungkol kaya saan ang


magiging talakayan nating ngayon?

Tama! Ito ay tungkol pangungusap.

II. LINANGIN

A. Talakayan:

Mayroon tayong tinatawag na PAMAKSA AT PANTULONG


NA PANGUNGUSAP.

PAMAKSANG PANGUNGUSAP- Lahat ng talata ay may


pangunahing ideya. Ito ay nagbibigay ng pahiwatig
tungkol saan ang pang-unawa sa talata. Ipinahahayag ito
sa pamamagitan ng isang pangungusap na tuwirang
natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata.

(Malayang talakayan….)

Halimbawa:
Tayo ngayon ay nalalagay sa gitna ng krisis pampolitika.
Ang ating mga mambabatas ay nasasangkot sa
katiwalian. Katunayan maraming kaso ang nakahain sa
pmbudsman. Gayundin naman kani-kaniyang turuan
amng bawat isa kung sino talaga ang may kasalanan.

PANTULONG NA PANGUNGUSAP- Ito ay mga pangungusap


na nagbibigay ng paliwanag o detalye sa isinasaad ng
pamaksang pangungusap.

Paraan ng pagbibigay ng detalye sa pamaksang


pangungusap.

(Malayang talakayan….)
Gumamit ng impormasyon na maaaring mapatotohanan.

Halimbawa:
Pamaksang pangungusap- Nanganganib lumubog ang
kalakhang Maynila sa darating na 2020 .
Mga detalyeng mapatotohanan: Tuwing umuulan
binabaha ang Maynila.

(Malayang talakayan….)

B. Gumamit ng mga istadistika.

Halimbawa:

Pamaksa- Ang ekonomiya ng bansa’y unti-unti nang


bumubuti.

Pantulong- Sa nakaraang buwan, umakyat ng dalawang


puntos limang bahagdan ang Gross Domestic Product ng
ating bansa.

(Malayang talakayan….)

C. Gumamit ng mga halimbawa


Sa pamaksang pangungusap, tumutukoy ito sa
Halimbawa: pinaguusapan at sa pantulong na pangungusap ay
Pamaksa: Maraming kabataan ang nalululong sa iba't mga pangungusap na binubuo para bigyang linaw o
ibang bisyo. suporta ang pinaguusapan.

Pantulong: Ang ilan sa mga ito'y paninigarilyo,


pagsusugal, at paggamit ng bawal na gamot.

Ano nga ba pagkakaiba ng dalawa?

Tama! Sa pamaksang pangungusap, tumutukoy ito sa


pinaguusapan at sa pantulong na pangungusap ay mga
pangungusap na binubuo para bigyang linaw o suporta
ang pinaguusapan.

II. PAGNILAYAN AT UNAWAIN

A. PAGPAPALALIM

Gawain 4. ALAMIN! IBAHAGI!

PANUTO: Lagyan ng dalawang salungguhit ang


pamaksang pangungusap at isang salungguhit naman sa
pantulong na pangungusap.

1.
1. Ang pag-aaral ng wika ay mahalaga para sa
pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng
wika, mas malawak ang magiging kaalaman ng tao sa
kultura at tradisyon ng ibang bansa o komunidad.
magandang trabaho.

3. Ang pag-aalaga sa kalikasan ay nagbibigay ng malinis


na hangin, tubig at lupa na mahalaga sa kalusugan ng tao
at ng planeta. Ang kahalagahan ng kalikasan ay dapat
bigyang-pansin ng lahat.

4. Ang paninigarilyo ay nakakasama sa kalusugan. Ang


paninigarilyo ay nagdudulot ng mga sakit sa baga, puso,
at iba pang bahagi ng katawan.

5. Ang pagsunod sa tamang nutrisyon, regular na


ehersisyo, at pagkakaroon ng sapat na tulog ay
nakakatulong sa pagpapalakas ng kalusugan ng tao. Ang
pag-iingat sa kalusugan ay dapat bigyang-pansin ng
lahat.

6. Ang pang-aabuso sa droga ay nakakasira sa buhay ng


tao at ng kanilang pamilya. Ang pag-abuso sa droga ay
nagdudulot ng mga problema sa kalusugan, relasyon, at
karera.

7. Ang pagbibigay ng respeto sa karapatan ng bawat tao


ay nagbibigay ng kapanatagan at kapayapaan sa lipunan.
Ang respeto sa karapatan ng bawat tao ay dapat ipakita
sa lahat ng pagkakataon.

8. Ang pagpapasunod sa mga batas at regulasyon ay


nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa mga
mamamayan. Ang pagsunod sa mga batas at regulasyon
ay mahalaga para sa kaayusan ng lipunan.

9. Ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon ay


mahalaga sa anumang uri ng relasyon. Ang maayos na
komunikasyon ay nagbibigay ng pagkakaintindihan at
pagrespeto sa bawat isa.

10. Ang magandang asal ay nagbibigay ng pagpapakita ng


respeto, kahusayan at kabutihan ng loob sa bawat isa.
Ang pagkakaroon ng magandang asal ay nagpapakita ng
respeto sa ibang tao.

III. ILIPAT
A. Kasunduan

Sa isang buong papel, sumulat ng sanaysay na may pamagat na “ Buhay Mag-aaral”.


Isaalang-alang ang mga natutuhan sa paggamit ng pamaksang pangungusap at pantulong na mga
pangungusap.

Inihanda ni: Alyssa Joy R. Daproza Iniwasto ni: Gng. Belen Centino
Gurong Nagsasanay Suring Guro

You might also like