You are on page 1of 1

Ang Graph ay matatagpuan sa aralin sa matematika, agham at sibika.

Ito ay pagsasalarawan ng
mga nakalap na datos o impormasyon. Nagiging mas madali ang pagbibigay ng interpretasyon sa
mga nakalap na impormasyon dahil sa anyong palarawan. May iba’t ibang uri ng graph katulad ng
mga sumusunod:

1. Pie Graph

Ito ay gumagamit ng bilog na hugis na pinaghati-hati sa iba’t ibang bahagi upang kumatawan sa
kabuuan (100%). Ang bawat hati nito ay kumakatawan sa bawat bahagdan ng mga datos. Pie
graph din ay isa sa mga pinaka-karaniwang ginagamit na chart sapagkat ang mga ito ay simpleng
gamitin.

2. Line Graph

Ito ay ginagamit upang ipakita ang iba’t-ibang impormasyon at datos sa pamamagitan ng paggamit
ng mga linya. Ito ay ginamagamit upang ipakita ang pagtaas at pagbaba ng datos sa magkaibang
panahon o pangyayari.  Ipinapakita ng linya kung paano nagbabago ang bilang, dami o sukat ng
mga bagay o datos na ipinapakita sa grap.

3. Bar Graph

Ito ay gumagamit ng mga guhit na pahalang o pataas sa pagsasalarawan ng bawat bahagdan ng


mga datos. Ito ay ginagamit sa paghambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat. Nagpapakita ito
ng kaugnayan ng mga ideya o paghahambing ng magkaugnay na mga ideya.

4. Pictograph

Ito ay ang graph na gumagamit ng iba’t ibang mga larawan na sumisimbolo sa isang bilang upang
maihambing ang dami.

You might also like