You are on page 1of 30

Pagbuo ng

Elementong
Biswal
Pangkat 5
Layunin
• Nabibigyang Kahulugan ang mga elementong Biswal.

• Nailalapat ang pangkalahatang patnubay sa pagbuo ng


elementong biswal

• Naiisa-isa ang mga uri ng elementong biswal


•Paano nakakatulong
ang mga larawan sa
isang presentasyon?
Pagbuo ng Elementong Biswal

• Presentasyon ng mga ideya na


ginagamit upang maiparating ang
mensahe tungkol sa mas malawak na
datos sa paraang mabilis at mabisa.
•Mahalagang kagamitan sa sulating
teknikal ang mga biswal na elemento
na kinakailangan ng mga pigura,
dayagram, drowing, ilustrasyon, grap,
tsart, iskematik, mapa, litrato at
talahanayan.
Pangkalahatang
patnubay sa pagamit
ng mga biswal na
elemento
• Maglagay lamang ng mga
elementong biswal sa teknikal na
sulatin kung may dahilan kung bakit
kailangan ang mga ito. Kung hindi
tiyak kung bakit kailangan ito sa isang
papel huwag itong isama
•Ipaliwanag ang kahalagahan
ng lahat ng ginamit na
elementong biswal. Kailangan
ding isama ang interpretasyon
ng datos na inilahad.
•Tiyaking may
numero at pamagat
ang lahat ng biswal
• Tiyakin ding lahat ng biswal ay tuwirang
naglilinaw at nagpapaunlad sa diskusyon sa
teksto. Kailangang itahi ang paliwanag sa mga
ito sa diskusyon, hindi basta lamang inilalagay
ang mga ito. Ang mga pamagat ng mga
elementong biswal ay nararapat na akma sa
tinatalakay sa diskusyon.
• Gawan ng tamang dokumentasyon ang mga
elementong biswal na may copyright o iyong
mga nagtataglay ng mga ideyang hiniram.
Ilagay ang source line sa tabi ng numero at
pamagat ng biswal.
Mga uri ng
elementong biswal
Dayagram
• Ang mga dayagram ay mga drawing o dibuho na
nagpapakita ng mga component ng isang mekanismo, mga
hakbang ng isang proseso, o ng kaugnayan sa pagitan ng
mga bahagi ng isang Sistema.

• ang mga dayagram ay maaring maglarawan ng normal,


cutaway o exploded views ng isang mekanismo.
Grap
•Ang mga grap ay biswal na representasyon ng relasyon ng
mga numero o ng dami at proporsiyon ng matematikal na
halaga.

•Grap ang tawag sa sistematikong paglalarawan ng mga


etatistikal na impormasyon
• LINYANG GRAP
Uri ng grap
• Ginagamit upang Makita ang mga pagbabago at pagkakaunlad, ang
pag-angat, o pagbaba ng mga datos.

• Sa pababang axis inilalagay ang mga baryabol na nakapag-iisa at sa


pahalang na axis naman ang mga baryabol nahindi nakapag-iisa.

• Ang bawat linyang inilalagay sa linyang grap ay nagpapakita ng


pagbabago ng halagang alinaman sa mga baryabol.
Uri ng grap
•BAR O KOLUM GRAP

•Mahusay na kagamitan para sa paghahambing ng mga


baryabol tulad ng sukat, halaga ng ayttem, at iba pa.

•Gumagamit ng bar at kolum sa halip na linya dahil bawat


baryabol ay magkakahiwalay na aytem
PIE TSART
•Ginagamit ang pie tsart para ipakita ang
magkakaugnay na pagkakahati-hati ng
mga bahagi ng isang buo ma tumutukoy
sa particular na datos.
ISKEMATIKS

•Ito ay ang biswal na representasyon ng


estruktura ng isang Sistema o ng mga
pamamaraang kaugnay sa isang proseso.
Talahanayan

• Ang talahanayan o table ay sistematikong


pagsasaayos ng impormasyon sa mga kolum at
hanay.

• Talahanayan ang pinakamalinaw na paraan ng


paglalahad ng hanay ng datos.
MGA LITRATO
• Ang mga litrato ay mga biswal na nakarekord sa film o naka-
encode bilang datos na digital an esaktong nakopya ang itsura ng
mga bagay o pangyayari.

• Ginagamit ang mga ito sa mga sulating teknikal upang mapataas


ang interes, kredibila, at biswal na detalye ng anumang ulat-teknikal

• Nagbibigay ito ng kredibilad sa binabasa sa pamamagitan ng di-


berbal na impormasyon
Sa pagbuo ng mga elementong biswal, mahalaga ang pagpili ng
tamang mga larawan, grapiko, at iba pang mga elemento upang
magbigay-linaw at gawing kapana-panabik ang ating
presentasyon. Ang maayos na paggamit ng mga elementong
biswal ay nagpapalakas ng epekto ng ating mensahe at
nagbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa ng ating mga
tagapakinig. Sa pamamagitan ng mga ito, mas nagiging engaging
at memorable ang ating mga presentasyon, na nagpapabuti sa
pagpapalaganap ng impormasyon at ideya.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!!!

You might also like